Sa mga Huling Araw, Gumagawa ang Diyos ng Isang Grupo ng Mananagumpay sa Pamamagitan Lamang ng mga Salita

 

Sabi ng Panginoong Jesus, "Mayroon pa akong maraming bagay na sa inyo ay sasabihin, nguni’t ngayon ay hindi ninyo mangatitiis. Gayon ma’y kung siya, ang Espiritu ng katotohanan ay dumating, ay papatnubayan niya kayo sa buong katotohanan: sapagka’t hindi siya magsasalita ng mula sa kaniyang sarili; kundi ang anomang bagay na kaniyang marinig, ang mga ito ang kaniyang sasalitain: at kaniyang ipahahayag sa inyo ang mga bagay na magsisidating" (Juan 16:12–13).

Sabi ng Makapangyarihang Diyos, "Sa mga huling araw, ang Diyos ay pangunahing gumagamit ng salita upang gawing perpekto ang tao. Hindi Siya gumagamit ng mga tanda at mga kababalaghan upang apihin ang tao, o kumbinsihin ang tao; hindi nito maaaring gawing malinaw ang kapangyarihan ng Diyos. Kung nagpakita lamang ang Diyos ng mga tanda at mga kababalaghan, kung gayon magiging imposible na gawing malinaw ang realidad ng Diyos, kaya imposibleng gawing perpekto ang tao. Hindi ginagawang perpekto ng Diyos ang tao sa pamamagitan ng mga tanda at mga kababalaghan, subali’t gumagamit ng salita upang diligan at akayin ang tao, at pagkatapos nito ay nakakamit ang ganap na pagkamasunurin ng tao at ang pagkakilala ng tao sa Diyos. Ito ang minimithi ng gawaing ginagawa Niya at ng mga salitang winiwika Niya. Hindi ginagamit ng Diyos ang paraan ng pagpapakita ng mga tanda at mga kababalaghan upang gawing perpekto ang tao—gumagamit Siya ng mga salita, at gumagamit ng maraming iba’t ibang mga paraan ng gawain upang gawing perpekto ang tao. Maging ito man ay ang pagpipino, pakikitungo, pagtatabas, o pagtutustos ng mga salita, ang Diyos ay nagwiwika mula sa maraming iba’t ibang mga perspektibo upang gawing perpekto ang tao, at upang bigyan ang tao ng mas malaking kaalaman sa gawain, karunungan at pagiging kamangha-mangha ng Diyos. Kapag ang tao ay nagagawang ganap sa panahon na tinatapos ng Diyos ang kapanahunan sa mga huling araw, magiging kwalipikado siya na tumingin sa mga tanda at mga kababalaghan. Kapag ikaw ay mayroong pagkakilala sa Diyos at nakakayang sumunod sa Diyos kung anuman ang ginagawa Niya, ikaw ay makakakita ng mga tanda at mga kababalaghan, sapagkat hindi ka magkakaroon ng mga pagkaintindi tungkol sa realidad ng Diyos. Sa sandaling ito, ikaw ay tiwali at walang kakayahang ganap na sumunod sa Diyos—kwalipikado ka bang makakita ng mga tanda at mga kababalaghan? Ang sandali na nagpapamalas ang Diyos ng mga tanda at mga kababalaghan ay kapag pinaparusahan ng Diyos ang tao, at saka kapag ang kapanahunan ay nagbabago, at, dagdag pa, kapag ang kapanahunan ay nagwawakas. Kapag ang gawain ng Diyos ay normal na isinasakatuparan, hindi Siya nagpapakita ng mga tanda at mga kababalaghan. Ang pagpapakita ng mga tanda at mga kababalaghan ay masyadong madali, ngunit hindi iyon ang prinsipyo ng gawain ng Diyos, ni iyon ang mithiin ng pamamahala ng Diyos sa tao. Kung ang tao ay nakakita ng mga tanda at mga kababalaghan, at kung ang espirituwal na katawan ng Diyos ay magpapakita sa tao, hindi kaya lahat ng tao ay maniniwala sa Diyos? Dati Ko nang nasabi na ang isang grupo ng mga mananagumpay ay natatamo mula sa Silangan, mga mananagumpay na nagmumula sa gitna ng malaking kapighatian. Ano ang ibig sabihin ng ganoong mga salita? Ang ibig sabihin ng mga iyon ay ang mga taong ito na natamo na ay tunay lamang na sumunod matapos dumaan sa paghatol at pagkastigo, at pakikitungo at pagtatabas at lahat ng uri ng pagpipino. Ang paniniwala ng mga ganoong tao ay hindi malabo at mahirap unawain, ngunit tunay. Hindi pa sila nakakakita ng anumang mga tanda at kababalaghan, o anumang mga himala; hindi sila nagsasalita ng malabong mga titik at mga doktrina, o malalalim na kabatiran; sa halip mayroon silang realidad, at mga salita ng Diyos, at isang tunay na kaalaman sa realidad ng Diyos. Ang ganoon bang grupo ay walang mas higit na kakayahang gawing malinaw ang kapangyarihan ng Diyos?" ("Ang Lahat ay Nakakamit sa Pamamagitan ng Salita ng Diyos" sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao).

Write a comment

Comments: 0