Mga himno ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | "Talikuran ang mga Paniwala sa Relihiyon para Magawang Perpekto ng Diyos"

 

Tagalog Christian Songs | "Talikuran ang mga Paniwala sa Relihiyon para Magawang Perpekto ng Diyos"

 

I

 

Kung tinatanggap mo ang paghatol at pagkastigo

 

ng salita ng Diyos, aalisin mo ang pagkarelihiyoso mo,

 

di mo gagamitin ang mga dating pagkaunawa

 

para sukatin ang mga bagong salita ng Diyos,

 

magkakaroon ka ng kinabukasan.

 

Ngunit kung kakapit ka sa mga dating bagay,

 

pahahalagahan ang mga ito,

 

walang paraan para maligtas,

 

hindi ka mapapansin ng Diyos kailanman.

 

Sa gawain at salita ng Diyos, hindi Siya tumutukoy

 

sa mga dating gawi ng kasaysayan at mga bagay-bagay.

 

Kung nais mong magawang perpekto,

 

talikuran mo ang nakaraan.

 

Isantabi rin kung ano ang tama o nagawa ng Diyos.

 

Kahit iyon ay gawain ng Espiritu, isantabi mo ito.

 

'Yan ang ipinagagawa ng Diyos. Lahat ay dapat mapanibago.

 

II

 

Laging bago ang Diyos at kailanma'y di luma.

 

Di Siya kumakapit sa dati Niyang mga salita

 

o sumusunod sa anumang tuntunin.

 

Bilang tao, kumakapit ka sa nakaraang mga bagay,

 

mahigpit na sundin ang mga ito bilang pormula.

 

Ngunit hindi naman pala gumagawa ang Diyos

 

na tulad ng dati, di ba nakakasagabal

 

ang iyong mga salita at kilos?

 

Kung kakapit ka sa nakaraan, di ba kaaway ka ng Diyos?

 

Handa ka bang mawasak ang buhay

 

mo dahil sa mga bagay na ito?

 

Kung nais mong magawang perpekto,

 

talikuran mo ang nakaraan.

 

Isantabi rin kung ano ang tama o nagawa ng Diyos.

 

Kahit iyon ay gawain ng Espiritu, isantabi mo ito.

 

'Yan ang ipinagagawa ng Diyos. Lahat ay dapat mapanibago.

 

III

 

Ang mga dating bagay na ito ay gagawin kang

 

sagabal sa gawain ng Diyos.

 

'Yan ba ang taong gusto mong kahinatnan?

 

Kung ayaw mo talaga 'yan, itigil mo ang ginagawa mo.

 

Pumihit ka, magsimulang muli,

 

hindi maaalala ng Diyos ang dati mong ginawa.

 

Kung nais mong magawang perpekto,

 

talikuran mo ang nakaraan.

 

Isantabi rin kung ano ang tama o nagawa ng Diyos.

 

Kahit iyon ay gawain ng Espiritu, isantabi mo ito.

 

'Yan ang ipinagagawa ng Diyos. Lahat ay dapat mapanibago.

 

mula sa Sumunod sa Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin

 

________________________________________________

 

Rekomendasyon:Tagalog Gospel Songs