· 

Mga pagbabasa at pagsasalaysay ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | "Ang Diyos Mismo, ang Natatangi I (Sipi 3)"

 

Ang mga Salita ni Kristo | "Diyos ang Namumuno sa Kapalaran ng Buong Sangkatauhan (Sipi 1)"

 

Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Nilikha ng Diyos ang mundong ito, nilikha Niya ang sangkatauhang ito, at bukod dito Siya ang arkitekto ng sinaunang kulturang Griyego at sibilisasyon ng tao. Ang Diyos lamang ang umaaliw sa sangkatauhang ito, at ang Diyos lamang ang nagmamalasakit sa sangkatauhang ito gabi’t araw. Ang pag-unlad at paglago ng tao ay hindi mapaghihiwalay mula sa kapangyarihan ng Diyos, at ang kasaysayan at hinaharap ng sangkatauhan ay hindi mailalabas mula sa mga disenyo ng Diyos. Kung ikaw ay isang tunay na Kristiyano, kung gayon ikaw ay tiyak na maniniwala na ang pagbangon at pagbagsak ng anumang bayan o bansa ay nangyayari ayon sa mga disenyo ng Diyos. Diyos lamang ang nakakaalam sa kapalaran ng isang bayan o bansa, at Diyos lamang ang kumokontrol sa landasin ng sangkatauhang ito. Kung ang sangkatauhan ay nais na magkaroon ng isang magandang kapalaran, kung ang isang bayan ay nais na magkaroon ng isang magandang kapalaran, kung gayon ang tao ay dapat na yumuko sa Diyos sa pagsamba, magsisi at umamin sa harap ng Diyos, o kung hindi ang kapalaran at patutunguhan ng tao ay hindi maiiwasang magtapos sa sakuna."

 

————————————————————————————————

 

Rekomendasyon:Buhay na walang hanggan

 

 

Write a comment

Comments: 0