Sa loob ng dalawang libong taon, tayong mga mananampalataya sa Panginoon ay nakakaalam na ang Panginoong Jesus ay ang nagkatawang-taong laman ng Diyos, ngunit wala ang tunay na nakakaunawa sa katotohanan ng pagkakatawang-tao. Ang mga Pariseo ay kinalaban at kinondena ang Panginoong Jesus at ipinako Siya sa krus sapagkat hindi nila alam na ang Panginoong Jesus ay ang nagkatawang-taong laman ng Diyos, at sa huli ay natanggap nila ang kaparusahan ng Diyos. Makikita na ito’y lubhang napakahalaga para sa atin na malaman ang katotohanan ng pagkakatawang-tao. Gayon, ano ang pagkakatawang-tao? Si Kristo ng mga huling araw ay pumarito at Kanyang binigkas ang katotohanan upang ibunyag ang misteryong ito.
Sabi ng Makapangyarihang Diyos, "Ang kahulugan ng pagkakatawang-tao ay na ang Diyos ay nagpapakita sa katawang-tao, at Siya’y naparito upang gumawa sa gitna ng mga tao na Kanyang nilikha sa imahe ng isang katawang-tao. Kaya, para magkatawang-tao ang Diyos, Siya ay dapat munang maging katawang-tao, katawan na may karaniwang katauhan; ito, sa pinakamababa, ay dapat maging totoo. Sa katunayan, ang implikasyon ng pagkakatawang-tao ng Diyos ay na ang Diyos ay nabubuhay at gumagawa sa katawang-tao, ang Diyos sa Kanyang tunay na diwa ay nagiging laman, nagiging isang tao."
mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Write a comment