Ang gawain ng Diyos sa huling paghuhukom ay ... ang dakilang puting trono.

Mga Talata ng Biblia para Sanggunian:

 

“At kung ang sinomang tao’y nakikinig sa aking mga pananalita, at hindi ingatan, ay hindi ko siya hinahatulan: sapagka’t hindi ako naparito upang humatol sa sanglibutan, kundi upang iligtas ang sanglibutan. Ang nagtatakuwil sa akin, at hindi tumatanggap sa aking mga pananalita, ay mayroong isang hahatol sa kaniya: ang salitang aking sinalita, ay siyang sa kaniya’y hahatol sa huling araw” (Juan 12:47–48).

 

“Mayroon pa akong maraming bagay na sa inyo ay sasabihin, nguni’t ngayon ay hindi ninyo mangatitiis. Gayon ma’y kung siya, ang Espiritu ng katotohanan ay dumating, ay papatnubayan niya kayo sa buong katotohanan: sapagka’t hindi siya magsasalita ng mula sa kaniyang sarili; kundi ang anomang bagay na kaniyang marinig, ang mga ito ang kaniyang sasalitain: at kaniyang ipahahayag sa inyo ang mga bagay na magsisidating” (Juan 16:12–13).

 

“Pakabanalin mo sila sa katotohanan: ang salita mo’y katotohanan. Kung paanong ako’y iyong sinugo sa sanglibutan, sila’y gayon ding sinusugo ko sa sanglibutan. At dahil sa kanila’y pinabanal ko ang aking sarili, upang sila naman ay mangagpakabanal sa katotohanan” (Juan 17:17–19).

 

Nauugnay na mga Salita ng Diyos:

 

Nang ang Diyos ay nagkatawang-tao sa panahong ito, ang Kanyang gawain ay upang ipahayag ang Kanyang disposisyon, una sa lahat sa pamamagitan ng pagkastigo at paghatol. Gamit ito bilang pundasyon, naghahatid Siya ng iba pang katotohanan sa tao, nagpapakita ng iba pang mga paraan ng pagsasagawa, at sa gayon ay nakakamit ang Kanyang layunin na lupigin ang tao at iligtas mula sa kanyang tiwaling disposisyon. Ito ang nasa likod ng gawain ng Diyos sa Kapanahunan ng Kaharian.

 

Hinango mula sa Paunang Salita sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

 

Sa mga huling araw, si Cristo ay gumagamit ng sari-saring katotohanan upang turuan ang tao, ibunyag ang diwa ng tao, at suriin ang kanyang mga salita at gawa. Ang mga salitang ito ay binubuo ng iba’t ibang katotohanan, gaya ng tungkulin ng tao, paano dapat sundin ng tao ang Diyos, paano dapat maging tapat ang tao sa Diyos, paano dapat isabuhay ang normal na pagkatao, gayundin ang karunungan at disposisyon ng Diyos, at iba pa. Ang mga salitang ito ay nakatuon lahat sa diwa ng tao at sa kanyang tiwaling disposisyon. Partikular na, yaong mga salitang naglalantad kung paano tinatanggihan ng tao ang Diyos ay sinasabi patungkol sa kung paano kinakatawan ng tao si Satanas at naging puwersa ng kaaway laban sa Diyos. Sa pagsasakatuparan ng Kanyang gawain ng paghatol, hindi lamang basta nililinaw ng Diyos ang likas na pagkatao ng tao sa iilang salita lamang; inilalantad, pinakikitunguhan, at tinatabas nang pangmatagalan. Ang ganitong mga pamamaraan ng paglalantad, pakikitungo, at pagpupungos ay hindi maaaring mahalinhan ng mga ordinaryong salita, kundi ng katotohanang hindi man lang taglay ng tao. Ang ganitong klaseng mga pamamaraan lamang ang itinuturing na paghatol; sa pamamagitan lamang ng ganitong uri ng paghatol masusupil ang tao at makukumbinsi nang husto na magpasakop sa Diyos, at bukod pa riyan ay makamtam ang tunay na pagkakilala sa Diyos. Ang idinudulot ng gawain ng paghatol ay ang pagkaunawa ng tao sa tunay na mukha ng Diyos at sa katotohanan tungkol sa kanyang sariling pagkasuwail. Ang gawain ng paghatol ay nagbibigay-daan sa tao na magtamo ng malawak na pagkaunawa sa kalooban ng Diyos, sa layunin ng gawain ng Diyos, at sa mga hiwagang hindi niya maunawaan. Tinutulutan din nito ang tao na makilala at malaman ang kanyang tiwaling diwa at ang mga ugat ng kanyang katiwalian, gayundin para matuklasan ang kapangitan ng tao. Ang mga epektong ito ay bunga lahat ng gawain ng paghatol, sapagkat ang diwa ng gawaing ito ay ang mismong gawain ng pagbubukas ng katotohanan, ng daan, at ng buhay ng Diyos sa lahat ng may pananampalataya sa Kanya. Ang gawaing ito ay ang gawain ng paghatol na ginagawa ng Diyos.

 

Hinango mula sa “Ginagawa ni Cristo ang Gawain ng Paghatol sa Pamamagitan ng Katotohanan” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

 

Ang gawaing ginagawa ng Diyos sa kapanahunang ito ay higit sa lahat ang paglalaan ng mga salita para sa buhay ng tao; ang paglalantad ng tiwaling disposisyon ng tao at ng diwa ng kalikasan ng tao; at ang pag-aalis ng mga relihiyosong kuro-kuro, piyudal na pag-iisip, hindi napapanahong pag-iisip, at ang kaalaman at kultura ng tao. Dapat malinis ang lahat ng mga bagay na ito sa pamamagitan ng paglalantad ng mga salita ng Diyos. Sa mga huling araw, gumagamit ang Diyos ng mga salita, hindi mga tanda at mga kababalaghan, upang gawing perpekto ang tao. Ginagamit Niya ang mga salita Niya upang ilantad ang tao, upang hatulan ang tao, upang kastiguhin ang tao, at upang gawing perpekto ang tao, upang sa mga salita ng Diyos, makikita ng tao ang karunungan at kagandahan ng Diyos, at mauunawaan ang disposisyon ng Diyos, at upang sa pamamagitan ng mga salita ng Diyos, mapagmamasdan ng tao ang mga gawa ng Diyos.

 

Hinango mula sa “Pagbabatid sa Gawain ng Diyos Ngayon” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

 

Sa pamamagitan ng ano isinasakatuparan ang pagperpekto ng Diyos sa tao? Isinasakatuparan ito sa pamamagitan ng Kanyang matuwid na disposisyon. Ang disposisyon ng Diyos higit sa lahat ay binubuo ng katuwiran, poot, kamahalan, paghatol, at sumpa, at ang Kanyang pagperpekto sa tao higit sa lahat ay sa pamamagitan ng paghatol. Hindi ito nauunawaan ng ilang tao, at itinatanong nila kung bakit nagagawa lamang perpekto ng Diyos ang tao sa pamamagitan ng paghatol at sumpa. Sinasabi nila, “Kung isusumpa ng Diyos ang tao, hindi ba mamamatay ang tao? Kung hahatulan ng Diyos ang tao, hindi ba parurusahan ang tao? Kung gayon paano pa siya magagawang perpekto?” Gayon ang mga salita ng mga taong hindi nakakaalam sa gawain ng Diyos. Ang isinusumpa ng Diyos ay ang pagsuway ng tao, at ang Kanyang hinahatulan ay ang mga kasalanan ng tao. Bagama’t mabagsik Siyang magsalita at wala ni katiting na pagkasensitibo, ibinubunyag Niya ang lahat ng nasa kalooban ng tao, ibinubunyag sa pamamagitan ng istriktong mga salitang ito kung ano yaong mahalaga sa kalooban ng tao, ngunit sa pamamagitan ng gayong paghatol, binibigyan Niya ang tao ng isang malalim na kaalaman tungkol sa diwa ng laman, at sa gayon ay nagpapasakop ang tao sa pagsunod sa harap ng Diyos. Ang laman ng tao ay makasalanan at kay Satanas, ito ay suwail, at siyang pakay ng pagkastigo ng Diyos. Sa gayon, upang tulutang makilala ng tao ang sarili niya, kailangan niyang sapitin ang mga salita ng paghatol ng Diyos at kailangang gamitan ito ng bawat uri ng pagpipino; sa gayon lamang magiging epektibo ang gawain ng Diyos.

 

Hinango mula sa “Sa Pagdanas Lamang ng Masasakit na Pagsubok Mo Malalaman ang Pagiging Kaibig-ibig ng Diyos” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

 

Hinahatulan man ng Diyos ang tao o isinusumpa siya, parehong ginagawa nitong perpekto ang tao: Parehong ginagawa ito upang gawing perpekto yaong hindi dalisay sa kalooban ng tao. Sa pamamagitan ng kaparaanang ito ang tao ay pinipino, at yaong kulang sa kalooban ng tao ay ginagawang perpekto sa pamamagitan ng Kanyang mga salita at gawain. Bawat hakbang ng gawain ng Diyos—masasakit na salita man ito, o paghatol, o pagkastigo—ay ginagawang perpekto ang tao, at talagang angkop. Hindi kailanman nakagawa ng gawain ang Diyos sa lumipas na mga kapanahunan na kagaya nito; sa ngayon, gumagawa Siya sa inyong kalooban kaya napahalagahan ninyo ang Kanyang karunungan. Bagama’t nagtiis na kayo ng kaunting pagdurusa sa inyong kalooban, matatag at payapa ang inyong puso; inyong biyaya ang matamasa ang yugtong ito ng gawain ng Diyos. Anuman ang magagawa ninyong makamit sa hinaharap, lahat ng inyong nakikita sa gawain ng Diyos sa inyo sa ngayon ay pag-ibig. Kung hindi nararanasan ng tao ang paghatol at pagpipino ng Diyos, ang kanyang mga kilos at sigla ay laging mananatiling paimbabaw, at ang kanyang disposisyon ay laging mananatiling hindi nagbabago. Maibibilang ba ito na nakamit ka na ng Diyos? Sa ngayon, bagama’t matindi pa rin ang kayabangan at kapalaluan sa kalooban ng tao, mas matatag na ang disposisyon ng tao kaysa rati. Pinakikitunguhan ka ng Diyos upang iligtas ka, at bagama’t maaari kang makadama ng kaunting pasakit sa panahong iyon, darating ang araw na magkakaroon ng pagbabago sa iyong disposisyon. Sa oras na iyon, aalalahanin mo ang nakalipas at makikita mo kung gaano karunong ang gawain ng Diyos, at sa oras na iyon ay magagawa mong tunay na maunawaan ang kalooban ng Diyos.

 

Hinango mula sa “Sa Pagdanas Lamang ng Masasakit na Pagsubok Mo Malalaman ang Pagiging Kaibig-ibig ng Diyos” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

 

Anong panloob na kalagayan ng mga tao ang tinututukan ng mga pagsubok na ito? Ang mga ito ay nakatutok sa disposisyong mapanghimagsik sa mga tao na walang kakayahang magbigay-kasiyahan sa Diyos. Mayroong napakaraming hindi malinis sa kalooban ng tao, at napakaraming mapagkunwari, at kaya isinasailalim sila ng Diyos sa mga pagsubok upang sila’y dalisayin. …

 

Kung hindi mo alam ang disposisyon ng Diyos, kung gayon ikaw ay tiyak na mahuhulog sa panahon ng mga pagsubok, dahil hindi mo alam kung paano ginagawang perpekto ng Diyos ang mga tao; at sa anong paraan Niya ginagawang perpekto ang mga ito, at kapag dumating ang mga pagsubok ng Diyos sa iyo at hindi sila tumutugma sa iyong mga paniniwala, hindi mo magagawang manindigan. Ang totoong pagmamahal ng Diyos ay ang Kanyang buong disposisyon, at kapag ang buong disposisyon ng Diyos ay ipinakita sa mga tao, ano ang dala nito sa iyong laman? Kapag ang matuwid na disposisyon ng Diyos ay ipinakita sa mga tao, ang kanilang laman ay tiyak na daranas ng matinding pananakit. Kung hindi mo pagdurusahan ang sakit na ito, sa gayon hindi ka maaaring gawing perpekto ng Diyos, at hindi ka rin maaaring mag-ukol ng totoong pagmamahal sa Diyos. Kung ikaw ay ginagawang perpekto ng Diyos, tiyak na ipakikita Niya sa iyo ang Kanyang buong disposisyon. Mula sa panahon ng paglikha hanggang ngayon, hindi pa kailanman ipinakita ng Diyos ang Kanyang buong disposisyon sa tao—ngunit sa mga huling araw Kanyang ibinubunyag ito sa grupong ito ng mga tao na Kanyang itinalaga at pinili, at sa pagpeperpekto sa mga tao Kanyang inilalantad ang Kanyang mga disposisyon, kung saan sa pamamagitan nito ay Kanyang ginagawang ganap ang isang grupo ng mga tao. Ganyan ang tunay na pag-ibig ng Diyos sa mga tao. Ang pagdanas ng tunay na pag-ibig ng Diyos para sa kanila ay nangangailangan sa mga tao na magtiis ng matinding sakit, at magbayad ng isang malaking halaga. Pagkatapos lamang nito na sila ay makakamit ng Diyos at magagawang magsukli ng kanilang tunay na pag-ibig sa Diyos, at doon lamang masisiyahan ang puso ng Diyos. Kung nais ng mga tao na gawin silang perpekto ng Diyos, at kung nais nilang gawin ang Kanyang kalooban, at ganap na ipagkaloob ang kanilang tunay na pag-ibig sa Diyos, dapat nilang maranasan kung gayon ang lalong higit na pagdurusa at maraming pasakit mula sa mga pagkakataon, at magdusa ng sakit na masahol pa kaysa kamatayan, sa huli mapipilitan silang ibigay ang kanilang totoong puso pabalik sa Diyos. Kung mayroon mang tunay na nagmamahal sa Diyos o wala ay nabubunyag sa panahon ng paghihirap at pagpipino. Dinadalisay ng Diyos ang pag-ibig ng mga tao, at ito rin ay nakakamit lamang sa gitna ng paghihirap at pagpipino.

 

Hinango mula sa “Ang Pagmamahal Lamang sa Diyos ang Tunay na Pananampalataya sa Diyos” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

 

Maraming paraan ang Diyos para maperpekto ang tao. Ginagamit Niya ang lahat ng uri ng sitwasyon para pakitunguhan ang tiwaling disposisyon ng tao, at gumagamit ng iba’t ibang bagay upang ilantad ang tao; sa isang bagay, pinakikitunguhan Niya ang tao, sa isa pa ay inilalantad Niya ang tao, at sa isa pa ay ibinubunyag Niya ang tao, hinuhukay at ibinubunyag ang “mga hiwaga” sa kaibuturan ng puso ng tao, at ipinakikita sa tao ang kanyang kalikasan sa pamamagitan ng paghahayag sa marami sa kanyang mga kalagayan. Pineperpekto ng Diyos ang tao sa pamamagitan ng maraming pamamaraan—sa pamamagitan ng paghahayag, pakikitungo, pagpipino, at pagkastigo sa tao—para malaman ng tao na ang Diyos ay praktikal.

 

Hinango mula sa “Yaon Lamang mga Nakatuon sa Pagsasagawa ang Mapeperpekto” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

 

Ang bawat isa sa mga salita ng Diyos ay tumatama sa isa sa ating mga mortal na bahagi, na iniiwan tayong malungkot at puno ng takot. Inilalantad Niya ang ating mga pagkaunawa, ang ating mga naguguni-guni, at ang ating tiwaling disposisyon. Mula sa lahat ng ating sinasabi at ginagawa, hanggang sa lahat ng ating mga saloobin at mga kaisipan, ang ating kalikasan at diwa ay ibinubunyag sa Kanyang mga salita, iniiwan tayong nanginginig sa takot at walang mapagtaguan ng ating kahihiyan. Isa-isa, sinasabi Niya sa atin ang tungkol sa lahat ng ating mga pagkilos, ating mga layunin at mga hangarin, maging ang ating tiwaling disposisyon na hindi pa natin natutuklasan, nararamdaman natin na tila lubusan tayong nailantad sa lahat ng ating kahabag-habag na pagka-hindi perpekto, at lalong higit pa, na talagang nahikayat tayo. Tayo ay Kanyang hinahatulan sa ating pagsalungat sa Kanya, kinakastigo dahil sa ating paglapastangan at pagkundena sa Kanya, at ipinararamdam sa atin na, sa Kanyang mga mata, tayo ay wala kahit isang katangiang katubus-tubos, na tayo ang nabubuhay na Satanas. Ang ating mga pag-asa ay nawawasak, hindi na tayo naglalakas-loob na humingi ng anumang hindi-makatuwiran o nag-iisip na umasa pa sa Kanya, at maging ang ating mga pangarap ay naglalaho sa magdamag. Ito ay isang katunayan na hindi natin maakala at wala sa atin ang makatatanggap. Sa loob ng isang saglit, nawawalan tayo ng panimbang, at hindi alam kung papaano magpatuloy sa daan na hinaharap, o kung papaano magpatuloy sa ating mga paniniwala. Tila ang ating pananampalataya ay nagbalik na sa umpisa, at muli tila hindi pa natin kailanman nakatagpo ang Panginoong Jesus o nakilala Siya. Naguguluhan tayo dahil sa lahat ng nakikita natin, at ating nararamdaman na parang tayo ay natatangay ng alon. Nasisira ang ating loob, tayo ay nabibigo, at sa ating mga puso ay mayroong matigas na galit at kahihiyan. Sinusubukan nating magbulalas, maghanap ng daan palabas, at, higit sa lahat, ipagpatuloy ang paghihintay sa ating Tagapagligtas na si Jesus, upang maaari nating ibuhos ang ating mga damdamin sa Kanya. Bagaman may mga pagkakataong tila kalmado lamang tayo sa labas, hindi mapagmayabang o mapagpakumbaba, sa ating mga puso tayo ay tinatablan ng pakiramdam na nawalan na hindi pa natin kailanman naramdaman dati. Bagaman minsan maaaring tila tayo ay di-pangkaraniwang tiwasay sa panlabas, ang mga isipan natin ay nagugulo ng paghihirap gaya ng maalong dagat. Ang Kanyang paghatol at pagkastigo ay nabaklasan tayo ng lahat ng ating mga pag-asa at mga pangarap, nagwawakas sa ating mga maluhong pagnanasa at iniiwan tayong hindi handang maniwala na Siya ang ating Tagapagligtas at may kakayanang tayo ay iligtas. Ang Kanyang paghatol at pagkastigo ay nagbukas na ng napakalalim na agwat sa pagitan natin at Niya kaya’t walang sinuman ang nagnanais man lamang na sumubok at tumawid. Ang Kanyang paghatol at pagkastigo ang unang pagkakataon na tayo ay nakaranas nang ganoon kalaking kabiguan, at ganoon kalaking kahihiyan sa ating mga buhay. Ang Kanyang paghatol at pagkastigo ay nagsanhi sa atin na talagang pahalagahan ang karangalan ng Diyos at hindi-pagkunsinti sa pagkakasala ng tao, na kung saan tayo ay masyadong mababa at masyadong marumi kung ihahambing. Ang Kanyang paghatol at pagkastigo ay nagpatanto na sa atin sa unang pagkakataon kung gaano tayo kayabang at kahambog, at kung papaanong kahit kailan ay hindi magiging kapantay ang tao sa Diyos, o kaparis ng Diyos. Dahil sa Kanyang paghatol at pagkastigo tayo ay naghangad na hindi na muling mamuhay sa gayong tiwaling disposisyon, tanggalin sa ating mga sarili ang ganitong kalikasan at diwa sa lalong madaling panahon, at hindi na maging kinamumuhian Niya at nakapandidiri sa Kanya. Ang Kanyang paghatol at pagkastigo ay nagpasaya na sa atin na sumunod sa Kanyang mga salita, at hindi na kailanman naghihimagsik laban sa Kanyang pamamatnugot at pagsasaayos. Ang Kanyang paghatol at pagkastigo ay minsan pang nagbigay na sa atin ng pagnanais na mabuhay pa, at nagpasaya na sa atin na tanggapin Siya bilang ating Tagapagligtas…. Nakalabas na tayo sa gawain ng panlulupig, mula sa impiyerno, mula sa lambak ng kamatayan…. Nakamit na tayo, itong pangkat ng mga tao, ng Makapangyarihang Diyos! Siya ay nagtagumpay na laban kay Satanas, at tinalo ang lahat ng Kanyang mga kaaway!

 

Hinango mula sa “Minamasdan ang Pagpapakita ng Diyos sa Kanyang Paghatol at Pagkastigo” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

 

——————————————————————————————

 

 

Lihim nang dumating ang Diyos bago sumapit ang matitinding kalamidad at gumawa ng isang grupo ng mga mananagumpay. Pagkatapos, magpapakita ang Diyos nang hayagan at gagantimpalaan ang mabubuti at parurusahan ang masasama. Nais mo bang salubungin ang Panginoon at maligtas ng Diyos bago sumapit ang matitinding kalamidad? Huwag mag-atubiling kontakin kami ngayon para malaman ang paraan.