· 

Tagalog Christian Music Video | Pag Binuksan Mo'ng Puso Mo sa Diyos

 

'Pag ang Diyos ay 'di mo batid, at likas Niya'y di mo tanto,

puso mo'y hindi magbubukas ng tunay para sa Diyos.

'Pag naintindihan mo na'ng iyong Diyos,

ang nasa puso Niya'y mauunawaan mo,

at ito'y daranasin mong lubusan ng

may buong pananampalataya.

'Pag nilasap mo ang nasa puso ng Diyos nang unti-unti,

sa bawat araw,

'pag nilasap mo ang nasa puso ng Diyos,

pagbubuksan Siya ng iyong puso.

'Pag tunay na bukas ang 'yong puso,

'pag tunay na bukas ang 'yong puso,

iyong makikitang suklam

at kahihiyang mapaglustay't makasariling hiling.

'Pag tunay na bukas ang 'yong puso,

'pag tunay na bukas ang 'yong puso.

Makikita sa puso Niya'y mundong walang-hanggan,

tungo sa kahariang walang katulad.

Sa kaharia'y walang pandaraya,

walang panlilinlang, walang kadiliman, at walang kasamaan.

Tanging kataimtiman at katapatan;

tanging pagkamatuwid at kagandahang-loob.

Siya'y pag-ibig, Siya'y mapag-aruga,

walang hanggang kahabagan.

Sa iyong buhay, saya'y nadarama,

kung buksan ang puso mo sa Diyos.

Sa dunong Niya't lakas napupuspos ang kaharian,

maging ng awtoridad Niya't pag-ibig.

Makikita mo kung anong mayroon at sino Siya,

kung ano ang nagdudulot sa Kanya ng saya,

ng hapis, ng lungkot at galit,

nariyang makita ng lahat.

'Pag binuksan ang puso mo sa Diyos

at anyayahan Siyang tumuloy.

 

mula sa Sumunod sa Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin


Naranasan mo na ba ang gayong mga problema: Hindi sinasagot ng Diyos ang iyong mga dasal at hindi mo alam kung paano manalangin nang naaayon sa kalooban ng Diyos? Huwag kang mag-alala! Makinig sa mga sumusunod na mga Christian praise and worship Tagalog Christian Song at makikita mo ang paraan upang ang iyong mga panalangin ay madinig ng Diyos.Kung gusto mong matuto nang higit pa, maaari kang makipag-ugnay sa amin sa pamamagitan ng Messenger anumang oras!