Ang Aking awa ay nahahayag sa mga nagmamahal sa Akin at nagtatakwil ng kanilang mga sarili. At ang kaparusahang sumapit sa masama ay tiyak na patunay ng Aking matuwid na disposisyon at, higit pa, patotoo sa Aking poot.
Ang Anak ng Tao'y patuloy na nagsasalita.
Itong hamak na tao nangunguna
sa'tin sa gawain ng Diyos.
Nagdaan na tayo
sa maraming pagsubok at pagkastigo,
at tayo'y sinubok ng kamatayan.
Katuwira't kamahalan ng Diyos ating natututuhan.
Habag at pag-ibig Niya'y natatamasa natin.
Sa araw na ito ipinagbibigay-alam natin ang isang mahalagang paksa. Ito ay isang paksa na tinalakay na mula pa noong simula ng gawain ng Diyos maging hanggang ngayon, at ito ay may napakahalagang kabuluhan para sa bawat tao.
Ang ilang pagbabahaging ito ay nagkaroon ng malaking epekto sa bawat isang tao. Sa ngayon, sa wakas ay mararamdaman talaga ng mga tao ang tunay na pag-iral ng Diyos at ang Diyos ay totoong napakalapit sa kanila.
Diyos ay naging tao,
isang karaniwang tao,
na nagdala ng gawain at atas ng Diyos.
Ibig sabihi'y binalikat N'ya ang gawai't nagdusa
na 'di matitiis ng karaniwang tao.
Kita sa hirap Niyang tapat Siya sa tao,
na siyang kabayaran,
para mailigtas Niya ang tao,
tubusin sa sala nila't tapusin ang yugtong ito.
Kumakatawan lahat ang Jehova,
Jesus at Mesias sa Espiritu ng Diyos.
Ngunit mga kapanahunan lang
sa pamamahala ng Diyos ang kinakatawan,
hindi ang Kanyang kabuuan.
Mga bansag ng tao sa Diyos ay di sapat
upang ipahayag kabuuan ng disposisyon Niya,
di maihayag kalahatan Niya.
Ang pagpapakita ng Diyos ay nangangahulugang
Siya'y gumagawa sa lupa sa Kanyang sarili.
Taglay ang Kanyang pagkakilanlan, disposisyon at sa sarili Niyang paraan,
sa tao Siya’y bumaba upang simulan at tapusin ang isang kapanahunan.
Ang pagpapakita Niya’y di larawan o tanda at hindi ito seremonya.