· 

Ang Diyos ang Pinagmumulan ng Buhay para sa Lahat ng Bagay (III)

 

Sa loob ng panahong ito, napag-usapan natin ang tungkol sa maraming bagay na may kinalaman sa pagkilala sa Diyos at kailan lang ay napag-usapan natin ang tungkol sa isang bagay na napakahalaga rito. Ano ang paksang ito? (Ang Diyos ang Pinagmumulan ng Buhay para sa Lahat ng Bagay.) Tila ang mga bagay at ang paksang Aking sinabi ay tumatak nang malinaw sa bawat isa. Noong huli napag-usapan natin ang tungkol sa ilang aspeto para mabuhay sa kapaligirang nilikha ng Diyos para sa sangkatauhan, gayundin ang paghahanda ng Diyos ng lahat ng uri ng panustos na kailangan ng mga tao sa kanilang mga buhay. Sa katunayan, ang ginagawa ng Diyos ay hindi lamang ang maghanda ng isang kapaligiran para mabuhay ang mga tao at hindi lamang upang ihanda ang kanilang pang-araw-araw na panustos, ngunit upang mabuo ang iba’t ibang mga aspeto ng napakaraming misteryoso at kinakailangang gawain para mabuhay ang sangkatauhan at para sa buhay ng mga tao. Ang lahat ng ito ay mga pagkilos ng Diyos. Ang mga pagkilos na ito ng Diyos ay hindi lamang limitado para sa Kanyang paghahanda ng isang kapaligiran para mabuhay ang mga tao at sa kanilang pang-araw-araw na panustos—mayroon silang mas malawak na saklaw kaysa riyan. Bukod sa dalawang uri ng gawaing ito, naghahanda rin Siya ng maraming kapaligiran at kundisyon para mabuhay na mahalaga para sa mga buhay ng tao. Ito ay isa pang paksa na ating tatalakayin sa araw na ito. Ito ay may kinalaman din sa mga pagkilos ng Diyos; kung hindi, ang pag-usapan ito ngayon dito ay magiging walang kabuluhan. Kung gusto ng mga tao na makilala ang Diyos ngunit mayroon lamang silang isang literal na pagkaunawa ukol sa “Diyos,” ukol sa salitang iyon, o ukol sa lahat ng aspeto ng kung anong mayroon at kung ano ang Diyos, iyon ay hindi tunay na pagkaunawa. Kaya ano ang landas sa pagkilala sa Diyos? Ito ang pagkilala sa Kanya, pagkilala sa bawat aspeto Niya sa pamamagitan ng Kanyang mga pagkilos. Kaya, kailangang magkaroon tayo sa susunod ng pagbabahagi tungkol sa mga pagkilos ng Diyos nang Kanyang nilikha ang lahat ng bagay.

 

Mula pa noong likhain ang lahat ng bagay ng Diyos, ang mga ito ay kumikilos alinsunod sa mga batas na itinakda ng Diyos, ang lahat ng bagay ay gumagana at nagpapatuloy na umunlad nang maayos. Sa ilalim ng Kanyang pagmamasid, sa ilalim ng Kanyang pamamahala, ang lahat ng bagay ay maayos na umuunlad kaagapay ng pagiging buhay ng mga tao. Walang anumang bagay ang makababago sa mga batas na ito, at walang anumang bagay ang makasisira sa mga batas na ito. Nang dahil sa pamamahala ng Diyos kaya maaaring magparami ang lahat ng nilalang, at dahil sa Kanyang pangangasiwa at pamamahala kaya ang lahat ng nilalang ay mananatiling buhay. Ito ay upang sabihin na sa ilalim ng pamamahala ng Diyos, ang lahat ng nilalang ay nagsisiiral, umuunlad, nawawala, at muling isinisilang sa maayos na paraan. Kapag dumarating ang tagsibol, dinadala ng pag-ambon ng ulan ang damdaming iyon ng tagsibol at binabasa-basa ang lupa. Ang lupa ay nagsisimulang malusaw, ang damo ay tumutubo at umuusbong sa lupa at ang mga puno ay unti-unting nagiging luntian. Ang lahat ng nabubuhay na bagay na ito ay nagdadala ng sariwang sigla sa lupa. Ito ang tanawin ng lahat ng nilalang na nagsisiiral at nagsisiunlad. Ang lahat ng uri ng hayop ay lumalabas din sa kanilang mga lungga upang damhin ang init ng tagsibol at simulan ang isang bagong taon. Ang lahat ng nilalang ay nagbibilad sa tag-araw at ikinagagalak ang init na dulot ng panahon. Ang mga ito ay mabilis na lumalaki; ang mga puno, ang damo, at ang lahat ng uri ng halaman ay napakabilis na lumalago, saka ang mga ito namumukadkad at namumunga. Ang lahat ng nilalang ay masyadong abala sa panahon ng tag-araw, pati na ang mga tao. Sa taglagas, nagdadala ang mga ulan ng lamig ng taglagas, at ang lahat ng uri ng nabubuhay na mga bagay ay nagsisimulang maranasan ang panahon ng pag-ani. Ang lahat ng nilalang ay namumunga, at nagsisimula na rin ang mga tao na anihin ang lahat ng uri ng bagay dahil sa paggawa sa taglagas ng mga nilalang na ito, upang maghanda ng pagkain para sa taglamig. Sa taglamig ang lahat ng nilalang ay unti-unting nagsisimulang magpahinga sa kalamigan, upang pumayapa, at ang mga tao ay nagpapahinga rin sa panahong ito. Ang mga pagbabagong ito mula sa tagsibol papuntang tag-araw hanggang sa taglagas at hanggang sa taglamig—ang mga pagbabagong ito ay lahat nagaganap alinsunod sa mga batas na itinatag ng Diyos. Pinangungunahan Niya ang lahat ng nilalang at mga tao gamit ang mga batas na ito at nakapagtatag para sa sangkatauhan ng isang mayaman at makulay na paraan ng pamumuhay, naghahanda ng isang kapaligiran para sa pamumuhay na mayroong iba’t ibang temperatura at iba’t ibang panahon. Sa ilalim ng maayos na mga kapaligirang ito para sa pamumuhay, ang mga tao ay maaari ding mamuhay at makapagparami sa maayos na paraan. Hindi maaaring baguhin ng mga tao ang mga batas na ito at walang sinuman at anuman ang makasisira sa mga ito. Anumang malaking mga pagbabago ang maganap sa mundo, ang mga batas na ito ay patuloy na iiral at umiiral ang mga ito dahil ang Diyos ay umiiral. Ito ay dahil sa pamumuno ng Diyos at sa Kanyang pamamahala. Sa ganitong uri ng maayos, mas malaking kapaligiran, ang buhay ng mga tao ay makapagpapatuloy sa loob ng mga batas at mga patakarang ito. Nilinang ng mga batas na ito ang sali’t salinlahi ng mga tao at ang sali’t salinlahi ng mga tao ang namuhay sa loob ng mga batas na ito. Tinatamasa ng mga tao ang mga nilalang at itong maayos na kapaligiran para sa pamumuhay na nilikha ng Diyos para sa sali’t salinlahi ng mga tao. Kahit na nararamdaman ng mga tao na ang ganitong uri ng mga batas ay katutubo, kahit na lubos ang kanilang paghamak sa mga ito, at kahit na hindi nila mararamdaman na ang Diyos ang nagsasaayos sa mga batas na ito, na pinamamahalaan ng Diyos ang mga batas na ito, kahit ano pa man, ang Diyos ay palaging sangkot sa hindi nagbabagong gawain na ito. Ang Kanyang layunin sa hindi nagbabagong gawain na ito ay para sa pananatiling buhay ng sangkatauhan, at nang upang maaaring makapagpatuloy ang mga tao.

 

Ang Diyos ay Nagtatakda ng mga Hangganan para sa Lahat ng Bagay Upang Alagaan ang Kabuuan ng Sangkatauhan

Tatalakayin Ko sa araw na ito ang paksa kung papaanong ang ganitong uri ng mga batas na nadala ng Diyos sa lahat ng nilalang ay nangangalaga sa buong sangkatauhan. Ito ay isang malaking paksa, kaya maaari natin itong hati-hatiin sa ilang bahagi at talakayin nating isa-isa upang maaaring mailarawan ang mga ito sa inyo nang malinaw. Sa ganitong paraan ito ay mas madali ninyong makukuha at unti-unti ninyo itong maiintindihan.

 

Una, nang nilikha ng Diyos ang lahat ng bagay, gumuhit Siya ng mga hangganan para sa mga bundok, kapatagan, disyerto, burol, ilog, at lawa. Sa lupa ay may mga bundok, kapatagan, disyerto, burol, gayundin ang iba’t ibang anyo ng tubig. Hindi ba iba’t ibang tanawin ang mga ito? Ang Diyos ay gumuhit ng mga hangganan sa pagitan ng lahat ng iba’t ibang uri ng tanawing ito. Kapag binabanggit natin ang pagguhit ng mga hangganan, nangangahulugan ito na ang mga bundok ay may mga balangkas, ang mga kapatagan ay may mga sarili at kani-kanyang mga balangkas, ang mga disyerto ay may tiyak na saklaw, at ang mga burol ay may isang tiyak na dako. Mayroon ding tiyak na dami ng mga anyo ng tubig gaya ng mga ilog at mga lawa. Iyon ay, nang nilikha ng Diyos ang lahat ng bagay hinati-hati Niya ang lahat nang buong linaw. Itinakda na ng Diyos kung ilang kilometro ang paikot na sukat ng isang bundok, kung ano ang saklaw nito. Itinakda na rin Niya kung ilang kilometro ang paikot na sukat ng isang kapatagan at kung ano ang saklaw nito. Sa paglikha ng lahat ng nilalang itinakda rin Niya ang saklaw ng disyerto gayundin ang saklaw ng mga burol at ang mga bahagi nito, at ano ang magiging batayang hangganan nito—itinakda rin Niya ang lahat ng ito. Itinakda Niya ang saklaw ng mga ilog at mga lawa nang nililikha Niya ang mga ito—lahat ng ito ay may mga hangganan. Kaya ano ang ibig sabihin kapag sinabi nating “mga hangganan”? Napag-usapan pa lang natin kung paanong ang pamamahala ng Diyos sa lahat ng nilalang ay nagtatatag ng mga batas para sa lahat ng nilalang. Halimbawa, ang saklaw at ang mga hangganan ng mga bundok ay hindi lalawig o mababawasan dahil sa pag-ikot ng mundo o sa paglipas ng panahon. Ito ay itinakda: Itong “itinakda” na ito ay pamamahala ng Diyos. Tungkol naman sa mga dako ng mga kapatagan, kung ano ang saklaw nito, kung ano ang batayang hangganan nito, ito ay itinatag na ng Diyos. Mayroon isang hangganan ang mga ito, at ang isang umbok ay hindi basta-basta na lang lilitaw sa gitna ng isang kapatagan. Ang isang kapatagan ay hindi lamang karaka-raka magiging bundok—ito ay hindi mangyayari. Ang mga batas at mga hangganan na katatalakay pa lamang natin ay tumutukoy dito. Tungkol naman sa disyerto, hindi natin babanggitin ang mga tungkuling ginagampanan ng disyerto o alinmang ibang kalupaan o pangheograpiyang lokasyon dito, ang mga hangganan lamang nito. Sa ilalim ng pamamahala ng Diyos ang saklaw ng disyerto ay hindi rin lalawig. Ito ay dahil sa ibinigay na ng Diyos ang Kanyang batas dito, ang saklaw nito. Kung gaano kalaki ang sukat nito at kung ano ang papel nito, kung ano ang batayang hangganan nito, at kung saan ito matatagpuan—ito ay itinakda na ng Diyos. Ito ay hindi lalampas sa saklaw nito, lilipat ito ng posisyon, at hindi basta na lang lalawak ang sukat nito. Bagaman ang mga pagdaloy ng mga tubig gaya ng mga ilog at mga lawa ay nasa ayos nang lahat at nagpapatuloy, hindi lumabas ang mga ito kailanman sa saklaw nito o lumabas lampas sa mga hangganan nito. Lahat ng ito ay dumadaloy sa isang direksyon at sa maayos na paraan, dumadaloy sa direksyon na dapat nitongdaluyan. Kaya sa ilalim ng mga batas ng pamamahala ng Diyos, walang ilog o lawa ang basta na lang matutuyo, o basta na lang magbabago ng direksyon o dami ng pagdaloy nito sanhi ng pag-ikot ng mundo o paglipas ng panahon. Ang lahat ng ito ay nakapaloob sa mahigpit na paghawak ng Diyos. Iyon ay upang sabihin na, lahat ng nilalang na nilikha ng Diyos sa gitna ng sangkatauhan ay may itinakdang mga lugar, mga sukat, at mga saklaw. Iyon ay, nang nilikha ng Diyos ang lahat ng nilalang, ang mga hangganan nito ay naitatag na at ang mga ito ay hindi basta na lang maiiba, magpapanibago, o mapapalitan. Ano ang ibig sabihin ng “basta na lang”? Nangangahulugan ito na hindi basta na lang lilipat ang mga ito, lalawig, o magbabago ng likas na anyo nito dahil sa panahon, temperatura, o sa bilis ng pag-ikot ng mundo. Halimbawa, ang isang bundok ay may tiyak na taas, ang pundasyon nito ay may tiyak na sukat, mayroon itong tiyak na kataasan, at mayroon itong tiyak na dami ng mga halaman. Ang lahat ng ito ay pinanukala at tinantiya ng Diyos at ang taas nito o ang sukat ay hindi basta na lang mababago. Tungkol naman sa mga kapatagan, ang karamihan ng mga tao ay naninirahan sa mga kapatagan, at walang mga pagpapalit sa klima ang makaaapekto ng mga sukat ng mga ito o ang kahalagahan ng pag-iral ng mga ito. Kahit pa ang nakapaloob sa iba’t ibang kalupaan na ito o ang mga pangheograpiyang kapaligiran na nilikha ng Diyos ay hindi basta na lang mababago. Halimbawa, kung ano ang mga bahagi ng disyerto, kung ano ang nakadepositong mga mineral sa ilalim ng lupa, kung gaano karaming buhangin ang mayroon ito at ang kulay ng buhangin, ang kapal nito—ang mga ito ay hindi basta na lang mababago. Bakit ba hindi sila basta na lang mababago? Ito ay dahil sa pamumuno ng Diyos at sa Kanyang pamamahala. Sa loob ng iba’t ibang tanawing ito at heograpikal na mga kapaligiran na nilikha ng Diyos, pinamamahalaan Niya ang lahat ng bagay sa planado at maayos na paraan. Kaya lahat ng heograpikal na mga kapaligirang ito ay umiiral pa rin nang ilang libong taon, nang sampung libu-libong taon pagkatapos malikha ito ng Diyos. Ginagampanan pa rin ng mga ito ang bawat mga papel nito. Bagama’t may tiyak na mga panahon na pumuputok ang mga bulkan, may mga tiyak na panahon na nangyayari ang paglindol, at mayroong mga malakihang pagpapalit ng lupa, tiyak na hindi hahayaan ng Diyos ang anumang uri ng kalupaan na mawala ang likas na kaukulan nito. Ito ay dahil lamang sa pamamahalang ito ng Diyos, ang Kanyang pamamahala at mahigpit na pagkaunawa sa mga batas na ito, na ang lahat ng ito—lahat ng ito na tinatamasa ng sangkatauhan at nakikita ng sangkatauhan—ay mabubuhay sa lupa sa maayos na paraan. Kaya bakit pinamamahalaan ng Diyos ang lahat ng iba’t ibang kalupaan na ito na umiiral sa lupa sa ganitong paraan? Ang layunin ay upang ang mga nabubuhay na mga bagay na namumuhay sa iba’t ibang pangheograpiyang kapaligiran ay magkakaroon lahat ng matatag na kapaligiran, at upang makapagpatuloy silang mabuhay at makapagparami sa gayong matatag na kapaligiran. Ang lahat ng nilalang na ito—yaong mga nagsisikilos at yaong mga hindi nagsisikilos, yaong mga humihinga sa pamamagitan ng kanilang mga butas ng ilong at yaong hindi—ay nakabubuo ng isang natatanging kapaligiran para sa pamumuhay ng sangkatauhan. Ang ganitong uri ng kapaligiran lamang ang makapag-aalaga ng sali’t salinlahi ng mga tao, at ganitong uri lamang ng kapaligiran ang makakapagtulot sa mga tao na patuloy na payapang mamuhay, mula sa isang salinlahi hanggang sa isa pang salinlahi.

 

Ang Aking tinalakay ay medyo malaking paksa kaya marahil mukhang talagang mahirap para sa inyo, ngunit maaari ninyong maunawaan ito, tama ba? Iyon ay, ang mga batas ng Diyos sa Kanyang kapamahalaan sa lahat ng bagay ay totoong mahalaga—napakahalaga! Ano ang kinakailangan para sa lahat ng nilalang na nabubuhay sa loob ng mga batas na ito? Ito ay dahil sa pamamahala ng Diyos. Nang dahil sa Kanyang pamamahala kaya natutupad ng lahat ng nilalang ang kanilang sariling mga tungkulin sa loob ng Kanyang pamamahala. Halimbawa, pinagangalagaan ng mga bundok ang mga kagubatan, ang mga kagubatan naman bilang ganti ay pinapakain at pinoprotektahan ang iba’t ibang ibon at hayop na naninirahan sa loob ng mga ito. Ang mga kapatagan ay isang entablado na inihanda para sa mga tao upang tamnan ng mga halamang nakakain gayundin para sa iba’t ibang ibon at hayop. Pinahihintulutan ng mga ito ang karamihan sa sangkatauhan na manirahan sa patag na lupa at magkaloob ng kaginhawahan sa buhay ng mga tao. At nabibilang din ang mga damuhan sa mga kapatagan—malalaking sukat ng damuhan. Ang mga damuhan ay ang halamanan ng mundo. Pinapanatili ng mga ito ang lupa at inaalagaan ang mga baka, mga kambing at mga kabayo na naninirahan sa mga damuhan. Tinutupad din ng disyerto ang tungkulin nito. Ito ay hindi lugar para tirhan ng mga tao; ang papel nito ay gawing mas tuyo ang mahalumigmig na mga klima. Ang mga pag-agos ng mga ilog at mga lawa ay angkop para sa tubig na maiinom ng mga tao. Saan man dumaloy ang mga ito, ang mga tao ay may tubig na maiinom, at ang mga pag-agos na ito ay pinapadali ang pagtugon sa mga kinakailangan ng lahat ng nilalang. Ito ang mga hangganan na iginuhit ng Diyos para sa iba’t ibang kalupaan.

 

Dahil sa mga hangganang ito na iginuhit ng Diyos, ang iba’t ibang kalupaan ay nakagawa ng sari-saring kapaligiran para sa pamumuhay, at ang mga kapaligiran na ito para sa pamumuhay ay naging angkop para sa iba’t ibang uri ng ibon at hayop at nakapagdala din ng isang puwang para sa pamumuhay. Mula sa mga hangganang ito ang mga kapaligiran para sa pamumuhay ng iba’t ibang nabubuhay na bagay ay umunlad. Ito ang pangalawang punto na ating susunod na tatalakayin. Una, saan nakatira ang ng mga ibon at mga hayop at mga insekto? Nakatira ba sila sa mga gubat at kakahuyan? Ang mga ito ang tahanan nito. Kaya, maliban sa pagtatatag ng mga hangganan para sa iba’t ibang pangheograpiyang kapaligiran, gumuhit din ang Diyos ng mga hangganan para sa iba’t ibang mga ibon at hayop, isda, insekto, at lahat ng halaman. Nagtatag din Siya ng mga batas. Dahil sa pagkakaiba sa pagitan ng iba’t bang pangheograpiyang kapaligiran at dahil sa pag-iral ng iba’t ibang pangheograpiyang kapaligiran, ang iba’t ibang uri ng mga ibon at hayop, isda, insekto, at halaman ay may iba’t ibang mga kapaligiran para sa pamumuhay. Ang mga ibon at ang mga hayop at ang mga insekto ay namumuhay kasama ng iba’t ibang halaman, ang isda ay naninirahan sa tubig, at ang mga halaman ay tumutubo sa lupa. Kabilang sa lupa ang iba’t ibang lugar kagaya ng mga bundok, mga kapatagan, at mga burol. Kaya, ang mga ibon at ang mga hayop ay may tiyak na mga tahanan at hindi magsisigala kung saan-saan. Ang mga tahanan ng mga ito ay ang mga kagubatan at ang mga bundok. Kung, isang araw, ang mga tahanan nito ay masira, ang kaayusan ay mauuwi sa malaking kaguluhan. Kapag ang kaayusang iyon ay nauwi sa malaking kaguluhan, ano ang kahihinatnan? Sino ang mga unang-unang masasaktan? (Sangkatauhan.) Ang sangkatauhan. Sa loob ng mga batas na ito at mga hangganan na itinatag ng Diyos, nakakita na ba kayo ng anumang kakaibang mga pangyayari? Halimbawa, ang mga elepante ay basta na lang gagala sa palibot ng disyerto. Nakakita na ba kayo ng ganoon? Kung magkagayon, ito ay magiging isang sobrang kakatwang pangyayari. Ito ay dahil sa ang kapaligiran na tinitirhan ng mga elepante ay ang kagubatan, at ang kagubatan ay ang kapaligiran para sa pamumuhay na inihanda sa kanila ng Diyos. Ito ay may sariling kapaligiran para sa pamumuhay at sarili nitong permanenteng tahanan, kaya bakit ito magpupunta kung saan-saan? Nakakita na ba ang sinuman ng mga leon at mga tigre na gumagala sa palibot ng karagatan? Wala, tama ba? Ang tahanan ng mga leon at mga tigre ay ang kagubatan at ang mga kabundukan. Nakakita na ba ang sinuman ng mga balyena at mga pating na mula sa karagatan na nagpapalipas ng oras sa disyerto? Walang nakakita ng ganoon, tama ba? Ang mga balyena at mga pating ay naninirahan sa karagatan. Sa kapaligiran na tinitirahan ng mga tao, may mga tao ba na namumuhay kasama ng mga kayumangging oso? May mga tao ba na palaging pinalilibutan ng mga paboreal at iba pang mga ibon, sa loob at labas ng kanilang mga tahanan? Nakakita na ba ang sinuman ng mga agila o mga ligaw na gansa na nakikipaglaro sa mga unggoy? (Hindi.) Kung gayon, ang mga ito ay magiging mga kakaibang pangyayari. Ang dahilan kung bakit Ko sinasabi ang mga bagay na ito na kakaibang mga pangyayari sa inyong paningin ay para ipaunawa sa inyo na lahat ng nilalang na nilikha ng Diyos—nakapirmi man ang mga ito sa isang lugar o makakahinga sa mga butas ng ilong nito—lahat sila ay may mga batas na susundin para mabuhay. Bago pa man nilikha ng Diyos ang buhay na mga nilalang na ito nakapaghanda na Siya para sa mga ito ng sarili nitong mga tahanan, sarili nitong kapaligiran para sa pamumuhay. Ang buhay na mga nilalang na ito ay may sariling nakapirming mga kapaligiran para mabuhay, sarili nitong pagkain, sarili nitong permanenteng mga tahanan, sarili nitong permanenteng mga lugar na angkop para sa ikabubuhay nito, mga lugar na may mga temperatura na angkop para sa pamumuhay nito. Sa gayong paraan hindi na gagala ang mga ito kung saan-saan o pahinain ang pamumuhay ng sangkatauhan o makaapekto sa kanilang mga buhay. Sa ganito pinamamahalaan ng Diyos ang lahat ng nilalang. Ito ay upang ipagkaloob sa sangkatauhan ang pinakamabuting kapaligiran para sa pamumuhay. Ang buhay na mga nilalang sa loob ng bawat isa ay lahat mayroong pagkaing panustos-buhay sa loob ng sarili nitong mga kapaligiran para sa pamumuhay. Sa pamamagitan ng pagkaing iyon, ang mga ito ay nakapirmi sa loob ng katutubong kapaligiran nito para sa pamumuhay. Sa gayong uri ng kapaligiran, ang mga ito ay nabubuhay pa rin, nagpaparami, at nagpapatuloy alinsunod sa mga batas na itinatag ng Diyos para sa mga ito. Nang dahil sa ganitong uri ng mga batas, dahil sa pagtatalaga ng Diyos, ang lahat ng nilalang ay nakikipag-ugnayan na may pagkakasundo sa sangkatauhan, at ang sangkatauhan at ang lahat ng nilalang ay nagtutulungan.

 

Nilikha ng Diyos ang lahat ng nilalang at nagtatag ng mga hangganan para sa mga ito; sa gitna ng mga ito ay inalagaan Niya ang lahat ng buhay na bagay. Samantala, Siya ay naghanda din ng iba’t ibang pamamaraan para mabuhay para sa mga tao, kaya makikita mo na hindi lang isa ang paraan ng mga tao para mabuhay. Hindi lamang isang uri ng kapaligiran ang mayroon sila para sa mabuhay. Napag-usapan natin noong una ang tungkol sa paghahanda ng Diyos ng iba’t ibang uri ng pinagkukunan ng pagkain at tubig para sa mga tao, na isang bagay na napakahalaga para tulutan ang buhay sa laman ng sangkatauhan na makapagpatuloy. Gayunman, sa gitna ng sangkatauhang ito, hindi lahat ng tao ay nabubuhay sa mga butil. Ang mga tao ay may iba’t ibang pamamaraan para mabuhay dala ng mga pagkakaiba sa mga pangheograpiyang kapaligiran at mga kalupaan. Ang mga pamamaraang ito para mabuhay ay inihandang lahat ng Diyos. Kaya hindi lahat ng tao ay pangunahing nakatuon sa pagsasaka. Iyon ay, hindi lahat ng mga tao ay nakukuha ang kanilang pagkain sa pamamagitan ng pagtatanim ng mga halamangg nakakain. Ito ang ikatlong punto na ating pag-uusapan: Ang mga hangganan ay lumago mula sa iba’t ibang paraan ng pamumuhay ng sangkatauhan. Kaya ano ang iba pang mga uri ng paraan ng pamumuhay mayroon ang mga tao? Ano ang iba pang magkakaibang uri ng mga pinagkukunan ng pagkain mayroon ang mga tao? May ilang pangunahing uri:

 

Ang una ay ang paraan ng pamumuhay sa pamamagitan ng pangangaso. Nalalaman ito ng lahat, tama? Lahat kayo ay mga makabagong tao—hindi ninyo alam kung paano mangaso, paano magbitbit ng baril. Ang mga pinagkukunan ninyo ng pagkain ay galing sa lupa. Ano ang kinakain ng mga taong nabubuhay sa pangangaso? (Hinuhuling hayop.) Kinakain nila ang mga ibon at mga hayop mula sa kagubatan. Ang “Hinuhuling Hayop” ay isang makabagong salita. Hindi ito itinuturing na hinuhuling hayop ng mga mangangaso; itinuturing nila itong pagkain, bilang kanilang pang-araw-araw na panustos. Halimbawa, nakahuli sila ng usa. Nang mahuli nila ang usang ito para lamang itong isang magsasaka na kumukuha ng mga pananim mula sa lupa. Ang isang magsasaka ay kumukuha ng mga pananim mula sa lupa, at kapag nakikita niya ang kanyang mga pananim siya ay masaya at panatag ang loob. Ang pamilya ay hindi magugutom dahil may mga pananim na makakain. Ang kanyang puso ay panatag at siya ay nakararamdam ng kasiyahan. At ang isang mangangaso ay nakararamdam din ng kapayapaan at nasisiyahan kapag tumitingin siya sa kanyang nahuli sapagkat hindi na niya kailangan pang mangamba tungkol sa pagkain. Mayroon makakain para sa susunod na kainan, hindi na kailangang magutom. Ito ay yaong nangangaso para mabuhay. Ang karamihan sa mga nangangaso para mabuhay naninirahan sa mga kagubatan sa bundok. Hindi sila nagsasaka. Hindi madaling makahanap ng masasakang lupa doon, kaya sila ay nabubuhay sa pamamagitan ng iba’t ibang buhay na mga bagay, ng iba’t ibang uri ng masisila. Ito ang unang uri ng pamumuhay na naiiba sa mga karaniwang tao.

 

Ang ikalawang uri ay isang pamumuhay sa pamamagitan ng pagpapastol ng hayop. Ang mga tagapastol ba para mabuhay ay nagsasaka? (Hindi.) Kaya ano ang kanilang ginagawa? Kung ang sinuman dito ay katutubong Mongolian, maaari kayong magsalita nang kaunti tungkol sa inyong uri ng pamumuhay bilang nomad. (Kadalasan, nagpapastol kami ng baka at tupa para mabuhay, walang pagsasaka, at sa taglamig kinakatay namin at kinakain ang aming mga baka at tupa. Ang aming pangunahing pagkain ay gawa sa karne ng baka at karne ng tupa, at umiinom kami ng gatas na tsaa. Bagamat ang mga tagapastol ay abala sa lahat ng apat na panahon, kumakain sila nang mabuti. Hindi sila nawawalan ng gatas, mga produkto mula sa gatas, o karne.) Ang mga taga-Mongolia ay pangunahing kinakain ang karne ng baka at karne ng tupa, umiinom ng gatas ng tupa at gatas ng baka, at sumasakay sa mga toro at mga kabayo upang pastulan ang kanilang mga hayop sa bukid kung saan nagpapahangin, nagbibilad sa araw. Wala silang problema ng mga makabagong pamumuhay. Buong araw nakikita lamang nila ang kalawakan ng bughaw na kalangitan at madamong mga kapatagan. Ang karamihan sa mga taong nagpapastol ng mga kawan para mabuhay ay lahat tumitira sa mga damuhan at nakapagpapatuloy sila sa kanilang paraan ng pamumuhay bilang mga nomad mula sa isang salinlahi hanggang sa isa pang salinlahi. Bagamat ang buhay sa mga damuhan ay bahagyang malungkot, ito ay napakasaya ding buhay. Ito ay hindi masamang uri ng pamumuhay!

 

Ang ikatlong uri ay ang pamumuhay sa pamamagitan ng pangingisda. Mayroong lamang maliit na bahagi ng mga tao ang naninirahan malapit sa karagatan o sa maliliit na mga isla. Sila ay pinaliligiran ng tubig, nakaharap sa karagatan. Ang ganitong uri ng mga tao ay nangingisda para mabuhay. Ano ang pinanggagalingan ng pagkain ng mga nangingisda para mabuhay? Ito ay ang lahat ng uri ng isda, pagkaing-dagat at produkto ng dagat, tama? Nang ang Hong Kong ay isa pa lamang maliit na nayon ng pangingisda, ang mga tao doon ay mangingisda para mabuhay. Hindi sila nagsasaka—sila ay nangingisda araw-araw. Ang kanilang pangunahing pagkain ay iba’t ibang uri ng isda, at pagkaing-dagat. Ipinagpapalit din nila paminsan-minsan ang mga bagay na ito para sa bigas, harina, at pang-araw-araw na pangangailangan. Ito ay naiibang pamumuhay ng mga tao na naninirahan malapit sa tubig. Yaong mga nakatira malapit sa tubig ay umaasa dito para sa kanilang pagkain at ang pangingisda ang kanilang kabuhayan gayundin ang pinagkukunan nila ng pagkain.

 

Maliban doon sa mga nagsasaka para mabuhay, may tatlong iba’t ibang pangunahing uri ng pamumuhay ang nabanggit sa itaas. Maliban doon sa mga nabubuhay lamang sa pagpapastol, pangingisda, at pangangaso, ang karamihan sa mga tao ay nagsasaka para mabuhay. At ano ang kailangan ng mga taong nagsasaka para mabuhay? Kailangan nila ng lupa. Sila ay nabubuhay sa pagtatanim ng mga halamang kinakain sa mga henerasyon.Maging nagtatanim sila ng mga gulay, mga prutas o mga butil, kinukuha nila ang kanilang pagkain at kanilang pang-araw-araw na pangangailangan mula sa lupa.

 

Ano ang mga pangunahing kondisyon para sa iba’t ibang paraan ng pamumuhay ng tao na ito? Hindi ba sila nangangailangan ng pangunahing pagpapanatili ng kanilang mga kapaligiran para mabuhay? Iyon ay upang sabihin, kung maiwawala ng mga mangangaso ang mga kagubatan sa bundok o ang mga ibon at ang mga hayop, hindi na sila magkakaroon ng kabuhayan. Kaya kung mawawala ng mga tao na nabubuhay dahil sa pangangaso ang mga kagubatan sa bundok at wala na ang mga ibon at ang mga hayop, kung sila ay mawawalan na ng pinagkukunan ng kanilang ikabubuhay, sa gayon ang direksyon kung saan tutungo ang gayong uri ng pagiging katutubo at kung saan patutungo ang gayong uri ng mga tao ay isang di-batid na kalagayan at maaari pa silang maglaho na lamang. At saan umaasa yaong mga nagpapastol para sa kanilang ikabubuhay? Ang tunay na sinasandigan nila ay hindi ang kanilang mga alagang hayop, kundi ang kapaligiran kung saan nabubuhay ang kanilang mga alagang hayop—ang mga damuhan. Kung wala ang mga damuhan, saan nila ipapastol ang kanilang mga alagang hayop? Ano ang kakainin ng mga baka at tupa? Kung wala ang mga hayop, ang mga lagalag na tao ay hindi magkakaroon ng kabuhayan. Kung walang pinagkukunan para sa kanilang kabuhayan, saan patutungo ang mga ganitong tao? Ang patuloy na mabuhay ay magiging napakahirap; wala silang magiging kinabukasan. Kung walang mga pinagmumulan ng tubig, ang mga ilog at mga lawa ay mangatutuyo. Iiral pa kaya ang lahat ng isda na umaasa sa tubig para sa kanilang mga buhay? Ang mga isdang yaon ay hindi na iiral. Ang mga tao ba na umaasa sa tubig at isda para sa kanilang ikabubuhay ay patuloy pang mabubuhay? Kung wala silang pagkain, kung wala silang pinagkukunan ng kanilang mga ikabubuhay, ang mga taong yaon ay hindi na makapagpapatuloy na mabuhay. Iyon ay, sa sandaling magkaroon ng suliranin sa kanilang mga kabuhayan o kakayahan para mabuhay, ang mga lahing yaon ay hindi na makapagpapatuloy pa, at maaari silang maglaho, mabura sa mundo. At kung mawala ng mga nagsasaka para sa kanilang ikabubuhay ang kanilang lupa, kung hindi na sila makapagtatanim ng mga bagay at hindi nila makukuha ang kanilang pagkain mula sa iba’t ibang halaman, ano ang magiging kalalabasan? Kung walang pagkain, hindi ba mamamatay sa gutom ang mga tao? Kapag ang mga tao ay namatay sa gutom, hindi ba mabubura ang gayong uri ng tao? Kaya ito ang layunin ng Diyos sa pagpapanatili ng iba’t ibang kapaligiran. May isang layunin lamang ang Diyos sa pagpapanatili ng iba’t ibang kapaligiran at ekosistema, pagpapanatili ng iba’t ibang nabubuhay na nilalang sa loob ng bawat kapaligiran—ito ay upang pangalagaan ang lahat ng uri ng mga tao, upang pangalagaan ang mga tao na may mga buhay sa iba’t ibang kapaligirang pangheograpiya.

 

Kapag naiwala ng lahat ng nilalang ang sarili nitong mga batas, hindi na iiral pa ang mga ito; kapag ang mga batas ng lahat ng nilalang ay nawala, kung gayon ang mga nabubuhay na nilalang sa gitna ng lahat ng nilalang ay hindi na makapagpapatuloy pa. Mawawala din ng mga tao ang kanilang mga kapaligiran para mabuhay na kanilang inaasahan para mabuhay. Kapag naiwala ng mga tao ang lahat ng iyon, hindi na sila makapagpapatuloy na mabuhay at magparami sa bawat henerasyon. Ang dahilan kung bakit hanggang ngayon ay nabubuhay ang mga tao ay sapagkat tinutustusan ng Diyos ang sangkatauhan ng lahat ng nilalang upang pangalagaan sila, upang pangalagaan ang sangkatauhan sa iba’t ibang kaparaanan. Ito ay dahil lamang sa pinangangalagaan ng Diyos ang sangkatauhan sa iba’t ibang paraan kaya sila ay nabubuhay hanggang sa ngayon, kaya sila nabuhay hanggang sa kasalukuyang araw. Sa gayong uri ng isinaayos na kapaligiran para mabuhay na angkop at may kaayusan, lahat ng uri ng tao sa lupa, lahat ng uri ng lahi ay mabubuhay sa loob ng kanilang sariling iminungkahing mga saklaw. Walang sinuman ang maaaring lumampas sa mga saklaw na ito o mga hangganang ito sapagkat ang Diyos ang nagsalarawan sa mga ito. Bakit ilalarawan sila ng Diyos sa ganitong paraan? Ito ay tunay na mahalaga para sa buong sangkatauhan—mahalagang tunay! Inilarawan ng Diyos ang saklaw para sa bawat uri ng nabubuhay na nilalang at isinaayos ang paraan para mabuhay para sa bawat uri ng nilalang na tao. Hinati din Niya ang iba’t ibang uri ng tao at iba’t ibang lahi sa lupa at isinaayos ang kanilang mga saklaw. Ito ang gusto nating talakayin sa susunod.

 

Ikaapat, ang Diyos ay gumuhit ng mga hangganan sa pagitan ng iba’t ibang lahi. Sa mundo ay mayroong taong puti, taong itim, taong kayumanggi, at taong dilaw. Ang mga ito ay iba’t ibang uri ng mga tao. Isinaayos din ng Diyos ang saklaw para sa buhay ng iba’t ibang uri ng taong ito, at dahil wala silang alam dito, ang mga tao ay nabubuhay sa loob ng kanilang angkop na kapaligiran para mabuhay sa ilalim ng pamamahala ng Diyos. Walang sinuman ang maaaring humakbang palabas dito. Halimbawa, ang mga taong puti, anong mga lugar ang karaniwan nilang tinitirhan? Sila ay karaniwang nakatira sa Europa at Amerika. Ang mga itim na tao ay pangunahing nakatira sa loob ng Aprika. At sa loob ng anong mga lugar nakatira ang mga taong kayumanggi? Pangunahin silang nakatira sa Timog Silangang Asya at Timog Asya, gaya ng Thailand, India, Myanmar, Vietnam, at Laos. Ang mga taong dilaw ay pangunahing makatira sa Asya, iyon ay, Tsina, Japan, Timog Korea, at iba pang katulad na mga bansa. Ipinamahagi ng Diyos nang wasto ang lahat ng iba’t ibang uri ng lahi upang ang iba’t ibang lahi na ito ay maipamahagi sa iba’t ibang panig ng mundo. Sa iba’t ibang mga panig na ito ng mundo, matagal nang inihanda ng Diyos ang isang kapaligiran para mabuhay na angkop sa bawat magkakaibang lahi ng tao. Sa loob ng ganitong mga uri ng kapaligiran para mabuhay, inihanda ng Diyos para sa kanila ang kulay at mga sangkap ng lupa. Sa ibang salita, ang mga sangkap sa mga katawan ng mga taong puti at sa mga katawan ng mga taong itim ay hindi magkatulad, at iba rin sa sangkap ng mga katawan ng mga tao na may ibang mga lahi. Nang nilikha ng Diyos ang lahat ng nilalang, nakapaghanda na Siya ng gayong kapaligiran para mabuhay para sa gayong lahi. Ang Kanyang layunin doon ay upang kapag ang gayong uri ng mga tao ay nagsimulang magparami, kapag nagsimula na silang dumami sa bilang, maaari na silang manatili sa saklaw na iyon. Bago nilikha ng Diyos ang mga tao naisip na Niya ang lahat ng ito—magbibigay Siya sa Europa at Amerika ng mga taong puti upang tulutan silang umunlad at para mabuhay. Kaya nang nililikha ng Diyos ang mundo mayroon na Siyang plano, mayroon Siyang balak at layunin sa kung ano ang ilalagay Niya sa naturang piraso ng lupa, at ano ang aalagaan Niya sa piraso ng lupa na iyon. Halimbawa, matagal nang panahon na inihanda ng Diyos kung anong mga bundok, ilang kapatagan, ilang pinagmumulan ng tubig, anong mga uri ng mga ibon at mga hayop, anong isda, at anong mga halaman ang mapupunta sa lupang iyon. Kapag naghahanda ng kapaligiran para mabuhay para sa isang uri ng tao, para sa isang lahi, isinasaalang-alang ng Diyos ang maraming aspeto ng mga isyu: ang pangheograpiyang kapaligiran, ang mga sangkap ng lupa, ang mga uri ng mga ibon at mga hayop, ang laki ng iba’t ibang uri ng isda, ang mga sangkap sa isda, ang iba’t-ibang kalidad ng tubig, gayundin ang iba’t-ibang uri ng mga halaman…. Matagal na panahon nang inihanda ng Diyos ang lahat ng iyon. Ang uri ng kapaligiran na iyon ay isang katutubong kapaligiran para mabuhay na nilikha ng Diyos at inihanda para sa mga taong puti. Nakita ba ninyo nang nilikha ng Diyos ang lahat ng nilalang, pinag-isipan Niya ito nang mabuti at ginawa ang mga bagay na may plano? (Oo, ang mga pagsasaalang-alang ng Diyos sa iba’t ibang uri ng mga tao ay totoong pinag-isipan. Para sa kapaligiran para mabuhay para sa iba’t ibang uri ng mga tao, inihanda Niya ang mga uri ng mga ibon at mga hayop at ang mga uri ng isda, ilang kabundukan at ilang kapatagan ang mapupunta doon. Ang lahat ng ito ay isinaalang-alang nang buong ingat at ng buong katiyakan.) Halimbawa, anong pagkain ang pangunahing kinakain ng mga taong puti? Ang mga pagkain na kinakain ng mga taong puti ay ibang-iba kaysa doon sa mga pagkain na kinakain ng mga taong Asyano. Ang karaniwang kinakain ng mga taong puti pangunahin na ay ang karne, mga itlog, gatas, at mga manok. Ang mga butil kagaya ng tinapay at kanin ay kalimitang hindi pangunahing mga pagkain na inilalagay sa gilid ng plato. Kahit kapag kumakain ng salad na gulay, naglalagay sila ng kaunting inihaw na karne ng baka o manok dito. Kahit kapag kumakain sila ng mga pagkaing gawa sa trigo, nagdadagdag sila ng keso, mga itlog, o karne dito. Iyon ay, ang kanilang pangunahing pagkain ay hindi lamang binubuo ng mga pagkaing gawa sa trigo o bigas; kumakain sila ng napakaraming karne at keso. Madalas silang uminom ng nagyeyelong tubig sapagkat kumakain sila ng mga pagkain na totoong mataas sa kalori. Kaya ang mga taong puti ay totoong matipuno. Ito ang mga pinagkukunan para sa kanilang mga buhay, ang kanilang mga kapaligiran para mabuhay ay inihanda para sa kanila ng Diyos, na nagtutulot sa kanila upang magkaroon ng gayong uri ng paraan ng pamumuhay. Ang gayong paraan ng pamumuhay ay kaiba sa mga paraan ng pamumuhay ng mga tao na iba ang mga lahi. Walang tama o mali sa ganitong paraan ng pamumuhay—ito ay likas, itinalaga ng Diyos at dahil sa pamamahala ng Diyos at Kanyang mga pagsasaayos. Ang uri ng lahing ito ay may tiyak na paraan ng pamumuhay at tiyak na pinagkukunan para sa kanilang ikabubuhay nang dahil sa kanilang lahi, dahil din sa kapaligiran para mabuhay na inihanda para sa kanila ng Diyos. Maaari ninyong sabihin na ang kapaligiran para mabuhay na inihanda ng Diyos para sa mga taong puti at ang pang-araw-araw na pagkain na nakukuha nila mula sa kapaligiran na iyon ay mayaman at sagana.

 

Inihanda din ng Diyos ang kinakailangang mga kapaligiran para mabuhay sa iba pang mga lahi. Mayroon ding mga taong itim—saan matatagpuan ang mga taong itim? Sila ay pangunahing matatagpuan sa gitna at timog ng Aprika. Ano ang inihanda ng Diyos para sa kanila sa gayong uri ng kapaligiran para mabuhay? Ang mga tropikal na kagubatan, lahat ng uri ng ibon at hayop, gayundin ng mga disyerto, at lahat ng uri ng halaman na umaayon sa kanila. Mayroon silang mga pinagkukunan ng tubig, ang kanilang mga kabuhayan, at pagkain. Ang Diyos ay hindi kumikiling laban sa kanila. Anuman ang kanilang nagawa kailanman, ang kanilang paraan para mabuhay ay hindi naging isyu kailanman. Sakop din nila ang isang tiyak na lugar at isang tiyak na sukat sa isang panig ng mundo.

 

Ngayon pag-usapan natin ng kaunti ang tungkol sa mga taong dilaw. Ang mga taong dilaw ay pangunahing matatagpuan sa Silangan. Ano ang mga pagkakaiba sa pagitan ng mga kapaligiran at pangheograpiyang kalagayan ng Silangan at ng Kanluran? Sa Silangan, ang karamihan ng lupa ay mataba, at ito ay mayaman sa mga mina ng materyales at mineral. Iyon ay, ang lahat ng uri ng yaman sa ibabaw ng lupa at sa ilalim ng lupa ay sagana. At para sa grupo ng mga taong ito, para sa lahing ito, inihanda rin ng Diyos ang kaukulang lupa, klima, at ang iba’t ibang pangheograpiyang kapaligiran na angkop para sa kanila. Bagamat may malaking mga pagkakaiba sa pagitan ng gayong kapaligiran na pangheograpiya at ang kapaligiran sa Kanluran, ang kinakailangang pagkain ng mga tao, ang mga kabuhayan, at ang mga pinagkukunan para mabuhay ay inihanda ng Diyos. Ito ay naiibang kapaligirang matitirhan lang kaysa sa kung anong mayroon ang mga puti sa Kanluran. Ngunit anong isang bagay ang kailangan Kong tawagin ang inyong pansin, na kailangan Kong sabihin sa inyo? Ang bilang ng lahing Silangan ay masyadong mataas, kaya nagdagdag ang Diyos ng maraming elemento sa kapirasong lupa na iyon na kaiba sa Kanluran. Sa bahaging iyon ng mundo, nagdagdag Siya ng maraming iba’t ibang anyo ng lupa at lahat ng uri ng saganang mga materyales. Ang likas na yaman doon ay masyadong masagana; ang mga kalupaan ay naiiba rin at magkakaiba, sapat para sa pag-aalaga ng napakakapal na bilang ng lahing Silangan. Ang isang bagay na kaiba sa Kanluran ay na ang nasa Silangan—mula sa timog hanggang sa hilaga, mula sa silangan hanggang sa kanluran—ang klima ay mas mainam kaysa sa Kanluran. Ang apat na panahon ay malinaw na inilarawan, ang mga temperatura ay tumatangkilik, ang mga likas na yaman ay masagana, at ang likas na tanawin at ang mga uri ng kalupaan ay higit na mainam kaysa sa Kanluran. Bakit ginawa ito ng Diyos? Ang Diyos ay lumikha ng totoong makatwirang balanse sa pagitan ng mga taong puti at mga taong dilaw. Ano ang ibig sabihin nito? Nangangahulugan ito na ang bawat aspeto ng kanilang pagkain, ang mga bagay na kanilang ginagamit, ang tinatamasa ng mga taong puti ay higit na mas mainam kaysa sa tinatamasa ng taong dilaw. Gayunman, ang Diyos ay hindi kumikiling laban sa kaninumang lahi. Ibinigay ng Diyos sa mga taong dilaw ang isang mas maganda at mas mainam na kapaligiran para mabuhay. Ito ang balanse. Kaya ngayon naiintindihan na ninyo, tama?

 

Itinalaga na ng Diyos kung anong uri ng mga tao ang titira sa kung aling bahagi ng mundo at hindi maaaring lumabas ang mga tao sa saklaw na ito. Ito ay kahanga-hangang bagay! Kahit na may mga digmaan o mga paglusob sa iba’t ibang kapanahunan sa partikular na mga panahon, ang mga digmaang ito, ang gayong mga paglusob ay sukdulang hindi kayang wasakin ang mga kapaligiran para mabuhay na itinalaga ng Diyos para sa bawat lahi. Iyon ay, ipinirmi ng Diyos ang isang tiyak na uri ng mga tao sa isang tiyak na bahagi ng mundo at hindi sila makalalabas sa saklaw na iyon. Kahit na ang mga tao ay may ilang uri ng ambisyon na baguhin o palawakin ang kanilang teritoryo, kung walang pahintulot ng Diyos, napakahirap itong makamtam. Napakahirap itong magtagumpay. Halimbawa, gusto ng mga taong puti na palawigin ang kanilang teritoryo at sinakop nila ang ilan pang ibang mga bansa. Sinalakay ng mga Aleman ang ilang bansa, sinakop ng Inglatera ang India. Ano ang kinalabasan? Sa katapusan sila ay nabigo. Ano ang ating nakikita mula sa kabiguan na ito? Kung ano ang itinalaga ng Diyos ay hindi pinahihintulutang masira. Kaya, gaano man katindi ng bilis ang maaaring makita mo sa paglawak ng Inglatera, sa pagtatapos ang kinalabasan ay kinailangan pa rin nilang umatras at ang lupang iyon ay pagmamay-ari pa rin ng India. Yaong mga nakatira sa lupang iyon ay mga Indyano pa rin, hindi ang Briton. Ito ay dahil isa itong bagay na hindi ipinahihintulot ng Diyos. Ang ilan sa mga nagsasaliksik ng kasaysayan o pulitika ay naglaan ng mga sanaysay ukol rito. Nagbigay sila ng mga kadahilanan kung bakit nabigo ang Inglatera, sinasabi na marahil ang isang tiyak na lahi ay hindi maaaring malupig, o maaaring dahil sa ilang pantaong kadahilanan…. Ang mga ito ay hindi ang tunay na mga kadahilanan. Ang tunay na dahilan ay ang Diyos—hindi Niya ito ipinahihintulot Ang Diyos ay mayroong isang lahing naninirahan sa isang siguradong lugar at pinatitira sila doon, at kapag hindi sila pinahintulutan ng Diyos na lumipat hindi sila kailanman makalilipat. Kapag ang Diyos ay nagtatakda ng saklaw para sa kanila, sila ay maninirahan sa loob ng saklaw na iyon. Ang sangkatauhan ay hindi makahuhulagpos o makatatakas sa mga saklaw na ito. Ito ay sigurado. Gaano man kalakas ang mga puwersa na lumulusob o gaano man kahina yaong nilulusob, ang kanilang tagumpay sa katapusan ay nasa Diyos. Itinalaga na Niya ito at walang sinumang makakapagbago rito.

________________________________________________________________________________

 

Inirekomendang pagbabasa : Buhay na walang hanggan

 

________________________________________________________________________________

 

 Ang nasa itaas ang kung paano ipinamahagi ng Diyos ang iba’t ibang lahi. Anong gawain ang ginawa ng Diyos upang ipamahagi ang mga lahi? Una, Siya ay naghanda ng mas malaking kapaligirang pangheograpiya, naglalaan ng iba’t ibang lokasyon para sa mga tao, at sa gayon maraming salinlahi ang nabubuhay doon. Maayos na ito—maayos na ang saklaw para mabuhay sila. At ang kanilang mga buhay, kung ano ang kakainin, kung ano ang iinumin, kanilang mga kabuhayan—matagal nang isinaayos ng Diyos ang lahat ng iyon. At nang nilikha ng Diyos ang lahat ng nilalang, gumawa Siya ng iba’t ibang paghahanda para sa iba’t ibang uri ng mga tao: May iba’t ibang kayarian ng lupa, iba’t ibang klima, iba’t ibang halaman, at iba’t ibang pangheograpiyang kapaligiran. Ang iba’t ibang lugar ay mayroon pang iba’t ibang ibon at hayop, ang iba’t ibang tubig ay may sari-saring uri ng isda at mga pantubig na mga produkto, at maging ang mga uri ng mga insekto ay Diyos ang nagpasiya. Halimbawa, ang mga maya sa US ay iba kaysa sa mga maya sa lupain ng Tsina. Ang mga bagay na tumutubo sa kontinente ng Amerika ay masyadong malaki lahat, masyadong mataas at masyadong matibay. Ang mga ugat ng mga puno sa kagubatan ay masyadong mababaw, ngunit tumutubo ang mga ito nang masyadong mataas. Maaari pa silang tumaas nang higit sa isang daang metro, subali’t ang karamihan ng mga puno sa mga kagubatan sa Asya ay hindi ganoon kataas. Nakatitiyak Ako na narinig na ninyong lahat ang ukol sa mga halamang sabila. Sa Japan ang mga ito ay masyadong makitid, masyadong manipis, ngunit ang mga halamang sabila sa US ay talagang malalaki. Ito ay naiiba. Ito ay magkaparehong halaman na may magkaparehong pangalan, ngunit sa kontinente ng Amerika ito ay lalong malaki—mayroon talagang pagkakaiba. Ang mga pagkakaiba sa iba’t ibang aspetong ito ay maaaring hindi makita o mahalata ng mga tao, ngunit nang nililikha ng Diyos ang lahat ng nilalang, Kanyang inilarawan ang mga ito at naghanda ng iba’t ibang pangheograpiyang kapaligiran, iba’t ibang kalupaan, at iba’t ibang nabubuhay na bagay para sa iba’t ibang lahi. Iyan ay sapagkat nilikha ng Diyos ang iba’t ibang uri ng tao at nalalaman Niya ang mga pangangailangan ng bawat isa sa kanila at kung ano ang kanilang mga uri ng pamumuhay.

 

Pagkatapos pag-usapan ang ilan sa mga bagay na ito, ngayon mayroon na ba kayong kamalayan ukol sa pangunahing paksa na katatalakay pa lang natin? Mayroon na ba kayong pagkaunawa ukol rito? Mayroong dahilan sa pagsasabi Ko tungkol sa mga bagay na ito sa loob ng mas malawak na paksa—ngayon dapat ay mayroon na kayong pangkalahatang ideya ukol dito, tama ba? Maaari mong sabihin sa Akin kung gaano ninyo naintindihan. (Ang buong sangkatauhan ay inalagaan ng mga batas na ipinasiya ng Diyos para sa lahat ng bagay. Nang ipinapasiya ng Diyos ang mga batas na ito, inilaan Niya sa iba’t ibang lahi na may iba’t ibang kapaligiran, iba’t ibang uri ng pamumuhay, iba’t ibang pagkain, at iba’t ibang klima at temperatura. Ito ay upang ang buong sangkatauhan ay makakapanahan sa lupa at mabuhay. Mula rito ay makikita ko na ang mga plano ng Diyos para mabuhay sila ay napakatiyak at makikita ko ang Kanyang karunungan at pagka-perpekto at ang Kanyang pag-ibig para sa ating mga tao.) Ang mga batas at mga saklaw na ipinasiya ng Diyos ay hindi maaaring baguhin ng sinumang tao, pangyayari, o bagay. Lahat ito ay nasa ilalim ng Kanyang pamamahala.) Sa pagtingin mula sa pananaw ng mga batas na ipinasiya ng Diyos para sa paglago ng lahat ng bagay, hindi ba ang buong sangkatauhan, anuman ang maging uri, nabubuhay sa ilalim ng pagtutustos ng Diyos—hindi ba sila nabubuhay lahat sa ilalim ng Kanyang pangangalaga? Kung ang mga batas na ito ay nasira o kung hindi itinatag ng Diyos ang ganitong mga uri ng mga batas para sa sangkatauhan, ano ang kanilang maaasahan? Pagkatapos mawala ng mga tao ang kanilang mga pangunahing kapaligiran para mabuhay, magkakaroon ba sila ng anumang pagkukunan ng pagkain? Posible na ang mga pinagkukunan ng pagkain ay magiging isang suliranin. Kung mawala ng mga tao ang mga pinagkukunan ng kanilang pagkain, iyon ay, kung hindi sila makakukuha ng anumang makakain, ilang araw kaya sila makakatagal? Posibleng hindi sila makatatagal kahit isang buwan lang, at ang kakayahan nilang mabuhay ay magiging problema. Kaya ang bawat isang bagay na ginagawa ng Diyos para mabuhay ang mga tao, para sa pagpapatuloy ng kanilang pag-iral. pagpaparami at ang ikinabubuhay ay napakahalaga. Ang bawat isang bagay na ginagawa ng Diyos sa lahat ng bagay nakaugnay nang malapit at hindi maihihiwalay sa kakayahan ng mga tao upang mabuhay. Ito ay hindi maihihiwalay sa kanilang kakayahang mabuhay. Kung ang kakayahang mabuhay ng mga tao ay maging suliranin, makakapagpatuloy pa ba ang pamamahala ng Diyos? Iiral pa ba ang pamamahala ng Diyos? Ang pamamahala ng Diyos ay kasamang umiiral ng kakayahang mabuhay ng buong sangkatauhan na Kanyang inaalagaan, kaya maging anuman ang inihahanda ng Diyos para sa lahat ng bagay at ginagawa para sa mga tao, lahat ng ito ay kinakailangan para sa Kanya, at ito ay napakahalaga sa kakayahan ng sangkatauhan na mabuhay. Kapag ang mga batas na ito na ipinasiya ng Diyos para sa lahat ng bagay ay nilayuan, kapag ang mga batas na ito ay sinira o ginambala, ang lahat ng bagay ay hindi na iiral pa, ang kapaligiran ng sangkatauhan para mabuhay ay hindi na makapagpapatuloy na iiral, at maging ang kanilang pang-araw-araw na kabuhayan, at maging sila rin. Sa kadahilanang ito, ang pamamahala ng Diyos sa kaligtasan ng sangkatauhan ay hindi na rin iiral pa.

 

Ang lahat ng ating tinalakay, ang bawat isang bagay, ang bawat piraso ay matalik na nakaugnay sa kakayahang mabuhay ng bawat isang tao. Maaari ninyong sabihing, “Ang Iyong sinasabi ay masyadong malaki, hindi namin ito makikita,” at marahil ay may mga tao na makapagsasabi “Ang Iyong sinasabi ay walang kinalaman sa akin.” Gayunman, huwag kalilimutan na ikaw ay nabubuhay bilang bahagi lamang ng lahat ng bagay; ikaw ay kabilang sa lahat ng bagay sa loob ng pamamahala ng Diyos. Ang lahat ng bagay ay hindi maaaring mahiwalay sa pamamahala ng Diyos, at wala ni isang katao ang maaaring maghiwalay ng kanilang mga sarili mula sa Kanyang pamamahala. Ang pagkawala ng Kanyang pamamahala at pagkawala ng Kanyang mga pagtutustos ay mangangahulugan na ang buhay ng mga tao, buhay ng mga tao sa laman ay maglalaho. Ito ang kahalagahan ng pagtatatag ng Diyos ng mga kapaligiran para sa kakayahang mabuhay para sa sangkatauhan. Hindi alintana kung anong lahi ka o kung anong piraso ng lupa ka nakatira, maging ito ay sa Kanluran o sa Silangan—hindi mo maihihiwalay ang iyong sarili mula sa kapaligiran para mabuhay na itinatag ng Diyos para sa sangkatauhan, at hindi mo maihihiwalay ang iyong sarili mula sa pangangalaga at mga pagtutustos ng kapaligiran para mabuhay na Kanyang itinatag para sa mga tao. Maging anuman ang iyong kabuhayan, anuman ang iyong inaasahan para mabuhay, at anuman ang iyong inaasahan upang tustusan ang iyong buhay sa laman, hindi mo maaaring ihiwalay ang iyong sarili mula sa pamumuno ng Diyos at ng Kanyang pamamahala. Sinasabi ng ilan: “Hindi ako magsasaka, hindi ako nagtatanim ng mga halaman para mabuhay. Hindi ako umaasa sa kalangitan para sa aking pagkain, kaya hindi ako nabubuhay sa kapaligiran para mabuhay na itinatag ng Diyos. Ang gayong uri ng kapaligiran ay hindi nakapagbigay sa akin ng anuman.” Tama ba ito? Sinasabi mo na hindi ka nagtatanim ng mga halaman para sa iyong ikinabubuhay, ngunit hindi ka ba kumakain ng mga butil? Hindi ka ba kumakain ng karne at mga itlog? Hindi ka ba kumakain ng mga gulay at prutas? Ang lahat ng iyong kinakain, lahat ng bagay na iyong kailangan, ay hindi maihihiwalay mula sa kapaligiran para mabuhay na itinatag ng Diyos para sa sangkatauhan. At ang pinaggagalingan ng lahat ng kinakailangan ng sangkatuhan ay hindi naaaring mahiwalay mula sa lahat ng bagay na nilikha ng Diyos, ito ang mga uri ng mga kapaligiran para mabuhay. Ang tubig na iyong iniinom, ang pananamit na iyong isinusuot, at ang lahat ng bagay na iyong ginagamit—alin sa mga ito ang hindi nakukuha mula sa lahat ng bagay? Sinasabi ng ilang tao: “May ilang bagay na hindi nakukuha sa lahat ng bagay. Tingnan Mo, ang plastik ay hindi nakukuha mula sa lahat ng bagay. Ito ay isang bagay na kemikal, isang bagay na gawa ng tao.” Tama ba ito? Ang plastik ay gawa ng tao, ito ay isang bagay na kemikal, ngunit saan nanggaling ang likas na sangkap ng plastik? Ang likas na mga sangkap ay nakuha sa mga materyales na nilikha ng Diyos. Ang mga bagay na iyong tinatamasa, na iyong nakikita, ang bawat isang bagay na iyong ginagamit ay nakuhang lahat mula sa mga bagay na nilikha ng Diyos. Iyon ay upang sabihin, maging anuman ang lahi, maging anuman ang kabuhayan, o sa anumang uri ng kapaligiran para mabuhay na nakatira ang mga tao, hindi nila maihihiwalay ang kanilang mga sarili mula sa mga pagtutustos ng Diyos. Kaya ang lahat ba ng bagay na ating tinalakay sa araw na ito ay may kaugnayan sa ating paksa na “Ang Diyos ang Pinagmumulan ng Buhay para sa Lahat ng Bagay”? Kaya ang mga bagay ba na ating tinalakay sa araw na ito ay maibibilang sa mas malaking paksa na ito? (Oo.) Marahil ang ilan sa Aking natalakay sa araw na ito ay medyo mahirap unawain at medyo mahirap pag-usapan. Gayunman, iniisip Ko na malamang ay mas naiintindihan na ninyo ito ngayon.

 

Sa mga huling pagkakataon sa pagbabahagi, ang saklaw ng mga paksa na ating nabahagi ay higit pang malawak, at ang kanilang saklaw ay malapad, kaya kinakailangan ng ilang pagsisikap para maunawaan ninyong lahat. Ito ay dahil sa ang mga paksang ito ay mga bagay na nasagupa na noong una sa paniniwala ng mga tao sa Diyos. Dinirinig ito ng ilang tao bilang misteryo at ang ilang tao ay dinirinig ito bilang kuwento—aling pananaw ang tama? Mula sa anong pananaw ninyo dinirinig ang lahat ng ito? (Nakita natin kung gaano kasistematikong isinaayos ng Diyos ang lahat ng bagay at na ang lahat ng bagay ay mayroong ganitong mga batas, at sa pamamagitan ng gayong mga salita mas lalo nating maiintindihan ang mga pagkilos ng Diyos at ang Kanyang metikulosong pagsasaayos para sa pagliligtas sa sangkatauhan.) Sa pamamagitan ng mga sandaling ito ng pagbabahagi, nakita ba ninyo kung ano ang saklaw ng pamamahala ng Diyos para sa lahat ng bagay? (Ang buong sangkatauhan, lahat ng bagay.) Ang Diyos ba ay Diyos ng isang lahi? Siya ba ang Diyos ng isang uri ng mga tao? Siya ba ang Diyos ng isang maliit na bahagi ng sangkatauhan? (Hindi, hindi Siya ganoon.) Yamang hindi iyon ang kaso, sa kaalaman ng tao ukol sa Diyos, kung Siya lamang ang Diyos ng maliit na bahagi ng sangkatauhan, o kung kayo ay naniniwala na ang Diyos ay Diyos lamang ninyo, tama ba ang pananaw na ito? Yayamang pinamamahalaan ng Diyos at namumuno sa lahat ng bagay, kailangang makita ng mga tao ang Kanyang mga pagkilos, ang Kanyang karunungan, at ang Kanyang pagka- makapangyarihan sa lahat na nabunyag sa Kanyang pamumuno sa lahat ng bagay. Ito ay isang bagay na dapat malaman ng tao. Kung sinasabi mong pinamamahalaan ng Diyos ang lahat ng nilalang, namumuno sa lahat ng nilalang, at namumuno sa buong sangkatauhan, ngunit kung wala kang anumang pagkaunawa o kabatiran sa Kanyang pamumuno sa sangkatauhan, magagawa mo ba talagang kilalanin na pinamumuuan Niya ang lahat ng bagay? Maaari kang mag-isip sa iyong puso, “Magagawa ko, dahil nakikita ko na ang buhay kong ito ay pinamumunuang lahat ng Diyos.” Ngunit ganoon ba talaga kaliit ang Diyos? Hindi Siya ganoon! Nakikita mo lamang ang pagliligtas ng Diyos para sa iyo at ang Kanyang gawain sa iyo, at mula sa mga bagay na ito nakikita mo ang Kanyang pamumuno. Ito ay napakaliit na saklaw lamang at ito ay nakaapekto sa iyong dalisay na kaalaman ukol sa Diyos. Nililimitahan din nito ang iyong dalisay na kaalaman ukol sa pamumuno ng Diyos sa lahat ng bagay. Kapag nilimitahan mo ang iyong kaalaman sa Diyos sa saklaw ng kung ano ang naipagkakaloob para sa iyo ng Diyos at ang Kanyang pagbibigay ng kaligtasan sa iyo, hindi mo na kailanman kikilalanin na pinamumunuan Niya ang lahat, na pinamumunuan Niya ang lahat ng bagay, at pinamumunuan Niya ang buong sangkatauhan. Kapag nabigo ka na makilala ang lahat ng ito, magagawa mo bang tunay na makilala ang katotohanan na pinamumunuan ng Diyos ang iyong tadhana? Hindi mo magagawa. Sa iyong puso ay hindi mo kailanman magagawang kilalanin ang gayong aspeto—hindi mo kailanman magagawang makilala ang gayong antas. Naiintindihan ninyo, tama? (Oo.) Ang totoo, nalalaman Ko kung hanggang saang antas ninyo nauunawaan ang mga paksang ito, ang nilalamang ito na Aking sinasabi, kaya bakit palagi Ko itong sinasabi? Ito ay dahil sa ang mga paksang ito ay mga bagay na dapat na maintindihan ng bawat isang sumusunod sa Diyos, bawat isang tao na nagnanais na mailigtas ng Diyos—dapat nilang malaman ang ukol sa mga paksang ito. Kahit na sa sandaling ito ay hindi mo pa maunawaan ang mga ito, balang araw, kapag ang iyong buhay at ang iyong karanasan sa katotohanan ay makarating sa isang tiyak na antas, kapag ang pagbabago sa iyong disposisyon sa buhay ay makarating sa isang tiyak na antas at ang iyong tayog ay madagdagan ng isang tiyak na grado, sa gayon lamang ang mga paksang ito na Aking ipinababatid sa iyo sa pagbabahagi ay tunay na maipagkakaloob at mapasisiya ang iyong paghahanap ng kaalaman ukol sa Diyos. Kaya ang mga salitang ito ay maglalatag ng saligan, upang ihanda kayo para sa inyong pagkaunawa sa hinaharap na ang Diyos ang namumuno sa lahat ng bagay at para sa inyong pagkaunawa sa Diyos Mismo.

 

Kung gaano karami ang pagkaunawa ukol sa Diyos ang mayroon sa puso ng mga tao ang nagpapasya kung gaanong kalagayan ang Kanyang hinahawakan sa kanilang mga puso. Kung gaano kadakila ang antas ng kaalaman ukol sa Diyos ang nasa kanilang mga puso ay kung gaano kadakila ang Diyos sa kanilang mga puso. Kung ang Diyos na kilala mo ay walang laman at malabo, kung gayon ang Diyos na pinaniniwalaan mo ay wala ring laman at malabo. Kung ang Diyos na kilala mo ay limitado lang sa loob ng iyong sariling saklaw, kung gayon ang iyong Diyos ay isang sobrang liit na Diyos at walang kinalaman sa tunay na Diyos. Kaya, ang pagkilala sa praktikal na mga pagkilos ng Diyos, ang pagkilala sa realidad ng Diyos at Kanyang kapangyarihang walang hanggan, ang pagkilala sa tunay na pagkakakilanlan ng Diyos Mismo, ang pagkilala sa kung anong mayroon at kung ano Siya, ang pagkilala sa lahat ng Kanyang ipinakita sa gitna ng lahat ng bagay—ang mga ito ay napakahalaga sa bawat isang tao na naghahanap ng kaalaman ukol sa Diyos. Ang mga ito ay may direktang kinalaman sa kung makapapasok o hindi ang tao sa realidad ng katotohanan. Kung iyong lilimitahan ang iyong pagkaunawa sa Diyos sa mga salita lamang, kung lilimitahan mo ito sa kakaunti mong karanasan, sa mga biyaya ng Diyos na iyong binibilang, o sa kakaunti mong patotoo sa Diyos, kung gayon sasabihin Ko na ang iyong Diyos na pinaniniwalaan ay tiyak na hindi ang tunay na Diyos Mismo, at maaari ding sabihin na ang Diyos na pinaniniwalaan mo ay isang guni-guning Diyos, hindi ang tunay na Diyos. Ito ay dahil sa ang tunay na Diyos ay ang Siyang namumuno sa lahat, na lumalakad sa gitna ng lahat, na namamahala sa lahat. Siya ang Siyang humahawak sa kapalaran ng buong sangkatauhan—ang Siyang humahawak sa kapalaran ng lahat. Ang mga gawain at mga pagkilos ng Diyos na Aking sinasabi ay hindi limitado lamang sa maliit na bahagi ng mga tao. Iyon ay, hindi ito limitado lamang sa mga tao na sumusunod sa Kanya sa kasalukuyan. Ang Kanyang mga pagkilos ay nakikita sa lahat ng bagay, sa pagiging buhay ng lahat ng bagay, at sa mga batas ng pagbabago sa lahat ng bagay.

 

Kung hindi mo makikita o makikilala ang alinman sa mga pagkilos ng Diyos sa gitna ng lahat ng bagay, kung gayon hindi ka maaaring sumaksi sa alinman sa Kanyang mga pagkilos. Kung hindi ka maaaring sumaksi para sa Diyos, kapag nagpatuloy kang magsalita tungkol sa maliit na kung tawagin ay Diyos na kilala mo, ang Diyos na iyon ay limitado sa iyong sariling mga palagay, at nasa loob ng iyong makitid na pag-iisip, kapag nagpatuloy kang magsalita sa gayong uri ng Diyos, kung gayon hindi kailanman pupurihin ng Diyos ang iyong pananampalataya. Kapag sumaksi ka para sa Diyos, kung gagamitin mo lamang kung paano mo tinatamasa ang biyaya ng Diyos, tatanggapin ang disiplina ng Diyos at ang Kanyang pagkastigo, at tatanggapin ang Kanyang mga biyaya sa iyong pagsaksi para sa Kanya, iyon ay lubhang hindi sapat, at malayo sa pagbibigay ng kasiyahan sa Kanya. Kung gusto mong sumaksi para sa Diyos sa paraan na nakaayon sa Kanyang kalooban, sumaksi para sa tunay na Diyos Mismo, kung gayon kailangan mong makita kung anong mayroon at kung ano ang Diyos sa Kanyang mga pagkilos. Kailangan mong makita ang awtoridad ng Diyos sa Kanyang pamamahala sa lahat, at makita ang katotohanan kung paano Siya naglalaan para sa buong sangkatauhan. Kung kinikilala mo lamang na ang iyong pang-araw-araw na pagkain at inumin at ang iyong mga pangangailangan sa buhay ay nagmumula sa Diyos, ngunit hindi mo nakikita ang katotohanang ang Diyos ang naglalaan para sa buong sangkatauhan sa pamamagitan ng lahat ng bagay, na pinangungunahan Niya ang buong sangkatauhan sa pamamagitan ng Kanyang pamamahala sa lahat ng bagay, kung gayon hindi mo kailanman magagawang sumaksi para sa Diyos. Naiintindihan mo na ngayon ang lahat ng ito, tama? Ano ang Aking layunin sa pagsasabi ng lahat ng ito? Ito ay nang upang huwag ninyong tanggapin ito nang walang kaseryosohan, upang huwag kayong maniwala na ang mga paksang ito na Aking tinalakay ay walang kinalaman sa inyong personal na pagpasok sa buhay, at upang huwag ninyong tanggapin ang mga paksang ito bilang isang uri lamang ng kaalaman o doktrina. Kung pinakikinggan ninyo ito sa ganyang uri ng saloobin, hindi kayo makapagtatamo ng anumang bagay. Mawawala ninyo ang malaking oportunidad na ito na makilala ang Diyos. Kaya matatandaan na ninyo ngayon, tama ba?

 

Ano ang Aking layunin sa pagsasalita sa lahat ng bagay na ito? Ang Aking layunin ay para maipakilala sa mga tao ang Diyos, upang maipanunawa sa mga tao ang praktikal na mga pagkilos ng Diyos. Sa sandaling maunawaan mo ang Diyos at malaman mo ang Kanyang mga pagkilos, sa gayon ka pa lang magkakaroon ng pagkakataon o posibilidad na makilala Siya. Kung, halimbawa, gusto mong maunawaan ang isang tao, paano mo sila uunawain? Ito ba ay sa pamamagitan ng pagtingin sa kanilang panlabas na kaanyuan? Ito ba ay sa pamamagitan ng pagtingin sa kung ano ang kanilang suot, paano sila magdamit? Ito ba ay sa pamamagitan ng pagtingin kung paano sila maglakad? Ito ba ay sa pamamagitan ng pagtingin sa saklaw ng kanilang kaalaman? (Hindi.) Kaya paano mo inuunawa ang isang tao? Gumagawa ka ng paghatol sa pamamagitan ng pananalita at pag-uugali ng isang tao, sa pamamagitan ng kanilang ipinanahayag at kanilang ibinubunyag. Ito ang iyong paraan sa pagkilala sa isang tao, kung paano uunawain ang tao. Gayundin, kung gusto ninyong makilala ang Diyos, kung gusto ninyong maintindihan ang praktikal Niyang panig, ang Kanyang totoong panig, kailangang makilala ninyo Siya sa pamamagitan ng Kanyang mga pagkilos at sa pamamagitan ng bawat isang praktikal na bagay na Kanyang ginagawa. Ito ang pinakamahusay na paraan, at ito ang tanging paraan. Kaya maiintindihan na ba ninyo ngayon, tama?

 

Binabalanse ng Diyos ang mga Kaugnayan sa Pagitan ng Lahat ng bagay Upang Ipagkaloob sa Sangkatauhan ang Isang Matatag na Kapaligiran para Mabuhay

Inihahayag ng Diyos ang Kanyang mga pagkilos sa gitna ng lahat ng bagay at sa gitna ng lahat ng bagay Siya ay namamahala at may hawak ng mga batas sa lahat ng bagay. Pinag-usapan pa lamang natin ang tungkol sa kung paano pinamamahalaan ng Diyos ang mga batas sa lahat ng bagay gayundin ang kung paano Niya pinaglalaanan at pinangangalagaan ang buong sangkatauhan sa loob ng mga batas na iyon. Ito ay isang aspeto. Susunod, pag-uusapan natin ang tungkol sa isa pang aspeto, kung saan ito ay isang paraan na ang Diyos ay may kontrol sa lahat. Ito ang paraan, matapos likhain ang lahat ng bagay, binalanse Niya ang mga kaugnayan sa pagitan ng mga ito. Ito ay napakalawak ding paksa para sa inyo. Pagbabalanse sa mga kaugnayan sa pagitan ng lahat ng bagay—ito ba ay isang bagay na maisasakatuparan ng mga tao? Hindi ito magagawa ng mga tao mismo. Ang magagawa lamang ng mga tao ay manira. Hindi nila mababalanse ang mga kaugnayan sa pagitan ng lahat ng bagay; hindi nila kayang pamahalaan ang mga ito, at wala sila ng gayong kadakilang awtoridad o kapangyarihan. Ang Diyos Mismo lamang ang mayroong uri ng kapangyarihan upang magawa ang ganitong uri ng bagay. Ang layunin ng Diyos sa paggawa ng ganitong uri ng bagay—para saan ito? Pareho lamang, ito ay malapit na kaugnay sa kakayahang mabuhay ng sangkatauhan. Ang bawat isang bagay na nais gawin ng Diyos ay kinakailangan—walang bagay na magagawa Niya o hindi magagawa. Nang upang maingatan Niya ang kakayahang mabuhay ng sangkatauhan at maibigay sa mga tao ang isang mainam na kapaligiran para mabuhay, may ilan na talagang kailangan, ilang mahalagang bagay na dapat Niyang gawin upang maingatan ang kanilang kakayahang mabuhay.

 

Mula sa literal na kahulugan ng pariralang ito “Binabalanse ng Diyos ang lahat ng bagay,” ito ay napakalawak na paksa; una nitong ilalaan sa iyo ang isang konsepto upang iyong malaman na ang pagbabalanse sa lahat ng bagay ay ganap na pamumuno ng Diyos sa ibabaw ng lahat ng bagay. Ano ang kahulugan ng salitang “balanse”? Una ang, “balanse” ay tumutukoy sa hindi pagpapahintulot sa isang bagay na mawalan ng balanse. Nalalaman ng bawat isa ang tungkol sa mga timbangan. Kapag gumagamit ng mga timbangan upang tumimbang ng isang bagay, ilalagay mo ito sa isang panig ng timbangan at maglalagay ng mga pabigat sa kabilang panig. Ang panghuling dami ng mga pabigat ang magpapasiya sa timbang ng bagay na iyon—iyon ang tinatawag na pagbabalanse. Upang mabalanse ito, ang timbang ng dalawang panig ay dapat magkapareho. Nilikha ng Diyos ang maraming bagay sa gitna ng lahat ng bagay—lumikha Siya ng mga bagay na nakapirmi, mga bagay na gumagalaw, mga bagay na nabubuhay, at mga bagay na humihinga, gayundin yaong hindi humihinga. Madali ba para sa lahat ng bagay na ito na matamo ang isang kaugnayan ng pagtutulungan, ng palitan ng tulong at paghihigpit, ng pagkakaugnay-ugnay? Tiyak na mayroong prinsipyo sa lahat ng ito. Ito ay napaka-kumplikado, hindi ba? Hindi mahirap ito para sa Diyos, ngunit para sa mga tao, ito ay napaka-kumplikado na saliksikin. Tila ito ay napakasimpleng salita—balanse. Gayunman, kapag sinaliksik ito ng mga tao, kapag kinailangan ng mga tao na lumikha ng balanse, sa gayon kahit na yaong lahat ng dalubhasa ay magsasaliksik dito—mga pantaong biyologo, mga astronomo, mga pisiko, mga kimiko at maging ang mga nagsusulat ng kasaysayan-ano ang magiging panghuling kalalabasan ng pananaliksik na ito? Ang kalalabasan nito ay wala. Ito ay dahil sa ang paglikha ng Diyos sa lahat ng bagay ay sobrang kamangha-mangha at hindi kailanman matutuklasan ng sangkatauhan ang mga lihim nito. Nang nilikha ng Diyos ang lahat ng nilalang, nagtatag Siya ng mga prinsipyo sa pagitan ng mga ito, nagtatag ng iba’t ibang kaparaanan para mabuhay para sa pagpigil sa isa’t isa, hindi pagsasalungatan, at kabuhayan. Ang iba’t ibang pamamaraan na ito ay sobrang masalimuot; hindi payak ang mga ito o sa isang direksyon lamang. Kapag ginagamit ng mga tao ang kanilang mga isip, ang kanilang natamong kaalaman, at ang mga kakaibang pangyayari na kanilang namasid upang pagtibayin o saliksikin ang mga prinsipyo sa likod ng pagkontrol ng Diyos sa lahat ng bagay, ang mga bagay na ito ay sobrang napakahirap matuklasan, at masyado ring mahirap matamo ang anumang kalalabasan. Masyado talagang mahirap para sa mga tao na makakuha ng anumang mga resulta; napakahirap para sa mga tao na mapanatili ang balanse nila kapag pinamumunuan ang lahat ng bagay na nilikha ng Diyos sa pamamagitan ng pagtitiwala sa mga kaisipan at kaalaman ng tao. Dahil kung hindi alam ng mga tao ang mga prinsipyo ng kakayahang mabuhay ng lahat ng nilalang, hindi nila alam kung paano ingatan ang ganitong uri ng balanse. Kaya, kung pamahalaan at pamunuan ng mga tao ang lahat ng nilalang, tiyak na masisira lamang nila ang balanseng ito. Sa sandaling ito ay masira, ang kanilang mga kapaligiran para mabuhay ay masisira, at kapag nangyari ang gayon, ito ay susundan ng isang krisis para sa kanilang kakayahan upang mabuhay. Ito ay magdudulot ng sakuna. Kapag ang sangkatauhan ay nabubuhay sa gitna ng sakuna, ano ang tatambad sa harap nila? Ito ang magiging isang kalalabasan na mahirap ipalagay, mahirap na mahulaan.

 

Kung gayon paano nababalanse ng Diyos ang mga kaugnayan sa pagitan ng lahat ng bagay? Una, may ilang lugar sa mundo na natatakpan ng yelo at ng niyebe sa buong taon, samantalang sa ibang mga lugar, lahat sa apat na panahon ay parang tagsibol. Hindi ka kailanman makakakita ng isang tapal ng yelo o ng isang manipis na piraso ng niyebe-walang taglamig. Ito ay isang paraan—ito ay mula sa pananaw ng mas malaking klima. Ang ikalawang uri ay kapag nakikita ng mga tao ang mga bundok na puno ng malalagong halaman, kung saan ang lahat ng uri ng halaman ay tumatakip sa lupa; may mga hilera ng mga halaman sa gubat at sa paglalakad sa gitna ng mga ito ni hindi mo makikita ang araw. Sa ibang mga kabundukan ang damo ay ni hindi tumutubo—patung-patong ang tigang, ligaw na mga kabundukan. Kung titingnan mula sa labas, ang mga ito ay parehong mga kabundukan ng nakatambak na basura. Ang isang grupo ng mga kabundukan ay puno ng luntiang mga halaman, at ang isa pa ay pinagkaitan kahit ng damo. Ito ang ikalawang uri. Sa ikatlong uri, maaari kang makakita ng walang hangganang damuhan, isang bukid ng kumakaway na luntian. O maaaring makakita ka ng isang disyerto sa abot ng makikita ng iyong mata; hindi ka nakakakita ng anumang buhay na bagay, lalong hindi ng pinagkukunan ng tubig, ang pag-ihip lamang ng hangin sa kahabaan ng buhanginan. Sa ikaapat na uri, ang isang lugar ay natatakpan ng dagat, na binubuo ng malawak na sukat ng tubig, samantalang sa isa pang lugar hirap na hirap kang makakita ng bukal ng tubig. Sa ikalimang uri, sa isang lupain madalas ang pagpatak-patak ng ulan at ito ay mahamog at mahalumigmig, samantalang sa isa pang lupain ang matinding mga pagsikat ng araw ay masyadong karaniwan at hindi ka makakakita ng kahit isang patak ng ulan. Sa ikaanim, ang isang uri ng lugar ay isang talampas kung saan ang hangin ay manipis at mahirap para sa tao na makahinga, at sa isa pang uri ng lugar ay may mga latian at mga libis, na nagsisilbing mga tahanan para sa iba’t ibang uri ng galang ibon. Mayroong iba’t ibang uri ng klima, o ang mga klima o mga kapaligiran na tumutugma sa iba’t ibang pangheograpiyang kapaligiran. Iyon ay upang sabihin, binabalanse ng Diyos ang pangunahing mga kapaligiran para mabuhay ng sangkatauhan mula sa aspeto ng mas malaking kapaligiran, mula sa klima hanggang sa pangheograpiyang kapaligiran, mula sa iba’t ibang sangkap ng lupa hanggang sa dami ng mga pinagkukunan ng tubig nang upang matamo ang balanse sa hangin, temperatura at ang kahalumigmigan ng mga kapaligirang kinabubuhayan ng mga tao. Sa mga pagkakaibang ito ng iba’t ibang pangheograpiyang kapaligiran, ang mga tao ay magkakaroon ng matatag na hangin at ang temperatura at kahalumigmigan sa iba’t ibang panahon ay magiging matatag. Pahihintulutan nito ang tao na patuloy na mabuhay sa gayong uri ng kapaligiran para mabuhay palagi. Una, ang mas malaking kapaligiran ay dapat na balanse. Ito ay ginagawa sa pamamagitan ng paggamit ng iba’t ibang pangheograpiyang lokasyon at kayarian gayundin ang mga pagbabago sa pagitan ng iba’t ibang klima para sa pagpigil sa isa’t isa nang upang makamtan ang balanse na gusto ng Diyos at kinakailangan ng sangkatauhan. Ito ay mula sa pananaw ukol sa mas malaking kapaligiran.

 

Sa pagtingin sa mga detalye, gaya ng mga halaman, paano naging posible na matatamo niyon ang balanse? Iyon ay, paano pahihintulutan ang mga halaman na patuloy na makapanatili sa loob ng isang balanseng kapaligiran para mabuhay? Ito ay sa pamamagitan ng pamamahala sa haba ng buhay, bilis ng paglago, at bilis ng pagpaparami ng iba’t ibang uri ng halaman upang maingatan ang kanilang kapaligiran para mabuhay. Tingnan ang maliit na damo bilang halimbawa—may mga usbong sa tagsibol, mga bulaklak sa tag-araw, at prutas sa taglagas. Nalalaglag ang prutas sa lupa at namamatay ang damo. Sa sunod na taon, ang buto mula sa prutas ay umuusbong at nagpapatuloy alinsunod sa parehong mga batas. Ang haba ng buhay ng damo ay napakaigsi. Ang bawat buto ay nalalaglag sa lupa, nagkakaugat at umuusbong, namumukadkad at namumunga—ang prosesong ito ay nangyayari lamang sa tagsibol, tag-araw, at taglagas. At ang lahat ng uri ng puno ay mayroon ding mga sariling haba ng buhay at iba’t ibang kapanahunan para sa pag-usbong at pamumunga. Ang ilang puno ay namamatay pagkatapos lamang ng 30 hanggang 50 taon—mayroon ang mga ito ng haba ng buhay na 30 hanggang 50 taon, ngunit ang bunga nito ay nahuhulog sa lupa, na pagkatapos ay tumutubo ang mga ugat at umuusbong, mamumulaklak at mamumunga, at mabubuhay ng mga 30 hanggang 50 taon. Ito ang bilis ng muling pagtubo. Ang isang matandang puno ay namamatay at ang isang batang puno ay tumutubo—ito ang dahilan kung bakit palagi kang nakakakita ng mga puno na tumutubo sa mga kagubatan. Ngunit mayroon din ang mga ito ng tamang pag-inog at proseso ng pagsilang at kamatayan. Ang ilang puno ay maaaring mabuhay nang mahigit sa isanlibong taon, at ang iba ay maaari pa ngang mabuhay ng tatlong libong taon. Hindi alintana kahit anumang uri ng halaman o gaano kahaba ang buhay nito, sa pangkalahatang pananalita, pinamamahalaan ng Diyos ang balanse nito batay sa kung gaano kahaba itong mabubuhay, ang kakayahan nitong magparami, at bilis ng pagpaparami nito gayundin ang dami nito at antas ng pagpaparami. Ito ay magtutulot sa mga ito, mula sa damo hanggang sa mga puno, upang makapagpatuloy na umunlad, upang lumago sa loob ng isang nakabalanseng kapaligirang pang-ekolohiya. Kaya kapag tumingin ka sa isang kagubatan sa mundo, maging ito man ay mga puno o damo, ito ay nagpapatuloy na nagpaparami at lumalago alinsunod sa sarili nitong mga batas. Hindi ito nangangailangan ng tulong ng sangkatauhan; hindi ito nangangailangan ng dagdag na gawain para sa sangkatauhan. Dahil lamang sa pagkakaroon nito ng ganitong uri ng balanse kaya napananatili ng mga ito ang sarili nitong kapaligiran para mabuhay. Dahil lamang sa pagkakaroon ng mga ito ng angkop na kapaligiran para mabuhay kaya ang mga kagubatang ito, ang mga damuhang ito ay maaaring patuloy na mabuhay sa lupa. Ang pag-iral ng mga ito ay nangangalaga sa maraming salinlahi ng mga tao gayundin ng maraming salinlahi ng lahat ng uri ng nabubuhay na mga bagay na may mga tahanan sa mga kagubatan at sa mga damuhan—mga ibon at mga hayop, mga insekto, at ang lahat ng uri ng maliliit na bagay na may buhay.

 

Kinukontrol din ng Diyos ang balanse ng lahat ng uri ng hayop. Paano Niya kinukontrol ang balanseng ito? Ito ay kagaya sa mga halaman—pinamamahalaan Niya ang balanse ng mga ito at nagpapasiya ng mga bilang nito batay sa kakayahan nitong magparami, ang dami at bilis ng pagpaparami ng mga ito at ang mga papel na ginagampanan nito sa gitna ng mga hayop. Halimbawa, kinakain ng mga leon ang mga sebra, kaya kung ang bilang ng mga leon ay lumampas sa bilang ng mga sebra, ano ang magiging kapalaran ng mga sebra? Sila ay malilipol. At kung ang kabuuang pagpaparami ng mga sebra ay higit na mababa kaysa doon sa mga leon, ano ang magiging kapalaran ng mga ito? Ang mga ito ay malilipol din. Kaya, ang bilang ng mga sebra ay kailangang higit na marami kaysa sa bilang ng mga leon. Ito ay sa dahilang ang mga sebra ay hindi umiiral lamang para sa mga sarili nito; umiiral din ang mga ito para sa mga leon. Maaari mo ring sabihin na ang bawat sebra ay isang bahagi ng mga sebra, ngunit ito ay pagkain din naman sa bibig ng leon. Ang bilis ng pagpaparami ng mga leon ay hindi kailanman madadaig ang sa mga sebra, kaya ang bilang ng mga ito ay hindi kailanman hihigit sa bilang ng mga sebra. Sa ganitong paraan lamang magagarantiya ang pinagkukunan ng pagkain ng leon. Kaya’t, kahit na ang mga leon ay likas na mga kaaway ng mga sebra madalas nakikita ang mga ito ng mga taong panatag na nagpapahinga sa parehong lugar. Ang mga sebra ay hindi kailanman mababawasan sa bilang o maglalaho sapagkat ang mga ito ay sinisila ng mga leon at kinakain, at ang mga leon ay hindi kailanman madadagdagan ang bilang ng mga ito dahil sa katayuan nito bilang “hari.” Ang balanseng ito ay isang bagay na matagal na panahon nang itinatag ng Diyos. Iyon ay, itinatag ng Diyos ang mga batas ng balanse sa pagitan ng lahat ng hayop upang maaaring matamo nila ang balanse, at ito ay isang bagay na madalas na nakikita ng sangkatauhan. Ang mga leon lang ba ang likas na mga kaaway ng mga sebra? Hindi, kinakain din ng mga buwaya ang mga sebra. Ang eksena ng isang buwaya na kumakain ng isang sebra ay malupit din naman. Ang mga sebra ay talagang parang mahinang uri ng hayop. Wala ang mga itong bangis ng mga leon, at kapag nakasasagupa ng isa, ang nakatatakot na kalabang ito, makatatakbo lamang ang mga sebra. Hindi man lamang kayang makalaban ang mga ito. Kapag hindi nito matatalo sa takbuhan ang leon, mahahayaan na lamang ang mga sariling makain ng leon. Ito ay makikita nang madalas sa mundo ng mga hayop. Ano ang inyong pakiramdam kapag nakikita ninyo ang ganitong uri ng bagay? Naaawa ka ba sa sebra? Kinamumuhian mo ba ang leon? Ang mga sebra ay napakaganda sa paningin! Ngunit ang mga leon, palagi nitong tinitingnan ang mga sebra nang buong kasakiman. At ang nakakaloko, ang mga sebra ay hindi makatakbo nang malayo. Nakikita ng mga ito ang leon doong naghihintay sa kanila, basta na lang naghihintay sa lilim ng isang puno. Sino ang nakaaalam kung kailan nito kakainin ang mga sebra. Alam ng mga ito sa mga puso nito, ngunit hindi pa rin aalis ang mga ito sa kapirasong lupang iyon. Ito ay isang kagila-gilalas na bagay. Ang kagila-gilalas na bagay na ito ay naglalaman ng pagtatalaga ng Diyos, ang Kanyang patakaran. Maaawa ka sa sebra na iyon ngunit hindi mo maililigtas ito, at mararamdaman mo na ang leon ay kasuklam-suklam ngunit hindi mo ito mapapaalis. Ang sebra ay pagkain na inihanda ng Diyos para sa leon, ngunit gaano man sila kainin ng mga leon, ang mga sebra ay hindi mauubos. Ang bilang ng supling na nagagawa ng mga leon ay maliit talaga, at mabagal ang mga itong magparami, kaya hindi nito malalampasan ang bilang ng mga sebra. Gaano man karami ang kakainin ng mga leon, ang bilang nito ay hindi hihigit doon sa mga sebra. Ito ay isang uri ng balanse.

 

Ano ang layunin ng Diyos sa pagpapanatili ng ganitong uri ng balanse? Ito ay may kinalaman sa mga kapaligiran ng mga tao para mabuhay gayundin ang kakayahang mabuhay ng sangkatauhan. Kung ang mga sebra, o ng anumang kaparehong sinisila ng leon—usa o iba pang mga hayop—ay mabagal sa pagpaparami at ang bilang ng mga leon ay mabilis na dumarami, anong uri ng panganib ang haharapin ng mga tao? Una, ang mga manok, mga pato, mga gansa, at ang mga aso na inaalagaan ng mga tao ay magiging biktima ng mga leon, sapagkat ang mga ito ay nakatira sa labas. Ang mga bagay na iyon ay sapat ba para kainin ng mga leon? Ang ilang sambahayan ay may dalawang baboy. Kung ang leon ay bumaba mula sa mga kabundukan at kinain ang mga ito, basta na lang ba ito aalis pagkatapos nito? Iisipin nitong: “Wala nang makakain sa mga kabundukan, maglalagi na lang ako dito.Kakaunting tao lamang ang nasa bahay na ito.” Sa sandaling lumabas ang mga tao, kakainin lamang sila sa isang lagitik lang ng mga panga nito. Ang mga tao ay walang kakayahang lumaban. Hindi ba ito magiging isang kalunos-lunos na bagay? Ang mga leon na kumakain ng mga sebra ay isang normal na pangyayari, ngunit kung ang isang leon ay kumain ng mga tao, ito ay magiging isang trahedya. Ang trahedyang ito ay hindi isang bagay na itinalaga ng Diyos, hindi ito kabilang sa Kanyang patakaran, lalong hindi Niya itinulot para sa sangkatauhan. Sa halip, ito ay itinulot ng mga tao sa kanilang mga sarili. Kaya kagaya ng nakikita ng Diyos, ang balanse sa pagitan ng lahat ng bagay ay napakahalaga para sa kakayahang mabuhay ng sangkatauhan. Maging ang mga ito man ay mga halaman o mga hayop, hindi makakaya ng mga itong iwala ang angkop na balanse nito. Ang mga halaman, mga hayop, mga kabundukan, at mga lawa-ang Diyos ay naghanda para sa sangkatauhan ng isang normal na kapaligirang pang-ekolohiya. Sa pagkakaroon ng mga tao ng ganitong uri ng kapaligirang pang-ekolohiya—ang isang balanse—saka pa lang magiging ligtas ang kanilang kakayahang mabuhay. Kung ang kakayahang magparami ng isang puno o damo ay hindi ganoon kaganda o ang bilis ng pagpaparami ay masyadong mabagal, mawawala ba ng lupa ang kahalumigmigan nito? Kung mawala ng lupa ang kahalumigmigan nito, magiging malusog pa ba ito? Kung mawala ng nasabing lupa ang mga halaman at kahalumigmigan nito, ito ay kaagad na guguho, at buhangin ang papalit sa lugar nito. Kapag ang lupa ay lumubha, ang kapaligiran ng mga tao para mabuhay ay masisira na rin. Kasabay ng pagkawasak na ito ay darating ang mga sakuna. Kung wala ang ganitong uri ng balanseng pang-ekolohiya, kung wala ang ganitong tipo ng balanseng pang-ekolohiya, ang mga tao ay madalas na magdurusa mula sa mga sakuna dahil sa mga kawalan ng balanseng ito sa pagitan ng lahat ng bagay. Halimbawa, ang kawalang balanse sa kapaligiran ay nagbibigay-daan sa pagkawasak ng kapaligirang pang-ekolohiya ng mga palaka, ang mga ito ay nagsama-sama, ang mga bilang ng mga ito ay mabilis na dumami at nakakakita pa ang mga tao ng malaking bilang ng mga palakang tumatawid sa mga kalsada sa mga siyudad. Kung ookupahan ng malaking bilang ng mga palaka ang kapaligiran ng mga tao para mabuhay, ano ang maitatawag dito? Isang sakuna. Bakit ito matatawag na isang sakuna? Ang mga maliliit na hayop na ito na kapaki-pakinabang para sa sangkatauhan ay mapapakinabangan ng mga tao kapag nanatili ang mga ito sa isang lugar na angkop para sa mga ito; napananatili nito ang balanse ng kapaligiran ng mga tao para mabuhay. Sa sandaling ang mga ito ay maging isang sakuna, maaapektuhan nito ang kaayusan ng mga buhay ng mga tao. Ang lahat ng bagay at lahat ng elementong dala-dala ng mga palaka kasabay ng mga ito ay makakaimpluwensya sa kalidad ng buhay ng mga tao. Maging ang kanilang mga pisikal na organo ay maaaring salakayin—ito ay isa sa mga uri ng mga sakuna. Ang isa pang uri ng sakuna, na isang bagay na palaging nararanasan ng mga tao—ay ang paglitaw ng napakaraming bilang ng mga balang. Hindi ba ito isang sakuna? Ito ay isang nakatatakot na sakuna. Hindi alintana kung gaano kahusay ang mga tao—ang mga tao ay maaaring gumawa ng mga eroplano, mga kanyon, at mga bombang atomika—ngunit kapag ang mga balang ay naghimasok sa sangkatauhan, ano ang magiging solusyon nila? Maaari ba nilang gamitin ang mga kanyon sa mga ito? Maaari ba nilang barilin ang mga ito ng kanilang mga baril na de-makina? Hindi nila magagawa. Kung gayon maaari ba nilang bombahin ng isang pestisidyo upang maitaboy ang mga ito? Hindi rin iyon madali. Ano ba ang gagawin ng maliliit na balang na iyon sa pagdating nito? Partikular nitong kinakain ang mga pananim at mga butil. Saanman magdaan ang mga balang, ang anumang mga pananim ay mawawala na lamang. Kaya, sa ilalim ng pagsalakay ng mga balang, sa isang kisapmata, ang katumbas ng isang taon ng pagkain na inaasahan ng mga magsasaka ay maaaring maubos lahat ng mga balang. Para sa mga tao, ang pagdating ng mga butil ay hindi lamang isang pagkainis—ito ay isang sakuna. Ang paglitaw ng malaking bilang ng balang ay isang uri ng sakuna, kaya paano naman ang mga daga? Kung walang mga ibon upang kumain ng mga daga, dadami nang mabilis ang mga ito, mas mabilis kaysa sa maiisip mo. At kapag ang paglaganap ng mga daga ay hindi nasiyasat, magkakaroon ba ang mga tao nang mainam na buhay? Kaya ano yaong kakaharapin ng mga tao? (Isang salot.) Isang salot lamang ba? Kakainin ng mga daga ang anumang bagay. Ngangatngatin nila maging ang kahoy. Kung mayroong dalawang daga sa isang bahay, ang bawat isa sa buong sambahayan ay maiinis. May mga pagkakataon na nang-uumit ang mga ito ng mantika at kinakain nila, may mga pagkakataon na kinakain ng mga ito ang mga butil. At ang mga bagay na hindi nito makakain ay nginangata na lamang nito at gagawin ang mga itong magulong-magulo. Nginangata ng mga ito ang mga damit, mga sapatos, muwebles—nginangata nila ang lahat ng bagay. May mga pagkakataong sumasampa sila sa lalagyan ng mga plato-maaari pa bang gamitin ang mga platong iyon? Kahit na linisin mo pang mabuti ang mga iyon hindi ka na mapapakali, kaya itatapon mo na lang ang mga iyon. Ito ang kaguluhan na dinadala ng mga daga sa mga tao. Ang mga ito ay sobrang maliit na mga daga, ngunit ang mga tao ay walang paraan ng pakikitungo sa mga ito. Tinatakot pa ng mga daga ang mga tao. Hindi na kailangang magsalita pa ukol sa isang buong pulutong ng mga daga—ang isang pares lamang ng mga daga ay sapat upang makapagdulot ng pagkagambala. Kapag ang mga ito ay naging isang sakuna, ang mga kahihinatnan ay hindi malilirip. At kapag ang sobrang kaliit na mga langgam ay naging isang sakuna, ang pinsala na maidudulot ng mga ito sa sangkatauhan ay hindi maaaring balewalain. Ang pagngatngat ng mga langgam sa kahoy hanggang sa gumuho ang isang bahay ay hindi isang kakatwang bagay. Ang lakas ng mga ito ay hindi maaaring hindi makita. Narinig mo ba ang tungkol sa mga langgam na kumain ng kabayo? May isang kumpol ng mga langgam ang kumukuyog sa isang malaking kabayo, at ang natira lamang sa kabayo ay ang kalansay. Nakatatakot ba iyon o ano? At nang makita ito ng sumasakay sa kabayo, saan siya nagtungo sa pagtakas? May isang lawa sa malapit, kaya tumakbo siya patungo sa lawa at lumangoy sa kabilang pampang. Nakaligtas siya sa ganoong paraan. Ngunit pagkatapos niyang makita iyon, habang siya ay nabubuhay hindi niya makalilimutan kung paanong ang sobrang liit na mga langgam na iyon ay biglang nagkaroon ng gayong di-inaasahang lakas. Kamuntik na siyang kainin ng mga ito. Kung hindi siya nagkaroon ng kabayo, nauna sana siyang kinain ng mga langgam, at dahil mayroong tubig sa pagitan nila, hindi kaagad nakagawa ng tulay ang mga langgam para kainin siya. Kung wala lang ang tubig doon ang kabayo at ang tao ay kapwa sana kinain nang sabay. Ang lakas ng mga langgam ay hindi maaaring hindi makita. Hindi ba nakakatakot kung ang iba’t ibang uri ng mga ibon ay lilikha ng isang sakuna? (Oo.) Ilagay ito sa isa pang paraan, maging anumang uri ng mga hayop o mga bagay na may buhay, sa sandaling mawala ng mga ito ang balanse nito, ang mga ito ay lalago, magpaparami, at maninirahan sa loob ng isang abnormal na saklaw, isang hindi karaniwang saklaw. Magdudulot ito ng hindi malirip na mga kahihinatnan sa sangkatauhan. Hindi lamang nito maaapektuhan ang pagpapanatili ng mga tao at mga buhay, ngunit ito ay magdudulot din ng sakuna sa sangkatauhan, maging hanggang sa punto na maranasan ng mga tao ang lubos na pagkalipol, daranasin ang kapalaran ng pagkapuksa.

 

Nang nilkha ng Diyos ang lahat ng bagay, ginamit Niya ang lahat ng uri ng sistema at pamamaraan upang mabalanse ang mga ito, upang mabalanse ang mga kalagayan sa pamumuhay para sa mga kabundukan at mga lawa, upang mabalanse ang mga kalagayan sa pamumuhay para sa lahat ng halaman at lahat ng uri ng mga hayop, mga ibon, mga insekto—ang Kanyang layunin ay upang tulutan ang lahat ng uri ng mga nilalang upang mabuhay at magparami sa loob ng mga batas na Kanyang itinatag. Ang lahat ng nilalang ay hindi makalalabas sa mga batas na ito at hindi maaaring labagin ng mga ito. Sa loob lamang ng ganitong uri ng kapaligiran na maaaring ligtas na makapanatiling buhay at makapagparami ang mga tao, sa maraming salinlahi. Kung ang isang nabubuhay na nilkha ay lumampas sa dami o saklaw na itinatag ng Diyos, o kapag nilampasan nito ang bilis ng paglago, dalas, o bilang sa ilalim ng Kanyang pamamahala, ang kapaligiran ng sangkatauhan para mabuhay ay magdaranas ng magkakaibang mga antas ng pagkawasak. At sa kaparehong panahon, ang kakayahang mabuhay ng sangkatauhan ay manganganib. Kapag ang isang uri ng nabubuhay na nilalang ay masyadong marami sa bilang, nanakawin nito sa tao ang kanilang pagkain, sisirain ang mga pinagkukunan ng tubig ng mga tao, at sisirain ang kanilang mga bayan. Sa gayong paraan, ang pagpaparami ng sangkatauhan o ang kalagayan ng kanilang kakayahan para mabuhay ay dali-daling maaapektuhan. Halimbawa, ang tubig ay napakahalaga para sa lahat ng bagay. Kung masyadong marami ang mga daga, mga langgam, mga balang, at mga palaka o lahat ng uri ng iba pang mga hayop, iinom ang mga ito ng mas maraming tubig. Habang ang dami ng tubig na iniinom ng mga ito ay tumataas, sa loob nitong nakapirming saklaw ng mga pinagkukunan ng tubig na iniinom at mga lugar na may tubig, ang iniinom na tubig ng mga tao at ang mga pinagkukunan ng tubig ay mababawasan, at magkukulang sila ng tubig. Kapag ang tubig na iniinom ng mga tao ay nasira, nakontamina, o nawala dahil ang lahat ng uri ng hayop ay dumami sa bilang, sa ilalim ng gayong uri ng malupit na kapaligiran para mabuhay, ang kakayahang mabuhay ng sangkatauhan ay lubhang manganganib. Kung mayroong isang uri o iba’t ibang uri ng nilalang na may buhay na lumampas sa angkop na bilang nito, ang hangin, temperatura, kahalumigmigan, at maging ang nilalaman ng hangin sa loob ng espasyo ng sangkatauhan para mabuhay ay malalason at masisira sa magkakaibang antas. Gayon din, sa ilalim ng ganitong mga kalagayan, ang kakayahang mabuhay at kapalaran ng mga tao ay mapapasailalim pa rin sa panganib ng gayong uri ng kapaligiran. Kaya, kapag nawala ng mga tao ang mga balanseng iyon, ang hangin na kanilang hinihinga ay masisira, ang tubig na kanilang iniinom ay magiging kontaminado, at ang mga temperatura na kanilang kinakailangan ay magbabago din, maaapektuhan sa iba’t ibang mga antas. Kapag nangyari iyon, ang likas na kapaligiran ng sangkatauhan para mabuhay ay mapapasailalim sa mga katakut-takot na mga dagok at mga hamon. Sa ilalim ng ganitong uri ng kalagayan kung saan ang pangunahing mga kapaligiran ng sangkatauhan para mabuhay ay nangasira, ano ang magiging kapalaran at mga inaasahan ng sangkatauhan? Ito ay napakaseryosong suliranin! Sapagkat nalalaman ng Diyos kung ano ang lahat ng bagay sa sangkatauhan, ang papel ng bawat isang uri ng bagay na Kanyang nilikha, anong epekto mayroon ito sa mga tao, at gaano kalaking pakinabang ang dadalhin nito sa sangkatauhan—sa puso ng Diyos ay may plano para sa lahat ng ito at pinamamahalaan Niya ang bawat isang aspeto sa lahat ng bagay na Kanyang nilikha, kaya para sa mga tao, ang bawat isang bagay na Kanyang ginagawa ay napakahalaga—ang lahat ng ito ay kinakailangan. Kaya makakita ka man ng ilang kakaibang pangyayari na pang-ekolohiya, o ilang likas na mga batas sa gitna ng lahat ng bagay, hindi ka na magdududa pa sa pangangailangan sa bawat isang bagay na nilikha ng Diyos. Hindi ka na uli gagamit pa ng mga ignoranteng pananalita upang gumawa ng mga hindi makatwirang paghatol sa pagsasaayos ng Diyos sa lahat ng bagay at ang Kanyang iba’t ibang pamamaraan sa pagkakaloob sa sangkatauhan. Hindi ka na rin gagawa ng mga hindi makatwirang konklusyon sa mga batas ng Diyos para sa lahat ng bagay na Kanyang nilikha. Hindi ba ganito ito?

 

Ano ang lahat ng ito na tinalakay pa lamang natin? Isiping mabuti ang tungkol dito. Ang Diyos ay may Kanyang sariling layunin sa bawat isang bagay na Kanyang ginagawa. Kahit na hindi nakikita ng mga tao ang gayong layunin, ito ay palaging lubos na may kaugnayan sa kakayahang mabuhay ng sangkatauhan. Hindi maihihiwalay ang kaugnayan nito dito—ito ay hindi maaaring mawala. Ito ay dahil hindi pa kailanman gumawa ang Diyos ng anumang bagay na walang saysay. Sa bawat isang bagay na Kanyang ginagawa, ang Kanyang plano ay nakapaloob sa mga teorya at mga prinsipyo nito, na nagtataglay ng Kanyang karunungan. Ang layunin at intensyon sa likod ng planong iyon ay ang pag-ingatan ang sangkatauhan, upang tulungan ang sangkatauhan na maiwasan ang sakuna, ang panghihimasok ng anumang nabubuhay na bagay, at anumang uri ng pinsala sa mga tao ng lahat ng bagay. Kaya mula sa mga pagkilos ng Diyos na ating nakita mula sa paksang ito na ating tinatalakay, maaari ba nating sabihin na naglalaan ang Diyos para sa sangkatauhan sa iba pang paraan? Maaari ba nating sabihin na pinakakain at pinapastol ng Diyos ang sangkatauhan sa ganitong paraan? (Oo.) Mayroon bang matibay na kaugnayan sa pagitan ng paksang ito at ang pamagat ng ating pagbabahagi, “Ang Diyos ang Pinagmumulan ng Buhay para sa Lahat ng Bagay”? (Oo.) Mayroong matibay na kaugnayan, at ang paksang ito ay isang aspeto niyon. Bago talakayin ang mga paksang ito, ang mga tao ay mayroon lamang ilang malabong guniguni ukol sa Diyos, sa Diyos Mismo at sa Kanyang mga pagkilos—hindi sila nagkaroon ng tunay na pagkaunawa ukol sa mga bagay na ito. Gayunman, kapag sinasabi sa mga tao ang tungkol sa Kanyang mga pagkilos at sa mga bagay na Kanyang ginawa, maiintindihan at mauunawaan nila ang mga prinsipyo ukol sa kung ano ang ginagawa ng Diyos at makakapagtamo sila ng kaliwanagan dito, tama? Kahit na sa puso ng Diyos, ang Kanyang mga teorya, mga prinsipyo, at mga patakaran ay masyadong kumplikado kapag gumagawa Siya ng anumang bagay, nang nilikha Niya ang lahat ng bagay, at kapag namamahala Siya sa lahat ng bagay, kung ang nag-iisang bagay ay ginamit upang ibahagi sa inyo sa pagbabahagi, hindi ba ninyo maiintindihan sa inyong mga puso na ang mga ito ay mga pagkilos ng Diyos, at ang mga ito ay napakatibay? (Oo.) Kung gayon paanong naiiba sa nakaraan ang inyong kasalukuyang pagkaunawa sa Diyos? Ito ay naiiba sa diwa nito. Ang inyong naintindihan noong nakaraan ay masyadong hungkag, masyadong malabo, at ang inyong naiintindihan ngayon ay nagtataglay ng napakaraming kongkretong katunayan na makapanghahawak sa mga pagkilos ng Diyos, upang ikumpara sa kung anong mayroon at kung ano ang Diyos. Kaya, ang lahat ng Aking sinabi ay napakalaking tulong sa inyong pagkaunawa sa Diyos.

 

Iyan lamang lahat para sa ating pagtitipon sa araw na ito. Paalam! Magandang gabi sa inyong lahat! (Paalam, Makapangyarihang Diyos.)

 

Pebrero 9, 2014

Write a comment

Comments: 0