· 

Mga pagbabasa at pagsasalaysay ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Ang Ikadalawampu’t-dalawang Pagbigkas

 

Buhay na walang hanggan - Mga Pagbigkas ng Diyos sa Buong Sansinukob - Ang Ikadalawampu’t-dalawang Pagbigkas

 

Ipinagdiriwang ng mga tao sa buong sansinukob ang Aking araw ng pagdating, at ang mga anghel ay lumalakad sa gitna ng mga tao. Kapag si Satanas ay nagsasanhi ng kaguluhan, ang mga anghel, dahil sa kanilang paglilingkod sa langit, ay laging tumutulong sa Aking bayan. Hindi sila nalilinlang ng diyablo bunga ng kahinaan ng tao nguni’t, bilang resulta ng mabangis na pagsalakay ng mga puwersa ng kadiliman, lalong sinusubukang makakuha ng higit na karanasan sa buhay ng tao sa kabila ng hamog. Nagpapasakop ang lahat ng tao sa ilalim ng Aking pangalan, at walang sinumang nag-aaklas upang lantarang sumalungat sa Akin. Dahil sa pagpapagal ng mga anghel, tinatanggap ng tao ang Aking pangalan at ang lahat ay nasa gitna ng daloy ng Aking gawain. Bumabagsak ang sanlibutan! Paralisado ang Babilonia! Ang mundong relihiyoso—paano ito hindi mawawasak ng Aking awtoridad sa lupa? Sino pa ang nangangahas na sumuway at tumutol sa Akin? Ang mga eskriba? Lahat ng relihiyosong opisyal? Ang mga pinuno at mga awtoridad sa lupa? Ang mga anghel? Sino ang hindi nakikipagdiwang sa pagkaperpekto at kapuspusan ng Aking katawan? Sa mga tao, sino ang hindi kumakanta ng mga papuri sa Akin nang walang tigil, sino ang hindi masayang walang-maliw? Naninirahan Ako sa lupain ng pugad ng malaking pulang dragon, nguni’t hindi ito nagsasanhi sa Akin na manginig sa takot o tumakbo palayo, dahil ang lahat ng tao nito ay nagsimula nang masuklam dito. Hindi kailanman nagagampanan ang “tungkulin” ng anumang bagay sa harap ng dragon; sa halip, ang lahat ng bagay ay kumikilos ayon sa nakikita nilang angkop, pinipili ang landas na pinakamainam para sa mga ito. Paanong ang mga bansa sa mundo ay hindi mapapahamak? Paanong ang mga bansa sa lupa ay hindi babagsak? Paanong ang Aking bayan ay hindi magsasaya? Paanong hindi sila makakaawit nang may kagalakan?

 

—mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao 

Write a comment

Comments: 0