Sa Pananalig sa Diyos, Dapat Kang Magbuo ng Normal na Relasyon sa Diyos

 

Nauugnay na mga Salita ng Diyos:

 

Sa paniniwala sa Diyos, kahit paano dapat mong lutasin ang usapin tungkol sa pagkakaroon ng isang normal na kaugnayan sa Diyos. Kung wala ang isang normal na kaugnayan sa Diyos, kung gayon ang kabuluhan sa paniniwala sa Diyos ay nawawala. Ang pagtatatag ng isang normal na kaugnayan sa Diyos ay lubos na natatamo sa pamamagitan ng pagpapatahimik sa iyong puso sa presensiya ng Diyos. Ang isang normal na kaugnayan sa Diyos ay nangangahulugan na nagagawang hindi pagdudahan o itanggi ang anuman sa gawain ng Diyos at magpasakop dito, at saka ito ay nangangahulugan ng pagkakaroon ng tamang mga layunin sa presensiya ng Diyos, hindi pag-iisip sa sarili mo, palaging pagkakaroon ng mga interes ukol sa pamilya ng Diyos bilang ang pinakamahalagang bagay maging anuman ang iyong ginagawa, pagtanggap sa pagmamasid ng Diyos, at pagpapasakop sa pagsasaaayos ng Diyos. Nagagawa mong mapatahimik ang iyong puso sa presensiya ng Diyos sa bawat sandaling gumagawa ka ng anumang bagay; kahit na hindi mo nauunawaan ang kalooban ng Diyos, dapat mo pa ring tuparin ang iyong mga tungkulin at mga pananagutan sa abot ng iyong makakaya. Hindi pa masyadong huli upang hintayin na mabunyag sa iyo ang kalooban ng Diyos at pagkatapos ay isagawa ito. Kapag naging normal na ang iyong kaugnayan sa Diyos, kung gayon magkakaroon ka rin ng isang normal na kaugnayan sa mga tao. Ang lahat ay itinatatag sa saligan ng mga salita ng Diyos. Sa pamamagitan ng pagkain at pag-inom ng mga salita ng Diyos, magsagawa ka alinsunod sa mga kinakailangan ng Diyos, itama ang iyong mga pananaw, at huwag gumawa ng mga bagay na kumakalaban sa Diyos o gumagambala sa iglesia. Huwag gumawa ng mga bagay na walang pakinabang sa mga buhay ng mga kapatid, huwag magsalita ng mga bagay na hindi nakatutulong sa ibang mga tao, huwag gumawa ng mga kahiya-hiyang bagay. Maging makatarungan at kagalang-galang kapag ginagawa ang lahat ng bagay at gawing kaaya-aya ang mga ito sa harap ng Diyos. Bagama’t ang laman ay mahina paminsan-minsan, nagagawa mong ilakip ang pinakamataas na kahalagahan sa kapakinabangan ng pamilya ng Diyos, huwag pag-imbutan ang iyong sariling mga pakinabang, at ipatupad ang pagkamakatuwiran. Kung makakapagsagawa ka sa ganitong paraan, ang iyong kaugnayan sa Diyos ay magiging normal.

 

—mula sa “Kumusta ang Relasyon Mo sa Diyos?” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

 

Sa bawat pagkakataong gagawa ka ng anumang bagay, dapat mong siyasatin kung ang iyong mga pagganyak ay tama. Kung nagagawa mong kumilos alinsunod sa mga kinakailangan ng Diyos, kung gayon ang iyong kaugnayan sa Diyos ay normal. Ito ang pinakamababang pamantayan. Kung, sa pagsisiyasat mo sa iyong mga pagganyak, lumabas yaong mga hindi tama, at kung magagawa mong talikuran ang mga ito at kumilos alinsunod sa mga salita ng Diyos, kung gayon ikaw ay magiging yaong nararapat sa harap ng Diyos, na magpapakita na ang iyong kaugnayan sa Diyos ay normal, at na ang lahat ng iyong ginagawa ay para sa kapakanan ng Diyos, at hindi para sa sarili mo. Sa bawat pagkakataon na ikaw ay gumagawa o nagsasabi ng anumang bagay, dapat mong ilagay sa tama ang iyong puso, maging matuwid, at huwag pangunahan ng iyong mga damdamin, o kumilos alinsunod sa iyong sariling kalooban. Ito ang mga prinsipyo kung saan iginagawi ng mga sumasampalataya sa Diyos ang kanilang mga sarili. Ang mga pagganyak at tayog ng isang tao ay maaaring ibunyag sa isang maliit na bagay, at kaya, para makapasok ang mga tao sa landas ng pagiging ginawang perpekto ng Diyos, dapat muna nilang lutasin ang kanilang sariling mga pagganyak at ang kanilang kaugnayan sa Diyos. Kapag ang iyong kaugnayan sa Diyos ay normal saka ka lamang magagawang perpekto ng Diyos, at sa gayon lamang matatamo ng pakikitungo, pagtatabas, pagdidisiplina, at pagpipino ng Diyos sa iyo ang ninanais na epekto ng mga ito. Na ang ibig sabihin, nagagawa ng mga taong taglayin ang Diyos sa kanilang mga puso, hindi hinahangad ang personal na mga pakinabang, hindi iniisip ang kanilang personal na kinabukasan (tumutukoy sa pag-iisip ng laman), ngunit sa halip binabata nila ang pagpasok sa buhay, ginagawa nila ang buong makakaya sa paghahangad sa katotohanan, at nagpapasakop sa gawain ng Diyos. Sa ganitong paraan, ang mga layunin na iyong hinahangad ay tama, at ang iyong kaugnayan sa Diyos ay normal. Maaaring sabihin na ang pagsasaayos sa kaugnayan ng isa sa Diyos ay ang unang hakbang sa pagpasok sa espirituwal na paglalakbay ng isa. Bagama’t ang kapalaran ng tao ay nasa mga kamay ng Diyos, at naitalaga na ng Diyos, at hindi mababago sa ganang mga sarili ng mga ito, kung ikaw ay maaaring gawing perpekto at kamtin ng Diyos ay nakasalalay sa kung ang iyong kaugnayan sa Diyos ay normal o hindi. Marahil ay mayroong mga bahagi sa iyo na mahina at masuwayin—ngunit hangga’t ang iyong pananaw ay tama at ang iyong mga pagganyak ay wasto, at hangga’t inilalagay mo sa tama ang iyong kaugnayan sa Diyos at ginawa itong normal, kung gayon ikaw ay karapat-dapat na gawing perpekto ng Diyos. Kung hindi mo taglay ang tamang kaugnayan sa Diyos, at kumikilos para sa kapakanan ng laman, o ng iyong pamilya, kung gayon gaano ka man kasikap gumawa ang lahat ay mauuwi sa wala. Kung ang iyong kaugnayan sa Diyos ay normal, kung gayon ang lahat ng iba pa ay magiging maayos. Wala nang ibang tinitingnan ang Diyos, ngunit tinitingnan lamang Niya kung ang iyong mga pananaw sa paniniwala sa Diyos ay tama: kung sino ang iyong pinaniniwalaan, kung para sa kaninong kapakanan ka naniniwala, at bakit ka naniniwala. Kung nagagawa mong makita nang malinaw ang mga bagay na ito, at nagagawa mong ilagay sa tama ang iyong mga pananaw at pagsasagawa, kung gayon ang iyong buhay ay makagagawa ng pagsulong, at tiyak na magagawa mong pumasok sa tamang landas. Kung ang iyong kaugnayan sa Diyos ay hindi normal, at ang iyong mga pananaw sa paniniwala sa Diyos ay lihis, hahadlangan ng mga ito ang lahat ng iba pa. Maging paano ka man naniniwala sa Diyos, hindi ka magkakamit ng anuman. Kung normal ang iyong kaugnayan sa Diyos saka ka lamang pagtitibayin ng Diyos kapag tinalikuran mo ang laman, nanalangin, nagdusa, nagtiis, sumunod, tinulungan ang iyong mga kapatid, naglaan ng mas marami pang pagsisikap sa Diyos, at iba pa.

 

—mula sa “Kumusta ang Relasyon Mo sa Diyos?” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

 

Ang mga tao ay naniniwala sa Diyos, iniibig ang Diyos, at napalulugod ang Diyos sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa Espiritu ng Diyos gamit ang kanilang mga puso, sa gayon ay nakakamtan ang Kanyang kaluguran; kapag taos-puso silang nakikiugnay sa mga salita ng Diyos, naaantig sila ng Espiritu ng Diyos. Kung nais mong matamo ang isang angkop na espirituwal na buhay at makapagtatag ng isang angkop na kaugnayan sa Diyos, dapat mo munang ibigay ang iyong puso sa Kanya, at ipanatag ang iyong puso sa harap Niya. Kapag naibuhos mo na ang iyong buong puso sa Diyos saka mo lamang mapapaunlad nang unti-unti ang isang angkop na espirituwal na buhay. Kung hindi ibinibigay ng mga tao ang kanilang puso sa Diyos sa kanilang paniniwala sa Kanya, kung ang kanilang puso ay wala sa Kanya at hindi nila tinatrato ang Kanyang pasanin bilang sarili nila, kung gayon ang lahat ng kanilang ginagawa ay pandaraya sa Diyos, at ito ay pawang pag-uugali ng mga taong relihiyoso—hindi nito matatamo ang papuri ng Diyos. Ang Diyos ay hindi makakakuha ng anuman mula sa taong ganito; ang ganitong uri ng tao ay makakapaglingkod lamang bilang isang hambingan sa gawain ng Diyos, kagaya ng isang palamuti sa tahanan ng Diyos, nakapagpapasikip lamang, at isang walang kabuluhan—hindi kinakasangkapan ng Diyos ang ganitong uri ng tao. Ang isang taong gayon ay hindi lamang walang pagkakataon para sa gawain ng Banal na Espiritu, nguni’t higit pa, walang anumang halaga sa pagka-perpekto. Ang ganitong uri ng tao ang siyang totoong “patay na naglalakad.” Wala silang mga sangkap na maaaring kasangkapanin ng Banal na Espiritu—silang lahat ay inangkin na ni Satanas, lubos nang ginawang tiwali ni Satanas, at sila ang pakay ng pag-aalis ng Diyos. Hindi lamang kinakasangkapan ng Banal na Espiritu ang mga tao sa kasalukuyan sa pamamagitan ng pagpapairal sa kanilang mabubuting katangian, ngunit gayundin sa pagka-perpekto at pagbabago sa kanilang mga pagkukulang. Kung ang iyong puso ay maibubuhos sa Diyos at mananatiling payapa sa harap ng Diyos, kung gayon magkakaroon ka ng pagkakataon at ng mga kwalipikasyon upang kasangkapanin ng Banal na Espiritu, upang tanggapin ang kaliwanagan at pagpapalinaw ng Banal na Espiritu, at higit pa, makakamtam mo ang pagkakataon para sa Banal na Espiritu na makabawi para sa iyong mga pagkukulang. Kapag ibinigay mo ang iyong puso sa Diyos, mas lalo kang makapapasok nang mas malalim sa positibong aspeto at mapupunta sa mas mataas na uri ng pananaw; sa negatibong aspeto, magkakaroon ka ng mas maraming pagkaunawa ukol sa iyong sariling mga pagkakamali at mga pagkukulang, magiging mas masigasig ka na hangaring mapalugod ang kalooban ng Diyos, at hindi ka magiging walang kibo, at aktibong makapapasok. Mangangahulugan ito na ikaw ay isang tamang tao.

 

—mula sa “Ang Pagtatatag ng Isang Wastong Kaugnayan sa Diyos ay Napakahalaga” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

 

Kung nais mong magkaroon ng wastong kaugnayan sa Diyos, dapat na ibaling ang iyong puso sa Diyos, at sa saligang ito, magkakaroon ka rin ng wastong kaugnayan sa ibang mga tao. Kung wala kang wastong kaugnayan sa Diyos, maging anuman ang iyong gawin upang mapanatili ang iyong kaugnayan sa ibang mga tao, kahit gaano ka man kasikap gumawa o gaano man karaming lakas ang iyong ibuhos, makakabilang pa rin ito sa isang pilosopiya sa buhay ng tao. Pinananatili mo ang iyong kalagayan sa gitna ng mga tao sa pamamagitan ng isang pananaw ng tao at isang pilosopiya ng tao upang purihin ka nila. Hindi ka nagtatatag ng wastong mga kaugnayan sa mga tao alinsunod sa salita ng Diyos. Kung hindi ka magtutuon ng pansin sa iyong mga kaugnayan sa mga tao ngunit nagpapanatili ng isang wastong kaugnayan sa Diyos, kung ikaw ay nakahandang ibigay ang iyong puso sa Diyos at matututuhang sundin Siya, likas lamang na ang iyong mga kaugnayan sa lahat ng tao ay magiging wasto. Sa ganitong paraan, ang mga kaugnayang ito ay hindi itinatatag sa laman, ngunit sa saligan ng pag-ibig ng Diyos. Halos walang mga pakikipag-ugnayan batay sa laman, ngunit sa espiritu ay mayroong pagsasamahan gayundin ng pag-ibig, kaaliwan, at paglalaan para sa isa’t isa. Ang lahat ng ito ay ginagawa sa saligan ng isang puso na pinalulugod ang Diyos. Ang mga kaugnayang ito ay hindi pinananatili sa pananangan sa pilosopiya ng tao sa buhay, ngunit ang mga ito ay napakalikas na binubuo sa pamamagitan ng pasanin para sa Diyos. Hindi kinakailangan ng mga ito ang pagsisikap ng tao—ang mga ito ay isinasagawa sa pamamagitan ng mga prinsipyo ng salita ng Diyos. Nakahanda ka bang maging mapagbigay tungo sa kalooban ng Diyos? Nakahanda ka bang maging isang tao na “walang katuwiran” sa harap ng Diyos? Nakahanda ka bang ibigay nang lubos ang iyong puso sa Diyos, at hindi isasaalang-alang ang iyong katayuan sa gitna ng mga tao? Sa lahat ng tao na nakasalamuha mo, kanino sa mga ito nagkaroon ka ng pinakamahusay na mga kaugnayan? Kanino sa mga ito nagkaroon ka ng pinakamalalang mga kaugnayan? Ang iyo bang mga kaugnayan sa mga tao ay wasto? Tinatrato mo ba ang lahat ng tao nang pantay-pantay? Pinananatili mo ba ang iyong mga kaugnayan sa iba alinsunod sa iyong pilosopiya sa buhay, o ang mga ito ay nakatatag sa saligan ng pag-ibig ng Diyos? Kapag hindi ibinibigay ng isang tao ang kanyang puso sa Diyos, at ang kanyang espiritu ay nagiging mapurol, ito ay nagiging manhid at walang malay. Hindi kailanman mauunawaan ng ganitong uri ng tao ang mga salita ng Diyos at hindi kailanman magkakaroon ng isang wastong kaugnayan sa Diyos; hindi kailanman babaguhin ng ganitong uri ng tao ang kanilang disposisyon. Ang pagbabago sa disposisyon ng isang tao ay ang proseso ng pagbibigay nang lubos ng isang tao sa kanyang puso sa Diyos, at ang pagtanggap ng kaliwanagan at pagpapalinaw mula sa mga salita ng Diyos. Mapapahintulutan ng gawain ng Diyos ang isang tao na makapasok nang aktibo, gayundin tinutulungan siya na alisin ang kanyang negatibong mga aspeto pagkatapos magkamit ng kaalaman. Kung nagagawa mong ibigay ang iyong puso sa Diyos, magagawa mong maramdaman ang bawat di-kapansin-pansing pagpapakilos sa loob ng iyong espiritu, at malalaman mo ang bawat kaliwanagan at pagpapalinaw na tinanggap mula sa Diyos. Panghawakan ito, at unti-unti kang makapapasok sa landas ng pagperpekto ng Banal na Espiritu. Habang lalong maaaring maging panatag ang iyong puso sa harap ng Diyos, lalong mas magiging sensitibo at maselan ang iyong espiritu, at lalong mas mararamdaman ng iyong espiritu ang pagpapakilos ng Banal na Espiritu, at sa gayon ang iyong kaugnayan sa Diyos ay lalo pang magiging wasto. Ang isang wastong kaugnayan sa pagitan ng mga tao ay itinatatag sa saligan ng pagbibigay ng kanilang puso sa Diyos; hindi ito natatamo sa pamamagitan ng pagsisikap ng tao. Kung wala ang Diyos, ang mga kaugnayan a pagitan ng mga tao ay mga kaugnayan lamang ng laman. Ang mga ito ay hindi wasto, ngunit nagpapalayaw sa laman—ang mga ito ay mga kaugnayan na kinamumuhian ng Diyos, na Kanyang kinasusuklaman. Kung sasabihin mo na ang iyong espiritu ay pinakilos, ngunit gusto mo palaging magkaroon ng pagsasamahan sa mga tao na kinagigiliwan mo, sa kaninumang tinitingala mo, at kung magkaroon man ng ibang naghahangad na hindi mo kinagigiliwan, yaong hindi mo itinatangi at hindi pakikisamahan, ito ay lalo pang nagpapatunay na ikaw ay taong maramdamin at wala kang wastong kaugnayan sa Diyos sa anumang paraan. Tinatangka mong linlangin ang Diyos at ikubli ang iyong sariling kapangitan. Kahit na magagawa mong magbahagi ng ilang pagkaunawa ngunit ang dala-dala mo ay maling mga layunin, ang lahat ng iyong ginagawa ay mainam lamang sa mga pamantayan ng tao. Hindi ka pupurihin ng Diyos—ikaw ay kumikilos alinsunod sa laman, hindi alinsunod sa pasanin ng Diyos. Kung nagagawa mong ipanatag ang iyong puso sa harap ng Diyos at mayroong wastong mga pakikipag-ugnayan sa lahat niyaong umiibig sa Diyos, sa gayon ka lamang nagiging angkop sa pagkasangkapan ng Diyos. Sa ganitong paraan, gaano ka man nakikisalamuha sa iba, hindi ito magiging ayon sa isang pilosopiya sa buhay, ngunit ito ay pamumuhay sa harap ng Diyos, na pagsasaalang-alang sa Kanyang pasanin.

 

—mula sa “Ang Pagtatatag ng Isang Wastong Kaugnayan sa Diyos ay Napakahalaga” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

 

Sa bawat pagbigkas ng Diyos, pagkatapos mo itong mabasa at nagtamo ka ng pagkaunawa, dapat mo itong isagawa. Paano ka man dating nagsasagawa—marahil noong nakaraan ang iyong laman ay mahina, ikaw ay mapanghimagsik, at ikaw ay lumaban—ito ay hindi isang malaking bagay, at hindi nito mahahadlangan ang iyong buhay mula sa paglago sa kasalukuyan. Hangga’t nagagawa mong magkaroon ng isang normal na kaugnayan sa Diyos sa kasalukuyan, mayroong pag-asa. Kung sa bawat pagkakataon na binabasa mo ang mga salita ng Diyos, nagkakaroon ka ng mga pagbabago at hinahayaan ang mga taong makita na ang iyong buhay ay nagbago para sa ikabubuti, ipinakikita nito na mayroon kang isang normal na kaugnayan sa Diyos at na ito ay inilagay sa tama. Hindi trinatrato ng Diyos ang mga tao batay sa kanilang mga paglabag. Hangga’t nagagawa mong huwag muling maghimagsik at huwag muling lumaban pagkatapos mong makaunawa at mayroon kang kamalayan, kung gayon ang Diyos ay magkakaroon pa rin ng habag sa iyo. Kung taglay mo ang pagkaunawang ito at ang kahandaan na hangarin ang magawang perpekto ng Diyos, kung gayon ang iyong kalagayan sa presensiya ng Diyos ay magiging normal. Maging anuman ang iyong gagawin, isaalang-alang mo: Ano ang iisipin ng Diyos kapag ginawa ko ito? Makikinabang ba rito ang mga kapatid? Magiging kapaki-pakinabang ba ito sa gawain ng tahanan ng Diyos? Siyasatin ang iyong mga layunin sa panalangin, pagbabahagi, pananalita, gawain, at pakikisalamuha sa mga tao, at siyasatin kung ang iyong kaugnayan sa Diyos ay normal o hindi. Kung hindi mo mapagkaiba ang iyong mga layunin at mga saloobin, kung gayon ay wala kang pagtatangi, na nagpapatunay na kakaunti lamang ang iyong nauunawaan sa katotohanan. Kung nagagawa mong magkaroon ng isang malinaw na pagkaunawa sa lahat ng ginagawa ng Diyos, tingnan ang mga bagay alinsunod sa salita ng Diyos at tingnan ang mga bagay sa pamamagitan ng pagtayo sa panig ng Diyos, kung gayon ang iyong mga pananaw ay magiging tama. Samakatuwid, ang magtatag ng isang mabuting kaugnayan sa Diyos ay isang pinakapangunahin para sa bawat isang naniniwala sa Diyos; dapat itong tratuhin ng bawat isa bilang siyang pinakamahalagang gawain at bilang kanilang pinakamalaking pangyayari sa buhay. Ang lahat ng iyong ginagawa ay dapat timbangin laban sa kung ikaw ay mayroong normal na kaugnayan sa Diyos o wala. Kung ang iyong kaugnayan sa Diyos ay normal at ang iyong mga layunin ay tama, gawin ito kung gayon. Upang mapanatili ang isang normal na kaugnayan sa Diyos, hindi ka maaaring matakot na maiwala ang personal na mga pakinabang, hindi mo maaaring tulutan si Satanas na manaig, hindi mo maaaring tulutan si Satanas na makahanap ng anuman laban sa iyo, at hindi mo maaaring tulutan si Satanas na gawin kang katatawanan. Ang gayong layunin ay isang pagpapakita na ang iyong kaugnayan sa Diyos ay normal. Hindi ito para sa laman, kundi para sa kapayapaan ng espiritu, ito ay para sa pagkakamit sa gawain ng Banal na Espiritu at para sa pagpapalugod sa kalooban ng Diyos. Kung ikaw ay papasok sa isang tamang kalagayan, dapat mong maitatag ang isang mabuting kaugnayan sa Diyos, dapat mong ilagay sa tama ang iyong pananaw ukol sa paniniwala sa Diyos. Ito ay upang tulutan ang Diyos na ikaw ay makamit, upang tulutan ang Diyos na ibunyag ang mga bunga ng Kanyang mga salita sa iyo, at upang lalo ka pang liwanagan at paliwanagin. Sa ganitong paraan ikaw ay makapapasok sa tamang paraan. Patuloy na kumain at uminom sa kasalukuyang mga salita ng Diyos, pumasok sa kasalukuyang paraan ng gawain ng Banal na Espiritu, gumawa alinsunod sa kasalukuyang mga kinakailangan ng Diyos, huwag sundin ang makalumang mga pagsasagawa, huwag manghawak sa dating mga paraan sa paggawa ng mga bagay, at mabilis na pumasok sa paraan ng gawain sa kasalukuyan. Sa ganitong paraan ang iyong kaugnayan sa Diyos ay magiging ganap na normal at papasok ka sa tamang landas ng paniniwala sa Diyos.

 

—mula sa “Kumusta ang Relasyon Mo sa Diyos?” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Write a comment

Comments: 0