Ngayon mismo, bawat araw na pinagdaraanan ninyo ay lubhang mahalaga, at pinakamahalaga sa inyong kahahantungan at kapalaran, kaya’t dapat ninyong itangi ang lahat ng mayroon kayo ngayon, at pahalagahan ang bawat minutong lumilipas.
Sa panahong ginugol ni Pedro sa piling ni Jesus, marami siyang nakitang kaibig-ibig na katangian ni Jesus, maraming aspetong karapat-dapat na tularan, at maraming aspetong tumustos sa kanya. Bagama’t nakita ni Pedro ang katauhan ng Diyos kay Jesus sa maraming paraan, at ang maraming kaibig-ibig na katangian, hindi niya kilala si Jesus sa simula. Sinimulang sundan ni Pedro si Jesus noong siya ay 20 taong gulang, at patuloy siyang sumunod sa Kanya sa loob ng anim na taon. Sa panahong iyon,...
Sabi ng Makapangyarihang Diyos:"Ang gawain ng Banal na Espiritu ay tungkol lahat sa pagbibigay-kakayahan sa mga tao na makakuha ng mga pakinabang; ito ay tungkol lahat sa pagtatayo sa mga tao; walang gawain na hindi nagiging kapaki-pakinabang sa mga tao. ..."
Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Ang tao ay ginawang tiwali ni Satanas, at siya ang pinakamataas sa lahat ng mga nilalang ng Diyos, kaya ang tao ay nangangailangan ng kaligtasan ng Diyos. Ang pakay ng kaligtasan ng Diyos ay ang tao, hindi si Satanas, at ang maliligtas ay ang katawan ng tao, at ang kaluluwa ng tao, at hindi ang demonyo. ..."