· 

Kung Walang Pagkain, Ano ang Dapat Nating Gawin sa Sakuna?

 

Nang ang Panginoong Jesus ay nag-aayuno sa ilang sa loob ng 40 na araw at mga gabi, na nahaharap sa tukso ni Satanas ay sinabi Niya, "Hindi sa tinapay lamang mabubuhay ang tao, kundi sa bawa't salitang lumalabas sa bibig ng Dios" (Mateo 4:4).

 

Sabi ng Makapangyarihang Diyos, "Ngayon, sa tinapay lamang ba nabubuhay ang tao? Ang Panginoong Jesus ay nag-ayuno sa loob ng 40 araw at gabi. Namatay ba siya sa gutom? (Hindi.) Hindi Siya namatay sa gutom, kaya nilapitan Siya ni Satanas, inuudyukan Siya na gawing pagkain ang mga bato sa pamamagitan ng pagsasabi ng mga ganitong klaseng bagay: “Kung gagawin Mong pagkain ang mga bato, hindi ba’t magkakaroon Ka na ng makakain? Hindi ba’t hindi Mo na kailangang mag-ayuno, hindi na kailangang magutom?” Ngunit sinabi ng Panginoong Jesus, “Hindi sa tinapay lamang mabubuhay ang tao,” na nangangahulugang, kahit na ang tao ay naninirahan sa pisikal na katawan, ang nagpapahintulot sa pisikal na katawan na mabuhay at huminga ay hindi pagkain, kundi lahat ng salitang binigkas ng bibig ng Diyos. Sa isang banda, tinitingnan ng tao ang mga salitang ito bilang katotohanan. Ang mga salita ay nagbibigay sa kanya ng pananampalataya, ipinadarama sa kanya na maaari siyang dumepende sa Diyos, na ang Diyos ay katotohanan. Sa kabilang banda, mayroon bang isang praktikal na aspeto sa mga salitang ito? Hindi ba’t ang Panginoong Jesus ay nakatayo pa rin doon at buhay pa pagkatapos nag-ayuno sa loob ng 40 araw at gabi? Hindi ba ito isang paglalarawan? Hindi Siya kumain ng kahit anumang pagkain sa loob ng 40 araw at gabi. Buhay pa rin Siya. Ito ang makapangyarihang ebidensya sa likod ng Kanyang kataga. Ang kataga ay simple, ngunit, para sa Panginoong Jesus, may nagturo ba sa Kanya ng katagang ito na mula sa Kanyang puso, o inisip lamang ba Niya ito dahil sa sinabi sa Kanya ni Satanas? Sa ibang paraan ng pagsasabi, ang Diyos ay katotohanan, at ang Diyos ay buhay, ngunit ang katotohanan at buhay ba ng Diyos ay isang huling pandagdag lamang? Iyon ba ay mula sa karanasan? Hindi, ito ay likas sa Diyos. Na ang ibig sabihin, ang katotohanan at buhay ay diwa ng Diyos. Anuman ang sapitin Niya, ang Kanyang ibinubunyag ay katotohanan. Ang katotohanang ito, ang katagang ito—maging ang nilalaman nito ay mahaba o maikli—kaya nitong pahintulutang mabuhay ang tao, magbigay sa kanya ng buhay; tulungan siyang makahanap, sa kanyang sarili, ng katotohanan, ng kalinawan tungkol sa landas ng buhay ng tao, at tulungan siyang magkaroon ng pananampalataya sa Diyos."

 

Mula sa mga salita ng Diyos, makikita natin na ang ating buhay ay hindi napananatili ng pagkain lamang, ngunit sa pamamagitan ng salita ng Diyos. Hangga't pumupunta tayo sa harap ng Makapangyarihang Diyos, makikinig sa Kanyang mga salita, at kumikilos ayon sa Kanyang mga salita upang makamit ang tunay na pagsunod at pagsamba sa Diyos, bibigyan tayo ng Diyos ng ating kailangan. Kung nakikita lamang natin ang kahalagahan ng pagkain, ngunit hindi natin nakikita ang awtoridad at kapangyarihan ng buhay ng mga salita ng Diyos, hindi tayo makakakamit ng pangangalaga at proteksyon ng Diyos.

 

_________________________________________________

 

Ang Salita ng Diyos ay buhay at mabisa. Narito ang mga piling teksto, mga audio, at mga video ng salita ng Diyos tungkol sa buhay upang matulungan kang matamo ang buhay mula sa Diyos.