· 

Pagpapahayag ng Bumalik na Panginoong Jesus | Tinukso ni Satanas si Job sa Unang Pagkakataon

 

a. Ang mga Salitang Winika ng Diyos

 

Job 1:8 At sinabi ni Jehova kay Satanas, Iyo bang napansin ang Aking lingkod na si Job, sapagka’t walang gaya niya sa lupa, na perpekto at matuwid na lalaki, na natatakot sa Diyos at umiiwas sa kasamaan.

 

Job 1:12 At sinabi ni Jehova kay Satanas, Narito, lahat niyang tinataglay ay nasa iyong kapangyarihan; siya lamang ang huwag mong pagbuhatan ng iyong kamay. Sa gayo’y umalis si Satanas mula sa harapan ni Jehova.

 

b. Sagot ni Satanas

 

Job 1:9-11 Nang magkagayo’y sumagot si Satanas kay Jehova, at sinabi, Natatakot ba nang walang kabuluhan si Job sa Diyos? Hindi Mo ba kinulong siya, at ang kanyang sambahayan, at ang lahat niyang tinataglay sa bawa’t dako? Iyong pinagpala ang gawa ng kanyang mga kamay, at ang kanyang pag-aari ay dumami sa lupain. Nguni’t pagbuhatan Mo siya ng Iyong kamay ngayon, at galawin Mo ang lahat niyang tinataglay, at itatakwil Ka niya nang harapan.

 

Pinahihintulutan ng Diyos si Satanas na Tuksuhin si Job upang Gawing Perpekto ang Pananampalataya ni Job

 

Ang Job 1:8 ay ang unang tala na nakikita natin sa Biblia tungkol sa isang pag-uusap sa pagitan ng Diyos na si Jehova at ni Satanas. At ano ang sinabi ng Diyos? Ang orihinal na teksto ay naglalaman ng sumusunod na salaysay: “At sinabi ni Jehova kay Satanas, Iyo bang napansin ang Aking lingkod na si Job, sapagka’t walang gaya niya sa lupa, na perpekto at matuwid na lalaki, na natatakot sa Diyos at umiiwas sa kasamaan.” Ito ay pagtatasa ng Diyos kay Job sa harap ni Satanas; sinabi ng Diyos na siya ay isang perpekto at matuwid na lalaki, na natatakot sa Diyos at umiiwas sa kasamaan. Bago pa man ang mga salitang ito sa pagitan ng Diyos at ni Satanas, pinagpasiyahan na ng Diyos na gagamitin Niya si Satanas upang tuksuhin si Job—na ipapasa Niya si Job kay Satanas. Sa isang banda, patutunayan nito na ang pagmamasid at pagtataya ng Diyos kay Job ay tumpak at walang pagkakamali, at magdudulot ng kahihiyan kay Satanas sa pamamagitan ng patotoo ni Job; sa kabilang banda, gagawin nitong perpekto ang pananampalataya at takot ni Job sa Diyos. Kaya, nang si Satanas ay naparoon sa harap ng Diyos, hindi nagpaligoy-ligoy ang Diyos. Diretso Niyang sinabi at tinanong kay Satanas: “Iyo bang napansin ang Aking lingkod na si Job, sapagka’t walang gaya niya sa lupa, na perpekto at matuwid na lalaki, na natatakot sa Diyos at umiiwas sa kasamaan?” Sa tanong ng Diyos ay may sumusunod na kahulugan: Alam ng Diyos na lumilibot si Satanas sa lahat ng lugar, at madalas niyang manmanan si Job, na lingkod ng Diyos. Madalas niya itong tuksuhin at salakayin, sinusubukang maghanap ng paraan upang magdala ng kasiraan kay Job para mapatunayan na ang pananampalataya sa Diyos at ang takot sa Diyos ni Job ay hindi matatag. Si Satanas din ay mabilisang naghanap ng mga pagkakataon para ganap na masira si Job, na maaaring itakwil ni Job ang Diyos at hayaan si Satanas na agawin siya sa mga kamay ng Diyos. Ngunit ang Diyos ay tumingin sa loob ng puso ni Job at nakita Niya na siya ay perpekto at matuwid, at siya ay natatakot sa Diyos at lumalayo sa kasamaan. Ginamit ng Diyos ang isang tanong para sabihin kay Satanas na si Job ay isang perpekto at matuwid na tao na natatakot sa Diyos at lumalayo sa kasamaan, na hindi kailanman tatalikuran ni Job ang Diyos at susunod kay Satanas. Nang marinig ang pagtasa ng Diyos kay Job, nagalit si Satanas dahil sa kahihiyan, at lalo siyang napoot, at lalong nainip na agawin si Job, dahil hindi kailanman naniwala si Satanas na may isang taong maaaring maging perpekto at matuwid, o makaya nilang matakot sa Diyos at layuan ang kasamaan. Kasabay nito, si Satanas ay napoot din sa pagka-perpekto at pagkamatuwid ng tao, at nagalit sa mga tao na makayang matakot sa Diyos at layuan ang kasamaan. Gayon din naman nasusulat sa Job 1:9-11 na “Nang magkagayo’y sumagot si Satanas kay Jehova, at sinabi, Natatakot ba nang walang kabuluhan si Job sa Diyos? Hindi Mo ba kinulong siya, at ang kanyang sambahayan, at ang lahat niyang tinataglay, sa bawa’t dako? Iyong pinagpala ang gawa ng kanyang mga kamay, at ang kanyang pag-aari ay dumami sa lupain. Nguni’t pagbuhatan Mo siya ng Iyong kamay ngayon, at galawin Mo ang lahat niyang tinataglay, at itatakwil Ka niya nang harapan,” Kilalang-kilala ng Diyos ang malisyosong kalikasan ni Satanas, at alam na alam na matagal nang balak ni Satanas na sirain si Job, at kaya ninais ng Diyos, sa pamamagitan ng pagsasabing muli kay Satanas na si Job ay perpekto at matuwid at siya ay may takot sa Diyos at lumalayo sa kasamaan, upang ilagay sa kanyang lugar si Satanas, na maibunyag ni Satanas ang tunay nitong mukha at lusubin at tuksuhin si Job. Sa ibang salita, kusang binigyang-diin ng Diyos na perpekto at matuwid si Job, at kinatakutan niya ang Diyos at umiiwas siya sa kasamaan, at sa pamamagitan nito ay hinayaan Niyang lusubin ni Satanas si Job dahil sa pagkamuhi at galit ni Satanas sa pagiging perpekto at matuwid ni Job, isang taong may takot sa Diyos at umiiwas sa kasamaan. Bunga nito, magdadala ng kahihiyan ang Diyos kay Satanas dahil sa katotohanan na si Job ay perpekto at matuwid na tao, isang tao na may takot sa Diyos at umiiwas sa kasamaan, at si Satanas ay maiiwang lubos na napahiya at talunan. Pagkatapos nito, si Satanas ay hindi na muling mag-aalinlangan o gagawa ng mga paratang kay Job tungkol sa kanyang pagka-perpekto, pagkamatuwid, pagkatakot sa Diyos, o paglayo sa kasamaan. Sa ganitong paraan, ang pagsubok ng Diyos at panunukso ni Satanas ay halos di-maiiwasan. Ang tanging isa na nagawang makatiis sa pagsubok ng Diyos at panunukso ni Satanas ay si Job. Sunod sa usapang ito, si Satanas ay nabigyan ng pahintulot na tuksuhin si Job. Kaya nagsimula ang unang mga paglusob ni Satanas. Ang pinatatamaan ng mga paglusob na ito ay ang mga ari-arian ni Job, sapagkat ginawa ni Satanas ang mga sumusunod na paratang laban kay Job: “Natatakot ba nang walang kabuluhan si Job sa Diyos? … Iyong pinagpala ang gawa ng kanyang mga kamay, at ang kanyang pag-aari ay dumami sa lupain.” Bunga nito, pinahintulutan ng Diyos si Satanas na kunin ang lahat ng ari-arian ni Job—na siyang tunay na layunin kung bakit nakipag-usap ang Diyos kay Satanas. Gayunman, gumawa ang Diyos ng isang utos kay Satanas: “Lahat niyang tinataglay ay nasa iyong kapangyarihan; siya lamang ang huwag mong pagbuhatan ng iyong kamay” (Job 1:12). Ito ang kondisyong ginawa ng Diyos matapos Niyang payagan si Satanas na tuksuhin si Job at ilagay si Job sa kamay ni Satanas, ang hangganan na itinakda Niya para kay Satanas: Inutusan niya si Satanas na huwag saktan si Job. Dahil kinikilala ng Diyos na si Job ay perpekto at matuwid, at mayroon Siyang pananampalataya na ang pagka-perpekto at pagkamatuwid ni Job sa Kanyang harapan ay walang alinlangan, at kayang tiisin ang pagsubok, kaya pinahintulutan ng Diyos na tuksuhin ni Satanas si Job, ngunit nagpataw Siya ng hangganan kay Satanas: Si Satanas ay pinahintulutan na kunin ang lahat ng ari-arian ni Job, ngunit hindi ito maaaring magtaas ng isang daliri laban sa kanya. Ano ang ibig sabihin nito? Ang ibig sabihin nito ay hindi lubusang ibinigay ng Diyos si Job kay Satanas. Maaaring tuksuhin ni Satanas si Job sa anumang paraan na nais nito, ngunit hindi nito maaaring saktan si Job mismo, kahit isang buhok sa kanyang ulo, dahil ang lahat sa tao ay pinamamahalaan ng Diyos, kung mabubuhay at mamamatay ang tao ay naaayon sa pasiya ng Diyos, at si Satanas ay walang ganitong karapatan. Matapos sabihin ng Diyos ang mga salitang ito kay Satanas, hindi na makakapaghintay na magsimula si Satanas. Ginamit nito ang lahat ng paraan upang tuksuhin si Job, at hindi nagtagal nawala kay Job ang gabundok na tupa at baka at lahat ng ari-arian na ibinigay sa kanya ng Diyos…. Kaya dumating ang mga pagsubok ng Diyos sa kanya.

 

Kahit sinasabi sa atin ng Biblia ang mga pinagmulan ng panunukso kay Job, si Job ba mismo, na sumailalim sa mga tuksong ito, ay may kamalayan kung ano ang nangyayari? Si Job ay isa lamang mortal na tao; siyempre wala siyang alam sa mga nangyayari sa likod niya. Gayunman, ang kanyang takot sa Diyos, at ang kanyang pagka-perpekto at pagkamatuwid, ang nakapagpatanto sa kanya na ang mga pagsubok ng Diyos ay dumating sa kanya. Hindi niya alam kung ano ang naganap sa espirituwal na dako, o kung ano ang mga layunin ng Diyos sa likod ng mga pagsubok na ito. Ngunit alam niya na kahit ano pa man ang mangyari sa kanya, dapat niyang patotohanan ang kanyang pagka-perpekto at pagkamatuwid, at dapat siyang sumunod sa paraan ng pagkatakot sa Diyos at paglayo sa kasamaan. Malinaw na nakita ng Diyos ang saloobin ni Job at reaksyon niya sa mga bagay na ito. At ano ang nakita ng Diyos? Nakita Niya ang puso ni Job na natatakot sa Diyos, dahil mula sa simula pa lang hanggang sa pagsubok kay Job, nanatiling bukas ang puso ni Job sa Diyos, inihain ito sa harap ng Diyos, at hindi itinakwil ni Job ang kanyang pagka-perpekto o pagkamatuwid, at hindi rin siya tumanggi o tumalikod sa paraan ng pagkatakot sa Diyos at paglayo sa kasamaan—at wala nang ibang mas kasiya-siya pa sa Diyos. Susunod, titingnan natin kung ano ang mga tukso na pinagdaanan ni Job at kung paano niya trinato ang mga pagsubok na ito. Basahin natin ang banal na kasulatan.

 

c. Ang Reaksyon ni Job

 

Job 1:20-21 Nang magkagayo’y bumangon si Job, at pinunit ang kanyang balabal, at inahitan ang kanyang ulo, at nagpatirapa sa lupa at sumamba; At sinabi niya, Hubad akong lumabas sa sinapupunan ng aking ina, at hubad na babalik ako roon: si Jehova ang nagbigay, at si Jehova ang babawi; purihin ang pangalan ni Jehova.

 

Na Kusang Ibinalik ni Job ang Lahat ng Kanyang Pag-aari na Nanggaling sa Kanyang Takot sa Diyos

 

Pagkatapos sabihin ng Diyos kay Satanas, “Lahat ng kanyang pag-aari ay nasa iyong kapangyarihan; siya lamang ang huwag mong pagbuhatan ng iyong kamay,” umalis si Satanas, at matapos noon ay napasailalim sa biglaan at mababangis na paglusob si Job: Una, ninakaw ang kanyang mga baka at mga asno at pinatay ang mga tagapaglingkod niya; sumunod, sinunog hanggang sa pagkawasak ang kanyang mga tupa at mga tagapaglingkod; matapos noon, kinuha ang mga kamelyo niya at pinatay ang mga tagapaglingkod niya; sa huli, kinuha ang buhay ng mga anak niyang lalaki at babae. Ang sunod-sunod na paglusob na ito ay ang paghihirap na dinanas ni Job sa unang tukso. Ayon sa iniutos ng Diyos, ang mga ari-arian at mga anak lang ni Job ang pinuntirya sa panahon ng mga paglusob ni Satanas, at hindi sinaktan si Job. Gayunman, si Job ay biglaang nabago mula sa pagiging mayamang tao na nagmamay-ari ng malaking kayamanan hanggang sa naging taong walang kahit anong ari-arian. Walang sinuman ang may kakayahang matagalan ang mga kagila-gilalas na biglaang paglusob o tumugon nang maayos dito, ngunit ipinakita ni Job ang kanyang pambihirang kakayahan. Nagbibigay ang Banal na Kasulatan ng sumusunod na salaysay: “Nang magkagayo’y bumangon si Job, at pinunit ang kanyang balabal, at inahitan ang kanyang ulo, at nagpatirapa sa lupa at sumamba;” Ito ang unang reaksyon ni Job pagkatapos niyang marinig na nawala sa kanya ang kanyang mga anak at lahat ng kanyang ari-arian. Higit sa lahat, hindi siya mukhang nagulat, o takot na takot, lalong hindi siya nagpahayag ng galit o poot. Nakikita mo, sa gayon, na nakilala na niya sa kanyang puso na ang mga sakunang ito ay hindi isang aksidente, o gawain ng kamay ng tao, lalong hindi sila pagganti o kaparusahan. Sa halip, dumating sa kanya ang mga pagsubok ng Diyos na si Jehova; ang Diyos na si Jehova ang nagnais na kunin ang kanyang ari-arian at mga anak. Napaka-mahinahon at malinaw ang pag-iisip ni Job noon. Ang kanyang perpekto at matuwid na pagkatao ang tumulong sa kanya upang makatwiran at likas na gumawa ng mga tumpak na paghatol at pagpapasya tungkol sa mga sakunang dumating sa kanya, at dahil dito, nagawa niyang kumilos nang may pambihirang kahinahunan: “Nang magkagayo’y bumangon si Job, at pinunit ang kanyang balabal, at inahitan ang kanyang ulo, at nagpatirapa sa lupa at sumamba;” Ang “pinunit ang kanyang balabal” ay nangangahulugan na wala siyang suot, at walang pagmamay-ari; ang “inahitan ang kanyang ulo” ay nangangahulugang bumalik siya sa Diyos bilang isang bagong silang na sanggol; ang “nagpatirapa sa lupa, at sumamba” ay nangangahulugang dumating siya sa mundo nang hubad, at wala pa ring pag-aari sa ngayon, ibinalik siya sa Diyos bilang isang bagong silang na sanggol. Ang saloobin ni Job sa lahat ng sinapit niya ay hindi maaaring makamit ng anumang nilalang ng Diyos. Ang kanyang pananampalataya sa Diyos na si Jehova ay hindi kapani-paniwala; ganito ang kanyang takot sa Diyos, at pagkamasunurin sa Diyos, at hindi lamang siya nagpasalamat sa Diyos sa pagbibigay sa kanya, ngunit pati na rin sa pagkuha mula sa kanya. Higit pa rito, nagawa niyang ibalik ang lahat ng kanyang pag-aari, pati ang kanyang buhay.

 

Ang takot at pagkamasunurin ni Job sa Diyos ay isang halimbawa sa sangkatauhan, at ang kanyang pagka-perpekto at ang pagkamatuwid ay ang rurok ng pagkatao na dapat taglayin ng tao. Kahit hindi niya nakita ang Diyos, napagtanto niya na tunay na umiiral ang Diyos, at dahil sa pagtatantong ito ay natakot siya sa Diyos—at dahil sa takot niya sa Diyos, nagawa niyang sumunod sa Diyos. Binigyan niya ang Diyos ng kalayaan na kunin ang lahat ng kanyang pag-aari, gayunman wala siyang hinaing, at nagpakumbaba sa harap ng Diyos at sinabi sa Kanya, sa oras na ito, na kahit na kunin ng Diyos ang kanyang laman, masaya siyang hahayaan na gawin Niya ito, nang walang hinaing. Ang kanyang buong asal ay dahil sa kanyang perpekto at matuwid na pagkatao. Ibig sabihin, bunga ng kanyang kawalang-sala, katapatan, at kabaitan, si Job ay di-natinag sa kanyang pagtatanto at karanasan na mayroong Diyos, at mula sa saligang ito inatasan niya ang kanyang sarili at binigyan ng pamantayan ang kanyang pag-iisip, pag-uugali, pag-aasal at mga prinsipyo ng mga pagkilos sa harap ng Diyos na naayon sa patnubay ng Diyos sa kanya at sa mga gawa ng Diyos na nakita niya sa lahat ng bagay. Sa paglipas ng panahon, nagdulot sa kanya ang kanyang mga karanasan ng tunay at totoong takot sa Diyos at nagawa niyang layuan ang kasamaan. Ito ang pinagmulan ng katapatan na mahigpit na pinanghawakan ni Job. Nagmay-ari si Job ng isang matapat, walang sala, at mabait na pagkatao, at siya ay mayroong tunay na karanasan ng takot sa Diyos, pagsunod sa Diyos, at paglayo sa kasamaan, pati na rin ang kaalaman na “si Jehova ang nagbigay, at si Jehova ang babawi.” Dahil lamang sa mga bagay na ito kaya siya matibay na nakatayo at sumaksi sa gitna ng mapaminsalang paglusob ni Satanas, at dahil sa mga ito kaya niya nagawang hindi biguin ang Diyos at magbigay ng kasiya-siyang sagot sa Diyos nang ang mga pagsubok ng Diyos ay sumakanya. Kahit na ang asal ni Job sa unang tukso ay lubos na tapat, ang mga sumunod na henerasyon ay hindi siguradong may kakayahang makamit ang ganitong katapatan kahit na pagkatapos ng kanilang habambuhay na mga pagsisikap, at hindi rin nila kayang taglayin ang asal ni Job na inilarawan sa itaas. Ngayon, nakikita mo ang tapat na asal ni Job, at kung ihahambing ito sa mga sigaw at pagpupunyagi ng “lubos na pagkamasunurin at katapatang hanggang sa kamatayan” na ipinapakita sa Diyos ng mga taong nagsasabing naniniwala sa Diyos at sumusunod sa Diyos, kayo ba, o hindi ba kayo, nakakaramdam nang lubos na kahihiyan?

 

Kung babasahin mo sa banal na kasulatan ang lahat ng pinagdusahan ni Job at ng kanyang pamilya, ano ang iyong reaksyon? Napag-isipan mo ba itong mabuti? Nagulat ka ba? Masasabi bang ang mga pagsubok na dumating kay Job ay “kahindik-hindik”? Sa ibang salita, kakila-kilabot na basahin ang mga pagsubok ni Job na inilarawan sa banal na kasulatan, ano pang masasabi natin sa kung paano sila sa tunay na buhay. Nakikita mo, sa gayon, na ang naranasan ni Job ay hindi isang “pagsasanay,” ngunit isang tunay na “labanan,” na nagtatampok ng tunay na “mga baril” at “mga bala.” Ngunit kaninong kamay ang nagsailalim sa kanya sa mga pagsubok na ito? Ang mga ito, siyempre, ay isinagawa ni Satanas, personal na isinagawa ang mga ito ni Satanas—ngunit pinahintulutan ng Diyos ang mga ito. Sinabi ba ng Diyos kay Satanas kung sa anong mga paraan dapat tuksuhin si Job? Hindi Niya sinabi. Nagbigay lang ang Diyos ng isang kondisyon, pagkatapos nito ay dumating ang panunukso kay Job. Nang dumating ang tukso kay Job, binigyan nito ang mga tao ng pag-unawa sa kasamaan at kapangitan ni Satanas, ng mga masamang hangarin at pagkamuhi nito sa tao, at ng pagkapoot nito sa Diyos. Dito makikita natin na hindi maaaring ilarawan ng mga salita kung gaano kalupit ng tuksong ito. Masasabing ang malisyosong kalikasan na ginamit ni Satanas upang pagmalupitan ang tao at ang pangit nitong mukha ay buong ibinunyag sa sandaling ito. Ginamit ni Satanas ang pagkakataong ito, ang pagkakataong ibinigay ng pahintulot ng Diyos, para isailalim si Job sa nag-iinit at walang awang pagmamalupit, ang paraan at antas ng kalupitan ay parehong hindi mailarawan at ganap na hindi mapag-titiisan ng mga tao ngayon. Sa halip na sabihing tinukso ni Satanas si Job, at naging matatag siya sa kanyang pagpatotoo sa panahon ng tuksong ito, mas mabuting sabihin na sa mga pagsubok na itinakda para sa kanya ng Diyos si Job ay nakipagpaligsahan kay Satanas upang ingatan ang kanyang pagka-perpekto at pagkamatuwid, at ipagtanggol ang kanyang paraan ng pagkatakot sa Diyos at paglayo sa kasamaan. Sa paligsahang ito, nawala kay Job ang gabundok na mga tupa at baka, nawala sa kanya ang lahat ng kanyang ari-arian, at nawala sa kanya ang kanyang mga anak na lalaki at babae—ngunit hindi niya tinalikuran ang kanyang pagka-perpekto, pagkamatuwid, o takot sa Diyos. Sa ibang salita, sa paligsahang ito laban kay Satanas, mas ginusto pa niyang mawala ang kanyang ari-arian at mga anak sa halip na mawala ang kanyang pagka-perpekto, pagkamatuwid, at takot sa Diyos. Ginusto niyang manatili sa ugat ng ibig sabihin ng pagiging tao. Ang Banal na Kasulatan ay nagbibigay ng isang maikling salaysay ng buong pamamaraan kung paano nawala kay Job ang kanyang mga ari-arian, at itinala rin nito ang asal at saloobin ni Job. Ang mga tuwiran at malinaw na mga salaysay na ito, ay nagbibigay ng pakiramdam na halos mahinahon si Job sa pagharap sa tuksong ito, ngunit kung ang tunay na nangyari ay mangyayari uli, na dinagdagan ng malisyosong kalikasan ni Satanas—sa gayon ang mga bagay ay hindi magiging kasing-simple o kasindali ng inilarawan sa mga pangungusap na ito. Ang realidad ay higit na mas malupit. Ganoon ang antas ng pagkasira at poot na ginamit ni Satanas sa pagtrato sa sangkatauhan at sa lahat ng pinagtibay ng Diyos. Kung hindi sinabi ng Diyos kay Satanas na huwag saktan si Job, walang duda na papatayin siya ni Satanas nang walang pag-aatubili. Hindi nais ni Satanas na may sinumang sumamba sa Diyos, at hindi rin nito nais na magpatuloy na matakot sa Diyos at lumayo sa kasamaan ang mga taong matapat sa mga mata ng Diyos at yaong mga perpekto at matuwid. Para sa mga tao na matakot sa Diyos at lumayo sa kasamaan ay nangangahulugan na dapat layuan at talikdan nila si Satanas, at kaya sinamantala ni Satanas ang pahintulot ng Diyos upang ibunton ang lahat ng poot at galit nito kay Job nang walang awa. Nakikita mo, sa gayon, kung gaano kalaki ang paghihirap na pinagdusahan ni Job, mula sa isip hanggang sa laman, mula sa labas hanggang sa loob. Ngayon, hindi natin nakikita kung paano ito noon, at maaari lamang makuha, mula sa mga salaysay ng Biblia, ang isang maikling sulyap ng mga damdamin ni Job nang ipailalim siya sa mga paghihirap ng panahong iyon.

 

Ang Di-Natitinag na Katapatan ni Job ay Nagdadala ng Kahihiyan kay Satanas at Nagiging Sanhi ng Pagtakas Nito nang may Pagkasindak

 

At ano ang ginawa ng Diyos noong sumasailalim si Job sa pagpapahirap na ito? Ang Diyos ay nagmasid, at nanood, at naghintay ng kalalabasan. Habang nagmamasid at nanonood ang Diyos, ano ang nadama Niya? Siyempre nakadama Siya ng pighati. Ngunit, bilang resulta ng Kanyang kalungkutan, pinagsisihan kaya Niya ang Kanyang pahintulot kay Satanas na tuksuhin si Job? Ang sagot ay, Hindi, hindi Niya pinagsisihan. Sapagkat matatag Siyang naniwala na perpekto at matuwid si Job, na siya ay may takot sa Diyos at umiiwas sa kasamaan. Binigyan lang ng Diyos si Satanas ng pagkakataon na patunayan ang pagkamatuwid ni Job sa harap ng Diyos, at para ibunyag ang sarili nitong kasamaan at kasuklam-suklam na kalagayan. Bukod diyan, pagkakataon ito para patunayan ni Job ang kanyang pagkamatuwid at takot sa Diyos at pag-iwas sa kasamaan sa harap ng mga tao sa mundo, kay Satanas, at kahit sa mga taong sumusunod sa Diyos. Pinatunayan ba ng huling kinalabasang ito na ang pagtatasa ng Diyos kay Job ay tama at walang pagkakamali? Talaga bang nangibabaw si Job kay Satanas? Dito ay mababasa natin ang mga pangkaraniwang salita na sinabi ni Job, mga salitang patunay na napagtagumpayan niya si Satanas. Sinabi niya: “Hubad akong lumabas sa sinapupunan ng aking ina, at hubad na babalik ako roon:” Ganito ang saloobin ng pagkamasunurin ni Job sa Diyos. Susunod, sinabi niya: “si Jehova ang nagbigay, at si Jehova ang babawi; purihin ang pangalan ni Jehova.” Ang mga salitang ito na sinabi ni Job ay patunay na pinagmamasdan ng Diyos ang kailaliman ng puso ng tao, na nakikita Niya ang nasa isip ng tao, at pinatutunayan ng mga ito na ang Kanyang pagsang-ayon kay Job ay walang pagkakamali, na ang taong ito na sinang-ayunan ng Diyos ay matuwid. “si Jehova ang nagbigay, at si Jehova ang babawi; purihin ang pangalan ni Jehova.” Ang mga salitang ito ay patotoo ni Job sa Diyos. Ang mga pangkaraniwang salitang ito ang nagpasuko kay Satanas, nagdala dito ng kahihiyan at naging dahilan ng pagtakas nito nang may pagkasindak, at, higit pa rito, nagkadena kay Satanas at nag-iwan nito nang walang mga mapagkukunan. Gayundin, ang mga salitang ito ang nagparamdam kay Satanas ng kamanghaan at kapangyarihan ng mga gawa ng Diyos na si Jehova, at nagpahintulot ditong makita ang pambihirang bighani ng isang tao na ang puso ay pinamamahalaan ng paraan ng Diyos. Bukod pa rito, pinatunayan ng mga ito kay Satanas ang pambihirang sigla na ipinakita ng isang maliit at hamak na tao sa pag-ayon sa daan na may takot sa Diyos at umiiwas sa kasamaan. Kaya natalo si Satanas sa unang paligsahan. Sa kabila ng kanyang “pinagtrabahuhang pananaw,” walang balak si Satanas na pakawalan si Job, at wala ring anumang pagbabago sa malisyosong kalikasan nito. Sinikap ni Satanas na patuloy na lusubin si Job, at minsan pang tumayo sa harap ng Diyos …

 

—mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao