Ang mga Senyales ng Pagdating ng Panginoon ay Naglitawan: Bumalik Na Ba ang Panginoon na May Bagong Pangalan?

Ni Anyuan, Pilipinas

 

Dalawang libong taon ang nakalipas, inihula ng Panginoong Jesus, “Sapagka’t magsisitindig ang bansa laban sa bansa, at ang kaharian laban sa kaharian; at magkakagutom at lilindol sa iba’t ibang dako. Datapuwa’t ang lahat ng mga bagay na ito ay siyang pasimula ng kahirapan” (Mateo 24:7–8). Inihula ng Aklat ng Pahayag, “At nakita ko nang buksan niya ang ikaanim na tatak, at nagkaroon ng malakas na lindol; at ang araw ay umitim na gaya ng isang magaspang na kayong buhok na maitim, at ang buong buwan ay naging gaya ng dugo” (Pahayag 6:12). Ang mga talatang ito ay malinaw na sinabi sa atin ang mga palatandaan ng pagbalik ng Panginoon—lahat ng mga uri ng mga sakuna ay madalas na magaganap, at ang apat na bloodmoon ay lilitaw. Sa katunayan, ang mga blood moon ay lumitaw noong 2011 at 2013, at ang apat na sunod-sunod na mga buwang dugo ay naganap mula Abril 2014 hanggang Setyembre 2015, na may bihirang selestiyal na tanawin—ang araw ay naging itim. Sa nakalipas na mga taon, ang sitwasyon sa maraming mga bansa ay nasa kaguluhan; ang pag-atake ng terorista ay nagaganap paminsan-minsan; mga tagtuyot, mga lindol, mga pagbaha at mga sunog ay nangyayari isa matapos ang isa pa. Nang 2020, ang mga sakuna ay mas higit na lumubha. Ang bagong pulmonya na coronavirus ay kumakalat sa buong mundo, na nagdulot ng pangamba sa mga tao. Ang mga bushfire sa Australia ay sumilab ng mga ilang buwan, pumatay sa daan-daang milyong mga hayop at nagdulot ng malubhang polusyon sa buong mundo; nakikita ng Estados Unidos ang isang malaking pagsiklab ng nakamamatay na trangkaso, na kumakalat sa buong bansa; isang pagbagyo ng niyebe na bihirang makita sa loob ng isang siglo ay tumama sa Newfoundland at Labrador, Canada, na tumatabon sa mga lungsod ng niyebe; Ang Silangang Africa ay dumanas rin ng pinakamatinding salot na balang sa loob ng 25 taon, at sampu-sampung milyong tao ang nahaharap sa krisis sa pagkain; Ang Puerto Rico ay tinamaan ng pinakamalakas na lindol sa loob ng 102 taon; Sa may Maynila sa Pilipinas ay dumanas rin ng isang pagputok ng bulkan na nagdulot ng lindol, at ang malawak na ulap na abo ng bulkan ay kumalat sa buong lungsod; isang magnitude 7.7 na lindol ang tumama sa Caribbean … Ang paglitaw ng apat na buwang dugo at ang madalas na mga sakuna ay tumutupad sa mga hula ng pagbabalik ng Panginoon. Maraming mga mananampalataya ang nakakaramdam na ngayon na nga ang mga huling araw at oras na para bumalik ang Panginoong Jesus.

 

Lumilitaw ang maraming tao na nagpapatotoo na ang Panginoong Jesus ay bumalik na at kumuha Siya ng isang bagong pangalan upang gumawa ng bagong gawain. Ayon sa mga biblikal na talata, “Si Jesucristo ay siya ring kahapon at ngayon, oo at magpakailan man” (Mga Hebreo 13:8), at “At sa kanino mang iba ay walang kaligtasan: sapagka’t walang ibang pangalan sa silong ng langit, na ibinigay sa mga tao, na sukat nating ikaligtas” (Mga Gawa 4:12). maraming mga kapatid ang nag-iisip na ang Panginoong Jesus ay hindi magbabago ng Kanyang pangalan, na Siya lamang ang Tagapagligtas, na tanging sa pangalan lamang ng Panginoong Jesus na tayo maliligtas, at kung tatanggapin natin ang ibang pangalan, ay ipagkakanulo natin ang Panginoong Jesus . Tama ba ang pananaw na ito? Ngayon ating pagbahaginan ang tungkol sa katotohanan ng mga pangalan ng Diyos.

 

Magbabago Ba ang Pangalan ng Diyos?

 

Iniisip natin na ang pangalan ng Diyos ay Jesus at hindi ito magbabago. Ganun nga ba talaga? Hindi ba talaga nagbabago ang pangalan ng Diyos? Tingnan muna natin ang dalawang talatang ito, “Ako, sa makatuwid baga’y Ako, Jehova; at liban sa Akin ay walang tagapagligtas” (Isaias 43:11). “Jehova ang Aking pangalan magpakailan man, at ito ang Aking pinakaalaala sa lahat ng mga lahi” (Exodo 3:15).

 

Mula sa mga talatang ito, makikita natin na ang pangalan ng Diyos ay si Jehova sa Kapanahunan ng Kautusan. Bukod sa Jehova na Diyos, walang Tagapagligtas at ang pangalang Jehova ay tatagal magpakailanman. Ngunit sa kapanahunan ng biyaya, bakit tinanggap ng mga tao ang Panginoong Jesus bilang Tagapagligtas at humawak sa pangalan ng Panginoong Jesus? At sinasabi ng Bibliya, “At sa kanino mang iba ay walang kaligtasan: sapagka’t walang ibang pangalan sa silong ng langit, na ibinigay sa mga tao, na sukat nating ikaligtas” (Mga Gawa 4:12). Kung ang pangalan ng Diyos ay hindi nababago, bakit ganoon na ang pangalan ni Jehova ay naging Jesus? Alin ang tanging pangalan ng Diyos—si Jehova o si Jesus?

 

Sa totoo lang, ang pangalan ng Diyos na magpakailanman ay nangangahulugan na ang Kanyang pangalan ay hindi magbabago sa kasalukuyang kapanahunan Ibig sabihin, hangga’t ang gawain ng Diyos sa kasalukuyang panahon ay hindi pa natatapos, dapat nating panatilihin ang Kanyang pangalan sa panahong iyon, at sa pamamagitan lamang ng paggawa nito makakamit natin ang pagsang-ayon ng Diyos. Kapag ginagawa ng Diyos ang gawain ng isang bagong panahon, dapat nating tanggapin ang Kanyang bagong pangalan, at sa ganitong paraan tayo maaaring makasunod sa mga yapak ng Kordero at makuha ang gawain ng Banal na Espiritu. Halimbawa, sa Kapanahunan ng Kautusan kinuha ng Diyos ang pangalang Jehova at ang mga tao sa panahon na iyon ay pinapanatili ang pangalang Jehova at hindi pinangalagaan ang ibang pangalan. At nang ang Diyos ay naging laman upang gawin ang gawain ng pagtubos sa pangalang Jesus, natapos ang gawain ng Kapanahunan ng Kautusan. Kung pinanatili ng mga tao ang pangalang Jehova at hindi tinanggap ang pangalang Jesus, aabandonahin sila at aalisin ng gawain ng Banal na Espiritu, mahuhulog sa kadiliman. Ang mga yaong tumanggap lamang sa pangalang Jesus, tulad nina Pedro, Juan at iba pang mga alagad, ang nakatanggap ng gawain ng Banal na Espiritu at ng kaligtasan ng Panginoon. Ito ay nagpapaunawa sa atin na ang pangalan ng Diyos ay hindi permanente at nagpapalit ito kasabay ng gawain ng Diyos sa bagong kapanahunan. Gayunpaman, paano man magbago ang pangalan ng Diyos, ang Diyos ay ang iisang Diyos pa rin, at dahil lamang dito na tinawag ang Diyos ng iba-iba. Sinasabi ng Bibliya, “Si Jesucristo ay siya ring kahapon at ngayon, oo at magpakailan man” (Mga Hebreo 13:8). Anong kahulugan ng talatang ito? Sa katunayan, nangangahulugan ito na ang diwa at disposisyon ng Diyos ay hindi nagbabago, at hindi nangangahulugan na ang pangalan ng Diyos ay di-napapalitan. Mayroong sipi ng mga salita na makakapag-paliwanag ng malinaw dito, “Mayroong mga nagsasabi na ang Diyos ay di-mababago. Tama iyon, nguni’t ito ay tumutukoy sa di-nababagong diwa at disposisyon ng Diyos. Ang mga pagbabago sa Kanyang pangalan at gawain ay hindi nagpapatunay na ang Kanyang diwa ay nagbago; sa madaling sabi, ang Diyos ay mananatiling Diyos, at hindi ito kailanman magbabago. Kung sinasabi mo na hindi nagbabago ang gawain ng Diyos, matatapos ba Niya ang Kanyang anim na libong taong plano ng pamamahala? Ang alam mo lamang ay hindi magpakailanman nagbabago ang Diyos, nguni’t alam mo ba na ang Diyos ay palaging bago at hindi kailanman luma? Kung hindi kailanman nagbago ang gawain ng Diyos, kung gayon madadala ba Niya ang sangkatauhan sa kasalukuyan? Kung hindi nagbabago ang Diyos, bakit Niya naisagawa ang gawain sa dalawang kapanahunan? … Ang mga salitang ‘Ang Diyos ay palaging bago at kailanman ay hindi luma’ ay tumutukoy sa Kanyang gawain, at ang mga salitang ‘Ang Diyos ay hindi magbabago’ ay tungkol sa likas na kung ano ang mayroon at kung ano ang Diyos. Gayunpaman, hindi mo maaaring maipaliwanag ang anim na libong taong gawain sa isang punto, o mailarawan ito sa pamamagitan ng mga di-nagbabagong mga salita lamang. Gayon ay ang kahangalan ng tao. Ang Diyos ay hindi payak katulad ng ipinapalagay ng mga tao, at ang Kanyang gawain ay hindi magtatapos sa isang kapanahunan lamang. Si Jehova, halimbawa, ay hindi laging kakatawan sa pangalan ng Diyos; isinasagawa rin ng Diyos ang Kanyang gawain sa ilalim ng pangalan na Jesus. Isang tanda ito na ang gawain ng Diyos ay laging patuloy ang pag-unlad nang pasulong” (“Ang Pangitain ng Gawain ng Diyos (3)”). Mula rito, makikita natin na ang diwa at disposisyon ng Diyos ay hindi mababago ngunit ang pangalan ng Diyos ay mababago. Ibig sabihin, ang Diyos ay nagsasagawa ng iba’t ibang gawain at pinagtibay ang iba’t ibang mga pangalan sa iba’t ibang kapanahunan, ngunit hindi alintana kung ang Kanyang pangalan ay Jehova o Jesus, ang Kanyang diwa ay hindi nagbabago. Ito ay palaging ang parehong Diyos na gumagawa. Kung ang Panginoon ay kumuha ng isang bagong pangalan sa pagbalik Niya, dapat nating tanggapin ang Kanyang bagong pangalan, at hindi ito nangangahulugang ipinagkanulo natin ang Panginoong Jesus, ngunit nangangahulugang sinusunod natin ang mga yapak ng Kordero. Kunin ang mga Pariseo sa Hudaismo bilang halimbawa. Hindi nila alam na ang pangalan ng Diyos ay magbabago sa kapanahunan, kaya naisip nila na ang Mesiyas lamang ang kanilang Diyos at kanilang Tagapagligtas. Bilang resulta, nang nagbago ang Diyos ng Kanyang pangalan upang gawin ang gawain ng pagtubos sa pangalang Jesus, kanilang lantad na hinatulan at nilabanan ang Panginoong Jesus, at sa huli ay ipinako Siya sa krus, gumawa ng isang napakalaking kasalanan at pinarusahan ng Diyos. Dapat nating kunin ang halimbawa ng mga Pariseo bilang isang babala. Hindi natin dapat, alinsunod sa ating sariling mga pag-iisip at imahinasyon, magpasiya na ang pangalan ng Diyos ay hindi magbabago, ni huwag nating sabihin na ang pangalan ng Diyos sa mga huling araw ay magiging Jesus pa rin; kung hindi man ating nililimitahan ang Diyos.

 

 Ang Kahalagahan ng Pagkuha ng Diyos ng Ibat-ibang mga Pangalan sa Iba’t ibang Kapanahunan

 

Kaya bakit kumukuha ang Diyos ng iba’t ibang mga pangalan sa iba’t ibang kapanahunan? Ano ang kahalagahan ng pagkuha ng Diyos ng iba’t ibang mga pangalan? Basahin natin ang talatang ito, “‘Jehova’ ang pangalan na Aking ginamit sa kapanahunan ng Aking gawain sa Israel, at ito ay nangangahulugang ang Diyos ng mga Israelita (ang hinirang na bayan ng Diyos) na maaaring maawa sa tao, sumpain ang tao, at gumabay sa buhay ng tao. Nangangahulugan ito na ang Diyos na may angking dakilang kapangyarihan at puspos ng karunungan. Ang ‘Jesus’ ay Emmanuel, at ito’y nangangahulugang ang handog para sa kasalanan na puspos ng pagmamahal, puspos ng habag, at tumutubos sa tao. Ginawa Niya ang gawain ng Kapanahunan ng Biyaya, at kinakatawan ang Kapanahunan ng Biyaya, at maaari lamang katawanin ang isang bahagi ng plano ng pamamahala. Na ang ibig sabihin, tanging si Jehova ang Diyos ng hinirang na bayan ng Israel, ang Diyos ni Abraham, ang Diyos ni Isaac, ang Diyos ni Jacob, ang Diyos ni Moises, at ang Diyos ng lahat ng tao ng Israel. At sa gayon sa kasalukuyang kapanahunan, lahat ng Israelita maliban sa tribo ni Juda ay sumasamba kay Jehova. Nag-aalay sila sa Kanya ng mga hain sa altar, at naglilingkod sa Kanya na suot ang mga mahahabang damit ng mga pari sa templo. Ang inaasahan nila ay ang pagpapakitang muli ni Jehova. Tanging si Jesus ang Manunubos ng sangkatauhan. Siya ang handog para sa kasalanan na tumubos sa sangkatauhan mula sa kasalanan. Na ang ibig sabihin, ang pangalan ni Jesus ay nanggaling sa Kapanahunan ng Biyaya, at umiral dahil sa gawain ng pagtubos sa Kapanahunan ng Biyaya. Ang pangalan ni Jesus ay umiral upang hayaan ang mga tao sa Kapanahunan ng Biyaya na muling maisilang at maligtas, at isang tanging pangalan para sa pagtubos ng buong sangkatauhan. At sa gayon ang pangalan ni Jesus ay kumakatawan sa gawain ng pagtubos, at tumutukoy sa Kapanahunan ng Biyaya. Ang pangalang Jehova ay isang tanging pangalan para sa mga tao sa Israel na namuhay sa ilalim ng kautusan. Sa bawa’t kapanahunan at bawa’t yugto ng gawain, ang Aking pangalan ay hindi walang-basehan, subali’t may taglay na kumakatawang kabuluhan: Bawa’t pangalan ay kumakatawan sa isang kapanahunan. Ang ‘Jehova’ ay kumakatawan sa Kapanahunan ng Kautusan, at ito ay pamimitagan para sa Diyos na sinasamba ng bayan ng Israel. Ang ‘Jesus’ ang kumakatawan sa Kapanahunan ng Biyaya, at ito ang pangalan ng Diyos ng lahat niyaong natubos noong Kapanahunan ng Biyaya. Kung pinananabikan pa rin ng tao ang pagdating ni Jesus na Tagapagligtas sa panahon ng mga huling araw, at umaasa pa rin na Siya ay darating sa larawan na Kanyang tinaglay sa Judea, samakatwid ang buong anim-na-libong-taong plano ng pamamahala ay titigil sa Kapanahunan ng Pagtubos, at hindi na makakayang sumulong pa. Ang mga huling araw, bukod diyan, kailanman ay hindi na darating, at ang kapanahunan ay hindi na matatapos kailanman. Iyon ay dahil si Jesus na Tagapagligtas ay para lamang sa pagtubos at pagliligtas sa sangkatauhan. Ginamit Ko ang pangalang Jesus para sa kapakanan ng lahat ng makasalanan sa Kapanahunan ng Biyaya, at hindi ito ang pangalan na kung saan sa pamamagitan nito ay Aking dadalhin ang buong sangkatauhan sa katapusan” (“Ang Tagapagligtas ay Nakabalik na sa Ibabaw ng ‘Puting Ulap’”). Ang talatang ito ay nagsasabi sa atin ng kahulugan ng pagkuha ng Diyos ng iba’t-ibang pangalan sa bawat kapanahunan. Ang pangalan ng Diyos sa Kapanahunan ng Kautusan ay si Jehova, na kumakatawan sa gawain na ginawa ng Diyos sa Panahon ng Kautusan, at kumakatawan din sa disposisyon na ipinahayag Niya sa tao sa panahong iyon, na kadakilaan, galit, sumpa at awa. Inihayag ng Diyos na Jehova ang batas at mga utos, na nagpapahintulot sa mga tao na malaman kung ano ang kasalanan, kung paano mamuhay at sumamba sa Diyos sa mundo. Ang mga yaong sumusunod sa batas at mga kautusan ay maaaring pagpalain ng Diyos, samantalang ang mga lumabag sa batas ay susumpain at parurusahan ng Diyos. Samakatuwid, ang mga Israelita sa ilalim ng kautusan ay mahigpit na sumunod sa kautusan, iginagalang ang pangalang Jehova bilang banal, at nabuhay sa ilalim ng pamumuno ni Jehova na Diyos sa libu-libong taon. Sa pagtatapos ng Kapanahunan ng Kautusan, ang sangkatauhan ay nasa panganib na mapapatay ng batas dahil sa paglala ng kanilang katiwalian, hindi pagtupad sa batas at mga utos, at wala ng mga sakripisyo na ihahandog sa Diyos. Kaya, upang mailigtas ang sangkatauhan, sinimulan ng Diyos ang Kapanahunan ng Biyaya, kinuha ang pangalang Jesus, at ginawa ang gawain ng pagtubos. Sa madaling salita, ang pangalang Jesus ay kumakatawan sa gawaing ginawa ng Diyos sa Panahon ng Biyaya, at kinakatawan din nito ang Kanyang maawain at mapagmahal na disposisyon na ipinahayag ng Diyos sa Panahon ng Biyaya. Ipinakita ng Panginoong Hesus ang sukdulang pag-ibig at pakikiramay, naibigay sa tao ang paraan ng pagsisisi at sa huli ay ipinako sa krus upang tubusin ang sangkatauhan upang hindi na sila mahatulan ng batas at magkaroon ng pagkakataong lumapit sa harapan ng Diyos upang manalangin at tamasahin ang Kanyang biyaya at pagpapala. Makikita na ang Diyos ay may isang nakapirming pangalan sa bawat kapanahunan, ngunit walang anumang pangalan na maaaring ganap na kumakatawan sa Kanya. Samakatuwid, sa bawat yugto ng bagong gawain, kukuha ang Diyos ng isang partikular na pangalan, isa na nagtataglay ng pansumandaling kahalagahan, upang kumatawan sa Kanyang gawain at disposisyon sa panahong iyon. Bukod dito, makikita na ang Diyos ay palaging bago at hindi naluluma, at kapag ginagawa ng Diyos ang gawain ng bagong kapanahunan, hindi na Niya ginagamit ang dating pangalan. Kung tatanggapin lamang natin ang pangalan ng Diyos ng bagong kapanahunan ay makakamit natin ang gawain ng Banal na Espiritu at makukuha ang pagsang-ayon ng Diyos.

 

 Pagsalubong sa Pagbabalik ng Panginoon sa Pamamagitan ng Pagtanggap sa Kanyang Bagong Pangalan sa mga Huling Araw

 

Gayon, babaguhin ba ng Diyos ang Kanyang pangalan kapag Siya ay bumalik? Sa katunayan, ilang mga talata na sa Bibliya ang nagsabi sa atin na kapag bumalik ang Panginoon Siya ay magkakaroon ng isang bagong pangalan, tulad ng “Ang magtagumpay, ay gagawin kong haligi sa templo ng aking Dios, at hindi na siya’y lalabas pa doon: at isusulat ko sa kaniya ang pangalan ng aking Dios, at ang pangalan ng bayan ng aking Dios, ang bagong Jerusalem, na mananaog buhat sa langit mula sa aking Dios, at ang aking sariling bagong pangalan” (Pahayag 3:12), “Ako ang Alpha at ang Omega, sabi ng Panginoong Dios, ngayon at nang nakaraan at sa darating, ang Makapangyarihan sa lahat” (Pahayag 1:8), “At narinig ko ang gaya ng isang tinig ng isang makapal na karamihan, at gaya ng lagaslas ng maraming tubig, at gaya ng ugong ng malalakas na kulog na nagsasabi, Aleluya: sapagka’t naghahari ang Panginoong ating Dios na Makapangyarihan sa lahat” (Pahayag 19:6), “At ang dalawangpu’t apat na matatanda na nakaupo sa kanikaniyang luklukan sa harapan ng Dios ay nangagpatirapa, at nangagsisamba sa Dios, Na nangagsasabi, Pinasasalamatan ka namin, Oh Panginoong Dios, na Makapangyarihan sa lahat, na ikaw ngayon, at naging ikaw nang nakaraan; sapagka’t hinawakan mo ang iyong dakilang kapangyarihan, at ikaw ay naghari” (Pahayag 11:16–17). Mula sa mga talatang ito makikita natin na magkakaroon ng bagong pangalan ang Diyos. Kaya, makatitiyak tayo na kapag ang Panginoon ay bumalik ay hindi Siya tatawagin na si Jesus. Bukod dito, makikita natin ang maraming mga talata na nagsasabing ang pangalan ng Diyos ay ang “Makapangyarihang Diyos.” Bukod sa mga talatang ito, binanggit din ng iba pang mga talata ang Makapangyarihang tulad ng sa Pahayag 15: 3, Pahayag 16: 7, Pahayag 16:14, Pahayag 21:22, at iba pa. Ayon sa mga hula na ito, kapag ang Panginoon ay bumalik upang gumawa ng bagong gawain, ang Kanyang pangalan ay mababago na sa Makapangyarihan. At sisimulan ng Diyos ang isang bagong kapanahunan at tatapusin ang gawain ng Kapanahunan ng Biyaya sa ilalim ng pangalang Makapangyarihan, upang malaman ng mga tao ang buong disposisyon ng Diyos at parangalan ang pangalan ng Makapangyarihan sa lahat bilang dakila. Kung tatanggapin natin ang bagong pangalan ng Diyos sa mga huling araw, natanggap na natin ang pagbabalik ng Panginoong Jesus.

 

Ngayon ang mga tao ng Kidlat ng Silanganan ay nagpapatotoo na ang Panginoong Jesus ay bumalik at ang Kanyang pangalan ay Makapangyarihang Diyos, na tumutupad sa mga hula sa Pahayag. At pinatototohanan din nila na ang Makapangyarihang Diyos ay nagpahayag ng maraming katotohanan at ginagawa ang gawain ng paghatol at paglilinis ng tao, at uuriin Niya ang bawat tao alinsunod sa kanilang uri at ihihiwalay ang mga pansirang-damo mula sa trigo. Ang mga tumatanggap ng paghatol ng mga salita ng Diyos at malilinis ay maaaring magawang mga mananagumpay bago ang sakuna at makapapasok sa kaharian ng Diyos, habang ang mga tumatanggi na tanggapin ang paghatol ng mga salita ng Diyos ay mahuhulog sa sakuna. Ang paghatol ng Makapangyarihang Diyos sa pamamagitan ng salita ay tumutupad sa mga hula na ito sa Bibliya, “Mayroon pa akong maraming bagay na sa inyo ay sasabihin, nguni’t ngayon ay hindi ninyo mangatitiis. Gayon ma’y kung siya, ang Espiritu ng katotohanan ay dumating, ay papatnubayan niya kayo sa buong katotohanan: sapagka’t hindi siya magsasalita ng mula sa kaniyang sarili; kundi ang anomang bagay na kaniyang marinig, ang mga ito ang kaniyang sasalitain: at kaniyang ipahahayag sa inyo ang mga bagay na magsisidating” (Juan 16:12–13). “Sapagka’t dumating na ang panahon ng pasimula ng paghuhukom sa bahay ng Dios” (1 Pedro 4:17). “Ang nagtatakuwil sa akin, at hindi tumatanggap sa aking mga pananalita, ay mayroong isang hahatol sa kaniya: ang salitang aking sinalita, ay siyang sa kaniya’y hahatol sa huling araw” (Juan 12:48). “At sa panahon ng pagaani ay sasabihin ko sa mga mangaani, Tipunin muna ninyo ang mga pangsirang damo, at inyong pagbibigkisin upang sunugin; datapuwa’t tipunin ninyo ang trigo sa aking bangan” (Mateo 13:30). Ayon sa mga biblikal na mga propesiyang ito, Ang Makapangyarihang Diyos ay may malaking posibilidad na ang nagbalik na Panginoong Jesus. Patungkol sa pagsalubong sa pagbabalik ng Panginoon, dapat tayong mapagpakumbabang magsaliksik at magsiyasat. Tanging sa ganitong paraan lamang hindi natin mapapalampas ang pagkakataon upang masalubong ang Panginoon.