Batay sa mga kilos at gawa ng inyong buhay, lahat kayo ay kailangan ang araw-araw na pagdaloy ng mga salita upang tustusan at muling punan kayo, dahil kayo ay masyadong nagkukulang, at ang inyong kaalaman at kakayahan upang makatanggap ay masyadong kakaunti.
Ang Kidlat ng Silanganan, nilikha ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos dahil sa pagpapakita at gawain ng Makapangyarihang Diyos, ang ikalawang pagdating ng Panginoong Jesus, ang Cristo ng mga huling araw.
Bilang mga miyembro ng sangkatauhan at tapat na mga Kristiyano, pananagutan at obligasyon nating lahat na ialay ang ating isipan at katawan para sa katuparan ng tagubilin ng Diyos, dahil ang ating buong pagkatao ay nagmula sa Diyos, at ito ay umiiral salamat sa kapangyarihan ng Diyos.
Ang kakayahang maipaliwanang nang tahasan ang mga salita ng Diyos ay hindi nangangahulugan na taglay mo ang realidad—ang mga bagay ay hindi kasing-simple gaya ng iyong maaaring isipin.
Ang pagkilala sa gawain ng Diyos sa mga panahong ito, sa pinakamalaking bahagi, ay ang pagkilala kung ano ang pangunahing ministeryo ng Diyos na nagkatawang-tao sa mga huling araw, at kung ano ang Kanyang pakay na gagawin sa daigdig.
Maraming bagay ang inaasahan Kong makamit ninyo. Ngunit, ang inyong mga kilos at lahat ng inyong pamumuhay ay hindi lubusang makasunod sa Aking mga hinihingi, kaya wala Akong pagpipilian kundi ang diretsahin kayo at ipaliwanag ang Aking kalooban.
Nakikita nating lahat sa ating praktikal na mga karanasan na maraming beses nang personal na nagbubukas ang Diyos ng isang landas para sa atin kaya ang nilalakaran nating landas ay mas matatag, mas makatotohanan.
Ano na ang natanggap ng tao magmula nang siya ay unang naniwala sa Diyos? Ano na ang nalalaman mo tungkol sa Diyos? Gaano na kalaki ang iyong ipinagbago dahil sa iyong paniniwala sa Diyos?