"Ang Layuning Dapat Taglayin ng Tao sa Kanilang Pananalig sa Diyos

Tagalog Christian Song | "Ang Layuning Dapat Taglayin ng Tao sa Kanilang Pananalig sa Diyos"

 

Tunay na pananalig sa Diyos

ay pagtanggap na salita Niya'y realidad ng buhay mo

at pagkilala sa Diyos mula sa Kanyang salita

para maging tunay pagsinta sa Kanya.

Para mas malinaw: Pananalig sa Diyos

ay para masunod mo at mahalin mo Siya,

pagganap sa tungkulin ng mga nilalang.

Yan ang layon ng pananalig sa Diyos.

 

Para malaman, Kanyang kariktan,

kung ga'no S'ya dapat pagpitaganan,

pa'no Niya 'nililigtas Kanyang nilalang

at ginagawa silang perpekto—

yan ang pinakamaliit

na dapat taglayin sa 'yong pananalig.

 

Pananalig sa Diyos di lamang dapat para makita,

mga tanda at himala,

ni para lamang sa iyong sariling laman.

Iyo'y para makilala ang Diyos at masunod Siya,

masunod Siya hanggang kamatayan.

Ito ang nais nitong makamtan.

 

Pananalig sa Diyos ang paraan para magbago ang buhay mo

mula sa makamundong buhay tungo 

sa pagmamahal sa Diyos;

mula sa likas na buhay

tungo sa buhay na tulad ng Diyos.

Paglaya ito sa dominyon ni Satanas

para mabuhay sa ilalim ng proteksyon 

at pangangalaga ng Diyos,

para masunod ang Diyos,

at hindi sundin ang laman.

 

Para matamo ng Diyos ang buong puso mo,

tulutan S'yang gawin kang perpekto,

at palayain ang sarili mo

sa satanikong disposisyon.

Pananalig sa Diyos ay

para makita kapangyarihan Niya sa 'yo.

 

Pananalig sa Diyos di lamang dapat para makita

mga tanda at himala,

ni para lamang sa iyong sariling laman.

Iyo'y para makilala ang Diyos at masunod Siya,

masunod Siya hanggang kamatayan.

Ito ang nais nitong makamtan.

 

Iyo'y para makita kapangyarihan ng Diyos sa 'yo,

para kalooban Niya'y gawin mo

at matupad Kanyang plano.

Diyos mapapatotohanan mo sa harap ni Satanas.

 

mula sa Sumunod sa Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin

 

______________________________________________

 

Madalas mo bang nadarama na ang iyong espiritu ay nalalanta at ang iyong panalangin ay hindi nasasagot ng Diyos? Makinig sa mga Tagalog prayer songs. Pagtitibayin ng mga ito ang iyong kaugnayan sa Diyos.

 

Lihim nang dumating ang Diyos bago sumapit ang matitinding kalamidad at gumawa ng isang grupo ng mga mananagumpay. Pagkatapos, magpapakita ang Diyos nang hayagan at gagantimpalaan ang mabubuti at parurusahan ang masasama. Nais mo bang salubungin ang Panginoon at maligtas ng Diyos bago sumapit ang matitinding kalamidad? Huwag mag-atubiling kontakin kami ngayon para malaman ang paraan.