Tungkol sa kung bakit kailangang dalawang beses magkatawang-tao ang Diyos para gawin ang gawain ng pagliligtas sa sangkatauhan, linawin muna natin: Tungkol sa kaligtasan ng sangkatauhan, ang dalawang pagkakatawang-tao ng Diyos ay may malalim at malawak na kahulugan.
Mahalaga ang tinanong ninyo. Alam nating lahat na nabubuhay tayo sa dulong yugto ng mga huling araw. Iprinopesiya noon ng Panginoong Jesus: “At dahil sa pagsagana ng katampalasanan, ang pagibig ng marami ay lalamig” (Mateo 24:12).