Ang Kahalagahan ng Diyos na Naging Tao

 

Nauugnay na mga Salita ng Diyos:

 

Ang katawang-tao na ito ay napakahalaga sa sangkatauhan sapagka’t Siya ay tao at lalong higit ay Diyos, sapagka’t maaari Niyang gawin ang mga gawain na hindi kaya ng ordinaryong katawan ng tao, at dahil maaari Siyang magligtas ng tiwaling tao, na naninirahan kasama Niya sa lupa. Bagama’t Siya ay kapareho sa tao, ang nagkatawang-taong Diyos ay mas mahalaga sa sangkatauhan kaysa sa sinumang tao na may halaga, dahil magagawa Niya ang gawain na hindi magagawa ng Espiritu ng Diyos, mas mayroong kakayahan kaysa sa Espiritu ng Diyos upang magpatotoo sa Diyos Mismo, at mas mayroong kakayahan kaysa sa Espiritu ng Diyos upang lubos na makamtan ang sangkatauhan. Bilang resulta, kahit na ang katawang-tao na ito ay karaniwan at ordinaryo, ang Kanyang ambag sa sangkatauhan at ang Kanyang kahalagahan sa pag-iral ng sangkatauhan ay lubos na ginagawa Siyang napakahalaga, at ang tunay na halaga at kabuluhan ng katawang-tao na ito ay hindi masukat ng sinumang tao. Kahit na ang katawang-tao na ito ay hindi maaaring direktang puksain si Satanas, maaari Niyang gamitin ang Kanyang gawain upang lupigin ang sangkatauhan at talunin si Satanas, at gawin si Satanas na lubos na magpasakop sa Kanyang kapamahalaan. Sapagka’t ang Diyos ay nagkatawang-tao na kaya Niyang talunin si Satanas at kayang iligtas ang sangkatauhan. Hindi Niya direktang pinupuksa si Satanas, nguni’t naging katawang-tao upang gawin ang gawain na lupigin ang sangkatauhan, na nagawang tiwali ni Satanas. Sa ganitong paraan, mas mahusay Niyang magagawang magpatotoo sa Sarili Niya sa gitna ng mga nilalang, at mas mahusay na nagagawang iligtas ang tiwaling tao. Ang paglupig ng nagkatawang-taong Diyos kay Satanas ay magdudulot ng mas malaking patotoo, at ito ay mas mapanghikayat, kaysa sa direktang pagpuksa ng Espiritu ng Diyos kay Satanas. Ang Diyos na nagkatawang-tao ay mas kayang magawang tumulong sa tao para kilalanin ang Lumikha, at mas kayang magpatotoo sa Sarili Niya sa gitna ng mga nilalang.

 

—mula sa “Ang Tiwaling Sangkatauhan ay Higit na Nangangailangan ng Pagliligtas ng Diyos na Naging Tao” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

 

Ang pinakamainam na bagay tungkol sa Kanyang gawain sa katawang-tao ay maaari Siyang mag-iwan ng tumpak na mga salita at mga pangaral, at ang Kanyang tumpak na kalooban para sa sangkatauhan patungkol sa mga taong sumusunod sa Kanya, sa gayon pagkatapos nito ang Kanyang mga tagasunod ay maaaring mas tumpak at mas konkretong maipasa ang lahat ng Kanyang mga gawain sa katawang-tao at ang Kanyang kalooban para sa buong sangkatauhan sa mga tumatanggap sa ganitong paraan. Tanging ang gawain ng Diyos sa katawang-tao sa gitna ng tao ang tunay na nagsasakatuparan sa katunayan ng kung ano ang Diyos at ang pamumuhay kasama ng tao. Tanging ang gawaing ito ang nagsasakatuparan sa kagustuhan ng tao na mamasdan ang mukha ng Diyos, masaksihan ang gawain ng Diyos, at marinig ang personal na salita ng Diyos. Winawakasan ng Diyos na nagkatawang-tao ang kapanahunan na likod lamang ni Jehova ang nagpakita sa sangkatauhan, at tinatapos din ang kapanahunan ng paniniwala ng sangkatauhan sa malabong Diyos. Partikular na, ang gawain ng huling Diyos na nagkatawang-tao ay dinadala ang buong sangkatauhan sa isang kapanahunan na mas makatotohanan, mas praktikal, at mas kaaya-aya. Hindi lamang Niya tinatapos ang kapanahunan ng kautusan at doktrina; ang mas mahalaga, inihahayag Niya sa sangkatauhan ang isang Diyos na tunay at normal, na matuwid at banal, na nagpapasimula sa gawain ng plano ng pamamahala at nagpapamalas ng mga hiwaga at hantungan ng sangkatauhan, na lumikha sa sangkatauhan at winawakasan ang gawaing pamamahala, at nanatiling nakatago nang libu-libong taon. Winawakasan Niya ang kapanahunan ng kalabuan nang lubusan, tinatapos Niya ang kapanahunan kung saan ang ninais ng buong sangkatauhan na hanapin ang mukha ng Diyos ngunit hindi nila nagawa, winawakasan Niya ang kapanahunan kung kailan nagsilbi kay Satanas buong sangkatauhan, at inaakay ang buong sangkatauhan hanggang sa dulo ng isang ganap na bagong panahon. Lahat ng ito ay resulta ng gawain ng Diyos sa katawang-tao sa halip na ng Espiritu ng Diyos. Kapag ang Diyos ay gumagawa sa Kanyang katawang-tao, ang mga taong sumusunod sa Kanya ay hindi na humihingi at naghahanap sa mga malabo at hindi malinaw na mga bagay, at tumitigil sa paghula sa kalooban ng malabong Diyos. Kapag pinalalaganap ng Diyos ang Kanyang gawain sa katawang-tao, ang mga sumusunod sa Kanya ay ipapasa ang gawain na Kanyang ginawa sa katawang-tao sa lahat ng mga relihiyon at denominasyon, at kanilang ipagtatalastasan ang lahat ng Kanyang mga salita sa mga pandinig ng buong sangkatauhan. Ang lahat na naririnig ng mga yaong tumanggap sa Kanyang ebanghelyo ay magiging mga katunayan ng Kanyang gawain, magiging mga bagay na personal na nakita at narinig ng tao, at magiging mga katunayan at hindi sabi-sabi. Ang mga katunayang ito ay ang katibayan na Kanyang pinalalaganap ang gawain, at ito rin ang mga kasangkapan na ginagamit Niya sa pagpapalaganap ng gawain. Kung wala ang pag-iral ng mga katunayan, ang Kanyang ebanghelyo ay hindi lalaganap sa lahat ng bansa at sa lahat ng lugar; kapag walang katunayan nguni’t sa mga guni-guni lamang ng tao, Hindi Niya kailanman magagawa ang gawaing panlulupig sa buong sansinukob. Ang Espiritu ay hindi masasalat ng tao, at di-nakikita ng mga tao, at ang gawain ng Espiritu ay hindi kayang mag-iwan ng anumang karagdagang katibayan o mga katunayan ng gawain ng Diyos para sa tao. Ang tao ay hindi kailanman makikita ang tunay na mukha ng Diyos, at palaging maniniwala sa malabong Diyos na hindi umiiral. Ang tao ay hindi kailanman makikita ang tunay na mukha ng Diyos, ni ang tao ay makaririnig ng mga salita na personal na sinabi ng Diyos. Ang mga imahinasyon ng tao, kunsabagay, ay walang laman, at hindi mapapalitan ang tunay na mukha ng Diyos; ang likas na disposisyon ng Diyos, at ang gawain ng Diyos Mismo ay hindi magagaya ng tao. Ang di-nakikitang Diyos sa langit at ang Kanyang gawain ay maaari lamang dalhin sa lupa ng Diyos na nagkatawang-tao na personal na ginagawa ang Kanyang gawain sa mga tao. Ito ang pinakamainam na paraan kung saan nagpapakita ang Diyos sa tao, kung saan nakikita ng tao ang Diyos at nalalaman ang tunay na mukha ng Diyos, at hindi ito makakamtan ng isang Diyos na hindi nagkatawang-tao.

 

—mula sa “Ang Tiwaling Sangkatauhan ay Higit na Nangangailangan ng Pagliligtas ng Diyos na Naging Tao” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

 

Sa pagkakataong ito, pumaparito ang Diyos upang gumawa ng gawain hindi sa espirituwal na katawan kundi sa isang napakakaraniwang katawan. Hindi lamang ito ang katawan ng ikalawang pagkakatawang-tao ng Diyos, kundi ito rin ang katawan kung saan magbabalik ang Diyos. Ito ay isang napaka-ordinaryo na katawang-tao. Sa Kanya, wala kang makikitang anumang kaiba kumpara sa iba, nguni’t maaari kang makatanggap mula sa Kanya ng mga katotohanang hindi mo pa kailanman dating narinig. Ang hamak na katawang-taong ito ay ang pagsasakatawan ng lahat ng salita ng katotohanan mula sa Diyos, na siyang pumapasan sa gawain ng Diyos sa mga huling araw, at isang pagpapahayag ng kabuuan ng disposisyon ng Diyos para malaman ng tao. Hindi ba labis ang iyong pagnanais na makita ang Diyos sa langit? Hindi ba labis ang iyong pagnanais na maintindihan ang Diyos sa langit? Hindi ba labis ang iyong pagnanais na makita ang hantungan ng sangkatauhan? Sasabihin Niya sa iyo ang lahat ng lihim na ito na wala pang sinumang tao ang nakapagsabi sa iyo, at sasabihin pa Niya sa iyo ang mga katotohanan na hindi mo nauunawaan. Siya ang iyong pintuan patungo sa kaharian, at ang iyong gabay patungo sa bagong kapanahunan. Ang gayong karaniwang katawang-tao ay nagtataglay ng maraming hindi maarok na mga hiwaga. Ang Kanyang mga gawa ay maaaring hindi mo maabot, nguni’t ang adhikain ng lahat ng gawaing Kanyang ginagawa ay sapat upang iyong makita na hindi Siya isang simpleng katawang-tao gaya ng inaakala ng tao. Sapagka’t kinakatawan Niya ang kalooban ng Diyos gayundin ang pangangalaga na ipinakita ng Diyos sa sangkatauhan sa mga huling araw. Kahit na hindi mo naririnig ang mga salitang Kanyang sinasabi na tila yumayanig sa langit at lupa, o nakikita ang Kanyang mga mata na tila mga naglalagablab na ningas, at kahit na hindi mo nararamdaman ang disiplina ng Kanyang bakal na pamalo, maririnig mo mula sa Kanyang mga salita ang galit ng Diyos at nalalaman na ang Diyos ay nagpapamalas ng pagkahabag sa sangkatauhan; nakikita mo ang matuwid na disposisyon ng Diyos at ang Kanyang karunungan, at higit sa lahat, natatanto ang pagmamalasakit at pag-aalaga ng Diyos sa buong sangkatauhan. Ang gawain ng Diyos sa mga huling araw ay ang pahintulutan ang tao na makita ang Diyos sa langit na namumuhay sa kalagitnaan ng mga tao sa lupa, at bigyang-kakayahan ang tao na makilala, sundin, igalang at ibigin ang Diyos. Ito ang dahilan kung bakit nagbalik na Siya sa katawang-tao sa pangalawang pagkakataon. Kahit na ang nakikita ng tao sa kasalukuyan ay isang Diyos na katulad ng tao, ang Diyos na mayroong ilong at dalawang mata, at isang di-katangi-tanging Diyos, sa katapusan ay ipakikita sa inyo ng Diyos na kung wala ang pag-iral ng taong ito, ang langit at lupa ay sasailalim sa napakalaking pagbabago; kung wala ang pag-iral ng taong ito, ang langit ay magiging madilim, magkakagulo sa lupa, at ang buong sangkatauhan ay mamumuhay sa taggutom at mga salot. Ipakikita Niya sa inyo na kung wala ang pagliligtas ng Diyos na nagkatawang-tao sa mga huling araw, matagal na sanang winasak ng Diyos ang buong sangkatauhan sa impiyerno; kung wala ang pag-iral ng katawang-taong ito, kung gayon kayo ay magiging pinakapinuno ng mga makasalanan at mga bangkay magpakailanman. Nararapat ninyong malaman na kung hindi umiiral ang katawang-taong ito, ang buong sangkatauhan ay mahaharap sa di-maiiwasang kalamidad at mahihirapang makatakas sa mas matinding kaparusahan ng Diyos sa sangkatauhan sa mga huling araw. Kung hindi isinilang ang karaniwang katawang-taong ito, lahat kayo ay mapupunta sa katayuan kung saan ang pagkabuhay ni ang kamatayan ay hindi darating gaano man ninyo ito naisin; kung wala ang pag-iral ng katawang-taong ito, kung gayon sa araw na ito hindi ninyo makakayang tanggapin ang katotohanan at lumapit sa trono ng Diyos. Sa halip, parurusahan kayo ng Diyos dahil sa inyong mabigat na mga kasalanan. Alam ba ninyo? Kung hindi dahil sa muling pagkakatawang-tao ng Diyos, walang magkakaroon ng pagkakataon sa kaligtasan; kung hindi dahil sa pagdating ng katawang-taong ito, matagal nang tinapos ng Diyos ang lumang kapanahunan. Kaya, magagawa ninyo pa bang tanggihan ang ikalawang pagkakatawang-tao ng Diyos? Yamang maaari kayong lubhang makinabang sa karaniwang taong ito, kung gayon bakit hindi ninyo Siya tanggapin nang buong puso?

 

Ang gawain ng Diyos ay yaong hindi mo mauunawaan. Kung hindi mo matatarok kung ang iyong desisyon ay tama ni malaman kung ang gawain ng Diyos ay magtatagumpay, bakit hindi mo subukin ang iyong kapalaran at tingnan kung ang karaniwang taong ito ay malaking tulong sa iyo, at kung ang Diyos ay nakagawa ng dakilang gawain. Gayunpaman, dapat Kong sabihin sa iyo na sa panahon ni Noe, kumakain at umiinom ang mga tao, nag-aasawa at nakikipag-asawa hanggang sa puntong hindi na kayang tingnan ito ng Diyos, kaya Siya ay nagpadala ng malaking baha upang wasakin ang sangkatauhan at iniwan lamang ang pamilya ni Noe na walong tao at ang lahat ng uri ng mga ibon at hayop. Sa mga huling araw, gayunman, yaong mga kinupkop ng Diyos ay lahat niyaong naging tapat sa Kanya hanggang sa katapusan. Kahit na ang parehong panahon ay puno ng matinding katiwaliang hindi mabata ng Diyos na masaksihan, at ang sangkatauhan sa parehong kapanahunan ay napakatiwali na itinanggi niya ang Diyos bilang ang Panginoon, ang lahat ng tao sa panahon ni Noe ay winasak ng Diyos. Nagdulot ng labis na kapighatian sa Diyos ang sangkatauhan sa parehong kapanahunan, nguni’t nanatiling matiisin ang Diyos sa mga tao sa mga huling araw hanggang sa kasalukuyan. Bakit ganito? Hindi ba ninyo ito pinag-isipan kailanman? Kung talagang hindi ninyo alam, hayaan ninyong sabihin Ko sa inyo. Ang katwiran kung bakit kayang pakitunguhan ng Diyos ang mga tao sa mga huling araw ay hindi dahil sila ay di-gaanong tiwali kaysa sa mga tao sa panahon ni Noe o sila ay nagpakita ng pagsisisi sa Diyos, lalong hindi dahil hindi matiis ng Diyos na wasakin ang mga tao sa huling mga araw kung saan ang teknolohiya ay nakasulong. Sa halip, ito ay dahil ang Diyos ay mayroong isasagawang gawain sa isang pangkat ng mga tao sa mga huling araw at ito ay gagawin ng Diyos na nagkatawang-tao Mismo. Higit pa rito, mamimili ang Diyos ng isang bahagi ng pangkat na ito bilang mga pag-uukulan ng Kanyang pagliligtas, ang bunga ng Kanyang plano ng pamamahala, at dadalhin ang mga taong ito kasama Niya patungo sa susunod na kapanahunan. Samakatuwid, anuman ang mangyari, ang halagang ibinayad ng Diyos ay lubusang para sa paghahanda sa gawain ng Kanyang pagkakatawang-tao sa mga huling araw. Ang lahat ng mayroon kayo sa araw na ito ay dahil sa katawang-taong ito. Dahil sa nabubuhay ang Diyos sa katawang-tao kaya kayo ngayon ay may pagkakataong mabuhay. Ang lahat ng magandang kapalarang ito ay nakamit dahil sa karaniwang taong ito. Hindi lamang ito, kundi sa katapusan ang bawat bansa ay sasamba sa karaniwang taong ito, gayundin ay magbibigay pasasalamat at susunod sa hamak na taong ito. Sapagka’t Siya ang nagdala ng katotohanan, ng buhay, at ng daan upang mailigtas ang buong sangkatauhan, malunasan ang hindi pagkakaintindihan sa pagitan ng Diyos at tao, papaglapitin ang Diyos at tao, at maipaalam ang mga iniisip sa pagitan ng Diyos at tao. Siya rin ang nagdala ng higit pang kaluwalhatian sa Diyos. Hindi ba karapat-dapat ang karaniwang taong gaya nito sa iyong pagtitiwala at pagsamba? Ang gayon bang karaniwang katawang-tao ay hindi angkop upang tawaging Cristo? Ang gayon bang karaniwang tao ay hindi maaaring maging ang pagpapahayag ng Diyos sa gitna ng mga tao? Hindi ba karapat-dapat sa inyong pagmamahal at para inyong hawakan ang gayong tao na tumutulong sa sangkatauhan upang mailigtas sa sakuna? Kung tanggihan ninyo ang mga katotohanang namutawi mula sa Kanyang bibig at kamuhian din ang Kanyang pag-iral sa gitna ninyo, ano ang inyong magiging kapalaran?

 

Ang lahat ng gawain ng Diyos sa mga huling araw ay ginagawa sa pamamagitan ng karaniwang taong ito. Ipagkakaloob Niya ang lahat ng bagay tungo sa iyo, at bukod pa rito, Siya ang makakapagpasiya sa lahat ng bagay tungkol sa iyo. Ang ganoong tao ba ay maaaring maging katulad ng inyong inaakala: isang taong napakapayak kaya’t hindi karapat-dapat na mabanggit? Ang katotohanan ba Niya ay hindi sapat upang kayo ay lubos na mahikayat? Ang pagsaksi ba ng Kanyang mga gawa ay hindi sapat upang kayo ay lubusang mahikayat? O ang landas ba kung saan Niya kayo pinangungunahan ay hindi karapat-dapat ninyong sundan? Ano ang nag-uudyok sa inyo upang makaramdam ng pag-ayaw sa Kanya at itaboy Siya at iwasan Siya? Siya ang naghahayag ng katotohanan, Siya ang nagtutustos ng katotohanan, at Siya ang nagbibigay ng kakayahan sa inyo upang magkaroon ng landas na tatahakin. Maaari kaya na hindi pa rin ninyo nakikita ang mga bakas ng gawa ng Diyos sa loob ng mga katotohanang ito? Kung wala ang gawa ni Jesus, hindi makakababa ang sangkatauhan mula sa krus, nguni’t kung wala ang pagkakatawang-tao ngayon, yaong mga bumaba mula sa krus ay hindi kailanman maaaring ipagtagubilin ng Diyos o makapapasok tungo sa bagong kapanahunan. Kung hindi dumating ang karaniwang taong ito, kung gayon hindi kayo kailanman magkakaroon ng pagkakataon o magiging karapat-dapat upang makita ang tunay na mukha ng Diyos, dahil lahat kayo ay matagal nang dapat na winasak. Dahil sa pagdating ng ikalawang pagkakatawang-tao ng Diyos, napatawad kayo ng Diyos at pinakitaan kayo ng habag. Sa kabila nito, ang mga salita na dapat Kong iwan sa inyo sa katapusan ay ang mga ito pa rin: Ang karaniwang taong ito, na Siyang Diyos na nagkatawang-tao, ay napakahalaga sa inyo. Ito ang dakilang bagay na nagawa na ng Diyos sa gitna ng mga tao.

 

—mula sa “Alam Mo Ba? Nakagawa ang Diyos ng Isang Dakilang Bagay sa Gitna ng mga Tao” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

 

Silang mga nagnanais na makamtan ang buhay nang hindi umaasa sa katotohanan na sinambit ni Cristo ay ang mga pinakahibang na tao sa mundo, at silang mga hindi tumatanggap ng daan ng buhay na inihatid ni Cristo ay mga ligaw sa guni-guni. At sa gayon sinasabi Ko na ang mga tao na hindi tumatanggap sa Cristo ng mga huling araw ay magpakailanmang kamumuhian ng Diyos. Si Cristo ay ang daanan ng tao patungo sa kaharian sa mga huling araw, na walang sinuman ang makakalampas. Walang sinuman ang maaaring gawing perpekto ng Diyos kundi sa pamamagitan ni Cristo lang. Naniniwala ka sa Diyos, at sa gayon dapat mong tanggapin ang Kanyang mga salita at sumunod sa Kanyang paraan. Hindi mo dapat isipin lang ang pagtanggap ng mga pagpapala nang hindi tumatanggap ng katotohanan, o tinatanggap ang tustos ng buhay. Dumarating si Cristo sa mga huling araw upang lahat ng tunay na naniniwala sa Kanya ay maaaring mabigyan ng buhay. Ang Kanyang gawain ay para sa pagtatapos ng lumang kapanahunan at ang pagpasok sa isang bago, at ito ang landas na dapat tahakin ng lahat ng papasok sa bagong kapanahunan. Kapag wala kang kakayahang kilalanin Siya, at bagkus ay isinusumpa, nilalapastangan, o inuusig pa Siya, kung gayon nakatakda kang masunog magpakailanman, at hindi kailanman makakapasok sa kaharian ng Diyos. Dahil ang Cristong ito ay ang Mismong pagpapahayag ng Banal na Espiritu, ang pagpapahayag ng Diyos, ang Siyang pinagkatiwalaan na ng Diyos na gumawa sa Kanyang gawain sa lupa. At sa gayon ay sinasabi Ko na kung hindi mo matatanggap ang lahat ng ginagawa ng Cristo ng mga huling araw, kung gayon lumalapastangan ka sa Banal na Espiritu. Ang ganti na dapat pagdusahan ng mga lumalapastangan sa Banal na Espiritu ay maliwanag sa lahat. Sinasabi Ko rin sa iyo na kapag lumaban ka sa Cristo ng mga huling araw, at ipagkaila Siya, walang sinuman kung gayon ang makapagpapasan sa mga kahihinatnan para sa iyo. Bukod pa rito, simula sa araw na ito hindi ka magkakaroon ng isa pang pagkakataon upang makamtan ang pagsang-ayon ng Diyos; kahit na subukin mo pang tubusin ang iyong sarili, hindi mo kailanman muling makikita ang mukha ng Diyos. Sapagka’t ang iyong kinakalaban ay hindi isang tao, ang iyong itinatakwil ay hindi isang mahinang nilalang, kundi si Cristo. Alam mo ba ang kahihinatnan nito? Hindi isang maliit na pagkakamali ang iyong ginawa, kundi isang karumal-dumal na krimen. At sa gayon, ipinapayo Ko sa lahat na huwag ilabas ang inyong mga pangil laban sa katotohanan, o gumawa ng bulagsak na mga pamumuna, dahil ang katotohanan lang ang makapagdadala sa iyo ng buhay, at wala kundi ang katotohanan ang makapagpapahintulot na maipanganak kang muli at makita ang mukha ng Diyos.

 

—mula sa “Tanging ang Cristo ng mga Huling Araw ang Makapagbibigay sa Tao ng Daan ng Buhay na Walang Hanggan” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

 

Pinagmumulan:https://tl.godfootsteps.org/about-the-incarnation-of-god-2-2.html