Mga himno ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Nadala na ng Diyos ang Tao sa Bagong Panahon

 

 

Tagalog Praise Songs "Nadala na ng Diyos ang Tao sa Bagong Panahon"

 

 

Gawain ng Diyos ang pumapatnubay

 

sa buong sansinukob at, higit pa rito,

 

ang kidlat ay direktang kumikislap

 

mula Silangan hanggang Kanluran.

 

I

 

Ipinalalaganap ng Diyos ang Kanyang gawain

 

sa mga bayang gentil.

 

Ang Kanyang kaluwalhatian ay kumikislap sa buong sansinukob.

 

Ang Kanyang kalooban,

 

na nakapaloob sa nakakalat na mga tao,

 

lahat ay pinakikilos ng Kanyang kamay,

 

ginagawa ang mga inatas na tungkulin.

 

Ngayon nakapasok na Siya sa bagong kapanahunan,

 

dinadala ang lahat ng tao sa ibang mundo.

 

II

 

Nang bumalik ang Diyos sa Kanyang "inang bayan,"

 

pinasimulan Niya ang isa pang bahagi ng Kanyang plano,

 

upang mas malalim pa Siyang makilala ng tao.

 

Lubusang minamasdan ng Diyos ang buong sansinukob,

 

nakikita Niya ang tamang oras

 

para magawa ang Kanyang gawain.

 

Nagmamadali Siya sa pagparoo't parito,

 

ginagawa ang Kanyang bagong gawain sa tao.

 

Tutal, ito'y bagong kapanahunan,

 

at nagdala na ang Diyos ng bagong gawain

 

para dalhin ang marami pang bagong tao

 

sa bagong kapanahunan

 

at palayasin ang mga aalisin Niya.

 

Tutal, ito'y bagong kapanahunan.

 

III

 

Sa bansa ng malaking pulang dragon,

 

nakagawa na ang Diyos ng gawaing 'di maaarok,

 

sanhi ng pagiging mabuway ng tao sa hangin.

 

Sa ihip nito, marami ang tahimik na natatangay.

 

Ito ang "giikan" na lilinisin ng Diyos.

 

Ito ang Kanyang plano, na inaasam Niya.

 

Tutal, ito'y bagong kapanahunan,

 

at nagdala na ang Diyos ng bagong gawain

 

para dalhin ang marami pang bagong tao

 

sa bagong kapanahunan

 

at palayasin ang mga aalisin Niya.

 

Tutal, ito'y bagong kapanahunan.

 

Ito ang bagong kapanahunan,

 

ito ang bagong kapanahunan,

 

tutal, ito ang bagong kapanahunan.

 

mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

 

Ang Kidlat ng Silanganan, nilikha ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos dahil sa pagpapakita at gawain ng Makapangyarihang Diyos, ang ikalawang pagdating ng Panginoong Jesus, ang Cristo ng mga huling araw. Binubuo ito ng lahat ng mga taong tumatanggap sa gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw at nilupig at niligtas ng Kanyang mga salita. Lubos itong itinatag nang personal ng Makapangyarihang Diyos at pinamumunuan Niya bilang Pastol. Talagang hindi ito nilikha ng tao. Si Kristo ay ang katotohanan, daan, at buhay. Kordero ng Diyos pakinggan ang tinig ng Diyos. Hangga't nababasa ninyo ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos, makikita ninyo na nagpakita ang Diyos.