· 

Mga Pagbigkas ng Bumalik na Panginoong Jesus | Tungkol Kay Job I

Buhay na walang hanggan | Tungkol Kay Job I

Pagkatapos matutuhan kung paano nalampasan ni Job ang mga pagsubok, malamang ang karamihan sa inyo ay nais na malaman ang higit pang detalye tungkol kay Job mismo, lalo na patungkol sa lihim kung saan nakamit niya ang papuri ng Diyos. Kaya ngayon, pag-usapan natin ang tungkol kay Job!

 

Sa Araw-araw na Pamumuhay ni Job Nakikita Natin ang Kanyang Pagka-perpekto, Pagkamatuwid, Takot sa Diyos at Paglayo sa Kasamaan

 

Kung tatalakayin natin si Job, dapat magsimula tayo sa pagtatasa sa kanya na galing mismo sa bibig ng Diyos: “Sapagka’t walang gaya niya sa lupa, na perpekto at matuwid na lalaki, na natatakot sa Diyos at umiiwas sa kasamaan.”

Alamin muna natin ang tungkol sa pagka-perpekto at pagkamatuwid ni Job.

 

job story in the bible tagalog

 

 Ano ang inyong pag-unawa ng mga salitang “perpekto” at “matuwid”? Naniniwala ba kayo na si Job ay walang kasiraan, at marangal? Ito, siyempre, ay magiging isang literal na interpretasyon at pag-unawa ng “perpekto” at “matuwid.” Mahalaga sa tunay na pag-unawa kay Job ay ang tunay na buhay—ang mga salita, libro, at teorya lamang ay hindi magbibigay ng anumang sagot. Sisimulan natin sa pamamagitan ng pagtingin sa buhay ni Job sa tahanan, kung ano ang kanyang karaniwang asal sa kanyang buhay. Sasabihin nito sa atin ang tungkol sa kanyang mga prinsipyo at layunin sa buhay, pati na rin ang tungkol sa kanyang personalidad at gawain. Ngayon, basahin natin ang huling mga salita sa Job 1:3: “Ang lalaking ito ay siyang pinakadakila sa lahat na mga anak ng silanganan.” Sinasabi ng mga salitang ito na ang katayuan at reputasyon ni Job ay napakataas, at kahit na hindi sa atin sinasabi kung siya ang pinakadakila sa lahat ng tao sa silangan dahil sa kanyang maraming ari-arian, o dahil siya ay perpekto at matuwid, at natatakot sa Diyos at lumalayo sa kasamaan, sa pangkalahatan, alam natin na ang kanyang katayuan at reputasyon ay napakahalaga. Gaya ng nakatala sa Biblia, ang unang tingin ng mga tao kay Job ay perpekto si Job, na siya ay natatakot sa Diyos at lumalayo sa kasamaan, at siya ay nagtataglay ng malaking kayamanan at kagalang-galang na katayuan. Para sa isang pangkaraniwang tao na nakatira sa ganitong kapaligiran at sa ilalim ng naturang mga kondisyon, ang pagkain ni Job, ang kalidad ng kanyang buhay, at ang iba’t ibang aspeto ng kanyang personal na buhay ay ang mga pagtutuunan ng pansin ng karamihan sa mga tao; kaya kailangan nating ipagpatuloy ang pagbabasa ng banal na kasulatan: “At ang kanyang mga anak ay nagsiyaon at nagsidaos ng kapistahan sa bahay ng bawa’t isa sa kanya-kanyang araw; at sila’y nagsugo, at ipinatawag ang kanilang tatlong kapatid na babae upang magsikain at magsiinom na kasalo nila. At nangyari, nang makaraan ang mga araw ng kanilang pagpipista, na si Job ay nagsugo, at pinapagbanal sila, at maagang bumangon kinaumagahan, at nag-alay ng mga handog na susunugin ayon sa bilang nilang lahat: sapagka’t sinabi ni Job, Marahil ang aking mga anak na lalaki ay nagkasala, at itinakwil ang Diyos sa kanilang mga puso. Ganito palagi ang ginawa ni Job” (Job 1:4-5). Ang siping ito ay nagsasabi sa atin ng dalawang bagay: Ang una ay ang mga anak na lalaki at babae ni Job ay karaniwang nagpipista, kumakain at umiinom; ang pangalawa ay ang madalas na pag-aalay ni Job ng mga handog na susunugin dahil madalas siyang nag-aalala para sa kanila, natatakot na sila ay nagkakasala, na sa kanilang mga puso ay itinakwil nila ang Diyos. Dito ay inilalarawan ang mga buhay ng dalawang magkaibang uri ng tao. Ang una, ang mga anak na lalaki at babae ni Job, na madalas na nagpipista dahil sa kanilang yaman, sila ay namuhay nang marangya, sila ay uminom at kumain hanggang nais nila, tinatamasa ang mataas na kalidad ng buhay na dulot ng materyal na kayamanan. Sa ganitong pamumuhay, hindi maiwasan na madalas silang magkakasala at makakasakit sa Diyos—gayunman hindi nila pinabanal ang kanilang mga sarili o nag-aalay ng mga handog na susunugin bilang bunga nito. Nakikita mo, kung gayon, na ang Diyos ay walang lugar sa kanilang mga puso, na hindi nila inisip ang mga biyaya ng Diyos, at hindi natakot na magkasala sa Diyos, lalong hindi sila natakot na itakwil ang Diyos sa kanilang mga puso. Siyempre, ang ating paksa ay hindi ang mga anak ni Job, kundi ang ginawa ni Job kapag naharap siya sa mga ganitong bagay; ito ang iba pang bagay na inilarawan sa sipi, at kung saan ay kabilang ang araw-araw na buhay ni Job at ang diwa ng kanyang pagkatao. Kapag inilalarawan ng Biblia ang pagpipista ng mga anak na lalaki at babae ni Job, hindi nababanggit si Job; sinasabi lamang na ang kanyang mga anak na lalaki at babae ay madalas na kumain at uminom ng magkakasama. Sa ibang salita, hindi siya nagdaos ng kapistahan, at hindi rin siya sumali sa kanyang mga anak na lalaki at babae sa pagkain ng marangya. Kahit mayaman, at nagtataglay ng maraming ari-arian at mga tagapaglingkod, ang buhay ni Job ay hindi maluho. Siya ay hindi nalinlang ng kanyang mapagmalabis na tinitirahang kapaligiran, at hindi niya inabuso ang mga kasiyahan sa laman o kinalimutan na mag-alay ng mga handog na susunugin dahil sa kanyang kayamanan, lalong hindi ito naging sanhi nang unti-unting paglayo ng kanyang puso sa Diyos. Kung gayon, maliwanag na disiplinado si Job sa kanyang uri ng pamumuhay, at hindi sakim o naghahanap ng kasiyahan, at hindi rin nakatuon ang kanyang pansin sa kalidad ng buhay, bilang bunga ng mga pagpapala sa kanya ng Diyos. Sa halip, siya ay mapagpakumbaba at may mababang-loob, at mapagmasid at maingat sa harap ng Diyos, madalas niyang inisip ang mga biyaya at pagpapala ng Diyos, at patuloy na natatakot sa Diyos. Sa kanyang araw-araw na buhay, madalas na maagang bumangon si Job upang mag-alay ng mga handog na susunugin para sa kanyang mga anak na lalaki at babae. Sa ibang salita, hindi lamang natatakot si Job sa Diyos, ngunit umasa rin siya na ang kanyang mga anak ay gayon din ang magiging takot sa Diyos at hindi magkakasala laban sa Diyos. Walang lugar sa puso ni Job ang materyal na kayamanan, at hindi nito napalitan ang posisyon na hawak ng Diyos; maging para sa kapakanan ng sarili niya o ng kanyang mga anak, ang araw-araw na pagkilos ni Job ay lahat may kinalaman sa pagkatakot sa Diyos at paglayo sa kasamaan. Ang kanyang takot sa Diyos na si Jehova ay hindi tumigil sa kanyang bibig, kundi isinakatuparan, at nasalamin sa bawat bahagi ng kanyang pang-araw-araw na buhay. Ang tunay na asal na ito ni Job ay nagpapakita sa atin na siya ay tapat, at nagtaglay ng diwa na nagmahal sa katarungan at mga bagay na positibo. Na si Job ay madalas na nagsugo at pinapagbanal ang kanyang mga anak na lalaki at babae ay nangangahulugan na hindi niya pinahintulutan o sinang-ayunan ang asal ng kanyang mga anak; sa halip, sa kanyang puso siya ay pagod na sa kanilang pag-uugali, at hinatulan sila. Napagpasyahan niya na ang pag-uugali ng kanyang mga anak na lalaki at babae ay hindi kalugud-lugod sa Diyos na si Jehova, at kaya naman madalas niya silang pinagsabihan na pumunta sa harap ng Diyos na si Jehova at ikumpisal ang kanilang mga kasalanan. Ipinapakita sa atin ng mga kilos ni Job ang isa pang bahagi ng kanyang pagkatao: isa na kung saan ay hindi siya kailanman lumakad kasama ang mga taong madalas na nagkakasala at ginagalit ang Diyos, ngunit sa halip ay nilayuan at iniwasan sila. Kahit na ang mga taong ito ay ang kanyang mga anak na lalaki at babae, hindi niya tinalikuran ang kanyang sariling mga prinsipyo dahil sila ay kanyang sariling kamag-anak, at hindi niya pinagbigyan ang kanilang mga kasalanan dahil sa kanyang sariling mga damdamin. Sa halip, hinimok niya silang magkumpisal at magtamo ng patawad ng Diyos na si Jehova, at nagbabala siya sa kanila na huwag talikdan ang Diyos para sa kapakanan ng kanilang mga sariling sakim na kasiyahan. Ang mga prinsipyo kung paano pinakitunguhan ni Job ang iba ay hindi maihihiwalay mula sa mga prinsipyo ng kanyang takot sa Diyos at paglayo sa kasamaan. Inibig niya yaong tinanggap ng Diyos, at kinapootan yaong inayawan ng Diyos, at inibig niya ang mga taong natatakot sa Diyos sa kanilang mga puso, at kinapootan ang mga gumagawa ng kasamaan o nagkakasala laban sa Diyos. Ang gayong pag-ibig at pagkamuhi ay ipinamalas sa kanyang pang-araw-araw na buhay, at ang tunay na pagkamatuwid ni Job na nakita ng mga mata ng Diyos. Natural, ito rin ang pagpapahayag at pagsasabuhay ng tunay na pagkatao ni Job sa kanyang mga kaugnayan sa iba sa kanyang pang-araw-araw na buhay na dapat nating matutuhan.

 Ang mga Paghahayag ng Pagkatao ni Job sa Kanyang mga Pagsubok (Ang Pag-unawa sa Pagka-perpekto, Pagkamatuwid, Takot sa Diyos at Paglayo sa Kasamaan ni Job sa Panahon ng Kanyang mga Pagsubok)

 Ibinahagi natin sa itaas ang iba’t ibang aspeto ng pagkatao ni Job na ipinakita sa kanyang araw-araw na buhay bago ang kanyang mga pagsubok. Nang walang pag-aalinlangan, ang iba’t ibang paghahayag na ito ay nagbibigay ng isang paunang pagkilala at pag-unawa sa pagkamatuwid ni Job, pagkatakot sa Diyos, at paglayo sa kasamaan, at natural lamang na nagbibigay ng paunang patunay. Ang dahilan kung bakit sinasabi Kong “pauna” ay dahil karamihan sa mga tao ay wala pa ring tunay na pag-unawa sa personalidad ni Job at sa antas na kung paano niya hinahanap ang paraan ng pagsunod at pagkatakot sa Diyos. Na ang ibig sabihin, karamihan sa pag-unawa ng tao kay Job ay hindi lumalampas sa kasiya-siyang impresyon sa kanya galing sa kanyang mga salita sa Biblia na “Si Jehova ang nagbigay, at si Jehova ang babawi; purihin ang pangalan ni Jehova” at “tatanggap ba tayo ng mabuti sa kamay ng Diyos, at hindi tayo tatanggap ng masama?” Kaya, mayroong malaking pangangailangan para sa atin na maintindihan kung paano isinabuhay ni Job ang kanyang pagkatao nang tanggapin niya ang mga pagsubok ng Diyos; sa ganitong paraan, makikita ng lahat ang tunay na pagkatao ni Job sa kabuuan nito.

Nang marinig ni Job na ang kanyang mga ari-arian ay ninakaw, na ang kanyang mga anak na lalaki at babae ay binawian ng buhay, at ang kanyang mga tagapaglingkod ay pinatay, ganito ang kanyang naging tugon: “Nang magkagayo’y bumangon si Job, at pinunit ang kanyang balabal, at inahitan ang kanyang ulo, at nagpatirapa sa lupa at sumamba” (Job 1:20). Ang mga salitang ito ay nagsasabi sa atin ng isang katotohanan: Pagkatapos marinig ang balitang ito, si Job ay hindi nasindak, hindi siya umiyak, o sinisi ang mga tagapaglingkod na nagdala sa kanya ng balita, lalong hindi niya siniyasat ang pinangyarihan ng krimen upang suriin at patunayan ang mga bakit at paano at alamin kung ano ba talaga ang nangyari. Hindi siya nagpakita ng anumang sakit o kalungkutan sa pagkawala ng kanyang mga ari-arian, at hindi rin siya umiyak nang husto dahil sa pagkawala ng kanyang mga anak, ng kanyang mga mahal sa buhay. Sa kabaliktaran, pinunit niya ang kanyang balabal, at inahitan ang kanyang ulo, at nagpatirapa sa lupa, at sumamba. Ang mga kilos ni Job ay hindi kagaya ng kilos ng pangkaraniwang tao. Nililito nila ang maraming tao, at pinangaralan nila si Job dahil sa kanyang “kalamigan” sa kanilang mga puso. Sa biglaang pagkawala ng kanilang mga ari-arian, madudurog ang puso ng mga karaniwang tao, o mawawalan ng pag-asa—o, sa kaso ng ilang tao, sila ay maaaring dumanas ng malubhang depresyon. Iyon ay dahil, sa kanilang mga puso, ang mga ari-arian ng mga tao ay kumakatawan sa isang habambuhay na pagsisikap, kung saan nakasalalay ang kanilang kaligtasan, ito ang pag-asa kung bakit sila nananatiling buhay; ang pagkawala ng kanilang ari-arian ay nangangahulugan na ang kanilang mga pagsisikap ay nauwi sa wala, na wala na silang pag-asa, at wala na rin silang kinabukasan. Ganito ang saloobin ng karaniwang tao sa kanilang ari-arian at ang kanilang malapit na kaugnayan sa mga ito, at ito rin ang kahalagahan ng ari-arian sa mga mata ng tao. Dahil dito, higit na nakakarami sa mga tao ay nalito sa mahinahong tugon ni Job sa pagkawala ng[a] kanyang ari-arian. Ngayon, aalisin natin ang pagkalito ng lahat ng taong ito sa pamamagitan ng pagpapaliwanag kung ano ang nangyayari sa loob ng puso ni Job.

Idinidikta ng praktikal na katinuan, na dahil nabigyan ng maraming ari-arian ng Diyos, si Job ay dapat mahiya sa harap ng Diyos dahil sa pagkawala ng mga ari-ariang ito, dahil hindi niya binantayan o inalagaan ang mga ito, hindi niya pinanghawakan ang mga ari-ariang ibinigay sa kanya ng Diyos. Kaya, nang marinig niya na ang kanyang ari-arian ay ninakaw, ang kanyang unang dapat na ginawa ay ang pumunta sa pinangyarihan ng krimen at kumuha ng imbentaryo ng lahat ng bagay na nawala[b] at pagkatapos ay magkumpisal sa Diyos upang maaaring muling makatanggap ng mga pagpapala ng Diyos. Si Job, gayunman, ay hindi ginawa ito—at siya ay likas na may sariling mga dahilan kung bakit hindi niya ito ginawa. Sa kanyang puso, si Job ay tunay na naniniwala na ang lahat ng pag-aari niya ay ibinigay sa kanya ng Diyos, at hindi nanggaling sa sarili niyang paghihirap. Kaya, hindi niya nakita ang mga biyayang ito bilang isang bagay na dapat bigyan ng pansin, ngunit kumuha lang ng kanyang kailangan para mabuhay ng payak alinsunod sa kanyang mga prinsipyo sa pamumuhay. Itinatangi niya ang mga biyaya ng Diyos, at nagpasalamat para sa mga ito, ngunit hindi niya inibig, at hindi siya humingi ng karagdagang pagpapala. Ganito ang kanyang saloobin tungkol sa ari-arian. Wala rin siyang ginawa upang makatanggap pa ng mga pagpapala, o nag-alala o nagluksa sa kakulangan o kawalan ng mga pagpapapala ng Diyos; hindi siya naging mabangis at hibang sa kasiyahan dahil sa mga biyaya ng Diyos, hindi niya binalewala ang paraan ng Diyos o nakalimutan ang pagpapala ng Diyos dahil sa mga biyaya na madalas niyang tinatamasa. Ang saloobin ni Job sa kanyang ari-arian ay nagpapakita sa mga tao ng kanyang tunay na pagkatao: Una, si Job ay hindi isang sakim na tao, at hindi mapaghingi ng materyal na bagay sa kanyang buhay. Pangalawa, si Job ay hindi kailanman nag-aalala o natatakot na kukunin ng Diyos ang lahat ng mayroon siya, ganito ang kanyang saloobin sa pagsunod sa Diyos sa kanyang puso; iyon ay, wala siyang mga hinihingi o reklamo tungkol sa kung kailan o kung ano ang kukunin ng Diyos sa kanya, at hindi nagtanong ng dahilan kung bakit, kundi naghangad lang na sumunod sa mga pag-aayos ng Diyos. Ikatlo, siya ay hindi kailanman naniwala na ang kanyang mga ari-arian ay galing sa sarili niyang paghihirap, kundi ibinigay ang mga ito sa kanya ng Diyos. Ganito ang pananampalataya ni Job sa Diyos, at ito ay isang pahiwatig ng kanyang matibay na paniniwala. Nilinaw ba ng tatlong buod na ito ang pagkatao ni Job at ang kanyang tunay na gawain sa araw-araw? Ang pagkatao at gawain ni Job ay mahalaga sa kanyang mahinahong asal nang maharap sa pagkawala ng kanyang ari-arian. Iyon ay tiyak na dahil sa kanyang araw-araw na gawain kaya si Job ay may tayog at matibay na paniniwala na sabihing, “Si Jehova ang nagbigay, at si Jehova ang babawi; purihin ang pangalan ni Jehova,” sa panahon ng mga pagsubok ng Diyos. Ang mga salitang ito ay hindi nakamit ng magdamag, at hindi rin basta lumabas ang mga ito sa ulo ni Job. Ang mga ito ay kung ano ang kanyang nakita at natutuhan sa maraming taon ng kanyang karanasan sa buhay. Kung ihahambing sa lahat ng taong humihingi lang ng mga pagpapala ng Diyos, at natatakot sa kukunin sa kanila ng Diyos, at napopoot at nagrereklamo tungkol dito, ang pagsunod ba ni Job ay hindi makatotohanan? Kung ihahambing sa lahat ng taong naniniwala na may Diyos, ngunit hindi kailanman naniwala na ang Diyos ang namamahala sa lahat ng bagay, hindi ba nagtataglay si Job ng dakilang katapatan at pagkamatuwid?

—mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Mga Talababa:

a. Wala sa orihinal na teksto ang pariralang “ang pagkawala ng.”

b. Wala sa orihinal na teksto ang pariralang “na ay nawala.”

 

Malaman ang higit pa : Ano ang pananampalataya

Write a comment

Comments: 0