Isa sa mga sipi ang nagsasabing: “Ang mga tao ay naniniwala sa Diyos, iniibig ang Diyos, at napalulugod ang Diyos sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa Espiritu ng Diyos gamit ang kanilang mga puso, sa gayon ay nakakamtan ang Kanyang kaluguran; kapag taos-puso silang nakikiugnay sa mga salita ng Diyos, naaantig sila ng Espiritu ng Diyos.
Dalawang libong taon ang nakakalipas, sinabi ng Panginoong Jesus, “Mangagsisi kayo; sapagka’t malapit na ang kaharian ng langit” (Mateo 4:17). Ano ang tunay na kahulugan ng mga salitang ito? Ano ang totoong pagsisisi? Paano natin makakamit ang tunay na pagsisisi at makapasok sa kaharian ng langit? Tayo ay mag-fellowship at tuklasin ang mga ito nang magkasama.