Paghatol sa mga Huling Araw|Ang mga bunga at ang kinalabasan ng pagtanggi ng relihiyosong mundo sa gawain ng paghatol ng Diyos sa mga huling araw

Nauugnay na mga Salita ng Diyos:

Ang Cristo ng mga huling araw ay naghahatid ng buhay, at naghahatid ng walang maliw at magpakailanmang daan ng katotohanan. Ang katotohanang ito ay ang landas kung saan makakamit ng tao ang buhay, at ang tanging landas kung saan makikilala ng tao ang Diyos at masasang-ayunan ng Diyos. Kung hindi mo hahanapin ang daan ng buhay na ibinigay ni Cristo ng mga huling araw, sa gayon, hindi mo kailanman makukuha ang pagsang-ayon ni Jesus, at hindi kailanman magiging karapat-dapat pumasok sa pintuan ng kaharian ng langit, sapagka’t ikaw ay kapwa sunud-sunuran at bilanggo ng kasaysayan. Silang mga kontrolado ng mga tuntunin, ng mga titik, at nakagapos sa kasaysayan ay hindi kailanman makakamtan ang buhay, at hindi kailanman makakamtan ang walang hanggang daan ng buhay. Iyan ay dahil ang mayroon lang sila ay malabong tubig na di-umagos nang libu-libong mga taon, sa halip na ang tubig ng buhay na dumadaloy mula sa luklukan. Silang mga hindi nabigyan ng tubig ng buhay ay mananatiling mga bangkay magpakailanman, mga laruan ni Satanas, at mga anak ng impiyerno. Kung gayon, paano nila makikita ang Diyos? Kung sinusubukan mo lang na panghawakan ang nakaraan, sinusubukan lang na panatilihin ang mga bagay na walang pagbabago, at hindi sinusubukang baguhin ang nakasanayan at itapon ang kasaysayan, sa gayon hindi ka ba magiging laging salungat sa Diyos? Ang mga hakbang sa gawain ng Diyos ay malawak at makapangyarihan, tulad ng rumaragasang mga alon ng dagat at dumadagundong na mga kulog—nguni’t nakaupo at walang imik kang naghihintay ng pagkawasak, nananatili sa iyong kahangalan at walang ginagawa. Sa ganitong paraan, paano ka maituturing na isang tao na sumusunod sa mga yapak ng Cordero? Paano mo mapatutunayan na ang Diyos na kinakapitan mo ay isang Diyos na laging bago at hindi kailanman luma? At paano ka maihahatid ng mga salita sa iyong nanilaw na mga libro patawid sa panibagong kapanahunan? Paano ka papatnubayan ng mga ito sa iyong paghahanap ng mga hakbang sa gawain ng Diyos? At paano ka madadala ng mga ito paakyat sa langit? Ang hawak mo sa iyong mga kamay ay ang mga titik na magbibigay ng panandaliang ginhawa lang, hindi ang mga katotohanan na kayang magbigay ng buhay. Ang mga kasulatan na iyong nababasa ay ang mga makakapagpayaman lang ng iyong dila, hindi mga salita ng karunungan na makatutulong sa pag-unawa mo sa buhay ng tao, lalong hindi ang mga daan na makapaghahatid sa iyo sa pagkaperpekto. Ang pagkakaiba bang ito ay hindi nagdudulot sa iyo ng pagbubulay-bulay? Hindi ba nito naipapaunawa sa iyo ang mga hiwaga na sumasaloob dito? May kakayahan ka ba na dalhin ang iyong sarili sa langit upang makipagkita sa Diyos nang ikaw lang? Kung hindi dumating ang Diyos, kaya mo bang dalhin ang sarili mo sa langit upang matamasa ang kasayahan ng pamilyang kasama ang Diyos? Nananaginip ka pa rin ba ngayon? Imumungkahi Ko, sa gayon, na ihinto mo ang pananaginip, at tingnan kung sino ang gumagawa ngayon, at kung sino ang tumutupad sa gawain ng pagliligtas sa tao sa mga huling araw. Kung hindi mo gagawin, hindi mo kailanman makakamtan ang katotohanan, at hindi kailanman makakamtan ang buhay.

—mula sa “Tanging ang Cristo ng mga Huling Araw ang Makapagbibigay sa Tao ng Daan ng Buhay na Walang Hanggan” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Silang mga nagnanais na makamtan ang buhay nang hindi umaasa sa katotohanan na sinambit ni Cristo ay ang mga pinakahibang na tao sa mundo, at silang mga hindi tumatanggap ng daan ng buhay na inihatid ni Cristo ay mga ligaw sa guni-guni. At sa gayon sinasabi Ko na ang mga tao na hindi tumatanggap sa Cristo ng mga huling araw ay magpakailanmang kamumuhian ng Diyos. Si Cristo ay ang daanan ng tao patungo sa kaharian sa mga huling araw, na walang sinuman ang makakalampas. Walang sinuman ang maaaring gawing perpekto ng Diyos kundi sa pamamagitan ni Cristo lang. Naniniwala ka sa Diyos, at sa gayon dapat mong tanggapin ang Kanyang mga salita at sumunod sa Kanyang paraan. Hindi mo dapat isipin lang ang pagtanggap ng mga pagpapala nang hindi tumatanggap ng katotohanan, o tinatanggap ang tustos ng buhay. Dumarating si Cristo sa mga huling araw upang lahat ng tunay na naniniwala sa Kanya ay maaaring mabigyan ng buhay. Ang Kanyang gawain ay para sa pagtatapos ng lumang kapanahunan at ang pagpasok sa isang bago, at ito ang landas na dapat tahakin ng lahat ng papasok sa bagong kapanahunan. Kapag wala kang kakayahang kilalanin Siya, at bagkus ay isinusumpa, nilalapastangan, o inuusig pa Siya, kung gayon nakatakda kang masunog magpakailanman, at hindi kailanman makakapasok sa kaharian ng Diyos. Dahil ang Cristong ito ay ang Mismong pagpapahayag ng Banal na Espiritu, ang pagpapahayag ng Diyos, ang Siyang pinagkatiwalaan na ng Diyos na gumawa sa Kanyang gawain sa lupa. At sa gayon ay sinasabi Ko na kung hindi mo matatanggap ang lahat ng ginagawa ng Cristo ng mga huling araw, kung gayon lumalapastangan ka sa Banal na Espiritu. Ang ganti na dapat pagdusahan ng mga lumalapastangan sa Banal na Espiritu ay maliwanag sa lahat. Sinasabi Ko rin sa iyo na kapag lumaban ka sa Cristo ng mga huling araw, at ipagkaila Siya, walang sinuman kung gayon ang makapagpapasan sa mga kahihinatnan para sa iyo. Bukod pa rito, simula sa araw na ito hindi ka magkakaroon ng isa pang pagkakataon upang makamtan ang pagsang-ayon ng Diyos; kahit na subukin mo pang tubusin ang iyong sarili, hindi mo kailanman muling makikita ang mukha ng Diyos. Sapagka’t ang iyong kinakalaban ay hindi isang tao, ang iyong itinatakwil ay hindi isang mahinang nilalang, kundi si Cristo. Alam mo ba ang kahihinatnan nito? Hindi isang maliit na pagkakamali ang iyong ginawa, kundi isang karumal-dumal na krimen. At sa gayon, ipinapayo Ko sa lahat na huwag ilabas ang inyong mga pangil laban sa katotohanan, o gumawa ng bulagsak na mga pamumuna, dahil ang katotohanan lang ang makapagdadala sa iyo ng buhay, at wala kundi ang katotohanan ang makapagpapahintulot na maipanganak kang muli at makita ang mukha ng Diyos.

—mula sa “Tanging ang Cristo ng mga Huling Araw ang Makapagbibigay sa Tao ng Daan ng Buhay na Walang Hanggan” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Maraming may di-kasiya-siyang damdamin tungkol sa ikalawang pagkakatawang-tao ng Diyos, dahil mahirap para sa tao na paniwalaan na ang Diyos ay magkakatawang-tao upang gawin ang paghatol. Gayunpaman, kailangang sabihin Ko sa iyo na kadalasan ang gawain ng Diyos ay lumalampas nang labis sa mga inaasahan ng tao at mahirap para sa mga isipan ng mga tao na tanggapin. Sapagka’t ang mga tao ay mga uod lamang sa lupa, samantalang ang Diyos ay ang kataas-taasang Isa na pumupuno sa sansinukob; ang isipan ng tao ay katulad lamang ng isang balon ng maruming tubig na nagdudulot lamang ng mga uod, samantalang ang bawat yugto ng gawain na pinapatnubayan ng mga kaisipan ng Diyos ay pagdadalisay ng karunungan ng Diyos. Patuloy na hinahangad ng tao na makipaglaban sa Diyos, kung saan ay sinasabi Ko na hayag na hayag kung sino ang magdurusa ng kawalan sa katapusan. Ipinapayo Ko sa inyong lahat na huwag ninyong ipalagay ang inyong mga sarili na mas mahalaga kaysa ginto. Kung kaya ng iba na tanggapin ang paghatol ng Diyos, kung gayon bakit hindi mo kaya? Gaano ka na ba kataas kaysa iba? Kung kaya ng iba na magyuko ng ulo sa harap ng katotohanan, bakit hindi mo rin magawa ang ganoon? Ang gawain ng Diyos ay mayroong hindi-mahahadlangang bilis ng pagtakbo. Hindi na Niya uulitin ang gawain ng paghatol dahil lang sa “kontribusyon” na nagawa mo, at labis kang magsisisi dahil pinalagpas mo ang gayon kagandang pagkakataon. Kung hindi mo pinaniniwalaan ang Aking mga salita, kung gayon maghintay ka na lamang sa malaking puting luklukan sa langit na magpasa ng paghatol sa iyo! Kailangang malaman mo na lahat ng Israelita ay tinanggihan at itinatwa si Jesus, at gayunman ang katunayan ng pagtubos ni Jesus sa sangkatauhan ay lumaganap pa rin hanggang sa mga dulo ng sansinukob. Hindi ba ito isang realidad na matagal nang ginawa ng Diyos? Kung naghihintay ka pa rin kay Jesus na dalhin ka paakyat sa langit, kung gayon ay sinasabi Ko na isa kang sutil na piraso ng tuyong kahoy.[a] Hindi kikilalanin ni Jesus ang isang huwad na tagasunod na kagaya mo na hindi tapat sa katotohanan at naghahangad lamang ng mga biyaya. Sa kabaligtaran, hindi Siya magpapakita ng awa sa paghahagis sa iyo sa lawa ng apoy upang masunog sa loob ng sampu-sampung libong taon.

—mula sa “Ginagawa ni Cristo ang Gawain ng Paghatol sa Pamamagitan ng Katotohanan” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Hindi gusto ng Diyos na mas maraming tao ang maparusahan, bagkus ay umaasa na mas maraming tao ang maligtas, at mas maraming tao ang makasabay sa mga yapak Niya at makapasok sa kaharian Niya. Nguni’t kung tumatanggi ang mga tao na kilalanin ang mga pagkakamali nila, kung hindi nila matatanggap ang katotohanan nang may mapagpakumbabang puso, subali’t sa halip ay namumuna, naghahanap ng mali at nagkukunwaring nakakaunawa gayong hindi naman talaga, sa gayon sila ang mga mawawalan sa huli. Hindi naghihintay kaninuman ang gawain ng Diyos. Ang pagliligtas Niya ay hindi tulad ng ilang piraso ng basura, na basta-basta itinatapon kahit kanino lang. Bagkus ito ay tinutudla, na may layon at pagpili. Kung hindi mo alam na pahalagahan ito, kung gayon ang tanging naghihintay sa iyo ay ang matuwid na paghatol at kaparusahan ng Diyos. Trinatrato ng Diyos ang lahat ng tao nang may pagkamatuwid; anuman ang edad mo, gaano ka man katanda o kahit na gaano karaming pagdurusa ang napagdaanan mo na, ang matuwid na disposisyon ng Diyos ay di-nababago magpakailanman sa harap ng mga bagay na ito. Hindi trinatrato ng Diyos ang sinuman nang may mataas na pagkilala, ni pinapaboran Niya ang sinuman. Ang Kanyang saloobin tungo sa mga tao ay batay sa kung natatanggap nila ang katotohanan o hindi at tinatanggap ang Kanyang bagong gawain sa pamamagitan ng pagbitaw sa lahat ng mga bagay. Kung natatanggap mo ang Kanyang bagong gawain at tinatanggap ang katotohanan na Kanyang ipinapahayag, kung gayon makakaya mong kamtin ang pagliligtas ng Diyos. Kung ikaw ay mapagmataas sa iyong beteranong katayuan at ipinagmamalaki mo ang iyong katandaan, naglalatag ng mga kondisyon sa Diyos, kung gayon ikaw ay itatatwa mula sa pagliligtas ng Diyos. Katulad lamang ng mga Judio, na hindi matanggap si Jesucristo kundi naghintay lamang para sa Mesias, ang bumagsak sa kanila sa huli ay ang sumpa at ang galit ng Diyos; ito ay isang katunayan na nariyan para makita ng lahat. …

… Ang kaalaman at panlabas na mga pag-uugali ng mga Fariseo ay hindi nagligtas sa kanilang relasyon kay Jesucristo. Sa kabaligtaran, napinsala sila nito, at ang kanilang kaalaman at mga pagkaintindi, kasama ang larawan ng Diyos sa kanilang mga puso, ang nagbunsod sa kanila na kondenahin ang Panginoong Jesus. Ang kanilang mga imahinasyon at isipan ang nagligaw sa kanila, na nagtakip sa kanilang mga espirituwal na mata, nagsanhi na hindi nila makilala ang Mesias na nakarating na, na gawin ang lahat ng kaya nila para maghanap ng ebidensiya at makamtan ang isang panghahawakan upang kondenahin ang Panginoong Jesus. Ito ang kanilang pangit na mukha—ginagamit na dahilan ang pagtataguyod sa orihinal na gawain ng Diyos upang kondenahin ang makatotohanang gawain ng Diyos sa kasalukuyan. Siyempre, ito ay isang kamalian na malamang magawa ng mga taong nabubuhay sa anumang kapanahunan—ang paggamit ng mga lumang doktrina at tuntunin upang sukatin at kondenahin ang mga katotohanan na hindi pa nila kailanman napakinggan, iniisip na sila ay nakakapit sa totoong daan at pinananatili ang kanilang kadalisayan sa harap ng Diyos, na sila ay nagiging tapat sa Diyos. Subali’t ano ang mga katunayan? Patuloy na ginagawa ng Diyos ang Kanyang bagong gawain, ipinagpapatuloy ang Kanyang pamamahala, palaging bago at hindi luma kailanman. At paano naman ang mga tao? Lagi silang nakahawak nang mahigpit sa ilang makalumang bagay na iniisip nila na kabuuan ng mga pahayag ng Diyos, pinupuri ang kanilang mga sarili, namimintog sa pagmamataas, hinihintay ang Diyos na magkaloob sa kanila ng mga gantimpala na may saloobin na naniniwalang hindi sila kailanman itatapon ng Diyos, hindi sila kailanman tratratuhin nang hindi patas. At ano ang kinalabasan? Nagpapatuloy ang gawain ng Diyos na di-nahahadlangan, na may mas maraming tao ng bagong kapanahunan na sumusunod sa Kanya at tumatanggap sa Kanyang bagong gawain, habang ang mga naghihintay sa Diyos na magkaloob ng mga gantimpala sa kanila ay inaalis ng bagong gawain ng Diyos, at higit pang maraming tao ang nahuhulog sa kaparusahan ng Diyos. Sa sandaling nag-uumpisa ang kanilang kaparusahan, ang kanilang buhay na naniniwala sa Diyos ay tapos na, at ang kanilang katapusan, at kanilang hantungan, ay natapos na. Hindi ito isang bagay na nais ninuman na makita, nguni’t ito ay nangyayari na di-namamalayan sa harap ng ating mga mata. Kung gayon ito ba ay dahil sa pagiging walang-awa ng disposisyon ng Diyos, o ito ay dahil sa ang paghahanap ng mga tao ang may mali? Hindi ba talagang mahalaga na lubusang suriin ng sangkatauhan ang kanilang mga sarili?

—mula sa Pangwakas na Pananalita sa Mga Klasikong Halimbawa ng Kaparusahan sa Paglaban sa Makapangyarihang Diyos

Talababa:

a. Isang piraso ng tuyong kahoy: isang kawikaang Tsino, ibig sabihin “walang pag-asa.”

Write a comment

Comments: 0