Ang Paglansag sa Mahigpit na Pagkubkob ni Satanas (Unang Bahagi)

 

Zhao Gang

 

Sobrang lamig noong nakaraang Nobyembre sa Hilagang-silangang Tsina, wala sa mga niyebeng bumagsak sa lupa ang natunaw, at maraming mga tao na naglakad sa labas ang sobrang nilamig na inipit nila ang kanilang mga kamay sa kanilang mga kili-kili at maingat na naglakad, ang mga katawan ay nakayuko. Noong isang araw nang maagang-maaga, ang mga hangin ay umiihip mula sa Hilagang-kanluran, nang ako, ang aking bayaw at ang kanyang asawa at ang halos isang dosenang mga kapatid ay nakaupo sa aking tahanan sa mainit na kang (isang naiinit na laryong kama). Ang bawat isa ay may kopya ng Bibliya sa kanilang tabi at sa kanilang mga kamay ang bawat isa ay may hawak ng isang kopya ng aklat na Ang Paghatol ay Nagsisimula sa Tahanan ng Diyos. Ang dalawang kapatid mula sa Ang Iglesia ng Makapangyarihan Diyos ay nagbabahagi tungkol sa katotohanan tungkol sa tatlong yugto ng gawain. Ang dalawang kapatid ay gumuguhit ng mga larawan ng tatlong yugto ng gawain habang sila’y nagbabahagi: “Ang gawain ng Diyos para sa kaligtasan ng sangkatauhan ay maaaring hatiin sa tatlong yugto, mula sa Kapanahunan ng Kautusan hanggang sa Kapanahunan ng Biyaya at pagkatapos ay Kapanahunan ng Kaharian. Ang bawat yugto ng gawain ay mas bago at mas pinabuti at higit din na malalim kaysa sa mga nakaraang yugto. Ang mga gawaing naisagawa sa mga huling araw ay ang huling yugto ng gawain, kung saan nagpahayag ang Diyos ng mga salita upang hatulan at linisin ang tao….” Itinango namin ang aming ulo habang nakikinig, at ang aming mga isip ay naging lubos na malinaw: Sino ang makakaisip na ang pamamahala ng Diyos para sa kaligtasan ng sangkatauhan ay magkakaroon ng napakaraming hiwaga! Maliban sa Diyos mismo, sino pa ang malinaw na makapagbabanggit ng mga tatlong yugto ng gawain ng Diyos? Tunay nga na ito ay gawain ng Diyos! Kami ay nagsama-sama hanggang sa gabi ng sumunnod na araw, ang buong grupo namin ay nagpahayag ng pagpayag na hanapin at tingnan ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw.

 

Pagkatapos nito, ang dalawang kapatid ay nagbahagi sa katotohanan tungkol sa kahalagahan ng pagkakatawang-tao ng Diyos, at ang iba pa sa amin ay masigasig na nakikinig nang biglang dumating ang pinuno ng simbahan na si Wang Ping. Nang pumasok siya sa silid itinuro niya ang malupit na daliri sa dalawang kapatid mula sa Ang Iglesia ng Makapangyarihan Diyos at itinanong sa akin: “Ano ang ginagawa ng dalawang ito?”Ako’y tapat na nagsalita: “Ang mga ito ay sina Kapatid na Zhang at Kapatid na Mu …” Ngunit bago pa ako matapos magsalita sinabi niya sa yamot na tono: ” Sino sina Kapatid na Zhang at Kapatid na Mu? Nakikita ko na sila’y mga mangangaral ng Kidlat ng Silanganan, sila’y mga magnanakaw ng tupa….” Pagkatapos magsalita ni Wang Ping, lahat kami’y nakaupo sa pagkabigla. Naisip ko sa aking sarili: Halos madalas sinasabi ni Kapatid na Wang Ping ang pagmamahal sa kapwa katulad ng pagmamahal sa iyong sarili at ang pagmamahal sa mga kaaway; bakit ngayon siya ay pumunta dito at nagsasabi ng mga hindi makatwirang bagay? Bakit niya hinahatulan at kinokondena ang dalawang kapatid na ito? Pinagiisipan ko ito nang narinig ko si Kapatid Zhang na mahinahong sinabi kay Wang Ping: “Kapatid, walang mga natatagong layunin sa pagpunta namin dito. Nais lang naming ibahagi ang ebanghelyo ng pagbabalik ng Panginoon sa iyo …” Sumabat si Wang Ping kay Kapatid na Zhang at sumigaw: “Ang pagbabalik ng Panginoon? Kahit na ang ilan sa amin na naglilingkod bilang mga pinuno ay hindi alam ang anuman tungkol sa pagbabalik ng Panginoon, kaya paano mo malalaman ang kahit na anong tungkol dito? Iyan ay imposible! Sinabi ng Panginoong Diyos: ‘Ang lahat ng nangauna sa aking nagsiparito ay mga magnanakaw at mga tulisan: datapuwa’t hindi sila dininig ng mga tupa’ (Juan 10:8). Kayong dalawa ang kailangan nang umalis ngayon mismo at huwag nang bumalik dito. Nang ito ay narinig kong sinabi ni Wang Ping, ako ay nakaramdam ng suklam sa aking kalooban: Kadalasan ay palagi siyang nangangaral nang mabuti; paano siya naging walang habag sa isang iglap? Kaya tinanong ko si Wang Ping: “Kapatid na Wang, gabi na. Saan mo sila pinapapunta? Itinuturo sa atin ng Panginoon na ibigin kahit na ang ating mga kaaway, huwag nang banggitin pa ang tungkol sa dalawang kapatid na ito na naniniwala sa Diyos. Kapag pinakitunguhan natin ang dalawang ito sa ganitong paraan, hindi tayo kahit na sa anong paraan magiging katulad ng mga naniniwala sa Panginoon …” Ngunit bago ko pa matapos ang aking sinasabi nababahalang hinila ni Wang Ping ang kamay ng asawa ng aking bayaw at sinabi sa kanya at sa kanyang asawa: “Kung ayaw ni Zhao Gang na umalis ang dalawang babae na ito, tayo na lang ang umalis Hindi tayo makikinig sa kanila!” Nang natapos niyang sabihin ito galit niyang hinila ang dalawang ito at umalis.

 

 

 Maaga ng sumunod na araw, pagkatapos umalis nina Kapatid na Zhang at Kapatid na Mu, ang aking kapwa Kapatid na Guan na siyang mas mataas kaysa sa akin sa aming simbahan ay lumapit sa akin at nagtanong: “Kapatid na Zhao, narinig ko na lahat kayo ay naniniwala sa Kidlat ng Silanganan?” Sinabi ko sa kanya ng taimtim: “Oo, tinatanggap ko ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw, dahil sa pamamagitan ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos aking naunawaan ang maraming mga katotohanan na hindi ko nauunawaan noon, katulad ng mga misteryo ng Kanyang tatlong yugto ng gawain at ang pagkakatawang-tao ng Diyos. Nakikita ko na ang mga salita ng Diy0s ay “ang mga salitang sinabi ng Banal na Espiritu sa mga simbahan katulad ng hula sa Aklat ng Pahayag.” Sumulyap sa akin si Kapatid na Guan at sinabing: “Kapatid na Zhao, susunod ka ba talaga sa mga pinaniniwalaan ng mga taong ito? Alam mo ba kung anong uring tao sila?” Sinabi ko: “Nakikita ko na ang kanilang pagkatao ay mabuti at sila ay nagbabahagi ng lubos na malinaw tungkol sa katotohanan. Ang lahat ng bagay na kanilang tinatalakay ay tumutukoy sa mga katotohanan ng gawain ng Diyos. Ako ay tunay na nakinabang nitong mga nakaraang dalawang araw.” Galit na sinabi sa akin ni Kapatid na Guan: “Paano nagiging ganito katigas ang iyong ulo? Sinasabi sa atin ng Hebreo 6:6-8: ‘At saka nahiwalay sa Dios ay di maaaring baguhin silang muli sa pagsisisi; yamang kanilang ipinapapakong muli sa ganang kanilang sarili ang Anak ng Dios, at inilalagay na muli siya sa hayag na kahihiyan. Sapagka’t ang lupang humitit ng ulang madalas na lumalagpak sa kaniya, at tinutubuan ng mga damong pakikinabangan ng mga yaon na dahil sa kanila’y binukid, ay tumanggap ng pagpapalang mula sa Dios: Datapuwa’t kung namumunga ng mga tinik at dawag, ay itinatakuwil at malapit sa sumpa; at ang kaniyang kahihinatnan ay ang sunugin.’ Isa kang mangangaral, ika’y lubos na nakikinabang sa biyaya ng Diyos, ngunit hindi mo lang hindi pinangungunahan ang mga kapatid na maniwala sa Panginoon, sa halip ay pinangungunahan mo sila na umalis sa simbahan. Maaari bang ito ay dahil hindi ka natatakot na maparusahan? Kung ikaw ay hindi magbabago maaaring mawala sa iyo ang pag-iingat ng Panginoon, at hindi mo magagawang humiling para sa mga dating magagandang araw. Babalik ang mga dati mong sakit, at ang iyong dalawang mga anak ay hindi magkakaroon ng magagandang trabaho…”

 

Nang umalis na si Kapatid na Guan ako ay kinabahan nang kaunti, at naisip ko sa aking sarili: Ang mga bagay na sinabi niya ay tila may ilang katuwiran, kaya ano ang aking gagawin kung sakaling ang aking pananampalataya sa Makapangyarihang Diyos ay magsanhi upang mawala sa akin ang biyaya ng Panginoon? Nang naisip ko ito naramdaman ko na humina ang aking puso, kaya ako ay nagmamadaling lumuhod at nanalangin sa Diyos: “Makapangyarihang Diyos! Ginawa akong mahina ng mga salita ni Kapatid na Guan. Diyos! Totoo nga ba o hindi ang mga bagay na sinabi niya? Hindi ko talaga alam ang gagawin ngayon….” Habang ako ay nananalangin sa Diyos bumalik ang aking asawa, at sinabi ko sa kanya ang nangyari. Pagkatapos itong marinig kinakabahan niyang sinabi: “Iyan ba talaga ang kanyang sinabi?” Itinango ko ang aking ulo at nangangambang sinabi ng aking asawa: Siya ay naging isang pangunahing pinuno na naniwala sa Panginoon sa loob ng maraming taon, at siya ay lubos na pamilyar sa Biblia. Nararamdaman kong hindi siya magsasabi ng mga kasinungalingan. Kung magiging katulad nga talaga ng kanyang sinabi, ano ang dapat nating gawin?” Sa pagkakataong ito bigla kong naisip ang katotohanan ng tatlong yugto ng gawain ng Diyos na ibinahagi nina Kapatid na Zhang at Kapatid na Mu tungkol sa: Ang gawain ng Diyos para sa kaligtasan ng sangkatauhan ay nahahati sa tatlong mga yugto, ngunit ang lahat ng tatlong yugto ng gawain ay isinasagawa ng isang Diyos. Habang ito ay aking iniisip, biglang itong naging malinaw sa akin, at naibulalas ko sa aking asawa: “Alam kong tila hindi tama ang sinabi ni kapatid na Guan. Sinabi niya na sa pamamagitan ng pagtanggap sa gawain ng Diyos sa mga huling araw, iniiwan natin ang landas ng Panginoon at ipinagkakanulo ang Panginoong Jesus, ngunit ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos na ating binabasa nitong mga nakaraang araw ay totoong tinig ng Diyos. Ang Makapangyarihang Diyos ang pagbabalik ng Panginoong Jesus. Sa pamamagitan ng pagsunod sa Makapangyarihang Diyos, sa katunayan tayo ay sumusunod sa mga yapak ng Tupa. Tayo ang mga matatalinong birhen. Bakit tayo parurusahan ng Panginoon? …” Nasa gitna kami ng pagtalakay tungkol dito nang dumating sina Kapatid na Zhang at Kapatid na Mu …

Write a comment

Comments: 0