Ang Kasal ng Kordero ay Dumating Na

Sinabi ng Panginoong Jesus, "Datapuwa't pagkahating gabi ay may sumigaw, Narito, ang kasintahang lalake! Magsilabas kayo upang salubungin siya" (Mateo 25:6).

"Narito ako'y nakatayo sa pintuan at tumutuktok: kung ang sinoman ay duminig ng aking tinig at magbukas ng pinto, ako'y papasok sa kaniya, at hahapong kasalo niya, at siya'y kasalo ko" (Pahayag 3:20).

Sabi sa Pahayag 19:9, "At sinasabi niya sa akin, Isulat mo, Mapapalad ang mga inanyayahan sa , Ang mga ito'y siyang tunay na mga salita ng Dios."

Ipinakikita ng mga talatang ito na kapag ang Panginoong Jesus ay bumalik sa mga huling araw, bibigkas Siya ng mga salita. Kaya, kapag nakakarinig ng isang tao na nagpapatotoo na ang Panginoon ay dumating na, ang mga nakatuon sa paghahanap at pakikinig sa tinig ng Diyos upang makilala Siya, ay masusundan ang mga yapak ng Kordero at masasalubong ang Panginoon. Ito ay kung paano dumalo ang mga tao sa hapunan ng kasal ng Kordero.

Ngayon ang nagbalik na Panginoong Jesus- Makapangyarihang Diyos, si Cristo ng mga huling araw, ay nagpapahayag ng katotohanan at ginagawa ang Kanyang gawain ng paghatol at pagdadalisay. Ang mga sumusunod sa Diyos ay nakadalo sa piging ng kasal ng Kordero, nasiyahan sa pagtutubig at panustos ng mga salita ng Diyos at nakaranas ng paghatol at pagkastigo ng Diyos at lahat ng uri ng mga pagsubok at pagpipino, upang ang kanilang mga espiritwal na buhay ay unti-unting lumago, ang kanilang mga tiwaling disposisyon ay maging malinis at sa huli ay maaari silang maging karapat-dapat na pumasok sa kaharian ng Diyos.

Paki-click ang link at ito'y makakatulong sa iyo upang masundan ang mga yapak ng Kordero at makadalo sa piging kasama ang Panginoon.

————————————————————————

Lihim nang dumating ang Diyos bago sumapit ang matitinding kalamidad at gumawa ng isang grupo ng mga mananagumpay. Pagkatapos, magpapakita ang Diyos nang hayagan at gagantimpalaan ang mabubuti at parurusahan ang masasama. Nais mo bang salubungin ang Panginoon at maligtas ng Diyos bago sumapit ang matitinding kalamidad? Huwag mag-atubiling kontakin kami ngayon para malaman ang paraan.