· 

Ang Tiwaling Sangkatauhan ang Mas Nangangailangan ng Pagliligtas ng Diyos na Nagkatawang-tao | Sipi 118


 

Nagkatawang-tao ang Diyos dahil ang pakay ng Kanyang gawain ay hindi ang espiritu ni Satanas, o anumang walang materyal na katawan, kundi ang tao, na may katawan at ginawang tiwali ni Satanas. Ito ay tiyak na dahil ang laman ng tao ay naging tiwali kaya ginawa ng Diyos ang taong maka-laman na pakay ng Kanyang gawain; bukod dito, sapagka’t ang tao ay ang pakay ng katiwalian, ginawa Niya ang tao na tanging layon ng Kanyang gawain sa lahat ng mga yugto ng Kanyang gawain ng pagliligtas. Ang tao ay isang nilalang na may kamatayan, na may katawan at dugo, at ang Diyos lamang ang tanging Isa na maaaring magligtas sa tao. Sa ganitong paraan, ang Diyos ay dapat maging isang katawang-tao na nagtataglay ng parehong mga katangian bilang tao upang gawin ang Kanyang gawain, upang makamit ng Kanyang gawain ang mas mahusay na mga epekto. Kailangang maging katawang-tao ang Diyos upang gawin ang Kanyang gawain dahil ang tao ay sa laman, at hindi kayang pagtagumpayan ang kasalanan o alisin ang sarili sa laman. Kahit na ang diwa at pagkakakilanlan ng Diyos na nagkatawang-tao ay malaki ang pagkakaiba mula sa diwa at pagkakakilanlan ng tao, gayon pa man ang Kanyang hitsura ay kapareho ng tao, nasa Kanya ang hitsura ng isang pangkaraniwang tao, at namumuhay ng isang karaniwang tao, at yaong mga makakakita sa Kanya ay walang makikitang pagkakaiba sa isang karaniwang tao. Ang karaniwang hitsurang ito at normal na pagkatao ay sapat para sa Kanya na gawin ang Kanyang maka-Diyos na gawain sa normal na pagkatao. Ang Kanyang katawang-tao ay nagbibigay-daan sa Kanya na gawin ang Kanyang gawain sa normal na pagkatao, at tumutulong sa Kanya na gawin ang Kanyang gawain sa gitna ng tao, at ang Kanyang normal na pagkatao, bukod doon, ay tumutulong sa Kanya na isagawa ang gawain ng pagliligtas sa gitna ng tao. Kahit na ang Kanyang normal na pagkatao ay naging sanhi ng malaking kaguluhan sa gitna ng tao, ang ganoong kaguluhan ay hindi nakaapekto sa karaniwang mga bunga ng Kanyang gawain. Sa madaling salita, ang gawain ng Kanyang normal na katawang-tao ay may sukdulang pakinabang sa tao. Kahit na karamihan sa mga tao ay hindi tinatanggap ang Kanyang normal na pagkatao, ang Kanyang gawain ay maaari pa ring maging mabisa, at ang mga epekto na ito ay nakakamit salamat sa Kanyang normal na pagkatao. Ito ay walang pag-aalinlangan. Mula sa Kanyang gawain sa katawang-tao, ang tao ay makakatamo ng sampung beses o dose-dosenang beses na higit na mga bagay kaysa sa mga pagkaintindi na umiiral sa gitna ng tao tungkol sa Kanyang normal na pagkatao, at ang ganoong mga pagkaintindi sa huli ay dapat na lahat ay malulon ng Kanyang gawain. At ang epekto na nakamit ng Kanyang gawain, na ang ibig sabihin, ang kaalaman ng tao tungo sa Kanya, ay mas maraming beses kaysa ang mga pagkaintindi ng tao tungkol sa Kanya. Walang paraan upang isipin o sukatin ang gawain na ginagawa Niya sa katawang-tao, dahil ang Kanyang katawang-tao ay hindi katulad ng sinumang taong maka-laman; kahit na ang panlabas na balat ay magkapareho, ang sangkap ay hindi pareho. Ang Kanyang katawang-tao ay gumagawa ng maraming mga pagkaintindi sa gitna ng tao tungkol sa Diyos, gayon pa man ang Kanyang katawang-tao ay maaari ring payagan ang tao upang makakuha ng maraming kaalaman, at maaari ring lupigin ang sinumang tao na nagmamay-ari ng isang katulad na panlabas na balat. Dahil Siya ay hindi lamang isang tao, kundi ang Diyos na may panlabas na balat ng isang tao, at walang maaaring ganap na tarukin o makaintindi sa Kanya. Ang isang hindi nakikita at hindi mahipo na Diyos ay minamahal at tinatanggap ng lahat. Kung ang Diyos ay isa lamang Espiritu na hindi nakikita ng tao, napakadali para sa tao na maniwala sa Diyos. Ang tao ay maaaring magbigay ng walang patumangga sa kanyang imahinasyon, maaaring pumili ng kahit anong imahe na gusto niya bilang imahe ng Diyos upang malugod ang kanyang sarili at gawing masaya ang kanyang sarili. Sa ganitong paraan, maaaring gawin ng tao ang anuman na pinaka-kasiya-siya sa kanyang sariling Diyos, at na kung saan ang Diyos na ito ay pinakahanda na gawin, nang walang anumang pag-aalinlangan. Higit pa rito, ang tao ay naniniwala na walang sinuman ang mas tapat at masipag kaysa kanya sa kabanalan sa Diyos, at na ang lahat ng iba ay mga asong Gentil, at mga di-matapat sa Diyos. Maaaring sabihin na ito ang hinahangad ng mga malabo at batay sa doktrina ang paniniwala sa Diyos; ang kanilang hinahanap ay lahat ng higit na magkakapareho, na may kaunting pagkakaiba. Ito lamang dahil sa ang mga imahe ng Diyos sa kanilang mga imahinasyon ay naiiba, ngunit ang kanilang diwa ay tunay na pareho.

 

Hinango mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

 

Kailangan ng Masamang Sangkatauhan ang Pagliligtas ng Nagkatawang-taong Diyos

 

 

Diyos naging tao dahil pakay ng gawain N’ya ay ‘di espiritu ni Satanas, ni anumang ‘di, ‘di ng laman, pero ng tao. Pinasama ni Satanas laman ng tao’t naging pakay ng gawain ng Diyos. Ang lugar ng kaligtasan ng Diyos ay tao, ay tao. Ang tao ay isang mortal, tanging laman at dugo, Diyos lang makapagliligtas sa kanya. Dapat taglayin ng Diyos katawang-tao, upang gawin ang Kanyang gawain, makamit pinakamagandang resulta. Dapat taglayin ng Diyos katawang-tao, dahil tao’y laman, na ‘di kayang daigin ang kasalanan. Dapat taglayin ng Diyos katawang-tao, dahil tao’y laman, na ‘di kayang palayain sarili sa pagkaalipin ng laman.

 

 

Pinasama ni Satanas ang laman ng tao, na malubhang napinsala at nabulag. At ang dahilan bakit dumarating ang Diyos, ang dahilan bakit dumarating Siya sa laman ay dahil ang tao’y pakay ng Kanyang pagliligtas, at ginugulo ni Satanas gawain ng Diyos gamit ang laman, ang laman ng tao, ng tao. Kinakalaban ng Diyos si Satanas sa paglupig sa tao, kasabay ng pagliligtas sa tao. Sa ganitong paraan ang Diyos Mismo ay dapat magkatawang-tao, upang magawa Kanyang gawain, upang magawa Kanyang gawain. Si Satanas ay may masamang laman, nanahan ito sa laman ng tao at dapat siyang talunin ng Diyos. Upang labanan si Satanas at iligtas ang tao, dapat pumarito ang Diyos sa lupa’t maging tao. Ito’y tunay na gawain.

 

 

Pag gumawa ang Diyos sa katawang-tao talagang lumalaban S’ya kay Satanas. Ang Kanyang gawain sa mundo ng espiritu ay nagiging praktikal, ito ay totoo sa lupa, sa tao. Ang nilulupig ng Diyos ay ang masuwaying tao, habang sa tao ang diwa ni Satanas ay natalo, at sa huli ang nailigtas ay tao, ay tao. Kinakailangan ng Diyos na maging isang tao at gumamit ng anyo ng tao, upang labanan si Satanas at lupigin ang sangkatauhan, na mapanghimagsik sa kanyang anyong tao. Kinakailangan ng Diyos na maging isang tao at gumamit ng anyong tao, upang iligtas sangkatauhan na gumagamit ng parehong panlabas na anyo, ngunit napinsala ni Satanas, na napinsala ni Satanas. Ang tao ay kaaway ng Diyos, dapat siyang lupigin ng Diyos. Ang tao ay pakay ng pagliligtas ng Diyos; Dapat taglayin ng Diyos katawang-tao, at maging tao. Sa paraang ito mas napapadali Kanyang gawain. Matatalo ng Diyos si Satanas, malulupig ng Diyos ang tao, maililigtas ng Diyos ang sangkatauhan.

 

mula sa Sumunod sa Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin

 

________________________________

 

Alam mo ba kung bakit mahalaga ang kaligtasan? Paano natin makakamit ang walang hanggang kaligtasan? Ang artikulong ito ay magbibigay ng sagot sa iyo.

Kung gusto mong matuto nang higit pa, maaari kang makipag-ugnay sa amin sa pamamagitan ng Messenger anumang oras!