"Lahat ng Bagay ay Pagpapakita ng Awtoridad ng Maylikha"

 

 Tagalog Praise Songs | "Lahat ng Bagay ay Pagpapakita ng Awtoridad ng Maylikha"

 

 I

 

Sa bagong mundo, wala pa ang sangkatauhan,

 

inihanda ng Maylikha ang umaga at gabi.

 

Inihanda Niya ang kalangitan, lupa, at karagatan,

 

damo, halaman, inihanda Niya lahat ng puno.

 

Inihanda Niya mga liwanag, panahon, taon at araw

 

para sa bagong buhay na Kanyang nalalapit na likhain.

 

Ang awtoridad at kapangyarihan

 

ng Maylikha'y ipinahayag

 

sa bawat bagong bagay na Kanyang nilikha.

 

Lahat ng Kanyang kaisipan, pagbigkas,

 

bawat kapahayagan ng kapangyarihan

 

Niya'y obra maestra

 

sa lahat ng bagay, ito'y dakilang gawaing

 

karapat-dapat sa malalim

 

na kaalaman at kaunawaan ng sangkatauhan.

 

II

 

Mga salita Niya't kaganapan nila'y sabay naganap,

 

na walang anumang pagitan o pagkakaiba.

 

Ang pagdating at pagsilang

 

ng lahat ng bagong bagay

 

ay nagpatunay ng awtoridad ng Maylikha.

 

Siya'y kasingbuti ng Kanyang salita,

 

salita Niya'y maisasakatuparan.

 

Ang mga natupad na

 

ay mananatili magpakailanman.

 

Ito ay katotohanang 'di nagbabago,

 

sa nakalipas man o kasalukuyan.

 

At ganoon din, sa magpakailanman.

 

Lahat ng Kanyang kaisipan, pagbigkas,

 

bawat kapahayagan ng kapangyarihan

 

Niya'y obra maestra

 

sa lahat ng bagay, ito'y dakilang gawaing

 

karapat-dapat sa malalim

 

na kaalaman at kaunawaan ng sangkatauhan.

 

III

 

Ang kapangyarihan at awtoridad ng Manlilikha

 

ay nagbubunga ng tuloy-tuloy na himala.

 

Kanyang inaakit ang atensyon ng tao,

 

sila ay natutulala sa Kanyang gawa,

 

na nakakahanga at nagmula sa paggamit

 

ng Kanyang awtoridad.

 

Dala ng Kanyang pambihirang kapangyariha'y

 

walang patid na kagalakan.

 

Tao'y napahanga, napakasaya, namamangha sa tuwa.

 

Tao'y naaantig, nanggigilalas, nagbubunyi.

 

Kalooban ng tao'y napuno ng respeto at paggalang.

 

Lahat ng Kanyang kaisipan, pagbigkas,

 

bawat kapahayagan ng kapangyarihan

 

Niya'y obra maestra

 

sa lahat ng bagay, ito'y dakilang gawaing

 

karapat-dapat sa malalim

 

na kaalaman at kaunawaan ng sangkatauhan.

 

Ang awtoridad at gawa ng Manlilikha'y

 

pumupukaw sa espiritu ng tao.

 

Ang awtoridad at gawa ng Manlilikha'y

 

naglilinis sa espiritu ng tao.

 

Ang awtoridad at gawa ng Manlilikha'y

 

bumubusog sa espiritu ng tao.

 

mula sa Sumunod sa Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin

 

————————————————————————————

 

Rekomendasyon:Tagalog church songs

Write a comment

Comments: 0