Pagtakas sa mga Usap-usapan

Noong Oktubre ng 2016, dumating ako sa New York sa Estados Unidos at binautismuhan kinalaunan sa ngalan ng Panginoong Jesus sa isang Intsik na Iglesia, nagiging isang Kristiyano. Pero pagkalipas ng higit isang taon sa iglesia, natutuhan ko lang kung paano magdasal at kumanta ng mga himno, pero ang kaalaman ko tungkol sa Diyos at ang pagkakaunawa ko sa Biblia ay mababaw, na ikinadismaya ko. Kaya, madalas akong naghahanap ng mga sermon sa Youtube nang mag-isa para naman maintindihan ko ang kalooban ng Panginoon.

 

Noong Marso ng 2018, may nakilala akong ilang mga kapatid sa New York at natuto ng maraming mga katotohanan at misteryo na hindi ko pa nalaman noon sa pamamagitan ng pakikipagtipon at pagkikipagbahagi sa kanila, tulad ng kwento sa likod ng Biblia, ano ang pagkakatawang tao, ano ang kaligtasan, ang pagkakaiba sa pagitan ng tunay at huwad na mga Cristo, ang pagkakaiba sa pagitan ng gawain ng Diyos at gawain ng tao, at iba pa. Naliwanagan ako at maraming natutuhan. Talagang nasiyahan ako sa mga pagtitipon na iyon. Sa isang pagtitipon, maraming binasang mga salita si Brother Liu na wala sa Biblia. Ikinagulat ko talaga iyon at itinanong ko kung kaninong mga salita iyon. Sinabi niyang ang mga salitang iyon ay ang mga pahayag ng Makapangyarihang Diyos, Cristo ng mga huling araw. Nang marinig ko ang pangalang “Makapangyarihang Diyos,” nagulat ako. Paulit-ulit na kaming binabalaan ng pastor at mga elder na huwag magkaroon ng anumang kaugnayan sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Sabi nila, sa isang tao sila naniwala, hindi kay Jesus Cristo. Bigla akong nabulabog at nagsimulang makaramdam ng sobrang pagkabalisa, hindi ako mapalagay sa kinauupuan ko. Hindi ko inunawa ang mga bagay na sinabi ni Brother Liu pagkatapos noon, at gumawa ng dahilan at umalis ng pagtitipon.

 

Pagbalik ko sa bahay, hindi ako mapalagay sa aking higaan, hindi ako makatulog habang naaalala ko ang mga nangyari sa pakikipagtipon ko sa mga miyembro ng Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Ang kanilang pagbabahagi ay sobrang nakakaliwanag at praktikal, at sobrang kapaki-pakinabang sa akin. Pero habang nakahiga ako sa aking higaan, umalingawngaw sa mga tenga ko kung ano ang sinabi ng pastor at mga elder tungkol sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Dismayado ako, at hindi ko alam kung sino’ng papakinggan. Kinuha ko ang cellphone ko at pumunta sa website na pinakapinagkakatiwalaan ko, ang Wikipedia, para makita kung papaano nito inilarawan ang Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Nung nabasa ko sa Wikipedia na ang Iglesia ay itinatag ng isang tao, na isa itong organisasyon ng tao sa halip na iglesia ng Diyos, pati na ang ilang mga nakaka-alarmang negatibong ulat mula sa CCP, kinabahan agad ako at hindi na ako nagtangka pa na makinig sa kanilang pagbabahagi. Tatanggalin ko na sana ang kanilang contact info, pero nung akmang buburahin ko na ito, naalala ko kung paano ako nakisama sa kanila. Matuwid, mapagmahal, at mapagpasensya sila sa iba, at malaki ang naging paghanga ko sa kanilang katangian, kung ano ang isinabuhay nila, at kung paano sila nakipag-usap. Puro magagandang impresyon ang nakuha ko sa kanila. Hindi sila katulad ng kung anong nabasa ko online. Natigilan ako dahil dito. Pero masyado akong tiwala sa Wikipedia, kaya matapos ko itong pag-isipan, nagdesisyon pa rin akong burahin ang lahat ng contact ko sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos at sabihin ito kay Brother Peter, na kasama kong nagsisiyasat sa gawain ng Makapangyarihang Diyos. Sinabi ni Brother Peter na ang pagsalubong sa Panginoon ay isang importanteng bagay na dapat nating seryosohin, at hinikayat ako na huwag basta-bastang hatulan ito, sa halip ay mas magdasal at hanapin ang patnubay ng Panginoon…. Masyado akong naguluhan, iniisip ko na, “May katuturan ang sinasabi niya. Ang pagsalubong sa Panginoon ay isang importanteng bagay na dapat nating seryosohin, Kung ang Makapangyarihang Diyos ay ang nagbalik na Panginoong Jesus, at hindi ko tiningnan ito, hindi ko ba mapapalagpas ang pagkakataon na salubungin ang Panginoon?” Kaya nagdasal ako sa Panginoon, “Panginoon! Labis akong naguguluhan ngayon. Ang mga sermon ng Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay talagang nakakapagpalago at marami akong nakuha. Pero sinasabi ng Wikipedia na isa itong organisasyon ng tao sa halip na iglesia ng Diyos. Panginoon! Hindi ako makapagpasya. Natatakot akong nalihis na ako, kaya humihingi ako ng patnubay Mo.”

 

Isang araw, papunta sa iglesia, ikinuwento sa akin ng isang kapatid ang isang istorya: “May isang mananampalataya ng Panginoon ang humiling sa Diyos na iligtas siya sa oras ng krisis, kaya nagsaayos ang Diyos ng tatlong pagkakataon para siya ay maligtas, pero pinalagpas niya lahat iyon. Sabi niya, ‘Hindi. Nagdasal na ako sa Panginoon. Ililigtas ako ng Panginoon.’ Matapos ang kanyang kamatayan, napagtanto niya na isinaayos ng Diyos ang tatlong pagkakataon na ito, at ang sarili niyang kabiguan na sunggaban ang mga iyon ang naghatid sa kanyang kamatayan.” Sa iglesia, namangha akong makita na iyon din ang kwentong sinasabi ng aking pastor. Nagulat ako, at naisip ko, “Hindi ito kapani-paniwala! Dalawang tao ang narinig ko na sinasabi ang magkaparehong kwento sa loob ng isang araw, sinasabi sa akin na sunggaban ko ang pagkakataon ko na mailigtas ng Diyos. Sinasabi ba ng Panginoon sa akin na ipagpatuloy ko ang pagsisiyasat sa gawain ng Makapangyarihang Diyos?” Kaya nagpasya akong ipagpatuloy ang pagsisiyasat sa Kidlat ng Silangan. Nakipag-usap ako kay Brother Liu at ibinahagi ko sa kanya ang aking kalituhan. Sabi ko, “Alam kong may katotohanan sa iyong pagbabahagi at tinataglay nito ang gawain ng Banal na Espiritu. Ang laking tulong nito sa akin. Pero nakita ko sa Wikipedia na ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay itinatag ng isang lalaki na nagngangalang Zhao, na isa itong organisasyon ng tao sa halip na iglesia ng Diyos. Marami ring mga negatibong ulat mula sa gobyerno ng CCP kaya nagbunga ito ng ilang mga pagdududa para sa akin at gusto kong isangguni ito sa iyo.”

 

Sumagot si Brother Liu, “Kapag nagsisiyasat ng totoong landas, hindi tayo maaaring umasa sa mga website ng di-mananampalataya, ibang mga grupo, politikal na partido, o kung anong maaaring sabihin ng tao. Kailangan nating tingnan kung ito ba ay naglalaman ng katotohanan, kung ito ba ay gawain ng Diyos. Ito ang pinakapangunahin, pinakamahalagang prinsipyo. Nung dumating ang Panginoong Jesus para gumawa nag-imbento ng lahat ng uri ng usap-usapan ang mga Fariseo tungkol sa Kanya at nilapastangan Siya, sinasabing hindi Siya ipinaglihi ng Banal na Espiritu, na hindi pa Siya muling nabuhay, at iba pa. Maraming mga Hudyong nakinig sa punong saserdote, mga eskriba, at mga Fariseo at hindi nagtangkang sundan ang Panginoon. Pero nakita nina Pedro, Juan, at iba pa ang landas ng pagsisisi na Kanyang ipinangaral, Ang Kanyang mga himala at gawain ay nanggaling lahat sa Diyos at nagtaglay ng awtoridad at kapangyarihan ng Diyos, kaya sinundan nila ang Panginoong Hesus at nakamit ang Kanyang kaligtasan. Ipinapakita ng lahat ng ito na ang susi sa pagsisiyasat ng tunay na daan ay ang pagtingin kung ito ba ay nagtataglay ng katotohanan at ng gawain ng Banal na Espiritu. Iyon lang ang natatanging prinsipyo.” Pagkatapos ay binasa ni Brother Liu ang isang talata ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos. Sabi ng Makapangyarihang Diyos, “Ano ang pinaka-pangunahing panuntunan sa paghahanap sa tunay na daan? Kailangan mong tingnan kung naroon ang gawain ng Banal na Espiritu o wala, kung ang mga salitang ito ay pagpapahayag ng katotohanan, sino ang pinatototohanan, at kung ano ang maidudulot nito sa iyo. Ang pag-alam ng pagkakaiba sa pagitan ng tunay na daan at maling daan ay nangangailangan ng maraming aspeto ng pangunahing kaalaman, kung saan ang pinakasaligan ay ang pagsasabi kung naroon ang gawain ng Banal na Espiritu o wala. Sapagka’t ang sangkap ng paniniwala ng tao sa Diyos ay ang paniniwala sa Espiritu ng Diyos, at kahit ang paniniwala niya sa Diyos na nagkatawang-tao ay dahil sa ang katawang-tao na ito ay ang pagsasakatawan ng Espiritu ng Diyos, na nangangahulugan na ang gayong paniniwala ay paniniwala pa rin sa Espiritu. May mga pagkakaiba sa pagitan ng Espiritu at ng katawang-tao, nguni’t dahil ang katawang-tao na ito ay nagmumula sa Espiritu, at ang Salita na naging katawang-tao, sa gayon ang pinaniniwalaan ng tao ay ang likas na sangkap pa rin ng Diyos. Kaya’t, sa pagkilala kung ito ay tunay na daan o hindi, higit sa lahat dapat mong tingnan kung naroon ang gawain ng Banal na Espiritu o wala, kung saan pagkatapos nito ay dapat mong tingnan kung naroon ang katotohanan sa daang ito o wala” (Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). Ipinagpatuloy ni Brother Liu ang kanyang pagbabahagi. “Sa mga huling araw, ginagawa ng Makapangyarihang Diyos ang gawain ng paghatol simula sa bahay ng Diyos. Ipinapahayag Niya ang lahat ng mga katotohanan na naglilinis at nagliligtas sa sangkatauhan. Ibinubunyag Niya ang layunin ng gawain ng pamamahala ng Diyos, ang mga kwento sa likod ng gawain ng Kapanahunan ng Kautusan, Biyaya, at Kaharian at ano ang nakamit sa pamamagitan ng gawaing iyon, ang mga misteryo ng pagkakatawang-tao at pangalan, at marami pa. Hinahatulan at inilalantad ng Makapangyarihang Diyos ang satanikong kalikasan ng tao at ang katotohanan ng kanilang katiwalian na humahamon sa Diyos, ang ugat ng kasamaan at kadiliman sa mundo, papaano ginagawang tiwali ni Satanas ang mga tao, at paano inililigtas ng Diyos ang sangkatauhan. Binibigyan din Niya tayo ng daan para alisin ang katiwalian at makuha ang kaligtasan ng Diyos at ibinubunyag ang mga kahihinatnan para sa bawat uri ng tao. Ang mga katotohanang Kanyang ipinapahayag at ang Kanyang gawain ng paghatol ay ganap na isinasakatuparan ang propesiya ng Panginoong Jesus. ‘Mayroon pa akong maraming bagay na sa inyo ay sasabihin, nguni’t ngayon ay hindi ninyo mangatitiis. Gayon ma’y kung siya, ang Espiritu ng katotohanan ay dumating, ay papatnubayan niya kayo sa buong katotohanan’ (Juan 16:12–13). Isinasakatuparan din nito ‘Sapagka’t dumating na ang panahon ng pasimula ng paghuhukom sa bahay ng Dios’ (1 Pedro 4:17). Maraming mga tunay na mananampalataya mula sa lahat ng mga denominasyon na naghahangad ng pagpapakita at gawain ng Diyos ang nakakita na ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos ay ang katotohanan at ang tinig ng Diyos. Nasigurado nilang ang Makapangyarihang Diyos ay ang Panginoong Jesus na nagbalik at lumapit sa harap ng Diyos. Ang lahat ng nanggagaling mula sa Diyos ay lalago. Sa loob lamang ng 20 taon, ang ebanghelyo ng kaharian ng Makapangyarihang Diyos ay kumalat sa buong China at ngayon ay inaabot ang buong mundo. Ito ang kakaibang kapangyarihan at awtoridad ng Diyos at ang bunga ng gawain ng Banal na Espiritu. Isa itong patunay ng karunungan at pagkamakapangyarihan ng Diyos. Ang mga katotohanang ito ay pinatutunayan na ang Makapangyarihang Diyos ay ang nagbalik na Panginoong Jesus, at ang Kanyang gawain ay ang tunay na daan.”

 

Ipinaalala sa akin ng pagbabahagi ni Brother Liu ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos na nabasa ko kamakailan. Talagang marami silang ibinunyag na mga misteryo at katotohanan. Sino ang maaaring makapagpahayag ng katotohanan kundi ang Diyos? Kung hindi ko nabasa ang mga katotohanan ng Makapangyarihang Diyos sa paghahanap ko ng tunay na daan sa halip ay bulag na pinaniwalaan ang mga kasinungalingang nakalagay sa ilang website at ipinakalat ng CCP, iyon ay magiging isang di kapani-paniwalang kalokohan. Sinabihan ako ni Brother Liu na panoorin ang Red Re-Education sa Bahay. Pinamumunuan ng Tatay nung bida ang Communist Party’s United Front at ang sinasabi niya ay katulad lamang ng nakita ko sa Wikipedia. Sabi niya, ang iglesia ay itinayo ng isang tao na nagngangalang Zhao, na ang mga miyembro nito ay tinatawag siyang tao na ginamit ng Banal na Espiritu, at palagi silang nakikinig sa kanyang mga sermon, kaya ibig sabihin noon na isa itong organisasyon ng tao, at hindi iglesia ng Diyos. Ito ang sinabi ng bida bilang tugon: “Sino ang nagtayo ng Kristiyanismo? Sino ang nagtatag ng Katolisismo? Maaari bang si Pablo o Pedro ang naging tagapagtatag? Sino ang nagtatag ng Hudaismo? Maaari bang si Moses ito? Hindi ba’t hindi makatuwiran ito? Ang mga Ateista ay hindi kailanman kinilala na mayroong Diyos, lalo na na nagkatawang-tao ang Diyos. Kahit na gaano karaming katotohanan ang ipinapahayag ng Cristo na nagkatawang-tao, gaano kadakila ang Kanyang gawain, o gaano kahalaga ang Kanyang kaligtasan, gagawin nila ang lahat para itanggi, itago, at kondenahin ito. Iniisip nila na ang Kristiyanismo ay itinatag din ng mga tao at ito ay labis na ’di kapani-paniwala. Kung hindi dahil sa pagpapakita at gawain ng Panginoong Hesus walang magiging mga mananampalataya at tagasunod ang Panginoon at walang paraan na iiral ang Kristiyanismo. Isa ’yang katotohanan. Kahit na gaano kagaling ang mga apostol, papaano nila maitatatag ang isang iglesia? Dahil lang sa tinanggap ng mga tao ang pamumuno at pamamatnubay ng mga apostol, ibig bang sabihin noon na ang Kristiyanismo ay itinatag ng mga tao? Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay lubusang naganap dahil sa pagpapakita at gawain ng Diyos. Dahil nagpapahayag ng napakaraming katotohanan ang Makapangyarihang Diyos, at dahil alam ng mga tao na tinig ito ng Diyos at lumapit sa harap ng Diyos, ang iglesia ay nabuo. Matapos simulan ng Makapangyarihang Diyos ang Kanyang gawain, nagpatotoo Siya sa taong ginamit ng Banal na Espiritu bilang pinuno ng Iglesia. Para siyang si Moises sa Kapanahunan ng Kautusan, o mga apostol sa Kapanahunan ng Biyaya. Ginamit siya ng Diyos para diligan, patnubayan, at pamunuan ang mga hinirang na mga tao ng Diyos. Ang mga hinirang na tao ng Diyos ay nagdarasal sa ngalan ng Makapangyarihang Diyos at sa mga pagtitipon, binabasa at nagbabahagi sila tungkol sa mga salita ng Makapangyarihang Diyos. Ang mga hinirang na tao ng Diyos ay tinatanggap at nagpapasakop sa pamumuno ng taong ito alinsunod sa mga salita ng Makapangyarihang Diyos. Nakakahiyang mga kasinungalingan ang sinasabi ng CCP, na ang aming pananampalataya ay nasa taong ito. Itinatatwa nila ang pagpapakita at gawain ng Makapangyarihang Diyos, at ang mga katotohanang Kanyang ipinapahayag. Mayroon silang mga itinatagong mga motibo. Kung hindi dahil sa pagpapakita at gawain ng Makapangyarihang Diyos hindi iiral ang Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos Ito’y isang hindi maipagkakailang katotohanan.”

 

Pakiramdam ko tama ’yung bida. Nabuo ang iglesia dahil sa pagpapakita at gawain ng Diyos, pero dahil lang ginagamit ng Diyos ang isang tao para pamunuan ang iglesia, sinasabi nilang ang iglesia ay itinatag ng isang tao. Hindi ba’t hindi kapani-paniwala iyon? Alam ng CCP na ang mga Kristiyano sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay naniniwala sa Makapangyarihang Diyos kaya bakit nila sasabihing isa itong organisasyon ng tao na itinatag ng isang tao? Habang nag-iisip ako nang malalim tungkol dito, nagpatuloy ang bida, “Kaya bakit sinasabi ng gobyerno ng CCP na ang Iglesia ay isang organisasyon ng tao? Bakit hindi nila binabanggit ang Diyos na nagkatawang-tao? Bakit ayaw nilang banggitin kailanman ang Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao? Ang mga katotohanang ipinapahayag ng Makapangyarihang Diyos ay ang pinakakinatatakutan ng CCP dahil alam nila na ang lahat ng mga mananampalataya ng Makapangyarihang Diyos ay tinanggap Siya dahil nabasa nila ang Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao. Kaya sinusubukan nilang gambalain ang mga tao sa pagsasabi na Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay itinatag ng isang tao para pagtakpan ang katotohanan ng Makapangyarihang Diyos, Cristo ng mga huling araw na nagpapakita at gumagawa. Ginagawa nila ito para patigilin ang mga tao sa pagsunod sa Diyos at hindi ito isang dahilan para siilin ang iglesia ng Diyos. Ito ang kanilang layunin.” Talagang nakakaliwanag ito. Nakita ko na ang inaangkin ng CCP na Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay isang organisasyon ng tao, ay isang sadyang kabaligtaran ng mga katotohanan at isang dahilan para pigilan at pagmalupitan Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Higit pa, sinasabi nila ito para iligaw ang mga tao at pigilan silang hanapin ang tunay na daan. Ito’y para pigilan ang mga tao na magkaroon ng pananampalataya at pagsunod sa Panginoon. ’Yan ang masamang motibo ng CCP!

 

Pagkatapos kong panoorin ang clip na iyon, nagbahagi si Brother Liu, “Ang mga kathang usap-usapan at pagkondena ng CCP sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay hindi maaaring ihiwalay sa mala-demonyong kalikasan ng pagkamuhi sa katotohanan at paglaban sa Diyos. Alam nating lahat na ang CCP ay isang ateista at naniniwala ito sa Marxismo-Leninism. Kinamumuhian nito ang katotohanan at ang manipestasyon at gawain ng Diyos higit pa sa anupaman, at mula nang maitaguyod ang bansa noong 1949, matindi nitong pinagmalupitan at pinahirapan ang relihiyosong paniniwala. Kinondena nito ang Kristiyanismo at ibang mga bahay iglesia bilang masasamang kulto, at sinunog at sinira ang ’di mabilang na mga kopya ng Biblia. Inaresto, pinahirapan, at ikinulong nito ang ’di mabilang na mga Kristiyano. Ang pag-uusig sa relihiyon ay mas naging malupit simula nang maluklok si Xi Jinping. Isinara at giniba na ang The Three-Self Church, at ’di mabilang na mga krus ang winasak. Pinlano pa nilang isulat muli ang Biblia at ang Koran para lubusang burahin ang mga relihiyosong paniniwala. Dahil ang Cristo ng mga huling araw, Makapangyarihang Diyos, ay nagpakita sa China pinaghahanap Siya ng CCP, nilibot ang bawat lugar, matinding inaaresto at pinahihirapan ang mga Kristiyano. Marami nang nakulong at brutal na pinahirapan hanggang sa sila’y mabaldado o mamatay, at milyong tao na ang pinuwersa na lisanin ang kanilang mga bahay. Nakuha ng CCP na ipakalat ng media ang mga usap-usapan at pumukaw ng kaguluhan para akusahan at dungisan ang Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Ito’y para udyukan at iligaw ang mga tao ng China at ang mundo para kalabanin at kondenahin din nila ang Iglesia. Sinusubukan nitong burahin ang gawain ng Diyos sa mga huling araw. Makikita natin mula sa mga katotohanang ito na ang CCP ay isang masamang demonyo na kumakalaban sa Diyos, at nagliligaw at nagpapahamak sa tao. Ito ang halimaw, ang malaking dragon mula sa Pahayag! Lubusang isinasakatuparan nito ang mga biblikal na mga propesiyang ito: ‘At inihagis ang malaking dragon, ang matandang ahas, ang tinatawag na Diablo at Satanas, ang dumadaya sa buong sanglibutan’ (Pahayag 12:9). ‘At binuka niya ang kaniyang bibig sa mga kapusungan laban sa Dios, upang pusungin ang kaniyang pangalan, at ang kaniyang tabernakulo, gayon din naman ang mga nananahan sa langit’ (Pahayag 13:6). Ang pakikinig sa mga kasinungalingan ng CCP kapag nagsisiyasat ng tunay na daan at naghahanap ng pagpapakita ng Diyos ay katawa-tawa! At binabasa ng ilang tao ang nasa Wikipedia habang tinitingnan ang tunay na daan, sinasabing nagtitiwala sila sa site na ’yun at maniniwala lamang sila kapag sinabi ng Wikipedia na ito ang tunay na daan. Ginagamit nila ang Wikipedia para malaman kung ito ba ang tunay na daan. Naaayon ba ’yun sa katotohanan? Naglalaman ba ng katotohanan ang Wikipedia? Ito ay website ng mga di-mananampalataya. Pinagsasama-sama nila ang mga materyales at isinusulat ang lahat mula sa perspektibo ng mga di-mananampalataya. Ang mga di- mananampalataya ay matinding ginawang tiwali ni Satanas at pinagtaksilan ang Diyos. Sila’y hindi mga taong mananampalataya. Sumasama lang sila sa nakararami at nagsasabi ng sunod-sunod na kasinungalingan. Inuulit lang nila anuman ang sabihin ng CCP. Bakit hindi kunan ng panayam ang Iglesia mismo? Bakit hindi ito iulat nang patas at tama? Ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos at ang lahat ng uri ng mga pagpapatotoo mula sa mga miyembro ng iglesia ay matagal-tagal nang online. Bakit hindi man lang nabanggit ang mga iyon? Ang gobyerno ng CCP ay brutal na pinapahirapan ang Iglesia at ito ay naisapubliko na sa mga pandaigdigang samahan ng mga karapatang pantao. Bakit hindi nila tukuyin iyon? Ang CCP at ang relihiyosong mundo ay sinisiraan at kumakatha ng mga usap-usapan tungkol sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos at inuulit lamang ito ng Wikipedia. Hindi ba’t sinasadya nilang itago ang katotohanan at ipakalat ang kasinungalingan ng gobyerno? Sila’y mga kasangkapan ng propaganda na ginagamit ni Satanas para iligaw ang mga tao. Kung paniniwalaan natin ang Wikipdedia habang tumitingin sa tunay na daan, kung paniniwalaan natin ang mga kasinungalingan nito, hindi ba’t magiging kahangalan iyon? Kung naniniwala ang isang tao na ang isang bagay ay tunay na daan base sa pagsusuri ng gobyerno at relihiyosong mundo kung ano ang tunay na daan, sila man lang ba’y isang tunay na mananampalataya? Ang hindi paghahanap o pakikinig sa tinig ng Diyos sa kanilang pagsusuri, pero pinaniniwalaan ang mga salita ni Satanas, at pinaniniwalaan ang CCP at relihiyosong mga pari ay nangangahulugang naniniwala at sinusundan nila si Satanas, na sila’y nailigaw at nakuha na ng halimaw, na dinadala nila ang marka ng halimaw.”

 

Naramdaman ko na ang pagbabahagi ni Brother Liu ay talagang puno ng aral, at lubos akong nakumbinsi. Lagi kong iniisip ang Wikipedia bilang pinakamalaking online na ensiklopedya na nilalaman nito ang lahat. Nagtiwala talaga ako dito pero napagtanto ko noon na isa itong website ng isang di-mananampalataya. Wala itong nilalaman na katotohanan, ni hindi ito pinatotohanan ng Diyos. Anumang baluktot na sabi-sabi ang ilabas ng gobyerno ng CCP, inuulit ng Wikipedia ang mga kamaliang ito. Papaanong hindi magiging lubos na kontaminado ang sinasabi nito? Papaanong mapapagkatiwalaan ito? Habang sinisiyasat ko ang tunay na daan, dapat tiningnan ko kung ang landas na ito ay mayroong katotohanan, kung ipinahayag ba ito ng Diyos o kung taglay ba nito ang gawain ng Banal na Espiritu, dahil ang Diyos lamang ang katotohanan, ang daan, at ang buhay, at Diyos lamang ang maaaring magpakita sa atin ng landas ng pagsasanay. Pero kahit na nakita kong ang salita ng Makapangyarihang Diyos ang katotohanan at nanggaling ito sa Diyos, kinokontrol pa rin ako ng mga sabi-sabi ng CCP at ang mga salita mula sa isang dapat ay ma-awtoridad na website, at hindi nagtangkang siyasatin ang gawain ng Makapangyarihang Diyos. Talagang naguluhan ako! Buti na lang, ginamit ng Diyos ang aking mga kapatid para magbahagi sa akin ng tungkol sa katotohanan, tulungan ako, at gabayan para hindi ako malinlang. Kung hindi, mapapalagpas ko ang pagkakataon kong salubungin ang pagbabalik ng Panginoon.

 

Ipinagpatuloy ni Brother Liu ang kanyang pagbabahagi: “Bilang ang lahat ng ito ay mga kasinungalingan ng CCP na nagliligaw at pumipigil sa mga taong naghahanap ng tunay na daan, bakit hinahayaan ng Diyos na umiral ang mga kathang ito? Ang magagandang intensyon at karunungan ng Diyos ay nasa likod ng pagpayag Niya sa pagpapakalat ng CCP sa mga kasinungalingang ito.” Sabi ng Makapangyarihang Diyos, “Sa Aking plano, si Satanas ay laging nakasunod sa bawat hakbang, at, bilang kalaban ng Aking karunungan, ay laging sumusubok maghanap ng mga daan at paraan upang masira ang Aking orihinal na plano. Ngunit susuko ba Ako sa mapanlinlang na pamamaraan? Ang lahat ng sa langit at ng sa lupa ay naglilingkod sa Akin—ang mapanlinlang na pamamaraan ba ni Satanas ay may pagkakaiba? Ito mismo ang pinagsangahan ng Aking karunungan, at ito mismo ang kamangha-mangha sa Aking mga gawa, at ito ang alituntunin kung saan ang Aking buong plano sa pamamahala ay isinasakatuparan. Sa panahon ng pagtatayo ng kaharian, hindi Ko pa rin iniiwasan ang mapanlinlang na pamamaraan ni Satanas, ngunit patuloy pa rin sa gawain na dapat Kong gawin. Sa lahat ng bagay sa sanlibutan, napili Ko ang mga gawa ni Satanas bilang Aking kasalungat. Hindi Ko ba ito karunungan? Hindi ba ito mismo ang kamangha-mangha tungkol sa Aking gawa?” (Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). Pagkatapos ay nagbahagi si Brother Liu, “Ipinapakita sa atin ng mga salita ng Diyos na sa Kanyang gawain, hindi Niya iniiwasan ng tuwiran ang mga plano ni Satanas sa halip ay ginagamit Niya ang mga ito para magbigay serbisyo para sa Kanyang gawain na kumpletuhin ang Kanyang plano ng pamamahala para iligtas ang sangkatauhan. Ang gawain ng Diyos sa Kapanahunan ng Kaharian ay ang huling yugto ng Kanyang kaligtasan sa sanlibutan. Ibubukod Niya ang mga tao ayon sa kanilang uri, gagantimpalaan ang mabuti at parurusahan ang masama, at tatapusin ang gawain ng buong kapanahunan sa pamamagitan ng paghahatol. Gagawin ng Diyos na mga mananagumpay ang lahat ng buong pusong naniniwala sa Kanya at minahal ang katotohanan, at dadalhin ang mga ito sa Kanyang kaharian. Ilalantad Niya at tatanggalin ang mga pangsirang damo, ang mga kambing, at mga di-mananampalataya na naglalayon lamang na kainin ang kanilang tinapay hanggang mabusog kasama ang lahat ng masasamang tao at ang mga anticristo na lumalaban sa Diyos. Ang mga kasinungalingang ito ay mga kagamitang ginagamit ng Diyos para isakatuparan ang Kanyang gawain. Ang mga totoo at hindi totoong mananampalataya, ang trigo at mga pangsirang damo ay mabubunyag lahat sa unos na ito ng mga kasinungalingan. Ito ay isang pagsubok na dapat ipasa ng lahat ng tumatanggap sa gawain ng Diyos sa mga huling araw. Sabi ng Panginoong Jesus, ‘Dinirinig ng aking mga tupa ang aking tinig, at sila’y aking nakikilala, at sila’y nagsisisunod sa akin: … at hindi sila aagawin ng sinoman sa aking kamay’ (Juan 10:27–28). Ang mga totoong mananampalataya na mahal ang katotohanan ay walang pakialam kung ano ang sinasabi ng CCP o ng relihiyosong mundo, o kung ano ang isinulat ng media o sa mga website. Tinitingnan lang nila kung ito ba ay tinig at gawain ng Diyos. Oras na kumpirmahin nila na ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos ay ang tinig ng Diyos, sinusundan nila Siya, hindi nahahadlangan ng kahit na sino, bagay, o pangyayari. Desidido silang sundan ang Diyos. Sila ang mga matatalinong birhen. Ang mga di-mananampalataya, ’yung mga hindi mahal ang katotohanan at naghahanap lamang para kainin ang kanilang tinapay hanggang mabusog ay hindi naghahanap ng katotohanan, sa halip ay bulag na tinatanggap ang mga kasinungalingan ni Satanas at ipinapakalat pa ang mga kasinungalingan kasama ang CCP, wala sa sariling hinahatulan at kinukondena ang gawain ng Diyos sa mga huling araw. Lahat sila’y nalantad bilang pangsirang damo, bilang mga aso, masasamang tagapaglingkod, at mga anticristo. Sila’y tatanggalin at parurusahan, at tatangis at magngangalit ang ngipin sa mga sakuna. Ang mga kasinungalingan ng CCP at relihiyosong mundo ay ibinunyag ang trigo at mga pangsirang damo, ang tupa at mga kambing, ang mabubuti at masasamang tagapaglingkod. Sa huli, tutukuyin ng Diyos ang mga kahihinatnan ng tao sa pamamagitan ng kung paano nila hinarap ang gawain ng Diyos, sa pamamagitan ng kung ano’ng kanilang ginawa. Ang mga kasinungalingan at pakana ni Satanas ay malinaw na kapakipakinabang sa gawain ng Diyos.”

 

Ang mga usap-usapan at kasinungalingang ito ay talagang nagpaliwanag sa aking paningin. Muntik na akong makandaduhan sa labas ng bakod ng kaharian. Tinakot ako ng isiping ito. Ngayong alam ko na, na ang susi sa pagsisiyasat ng tunay na daan ay ang pakinggan ang tinig ng Diyos at tingnan kung ito ba ay gawain ng Diyos. Hindi talaga natin maaaring paniwalaan ang mga mala-demonyong kasinungalingan ng CCP at kailangan din nating magkaroon ng pagkilala sa kung ano ang sinasabi ng mga pastor, elder, at mga website. Hindi pwedeng basta na lang natin paniwalaan kung ano ang kanilang sinasabi, kung hindi ay mahuhulog tayo sa lambat ni Satanas anumang oras. Ang kakulangan sa pagkilala at ang hindi paghahanap ng katotohanan sa ating pananampalataya ay talagang delikado. Ang pagtakas sa mga usap-usapan at ang pagsalubong sa pagbabalik ng Panginoon ay awa ng Diyos at kaligtasan para sa akin! Salamat sa Makapangyarihang Diyos!

 

_______________________________________

 

 

Lihim nang dumating ang Diyos bago sumapit ang matitinding kalamidad at gumawa ng isang grupo ng mga mananagumpay. Pagkatapos, magpapakita ang Diyos nang hayagan at gagantimpalaan ang mabubuti at parurusahan ang masasama. Nais mo bang salubungin ang Panginoon at maligtas ng Diyos bago sumapit ang matitinding kalamidad? Huwag mag-atubiling kontakin kami ngayon para malaman ang paraan.