· 

Mga Salita ng na Makapangyarihang Diyos | Ang mga Paglabag ay Magdadala sa Tao sa Impiyerno

 

Nabigyan Ko na kayo ng maraming babala at nagkaloob sa inyo ng maraming katotohanan upang lupigin kayo. Sa kasalukuyan nararamdaman ninyo na mas pinayaman kaysa sa kalagayan ninyo noong nakaraan, naiintindihan ang maraming prinsipyo tungkol sa kung paano dapat magpakatao, at taglay ang napakaraming sentido kumon na dapat taglayin ng mga taong tapat. Ito ang inyong natamo sa loob ng maraming taon ngayon. Hindi Ko ikinakaila ang inyong mga nagawa, nguni’t kailangan Kong sabihin nang tapat na hindi Ko rin ikinakaila ang inyong napakaraming mga pagsuway at mga paghihimagsik laban sa Akin sa maraming mga taon na ito, sapagka’t walang isa mang banal sa inyo, lahat kayo ay mga taong ginawang tiwali ni Satanas, at mga kaaway ni Kristo. Ang inyong mga paglabag at ang inyong mga pagsuway hanggang sa kasalukuyan ay hindi mabilang, kaya hindi talaga nakapagtataka na palagi Kong inuulit ang Sarili Ko sa harap ninyo. Ayaw Kong mabuhay sa ganitong paraan kasama ninyo, nguni’t para sa kapakanan ng inyong mga kinabukasan, para sa kapakanan ng inyong mga hantungan, muli Kong babalikan dito kung ano ang Aking nasabi na. Umaasa Ako na pagtitiyagaan ninyo Ako, at higit pa Akong umaasa na magagawa ninyong maniwala sa bawat salita na Aking sinasabi, at higit pa, na inyong mahinuha ang malalim na mga pagpapahiwatig ng Aking mga salita. Huwag magduda tungkol sa kung ano ang Aking sinasabi, o ang mas matindi pa rito, pulutin ang Aking mga salita ayon sa inyong inaasam at basta-basta na lamang itatapon ang mga ito, na sa tingin Ko ay hindi mapagtitiisan. Huwag mong hatulan ang Aking mga salita, at lalong huwag balewalain, o sabihin na lagi kitang tinutukso, o ang mas malala pa, sabihin na ang nasabi Ko na sa inyo ay hindi tumpak. Ang mga bagay na ito ay hindi Ko matatagalan. Sapagka’t itinuturing ninyo Ako at itinuturing kung ano ang Aking sinasabi nang may gayong paghihinala at hindi kailanman ito tinatanggap, sinasabi Ko sa bawat isa sa inyo nang buong kaseryosohan: Huwag ninyong iugnay ang Aking sinasabi sa pilosopiya, huwag isama ito sa mga kasinungalingan ng mga nagmamarunong, at higit pa, huwag kayong tumugon sa Aking mga salita nang may paghamak. Marahil ay walang sinuman sa hinaharap ang makapagsasabi sa inyo ng kung ano ang sinasabi Ko sa inyo, o nagsasalita nang masyadong pabor sa inyo, mas lalong hindi na ipaliliwanag sa inyo ang mga puntong ito nang ganito katiyaga. Ang mga araw na darating ay magugugol sa pag-alala sa masasayang panahon, o sa pag-iyak nang malakas, o pagdaing sa sakit, o kayo ay mabubuhay sa madidilim na gabi nang wala ni kapirasong katotohanan o buhay na inilaan, o naghihintay na lamang nang walang pag-asa, o sa gayong kapait na panghihinayang na kayo ay hindi napapaliwanagan …. Ang alternatibong mga posibilidad na ito ay totoong hindi matatakasan ng sinuman sa inyo. Sapagka’t walang sinuman sa inyo ang nasa isang upuan kung saan talagang sinasamba ninyo ang Diyos; inilulubog ninyo ang inyong mga sarili sa mundo ng kahalayan at kasamaan, inihahalo sa inyong mga paniniwala, tungo sa inyong mga espiritu, mga kaluluwa, at mga katawan, napakaraming bagay na walang kinalaman sa buhay at katotohanan at sa totoo lang ay paglaban sa mga ito. Kaya ang inaasahan Ko sa inyo ay na madadala kayo sa daan ng liwanag. Ang Aking tanging pag-asa ay na nagagawa ninyong alagaan ang inyong mga sarili, nagagawa ninyong ingatan ang inyong mga sarili, hindi labis na nagtutuon sa inyong hantungan kaya inyong nababalewala ang inyong pag-uugali at mga paglabag.

 

Ang mga tao na naniniwala sa Diyos sa mahabang panahon ngayon ay umaasa para sa isang magandang hantungan, lahat ng mga taong naniniwala sa Diyos ay umaasa na biglang darating sa kanila ang mabuting kapalaran, at silang lahat ay umaasa na bago pa nila malaman ito ay payapa nilang masusumpungan ang kanilang mga sarili na nakaupo sa isang lugar o sa isa pa sa langit. Nguni’t Aking sinasabi na ang mga taong ito sa kanilang magagandang saloobin ay hindi kailanman nakaalam na kung mayroon silang katangian upang tumanggap ng gayong kagandang kapalaran na bumabagsak mula sa langit, o maupo sa isang upuan sa langit. Kayo sa kasalukuyan ay mayroong mabuting kaalaman sa inyong mga sarili, nguni’t umaasa pa rin kayo na matatakasan ninyo ang mga sakuna ng mga huling araw at ang kamay ng Makapangyarihan sa lahat na nagpaparusa sa masasama. Para bang ang pagkakaroon ng matamis na mga pangarap at ang paghahangad ng isang maalwang buhay ay isang karaniwang katangian ng lahat ng tao na nagawang tiwali na ni Satanas, hindi bunga ng katalinuhan ng nag-iisang tao. Magkagayunman, nais Ko pa ring wakasan ang inyong malabis na mga pagnanasa at ang inyong kasabikan na magkamit ng mga biyaya. Sabihin pa na ang inyong mga paglabag ay napakarami at ang mga katunayan ng inyong pagsuway ay napakarami at parami pa nang parami, paano aakma ang mga ito sa inyong magagandang plano para sa hinaharap? Kung nais mong magpatuloy gaya ng iyong gusto na nasa kamalian, nang walang pumipigil sa iyo, nguni’t nais pa ring matupad ang mga pangarap, kung gayon ay hinihimok kita na magpatuloy sa iyong kawalang-malay at huwag nang magising kailanman, sapagka’t ang sa iyo ay isang hungkag na pangarap, at hindi magsisilbi upang magpalibre sa iyo sa harap ng matuwid na Diyos. Kung nais mo lamang na matupad ang mga pangarap, kung gayon huwag mangarap kailanman, kundi magpakailanmang harapin ang katotohanan, harapin ang mga katunayan. Iyon ang tanging paraan para maligtas ka. Ano ang mga hakbang ng pamamaraang ito sa kongkretong mga pananalita?

 

Una, magsagawa ng pagsisiyasat ng lahat ng iyong mga paglabag, at siyasatin ang lahat ng iyong pag-uugali at mga saloobin na hindi umaayon sa katotohanan.

 

Ito ay isang bagay na madali ninyong magagawa, at Ako ay naniniwala na kaya itong gawin ng mga taong nag-iisip. Gayunman, yaong mga tao na hindi kailanman naiintindihan kung ano ang kahulugan ng paglabag at katotohanan ay mga di-kabilang, sapagka’t sa pangunahin sila ay mga taong hindi nag-iisip. Nakikipag-usap Ako sa mga taong sinasang-ayunan ng Diyos, mga matapat, na hindi lubhang nagkasala sa mga atas administratibo, at madaling masusumpungan ang kanilang sariling mga paglabag. Bagama’t ito ay isang bagay na Aking kinakailangan sa inyo na madali para sa inyo, hindi ito ang tanging bagay na kinakailangan Ko sa inyo. Anuman ang mangyari, Ako ay umaasa na hindi kayo tatawa nang patago sa kinakailangan na ito, o higit pa, na hindi ninyo ito hahamakin o babalewalain. Seryosohin ninyo ito, at huwag kalimutan.

 

Ikalawa, para sa bawat paglabag at pagsuway mo maghanap ng isang katumbas na katotohanan at gamitin ang mga katotohanang ito upang lutasin ang mga iyon, pagkatapos ay palitan ang iyong mga kilos na lumalabag at masuwaying mga saloobin at mga kilos ng pagsasagawa ng katotohanan.

 

Ikatlo, maging isang matapat na tao, hindi isa na palaging nagmamarunong, palaging tuso. (Dito ay muli Kong hinihingi sa iyo na maging isang matapat na tao.)

 

Kung matutupad mo lahat ang tatlong bagay na ito kung gayon ikaw ay mapalad, isang tao na natutupad lahat ang pangarap at nagkakaroon ng mabuting kapalaran. Marahil ay pakikitunguhan ninyo ang tatlong hindi kahali-halinang mga kahilingang ito nang seryoso, o marahil pakikitunguhan ang mga ito nang basta na lang. Kung anuman, ang Aking layunin ay upang tuparin ang inyong mga pangarap, isagawa ang inyong mga mithiin, hindi ang pagtawanan kayo o gawin kayong tanga.

 

Maaaring ang Aking mga hinihingi ay simple lamang, nguni’t kung ano ang sinasabi Ko sa inyo ay hindi napakasimple kagaya ng isa dagdagan ng isa ay katumbas ng dalawa. Kung ang ginagawa lamang ninyo ay basta na lamang nagsasalita tungkol dito, nagpapaliguy-ligoy sa hungkag at mataas-ang-tunog na mga pangungusap, kung gayon ang inyong mga plano at inyong mga inaasam ay magiging isang pangarap na lamang magpakailanman. Hindi Ako makakaramdam ng habag sa inyo na nagdurusa sa maraming taon at nagpapagal nang husto nang walang napapala. Sa halip, pinakikitunguhan Ko yaong mga hindi nakatugon na sa Aking mga hinihinging kaparusahan, hindi ng mga gantimpala, lalong hindi ng anumang simpatiya. Marahil ay iniisip ninyo na bilang isang tagasunod sa maraming taon ay nagpapagal kayo anuman ang mangyari, kaya sa anupaman makakakuha kayo ng isang mangkok ng kanin sa tahanan ng Diyos sa pagiging isang taga-serbisyo. Masasabi Ko na karamihan sa inyo ay nag-iisip sa ganitong paraan sapagka’t palagi na lamang ninyong hinahangad hanggang sa ngayon ang prinsipyo ng kung paano magsamantala sa isang bagay at hindi mapagsamantalahan. Kaya sinasabi Ko sa inyo ngayon nang buong kaseryosohan: Wala Akong pakialam kung gaano man kapuri-puri ang iyong pagsisikap, kung gaano man kahanga-hanga ang iyong mga kakayahan, kung gaano mo man kahigpit Akong sinusunod, kung gaano ka man kabantog, o kung gaano man ang iniunlad ng iyong pag-uugali; hangga’t hindi mo nagawa na ang Aking hiningi, hindi mo kailanman makakamit ang Aking papuri. Iwaksi ang lahat ng ideyang iyon at mga pagkalkula sa lalong madaling panahon, at simulang pakitunguhan nang may kaseryosohan ang Aking mga hinihingi. Kung hindi, gagawin Kong abo ang lahat ng tao nang sa gayon ay wakasan na ang Aking gawain, at mabuti pang ipawalang-saysay ang Aking mga taon ng paggawa at pagdurusa, sapagka’t hindi Ko madadala ang Aking mga kaaway at mga tao na umaalingasaw sa kasamaan na huwaran ni Satanas tungo sa Aking kaharian, tungo sa susunod na kapanahunan.

 

Napakarami na Akong mga inaasam. Inaasam Ko na makakagawi kayo sa isang wasto at maayos na paraan, maging tapat na tumutupad ng inyong tungkulin, magkaroon ng katotohanan at ng pagkatao, maging isa na maisusuko ang lahat at naisusuko ang kanilang mga buhay para sa Diyos, at iba pa. Ang lahat ng pag-asang ito ay nag-uugat mula sa inyong mga kakulangan at inyong katiwalian at pagsuway. Kung ang bawat pakikipag-usap Ko sa inyo ay hindi naging sapat upang tawagin ang inyong pansin, kung gayon marahil ang magagawa Ko na lamang ay huwag nang magsalita pa. Gayunman, naiintindihan ninyo ang mga resulta niyon. Hindi Ako kailanman nagpapahinga, kaya kung hindi Ako nagsasalita, gagawa Ako ng isang bagay para makita ng mga tao. Magagawa Kong masira ang dila ng sinuman, o ang sinuman ay mamatay nang putol-putol, o bigyan ang sinuman ng mga depekto sa pag-iisip at pakilusin silang parang nababaliw. O kaya, sa isang banda, magagawa Ko na magtiis ang ilang tao ng mga pagpapahirap na Aking inihanda para sa kanila. Sa ganitong paraan ay magagalak Ako, talagang sasaya at totoong malulugod. Ito ay palaging “Ang kabutihan ay tinutumbasan ng kabutihan, ang kasamaan ng kasamaan,” kaya bakit hindi sa kasalukuyan? Kung gusto mo Akong kalabanin at nais mong gumawa ng ilang paghatol tungkol sa Akin, kung gayon Aking sisirain ang iyong bibig, at yaon ang magpapagalak sa Akin nang walang katapusan. Ito ay sapagka’t sa katapusan ay wala kang nagawa na may kinalaman sa katotohanan, mas kakaunti pa rin sa buhay, samantalang lahat ng Aking ginagawa ay katotohanan, ang lahat ay angkop sa mga prinsipyo ng Aking gawain at sa mga atas administratibo na Aking itinakda. Samakatuwid, inuudyukan Ko ang bawat isa sa inyo na mag-ipon ng ilang katangian, tumigil sa paggawa ng napakaraming kasamaan, at pakinggang mabuti ang Aking mga hinihingi sa iyong oras ng paglilibang. Pagkatapos ay makadarama Ako ng kasiyahan. Kung kayo ay mag-aambag (o maghahandog) sa katotohanan ng isa sa isanlinbo ng inyong pagsisikap na inyong inilalagay sa laman, kung gayon ay Aking sinasabi na hindi ka magkakaroon ng madalas na mga paglabag at ng mababahong bibig. Hindi ba ito halata?

 

Mas marami ang iyong mga paglabag, mas kakaunti ang iyong mga pagkakataon na magkamit ng isang mabuting hantungan. Sa kasalungat, mas kaunti ang iyong mga paglabag, mas marami ang iyong mga pagkakataon na mapuri ng Diyos. Kung ang iyong mga paglabag ay nadaragdagan hanggang sa puntong imposible na para sa Akin na patawarin ka, kung gayon ay lubusan mo nang masasayang ang iyong mga pagkakataon na mapatawad. Kung magkagayon ang iyong hantungan ay hindi magiging sa itaas kundi sa ibaba. Kung hindi mo Ako pinaniniwalaan kung gayon ay maging matapang ka at gumawa ng mali, at pagkatapos ay makikita mo kung ano ang napakikinabang mo rito. Kung ikaw ay isang masigasig na tao na nagsasagawa ng katotohanan kung gayon ay tiyak na mayroon kang pagkakataon para ang iyong mga paglabag ay mapatawad, at ang bilang ng iyong mga pagsuway ay magiging pakaunti nang pakaunti. Kung ikaw ay isang tao na hindi nakahandang magsagawa ng katotohanan kung gayon ang iyong mga paglabag sa harap ng Diyos ay tiyak na madaragdagan, ang bilang ng iyong mga pagsuway ay lalagô nang lalagô, hanggang sa pinakahuling saglit kung kailan ikaw ay lubusan nang nawawasak, at yaon ang oras na ang iyong inaasam na pangarap na makatanggap ng mga biyaya ay naglalaho. Huwag mong ituring ang iyong mga paglabag bilang mga pagkakamali ng isang wala-pa-sa-hustong-pag-iisip o taong hangal, huwag mong gamiting dahilan na hindi ka nakapagsagawa ng katotohanan sapagka’t ginawang imposible para sa iyo na isagawa ito ng iyong mahinang kakayahan, at higit pa, huwag mong basta na lamang ituring ang mga paglabag na iyong nagawa na bilang mga pagkilos ng isang tao na hindi nakauunawa. Kung ikaw ay mahusay sa pagpapatawad ng iyong sarili at mahusay sa pagbibigay sa iyong sarili, kung gayon sinasabi Ko na ikaw ay isang duwag na hindi kailanman magkakamit ng katotohanan, at ang iyong mga paglabag ay hindi kailanman titigil sa paghabol sa iyo, bagkus hahadlang sa iyo mula sa pagtugon kailanman sa mga hinihingi ng katotohanan at gagawin kang magpakailanman na isang tapat na kasamahan ni Satanas. Ang payo Ko pa rin sa iyo ay: Huwag kang magtuon ng pansin sa iyong hantungan lamang at palampasin ang iyong nakatagong mga paglabag; seryosohin mo ang iyong mga paglabag, at huwag palampasin ang iyong mga paglabag alang-alang sa iyong hantungan.

 

Pinagmumulan:https://tl.godfootsteps.org/transgressions-will-take-man-to-hell.html

 

——————————————————————————

 

Rekomendasyon:Buhay na walang hanggan

 

Write a comment

Comments: 0