Talaga bang may Trinidad? Bakit mo sinasabi na ang Trinidad ang pinakamalaking pagkakamali ng relihiyosong mundo?

 

Sa loob ng huling dalawang milenyo, naniwala ang buong relihiyosong daigdig na ang Diyos ay isang Trinidad—ang Trinidad ay isa nang klasikong teorya ng buong doktrinang Kristiyano. Kaya talaga bang mapanghahawakan ang interpretasyon tungkol sa Trinidad? Talaga bang may Trinidad? Bakit mo sinasabi na ang Trinidad ang pinakamalaking pagkakamali ng relihiyosong mundo?

 

Sagot:

Ibinabatay ninyong lahat ang inyong patunay sa nakatala sa Biblia na ang Panginoong Jesucristo ang Anak ng Diyos, at pagkatapos kapag nakikita ninyong nagdarasal ang Panginoong Jesus sa Diyos Ama, mas pinatutunayan nito sa inyo na ang Panginoong Jesus at ang Diyos ay may ugnayan bilang Mag-ama. Idagdag pa riyan ang patotoo ng Banal na Espiritu at ang patotoo at mga paglilimita ng mga apostol, at nakasisiguro na kayo na ang Diyos ay ang Trinidad. Sa loob ng dalawang libong taon, natitiyak na ng mga relihiyon na ang isang tunay na Diyos na lumikha ng kalangitan at lupa at lahat ng bagay ay ang Trinidad, dahil lamang sa nagkatawang-tao ang Diyos para gawin ang gawain ng pagtubos, gayundin dahil sa mga di-pagkakaunawaang nagsimula sa mga taong hindi maunawaan ang katotohanan ng pagkakatawang-tao. Bagama’t nadarama ng maraming tao na hindi gaanong akma ang interpretasyon sa Trinidad, dahil hindi nila alam ang katotohanan ng pagkakatawang-tao nililimitahan nila ang Diyos sa imposibleng paraang ito. Kung hindi pumarito ang Makapangyarihang Diyos, na inihahayag ang mga hiwaga ng pagkakatawang-tao at sinusuri ito, ang pinakamalaking kamalian ng mga relihiyon mula nang likhain ang mundo, walang sinumang makakakilala sa kamalian ng interpretasyon sa Trinidad. Sa totoo lang, mula nang likhain ang mundo, hindi sinabi ng Diyos kailanman na Siya ay isang Trinidad, ni ng Panginoong Jesus na nagkatawang-tao, ni hindi ito pinatotohanan ng Banal na Espiritu kailanman na ang Diyos ay isang Trinidad—tanggap na ang katotohanang iyan. Lumabas ang interpretasyon sa Trinidad matapos pumarito ang Panginoong Jesus na nagkatawang-tao, kung kailan nagkaroon ng maling pagkaunawa ang mga tao tungkol sa Diyos dahil sa kawalan nila ng pag-unawa sa katotohanan ng pagkakatawang-tao. Sa loob ng Biblia, maraming taong nakakakita na nagpapatotoo ang Banal na Espiritu na ang Panginoong Jesus ang pinakamamahal na Anak, at nakikita nila Siyang nagdarasal sa Diyos Ama, kaya nagkakaroon ng mga haka-haka at imahinasyon tungkol sa Diyos, na para bang ang Diyos ay tatlong persona—ang Ama, ang Anak at ang Banal na Espiritu. Samakatwid, maraming hindi nakakaalam kung kaninong Diyos sila nararapat magdasal, ni hindi nila alam kung aling Diyos ang namamahala sa lahat ng bagay at nagdedesisyon sa lahat ng bagay. Nadarama ng ilang tao na ang pagdarasal sa isang Diyos ay hindi tama, kaya gusto nilang ihalo ang dalawa pa; asiwa ang pakiramdam ng ilan sa pagdarasal sa Panginoong Jesus lamang, kaya kailangan nilang isama rin ang Diyos na si Jehova. Nakakalito ito sa mga tao at naguguluhan ang puso nila. Talagang tinanong ng mga disipulo noon ang Panginoong Jesus kung ano ang tunay na sitwasyon tungkol sa Diyos Ama, at malinaw na sumagot ang Panginoong Jesus, na sinasabing: “Malaon nang panahong ako’y inyong kasama, at hindi mo ako nakikilala…? Ang nakakita sa akin ay nakakita sa Ama; paanong sinasabi mo, Ipakita mo sa amin ang Ama? Hindi ka baga nananampalataya na ako’y nasa Ama, at ang Ama ay nasa akin?” (Juan 14:9–10), “Ako at ang Ama ay iisa” (Juan 10:30). Ang Ama at ang Anak ay iisa, iisang Diyos—lubos ang katotohanang iyan, walang mali diyan.

 

Tingnan natin kung ano ang sinasabi ng Makapangyarihang Diyos, “Kung may sinuman sa inyo na nagsasabi na talagang mayroong Trinidad, ipaliwanag nga ninyo kung ano ba talaga itong isang Diyos sa tatlong persona. Ano ang Banal na Ama? Ano ang Anak? Ano ang Banal na Espiritu? Si Jehova ba ang Banal na Ama? Si Jesus ba ang Anak? Ano naman ang Banal na Espiritu? Hindi ba isang Espiritu ang Ama? Hindi ba isang Espiritu rin ang diwa ng Anak? Hindi ba ang gawain ni Jesus ay gawain ng Banal na Espiritu? Hindi ba ang gawain ni Jehova sa panahong iyon ay isinakatuparan ng Espiritu kagaya ng kay Jesus? Ilang Espiritu ba ang maaaring taglayin ng Diyos? Ayon sa iyong paliwanag, ang tatlong persona ng Ama, ng Anak, at ng Banal na Espiritu ay iisa; kung gayon, may tatlong Espiritu, ngunit ang ibig sabihin ng magkaroon ng tatlong Espiritu ay mayroong tatlong Diyos. Ibig sabihin, walang iisang tunay na Diyos; paano pa tataglayin ng ganitong uri ng Diyos ang likas na diwa ng Diyos? Kung tinatanggap mo na iisa lamang ang Diyos, paano Siya nagkaroon ng isang anak at naging isang ama? Hindi ba mga paniwala mo lamang ang lahat ng ito? Iisa lamang ang Diyos, iisa lamang ang persona sa Diyos na ito, at iisa lamang ang Espiritu ng Diyos, gaya ng nasusulat sa Biblia na ‘Iisa lamang ang Banal na Espiritu at iisa lamang ang Diyos.’ Mayroon mang Ama at Anak na binabanggit mo, iisa lamang naman ang Diyos, at ang diwa ng Ama, ng Anak, at ng Banal na Espiritu na iyong pinaniniwalaan ay ang diwa ng Banal na Espiritu. Sa madaling salita, ang Diyos ay isang Espiritu, ngunit kaya Niyang magkatawang-tao at mabuhay sa piling ng mga tao, at mangibabaw rin sa lahat ng bagay. Sakop ng Kanyang Espiritu ang lahat at Siya ay nasa lahat ng dako. Kaya Niyang sabay na magkatawang-tao at mapasa-buong sansinukob. Dahil sinasabi ng lahat ng tao na ang Diyos lamang ang nag-iisang tunay na Diyos, iisa ang Diyos, na hindi kayang hatiin ninuman kung kailan niya gusto! Ang Diyos ay iisang Espiritu lamang, at iisang persona lamang; at iyon ang Espiritu ng Diyos. Kung tama ang sinasabi mong, ang Ama, ang Anak, at ang Banal na Espiritu, hindi ba tatlong Diyos Sila? Ang Banal na Espiritu ay isa, ang Anak ay isa pa, at ang Ama ay isa pa rin. Sila’y magkakaibang persona na magkakaiba ang diwa, kaya paano naging bahagi ng iisang Diyos ang bawat isa sa Kanila? Ang Banal na Espiritu ay isang Espiritu; madali itong maunawaan ng tao. Kung gayon, lalo nang ang Ama ay isang Espiritu. Hindi pa Siya nakakababa sa lupa kailanman at hindi pa naging tao kailanman; Siya ang Diyos na si Jehova sa puso ng tao, at tiyak na Siya ay isa ring Espiritu. Kung gayon ano ang relasyon Niya sa Banal na Espiritu? Ito ba ang relasyon ng Ama sa Anak? O ito ba ang relasyon ng Banal na Espiritu sa Espiritu ng Ama? Ang diwa ba ng bawat Espiritu ay iisa? O ang Banal na Espiritu ba ay isang kasangkapan ng Ama? Paano ito maipapaliwanag? At ano naman ang relasyon ng Anak sa Banal na Espiritu? Ito ba ay relasyon sa pagitan ng dalawang Espiritu o relasyon ng isang tao sa isang Espiritu? Ito ay pawang mga bagay na hindi maaaring magkaroon ng paliwanag! Kung lahat Sila ay iisang Espiritu, walang magiging usapan tungkol sa tatlong persona, sapagkat taglay Nila ang iisang Espiritu. Kung Sila ay magkakaibang persona, magkakaiba-iba ang lakas ng Kanilang Espiritu, at talagang hindi Sila maaaring maging iisang Espiritu” (“Umiiral ba ang Trinidad?” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao).

 

Maaari pa ring sabihin ng iba: ‘Ang Ama ay ang Ama; ang Anak ay ang Anak; ang Banal na Espiritu ay ang Banal na Espiritu, at sa huli, gagawin Silang iisa.’ Kung gayon paano mo Sila dapat gawing iisa? Paano magagawang iisa ang Ama at ang Banal na Espiritu? Kung Sila ay likas nang dalawa, paano man Sila pagsamahin, hindi ba Sila mananatiling dalawang bahagi? Kapag sinabi mong ginagawa Silang isa, hindi ba pagsasama lamang iyan ng dalawang magkahiwalay na bahagi upang mabuo ang isa? Ngunit hindi ba dalawang bahagi Sila bago binuo? Bawat Espiritu ay may naiibang diwa, at ang dalawang Espiritu ay hindi magagawang iisa. Ang Espiritu ay hindi isang materyal na bagay at hindi katulad ng anumang iba pa sa materyal na mundo. Sa paningin ng mga tao, ang Ama ay isang Espiritu, ang Anak ay isa pa, at ang Banal na Espiritu ay isa pa rin, kung gayon ay naghahalo ang tatlong Espiritu na parang tatlong baso ng tubig sa isang buo. Hindi ba iyan tatlo na ginawang isa? Maling-mali ang paliwanag na iyan! Hindi ba nito pinaghihiwa-hiwalay ang Diyos? Paano magagawang isa ang Ama, ang Anak, at ang Banal na Espiritu? Hindi ba sila tatlong bahagi at bawat isa’y magkakaiba ang likas na katangian?” (“Umiiral ba ang Trinidad?” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao).

 

Ang konseptong ito tungkol sa Ama, Anak, at Banal na Espiritu ay lubhang katawa-tawa! Pinaghihiwa-hiwalay nito ang Diyos at hinahati-hati Siya sa tatlong persona, bawat isa ay may katayuan at Espiritu; kung gayo’y paano Siya magiging isang Espiritu at isang Diyos pa rin? Sabihin ninyo sa Akin, nilikha ba ng Ama, ng Anak, o ng Banal na Espiritu ang mga kalangitan at lupa, at lahat ng bagay na naroon? Sabi ng ilan sama-sama raw Nilang nilikha ito. Kung gayon sino ang tumubos sa sangkatauhan? Ang Banal na Espiritu ba, ang Anak, o ang Ama? Sabi ng ilan ang Anak daw ang tumubos sa sangkatauhan. Kung gayon ay sino talaga ang Anak? Hindi ba Siya ang pagkakatawang-tao ng Espiritu ng Diyos? Ang tawag ng pagkakatawang-tao sa Diyos sa langit ay Ama mula sa pananaw ng isang taong nilikha. Hindi mo ba alam na si Jesus ay isinilang nang Siya ay ipaglihi sa pamamagitan ng Banal na Espiritu? Sumasa-Kanya ang Banal na Espiritu; anuman ang iyong sabihin, kaisa pa rin Siya ng Diyos sa langit, sapagkat Siya ang pagkakatawang-tao ng Espiritu ng Diyos. Ang ideyang ito tungkol sa Anak ay hindi talaga totoo. Isang Espiritu ang nagsasakatuparan ng lahat ng gawain; tanging ang Diyos Mismo, ibig sabihin, ang Espiritu ng Diyos ang nagsasakatuparan ng Kanyang gawain. Sino ang Espiritu ng Diyos? Hindi ba ito ang Banal na Espiritu? Hindi ba ang Banal na Espiritu ang umiimpluwensya kay Jesus? Kung ang gawain ay hindi naisakatuparan ng Banal na Espiritu (ibig sabihin, ang Espiritu ng Diyos), maaari bang katawanin ng Diyos Mismo ang Kanyang gawain?” (“Umiiral ba ang Trinidad?” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao).

 

Sinasabi Ko sa inyo, sa totoo lang, walang Trinidad saanman sa sansinukob na ito. Ang Diyos ay walang Ama at walang Anak, lalong wala itong konsepto ng isang kasangkapang parehong ginagamit ng Ama at ng Anak: ang Banal na Espiritu. Ang lahat ng ito ang pinakamalaking kamalian at talagang hindi man umiiral sa mundong ito! Ngunit kahit ang gayong kamalian ay may pinagmulan at hindi ganap na walang batayan, sapagkat ang inyong isipan ay hindi napakapayak, at ang inyong mga ideya ay hindi walang katwiran. Sa halip, ang mga iyon ay medyo naaangkop at malikhain, kaya nga hindi napapasok ang mga iyon kahit ng sinumang Satanas. Kaya lamang ang mga ideyang ito ay pawang mga kamalian at talagang hindi umiiral! Ni hindi pa ninyo nakikita ang tunay na katotohanan; mga haka-haka at pagkaintindi lamang ninyo iyan, pagkatapos ay binubuo lamang ninyong lahat ito sa isang kuwento linlangin ang iba at makuha ang kanilang tiwala at makapangibabaw sa pinakahangal na mga tao na walang talino o katwiran, para maniwala sila sa inyong kahanga-hanga at kilalang ‘mga turo ng batikan.’ Totoo ba iyan? Ito ba ang paraan ng pamumuhay na dapat tanggapin ng tao? Lahat ng ito ay walang kapararakan! Walang angkop ni isang salita!” (“Umiiral ba ang Trinidad?” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao).

 

Ang Espiritu sa loob ni Jesus, ang Espiritu sa langit, at ang Espiritu ni Jehova ay iisa lahat. Matatawag itong Banal na Espiritu, ang Espiritu ng Diyos, ang Espiritu na pinatindi nang makapitong beses, at ang Espiritung sumasalahat. Maisasakatuparan ng Espiritu ng Diyos ang maraming gawain. Nagagawa Niyang likhain ang mundo at wasakin ito sa pagpapabaha sa lupa; kaya Niyang tubusin ang buong sangkatauhan, at bukod pa riyan, lupigin at lipulin ang buong sangkatauhan. Ang gawaing ito ay isinasakatuparang lahat ng Diyos Mismo at hindi maaaring nagawa ng iba pa sa mga persona ng Diyos sa Kanyang lugar. Ang Kanyang Espiritu ay maaaring tawagin sa pangalang Jehova at Jesus, at maaari ding tawaging Makapangyarihan. Siya ang Panginoon, at Cristo. Maaari din Siyang maging Anak ng tao. Siya ay nasa kalangitan at nasa lupa rin; Siya ay nasa kaitaasan sa ibabaw ng mga sansinukob at nasa piling ng maraming tao. Siya ang tanging Panginoon ng langit at ng lupa! Mula sa panahon ng paglikha hanggang ngayon, ang gawaing ito ay naisagawa na ng Espiritu ng Diyos Mismo. Gawain man ito sa kalangitan o sa katawang-tao, lahat ay isinasakatuparan ng Kanyang sariling Espiritu. Lahat ng nilalang, sa langit man o sa lupa, ay nasa palad ng Kanyang makapangyarihang kamay; lahat ng ito ay gawain ng Diyos Mismo at hindi magagawa ng sinuman para sa Kanya. Sa kalangitan, Siya ang Espiritu subalit ang Diyos din Mismo; sa piling ng mga tao, Siya ay katawang-tao ngunit nananatiling Diyos Mismo. Bagama’t maaari Siyang tawagin sa daan-daang libong pangalan, Siya pa rin iyon Mismo, at lahat ng gawain[a] ay tuwirang pagpapahayag ng Kanyang Espiritu. Ang pagtubos sa buong sangkatauhan sa pamamagitan ng pagpapako sa Kanya sa krus ay tuwirang gawain ng Kanyang Espiritu, at maging ang pagpapahayag sa lahat ng bansa at lahat ng lupain sa mga huling araw. Sa lahat ng oras, matatawag lamang ang Diyos na ang makapangyarihan at nag-iisang tunay na Diyos, ang Diyos Mismo na sumasalahat. Walang magkakaibang persona, lalong wala itong ideya ng Ama, ng Anak, at ng Banal na Espiritu. Iisa lamang ang Diyos sa langit at sa lupa!” (“Umiiral ba ang Trinidad?” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao).

 

Sinusuri ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos nang napakasakit at napakalinaw ang kamaliang ito tungkol sa Trinidad: ang Diyos ang nag-iisang tunay na Diyos, ang Diyos ay ang Banal na Espiritu at iisa lamang ang Banal na Espiritu, samakatwid ay iisa lamang ang Diyos. Ang Diyos ay ang Banal na Espiritu at ang Banal na Espiritu ay ang Diyos; iba lamang ang paraan ng pagsasabi niyon. Ang Diyos na nagkatawang-tao ay ang Banal na Espiritu na naging tao at ang Banal na Espiritu pa rin ang diwa ng Kanyang katawang-tao. Ano man ang tawag natin sa Kanya kapag nagdarasal tayo, ang Diyos, ang Banal na Espiritu at ang Diyos na nagkatawang-tao ay pawang iisang Diyos, iisang Espiritu. Ito ay totoo na hindi maikakaila ninuman. Tulad ng sabi ng Makapangyarihang Diyos, “Ang Diyos ay isang Espiritu, ngunit kaya Niyang magkatawang-tao at mabuhay sa piling ng mga tao, at mangibabaw rin sa lahat ng bagay. Sakop ng Kanyang Espiritu ang lahat at Siya ay nasa lahat ng dako. Kaya Niyang sabay na magkatawang-tao at mapasa-buong sansinukob. Dahil sinasabi ng lahat ng tao na ang Diyos lamang ang nag-iisang tunay na Diyos, iisa ang Diyos, na hindi kayang hatiin ninuman kung kailan niya gusto!” Alam na alam nating lahat na iisa lamang ang Diyos, ang Banal na Espiritu. Kapag nagkakatawang-tao at nagiging tao ang Banal na Espiritu, bakit hindi na natin nakikilala ang Diyos? At pinaghihiwa-hiwalay natin ang Diyos sa tatlo bago natin Siya pinagsasama-samang muli sa isa, at inilalarawan natin ang Diyos bilang Trinidad. Malaking kahangalan talaga iyan! Makikita rito na talagang hindi natin nauunawaang mga tao ang mga espirituwal na bagay. Sa totoo lang, anuman ang sabihin natin tungkol doon, pagsalungat sa sarili ang Trinidad; tuwing naririnig natin ito, nadarama natin na medyo hindi ito akma, na medyo nakakaasiwa ito. Malinaw nating alam sa ating puso na iisa lamang ang Diyos, kaya ang Diyos na ito ba talaga ang Trinidad? Tama bang gamitin ang interpretasyon sa Trinidad para ilarawan ang Diyos? Totoo ba ang pagkaunawang ito tungkol sa Diyos? Sa pamamagitan ng pagsusuri at pagkahiwatig ng Makapangyarihang Diyos, nagiging malinaw sa ating lahat kung gaano kalaking kahibangan ang interpretasyon tungkol sa Trinidad, at tiyak na ito ang pinakamalaking kamalian ng mga relihiyon. Hindi ba ang pagsasabi na ang isang Diyos ay tatlo ay paghihiwa-hiwa lamang sa Kanya? Hindi ba kalapastanganan ang patuloy na igiit na ang iisang Diyos, ang iisang Espiritu, ay may tatlong bahagi? Dalawang libong taon nang nagpapasensya ang Diyos sa sangkatauhan, hanggang sa mga huling araw nang muling naging tao ang Diyos upang lubos na ilantad at suriin yaong nakakasakit sa Kanya nang husto—ang pinakamalaking kamalian ng lahat ng relihiyon—at para malinawan at maunawaan ng buong sangkatauhan na iisa lamang ang Diyos, ang Banal na Espiritu, at na ang Banal na Espiritu ang nag-iisang tunay na Diyos, ang Panginoon ng paglikha. Bagama’t nagiging tao ang Diyos, Siya pa rin ang nag-iisang Diyos. Talagang hindi Siya maaaring maging dalawang Diyos o dalawang Espiritu, at lahat ng ito ay gawain ng Banal na Espiritu. Ang Panginoong Jesus ay ang Diyos na si Jehova nasa katawang-tao; ang Panginoong Jesus ay ang pagpapakita ng Diyos na si Jehova. Iyan ay dahil ang diwa ng Kanyang katawan ay ang Banal na Espiritu, at ang Banal na Espiritu ay ang Diyos na si Jehova, kaya hindi ba Sila iisang Diyos? Kung hindi natin malinaw na nakikita kailanman, bilang mga tao, ang gayon kasimpleng katotohanan, hindi ba ibig sabihin niyan ay hindi natin nauunawaan ang mga espirituwal na bagay? Kaya pala sinabi ng Panginoong Jesus: “Malaon nang panahong ako’y inyong kasama, at hindi mo ako nakikilala, Felipe?” (Juan 14:9). Mukhang mahihirapan talaga tayong mga tiwaling tao na makilala ang Diyos, at kung hindi inihayag ng Diyos Mismo ang hiwaga ng katotohanan ng pagkakatawang-tao, walang makakaunawa rito. Personal na nagpakita ang Panginoong Jesus sa tao para mangusap at gumawa at, bukod pa riyan, itinala ito sa Biblia. Sa loob ng dalawang libong taon, walang sinumang tunay na nakakilala sa Panginoong Jesus at lalong walang sinumang nakaunawa sa katotohanan ng pagkakatawang-tao. Kung naunawaan lang nila talaga, hindi sana nila inilarawan ang Diyos bilang Trinidad. Sa ating mga haka-haka naniniwala tayo na ang Diyos na si Jehova ay ang Diyos na lumikha sa kalangitan at lupa at sa lahat ng bagay at ang namamahala sa lahat ng bagay, na ang Panginoong Jesus ay ang Panginoon ng lahat ng banal, ang Cristo, ang Tagapagligtas, at na ang Banal na Espiritu ay ang Diyos na nag-iimpluwensya, sa gayo’y binibigyan ang Trinidad ng malinaw na pagkakahati ng gawain. Bawat isa sa tatlo na bumubuo sa Trinidad ay may sarili Niyang dominyon—ang Isa ay responsable sa langit, ang Isa ay responsable sa lupa, at ang Banal na Espiritu ay responsable sa pag-impluwensya sa tao. Kung hahatiin natin ang mga gawain ng Diyos sa ganitong paraan, hindi ba nito lubos na kinokontra ang pagiging makapangyarihan ng Diyos at ang Kanyang buong karunungan? Ang Diyos ay isang Diyos na sumasalahat; Siya ay makapangyarihan sa lahat. Kung kinikilala natin na ang Diyos ay makapangyarihan sa lahat, nasa lahat ng dako at may awtoridad, bakit pa hinahati sa tatlo ang Diyos? Ang kakayahan nating hatiin ang Diyos sa tatlo ay nagpapakita na hindi natin nauunawaan ang pagiging makapangyarihan ng Diyos at ang Kanyang likas na pagsakop sa lahat. Hindi natin kinikilala ang pagiging makapangyarihan ng Diyos, iniisip na hindi Niya magagawa ang mga bagay na ito, kaya nga hinahati natin Siya sa ganitong paraan, na para bang sa ganitong paraan lamang makatwirang gumawa ang Diyos—ito ay isang paghahati batay lamang sa mga haka-haka at imahinasyon ng tao. Malinaw na ang Diyos ay iisang Diyos, kaya gawi ba ng isang taong nagpipitagan sa Diyos ang paggigiit na hatiin ang Diyos sa tatlong bahagi? Makadiyos ba ang ganitong uri ng tao? Hindi ba masyadong mayabang at mapagmagaling ang ganitong gawi? Hindi ba ang paghahati-hati at paglimita nang ganito sa Kanya ay talagang pagsuway at paglapastangan sa Kanya? Makikita natin mula sa pagsusuri at pahayag ng Makapangyarihang Diyos sa interpretasyon sa Trinidad na ang paglalarawan ng tiwaling sangkatauhan sa Diyos bilang Trinidad ay isang bagay na napakasakit sa Diyos. Katumbas ito ng paghahati sa Diyos sa tatlo, pagkatapos ay pagsasama-samang muli sa Kanya sa isa. Ang Diyos ay ang nag-iisang tunay na Diyos, kaya paano maaaring pahintulutan ang tao na paghati-hatiin ang Diyos sa ganitong paraan? Samakatwid, sinasabi ng Diyos sa “Umiiral ba ang Trinidad?”: “Sinasabi Ko sa inyo, sa totoo lang, walang Trinidad saanman sa sansinukob na ito. Ang Diyos ay walang Ama at walang Anak, lalong wala itong konsepto ng isang kasangkapang parehong ginagamit ng Ama at ng Anak: ang Banal na Espiritu. Ang lahat ng ito ang pinakamalaking kamalian at talagang hindi man umiiral sa mundong ito!” “Walang pagkakataon na maaaring makapanindigan ang ideya ng Trinidad ng Ama, Anak, at Banal na Espiritu; ito ay isang kamalian na bihirang makita sa paglipas ng mga panahon at hindi umiiral!” (Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). Ito ang Diyos na hayagang sinusuri at inilalantad ang kamalian tungkol sa Trinidad sa buong sansinukob. Kapag nakita natin ang mga salita ng Diyos, at hindi pa rin natin maunawaan ang mga ito at hindi pa rin natin matanggap ang katotohanan, sinusuway natin ang Diyos at tutuligsain at aalisin lamang Niya tayo.

 

—mula sa Mga Sagot sa mga Tanong sa Screenplay

 

Kaninong bibig ba nanggaling ang terminong Trinidad? Pinatotohanan ba ito ng Banal na Espiritu o sinabi ng Panginoong Jesus Mismo? O pagbubuod ba ito mula sa sangkatauhan na ginawang tiwali? Una, hindi ito sinabi ng Diyos; pangalawa, walang inihayag na ganito ang Banal na Espiritu; pangatlo, walang apostol ng nagsabi nito. Samakatuwid, ang ganitong pagpapahayag ay hindi salita ng Diyos, kundi sa halip ay nagmumula sa bibig ng mga tao at ibinubuod ng tiwaling sangkatauhan. Alam nating lahat na may iisang Diyos lamang. Kapag ang Diyos ay nagkakatawang-tao, mayroon Siyang banal na diwa. Pagkatapos Niyang makumpleto ang Kanyang gawain sa katawang-tao at magbalik Siya sa espirituwal na mundo, sasa-Kanya ang orihinal na identidad ng Diyos. Ang orihinal na identidad ng Diyos ay ang Espiritu; ang Diyos na nagkatawang-tao ang pagsasakatuparan ng Espiritu sa katawang-tao, habang ang Kanyang diwa ay Espiritu pa rin. Samakatuwid, iisa lamang ang Diyos. Ang Diyos ang Espiritu. Kadalasan ginagampanan Niya ang Kanyang gawain sa mga tao bilang Espiritu. Nagkakatawang-tao lamang Siya kapag kailangan Niyang gumawa bilang diyos na nagkatawang-tao, ngunit sa loob lamang iyon ng maikling panahon. Pagkatapos Niyang makumpleto ang Kanyang gawain sa pamamagitan ng dalawang pagkakatawang-tao, hindi na Siya muling magkakatawang-tao; pagkaraan ay magiging Espiritu na ang Diyos magpakailanman. Samakatuwid, ano’t anuman, iisa lamang ang Diyos. Ang Trinidad—ang Banal na Ama, ang Banal na Anak, at ang Banal na Espiritu—ay hindi talaga umiiral, at ang interpretasyong ito ay hindi makatwiran. Hindi sinabi ng Diyos kailanman na Siya ay isang Trinidad, hindi ito sinabi ng Diyos na si Jehova sa Lumang Tipan, hindi ito sinabi ng Panginoong Jesus bilang Diyos na nagkatawang-tao sa Bagong Tipan, sa Kanyang sumunod na gawain hindi ito sinabi ng Banal na Espiritu. Samakatuwid, talagang walang katwiran ang pahayag na ito. Paano ito ipinahayag ng Panginoong Jesus? “Sila’y inyong bautismuhan sa pangalan ng Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo” (Mateo 28:19). Kapag nagbabautismo ang mga tao, maaari nilang tawagin ang pangalan ng Ama, ang pangalan ng Banal na Espiritu, at maaari din nilang tawagin ang pangalan ng Anak, ngunit tiyak na hindi nito pinag-uugnay ang mga pangalan ng Ama, ng Anak, at ng Banal na Espiritu, hindi ito ang ibig nilang sabihin. Mali ang mga taong may relihiyon na gawin ang pahayag na ito na isang pormula. Dahil maraming tao noon ang hindi sigurado sa identidad ng Panginoong Jesus, pinayagan sila ng Panginoong Jesus na tawagin ang pangalan ng Ama. Ngunit ang totoo, kung sigurado ang mga tao na si Jesus ang Panginoon, na Siya ang Diyos na nagkatawang-tao, maaari nilang direktang tawagin ang pangalan ng Panginoong Jesus, at magiging sapat na iyon. Hindi na nila kailangang tawagin ang pangalan ng Ama, at mas lalong hindi na nila kailangang tawagin ang pangalan ng Banal na Espiritu. Samakatuwid, may dahilan kaya sinambit ng Diyos ang mga salitang iyon noon, dahil marami pang taong hindi tumanggap sa Panginoong Jesus, ni hindi nila kinilala ang Panginoong Jesus. Samakatuwid, sinambit Niya ang mga salitang mas nauunawaan at katanggap-tanggap sa mga tao. Ngunit nang ituring ng mga taong may relihiyon na isang pormula ang mga salita ng Panginoong Jesus—ang pagtawag sa tatlong pangalan ng Ama, ng Anak, at ng Banal na Espiritu, kaninong pangalan ang kanilang tinatawag pagkatapos ng lahat? Mali sila; sasapat na ang isang pangalan, at iyon ay ang tawagin ang pangalan ng Panginoong Jesus. Ang Panginoong Jesus ang Ama. Sinabing minsan ng Panginoong Jesus, “Ako at ang Ama ay iisa” (Juan 10:30). Dati nang iisa ang Ama at ang Anak. Sinumang tumatawag sa mga pangalan ng Ama, ng Anak, at ng Banal na Espiritu ay hindi nauunawaan ang espiritu, mali ang pagkaunawa niya sa mga salita ng Panginoong Jesus; tama ba ang paliwanag na iyon o hindi? Tumpak na tumpak iyon. Bakit hindi nauunawaan ng natiwaling sangkatauhan ang salita ng Diyos, ngunit mali ang pagkaunawa sa mga salita ng Panginoong Jesus at hinahati ang Diyos sa tatlong bahaging ito? Ito’y dahil walang mga kakayahan ang tao para unawain ang katotohanan. Samakatuwid, nang magsalita ang Diyos na nagkatawang-tao sa sangkatauhan, nagkaroon ng ilang problema. Sinabi ng Diyos sa kanila na maaari silang tumawag sa pangalan ng Ama at maaari din silang tumawag sa pangalan ng Anak, at yaong mga nagawang tanggapin ang Panginoong Jesus bilang Diyos na nagkatawang-tao ay maaaring tumawag sa pangalan ng Anak, at yaong mga hindi talaga nagawang tanggapin Siya ay maaaring tumawag sa pangalan ng Banal na Espiritu. Mula rito, nakikita natin ang kaluwagan ng Diyos sa tao, at nagagawa rin nating mahiwatigan ang konsiderasyon ng Panginoong Jesus sa kahinaan at kamangmangan ng tao. Samakatuwid, tungkol sa bagay na ito, hindi partikular ang Diyos at dapat nating maunawaan ang ibig sabihin ng Diyos.

 

—mula sa Ang Pagbabahagi mula sa Itaas

 

Talababa:

 

a. Wala sa orihinal na teksto ang pariralang “ng gawain.”

 

Bible Study in Tagalog has rich content, including many great articles and videos which cover various topics like the Bible prophecies, the Lord's return, and the knowledge of God. They can help you with your Bible study.

Write a comment

Comments: 0